angelie's
"Papansin ka talaga." malamig kong sabi kay Suji.
" para sayo rin naman yon. Mukha namang type ka nung lalaki." she said while eating siomai. Binuhos ko sa kanya ang toyo mula sa cup. Epal ka talaga kahit kailan.
"Bakit ba! Okay naman yung naging resulta ah!" she said while wiping her blouse.
"Sa susunod wag ka nang mangielam. It is my life anyway." sabi ko sabay kuha ng siomai niya.
" Pakiramdam mo strong ka na niyan? Disgrasya na ang lumalapit sayo. Yakapin mo na lang ang nakatadhana sayo."
"so sinadya mo talagang sabihin na ako ang nagbigay nun? para mapahamak ako ganon ba?" i asked.
"Tsaka hindi ba magagalit boyfriend mo na binigyan mo ko ng ganon? Alam mo bilang isang lalaki nakakapikon yon!" biglang nagbago ang ihip ng hangin. Something's wrong here.
"Friends?"
"Nakinig ka ba sa usapan namin kanina?" i asked.
"Gusto mo ba more than friends?"
"Shut up!" i shouted. Mababaliw ata ako kapag kasama ko si Suji.
"ginawa ko lang ang trabaho ko." she said while patting my back. She left me. Naguguluhan ako. I like him. But it seems like problema ang bibigay niya sakin.
Biglang nagpasukan ang mga kaklase ko, magsisimula na daw ang panglimang subject.
Cedric's
"Hoy!" bigla akong naantala nang biglang may sumigaw sa tabi ko.
"Pinoy ako!" dagdag pa niya. Siniko ko siya.
"Ano ba ano ba! Nakakatusok yang siko mo!" sabi niya sabay arte na parang nagkasugat yung braso niya.
"Oo nga. Kasingtulis ng baba mo!" sigaw ko sabay tungo.
"Pare naman tigilan mo na yang kakaisip sa babaeng yan" sabi ni James.
"Isipin mo na lang kung paano ka makakahabol sa lesson--
"Nakahabol na ko." sabi ko sabay ngisi.
"Edi ikaw na matalino! Badtrip naman oh ako nauna pumasok sayo pero di ako makahabol. Pakopya ng assignment!" sabi ni james. Hinagis ko sa kanya yung bag ko. Lumabas muna ako ng room para magpahangin tsaka syempre para tumingin din sa room nila. Teka, si Angelie ito ah. Lalapit na sana ako kaso nakita kong binuhusan niya ng toyo yung isang babae.
Mukhang mali pala ang pagkakakilala ko sa kanya.