Chereads / Midnight Memories / Chapter 3 - II

Chapter 3 - II

"Alam mo baka antok lang yan." sabi ni mama habang nagtutupi ng mga damit. Siguro nga. Baka pagod lang ako.

Hinugasan ko na ang pinagkainan ko at bumalik ako sa kwarto ko.

"Mahal na prinsesa, dumating na siya." sabi ng isang kawal sa akin. Dali dali akong bumaba ng hagdanan para salubungin siya.

"Mabuti naman at dumating ka na!" sambit ko.

Bigla akong nagising dahil sa pag-ring ng cellphone ko, alarm pala. Panaginip pala yun? Bakit isa akong prinsesa sa panaginip ko? Tsaka sino yung inaabangan ko? Di ko nakita yung mukha niya.

Binuksan ko ang tv ko sa kwarto para malibang ako kahit papaano.

"Can i still love you?"

nagulat ako sa dialogue na sinabi ng lalaki.

"Bakit mo mamahalin ulit yung taong iniwan mo?" sagot ng babaeng kausap niya.

"Hindi lahat ng umaalis, masaya."

"Sana hindi ka na lang bumalik."

Bakit kaya natin pinupwersang umalis yung taong gusto nating manatili? Hindi ba't parang pinapahirapan natin yung sarili natin sa sitwasyong yun? Umalis siya. Naghintay ka. Bumalik siya. Tapos papaalisin mo siya? Hindi ko maintindihan bakit ganon!

"Sasakit nanaman ulo ko nito kakaisip." nasabi ko sa aking sarili kaya pinatay ko na ang tv namin. Sabagay, hindi ko naman kasi alam kung ano ang dahilan nung lalaki para umalis siya. Ewan ko. Pati ba naman yun poproblemahin ko pa?!?!

Napatingin ako sa orasan, 2 am na rin pala. Bilis ng oras. Lumabas ako ng bahay namin para tumambay sa malapit na convenience store. Nagutom ulit ako e. Bumili ako ng cup noodles, tubig, tinapay, at mga chichirya. Tulog na rin kasi si mama kaya di ko na siya inaya lumabas ng bahay. Buti nga di na umuulan.

Wala masyadong tao sa store kaya mas masarap sa pakiramdam kasi malamig. Tapos ang ganda pa ng mga tugtugan dito. Napabuntong hininga ako.

Napatingin ako sa may pintuan ng store ng biglang tumunog ang bell.

Nakita ko ulit siya.

At muli,

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito.

Baka sadyang marupok lang talaga ako.