Chereads / Midnight Memories / Chapter 6 - V

Chapter 6 - V

Monday

"Theresa? Tricia? Tania? Toni? Sino ba yang T na yan!" tanong sa akin ng kaibigan ko, si James. Bago lang ako sa school na ito matapos kong magpasa ng paperworks last Friday. Nagulat kami kasi may nag-iwan ng chocolate at isang sticky note sa desk ko.

"Malay ko. Wala naman akong kilalang babae na T ang pangalan." sabi ko sabay lapag ng bag ko sa upuan ko.

"Naks naman! bago ka pa lang dito pero may nagiiwan na sayo ng mga chocolate HAHAHA" pang aasar ni James.

"Teka nga. Baka mamaya may girlfriend ka na di mo lang sinasabi sakin." dagdag pa niya.

"Teka nga." sabi niya. Pinagmasdan niyang mabuti ito.

"Parang kilala ko kung kaninong penmanship ito." sabi niya. Hinatak niya ang kamay ko sabay punta sa section A. Kumatok siya. Napatigil ang lahat sa pag-uusap.

"Excuse me po. May tatanong lang?" sabi ni James. Napatingin ako sa upuan ni Angelie, wala pa siya?

"Kanino pong pangalan yung mayroong T?" tanong ni James.

"Walang may pangalang nagsisimula sa T dito." sabi nung isang babae. "Ah sige salamat po." sabi ni James

Bigla akong nagulat nang makita ko si Angelie sa tabi ko.

Tinitigan niya ako pero umiwas din siya ng tingin.

"Boy tara na, baka sa kabilang section yun" sabi niya.

Paalis na sana kami ni James nang..

"Meron pala!" pahabol nung babae. Napalingon kami.

"Si Angelie. Tuazon Apelyido niya." sabi nung babae.

Napatingin ako kay Angelie. Siya ba talaga yun? Bakit naman niya gagawin yun?

"Sabi ko sayo boi eh! Parang nakita ko yang penmanship na yan mula sa class Aasffgsjak"

hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni James. Napatingin lang ako kay Angelie. Why do i feel like she is someone from my future? Bakit ba nanlalamig ang kamay ko at parang siya lang ang nakikita ko?

Lumapit siya sa akin. Bakit ba ayaw kumalma ng puso ko?

"Hindi ako ang nagbigay niyan." tugon niya. Biglang nagsigawan ng "oooooh" ang mga kaklase niya.

"Wait." sambit nung isang babae.

"Ano ba kailangan niyo?" dagdag pa niya.

"Ah wal--" hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"May nag-iwan kasi ng chocolate sa desk ng tropa ko, gusto lang namin makilala kung sino yun. Nagsisimula sa letter T yung pen name niya." paliwanag ni James.

"Can i see it? Gusto ko lang tignan yung penmanship." dagdag pa nung babae.

"Bakit ba interesadong interesado ka? Big deal?" tanong ng isa niyang kaklase.

"I just want to help." she said. Lumapit siya para tignan ang sticky note. Bigla siyang napangisi.

"Kay Tuazon yang sulat na yan." sabi niya sabay balik sa upuan niya. May nilabas siya mula sa bag niya.

"Proof." she said while giving me a lot of index.

Napatingin ako at si Angelie nga. Bakit naman niya gagawin yun?

"Guess what, inlove na ang baby namin!" sigaw nung babae. Nagdiwang ang buo nilang klase. Pati si James nakigulo. Napatingin ako kay Angelie. Namumula ang pisngi niya. Diba may boyfriend na siya? Eh bakit? Hays ang gulo!

"Balik na tayo sa room." sabi ko kay James. Bigla niya akong inakbayan habang papabalik sa room.

"Binata ka nang bata ka! Tuwang tuwa ako para sa iyo!' sigaw niya habang kinikiskis ang siko niya sa ulo ko. Siraulo talaga ito.

"Di naman ata siya yun. Bat naman niya ko bibigyan eh hindi niy--"

"Pwede ba tayong mag-usap?" natigilan kami sa paglalakad nang biglang may magsalita sa likuran namin, si Angelie pala. Tinapik ni James ang likod ko at umalis na siya.

"Para saan yun?" tanong ko.

"Tsaka hindi ba magagalit boyfriend mo na binigyan mo ko ng ganon? Alam mo bilang isang lalaki nakakapikon yon!" sabi ko.

"Sorry di ko sinabing kilala kita sa harap ng kuya ko. Tsaka anong sinasabi mong boyfriend? Wala akong boyfriend." pagpapaliwanag niya. Napangiti ako. Mabuti naman.

"Friends?" tanong ko. Nilahad ko ang kamay ko. Tila hindi niya ata naintindihan ang sinabi ko.

"Gusto mo ba more than friends?" tanong ko. Napangisi siya. Hala! Ang cute niyang ngumiti.

"Both? hahaha" sagot niya. Pakiramdam ko maiihi ako sa kilig. Ang lambot ng kamay niya, Siguro wala itong ginagawa sa bahay nila.