Pamilyar talaga ang mukha niya sa paningin ko. Hindi ko nga lang matandaan kung saan at kailan ko ito nakita.
Nilagyan ko na ng mainit na tubig ang cup noodles ko at umupo muli sa aking upuan.
"Angelie, tama ba?" nagulat ako nang marinig ko ang kanyang boses. Paano niya nalaman ang pangalan ko?
"oo." maikling sagot ko.
"Iniisip mo ba ako?" tanong niya sa akin. Ha? anong ibig sabihin nito?
"Bat naman kita iisipin eh kakakilala lang natin?" tanong ko.
"Sabagay." sambit niya sabay talikod. Bat kaya niya nasabi yun? Napanaginipan kaya niya ko? Diba ganon yun?
Umuwi na ako ng bahay namin matapos kong maubos ang cup noodles ko. Alas kwatro na rim siguro yun? Bumalik ako ulit sa kwarto para matulog kaso nakita ko yung libro ko sa English. Nag advance reading muna ako atsaka natulog.
Nagising ako bigla sa katok na narinig ko.
"Bukas po yan" sabi ko sabay tingin sa orasan, 9:30 am na? parang umidlip lang ako saglit ah.
"Bunso binilhan kita ng flower crown! Bagay to sayo!" sabi ng kapatid ko na kasalukuyang sinusukat sa ulo ko ang isang flower crown.
Medyo bangag pa ko kaya...
"Anong papagawa mo?" tanong ko. Kilala ko itong kapatid ko eh. Basta kapag may binigay yan, may papagawa yan.
"Samahan mo lang ako manuod ng movie wala kong kasama eh" sabi niya.
"Bat di mo yayain girlpren mo?" tanong ko. Bigla siyang ngumiti at tumingin sa ibaba.
"Break na kami, bunso." muli siyang tumingin sa akin habang nakangiti. Nakikita ko yung lungkot sa mga mata niya.
"ah sorry kuya." bigla akong natahimik. hays. Bakit ba di ako nagiingat sa mga sinasabi ko? Naligo na ako at nagbihis para masamahan ko na ang heartbroken kong kuya.
"Tara na." sabi ko sabay hatak kay kuya.
"Ma laboy lang kami ni bunso gusto mo sumama?" tanong ni kuya kay mama.
"Doon muna ako sa kapitbahay natin, bilhan niyo na lang ako ng ensaymada" sabi ni mama habang nagwawalis.
Humalik kami sa pisngi ni mama at lumabas na ng bahay. Nagsimula na kaming maglakad.
"Wag mong hayaang maloko ka bunso." kalmadong sabi ng kapatid ko. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa langit habang naglalakad. Pinipigilan niyang tumulo ang mga luha niya.
"Iiyak mo na yan." tugon ko. Hindi pa umiyak sa harapan ko si kuya at ayaw ko rin siyang makitang umiiyak pero alam ko namang mas masakit kapag pinipigilan.
"Saan ba ko nagkamali?" tanong ni kuya habang nakatingin pa rin sa langit. Unti unti kong nakita ang pagbagsak ng mga luha mula sa kanyang mga mata.
"Hindi ka naman nagkamali. Siya lang yung mali." pinipilit kong hindi maapektuhan sa nakikita ko kay kuya pero di ko maiwasang malungkot. Alam ko naman na malalagpasan niya ito pero nagaalala lang ako. Gustung gusto niya kasi yung babaeng yun.
"I am sorry, i tried."
Rinig ko ang hagulgol ng mga tao sa sinehan. Napatingin ako kay kuya, and guess what, namamaga na yung mata niya kakaiyak. Kahit madilim, kitang kita ko yung pamumuo ng mga luha niya. Alam ko naman na umiiyak siya hindi dahil sa palabas kundi dahil sa taong nanakit sa kanya. Nakikita ko na kung bakit ayaw muna mainlove ng ibang tao, they are afraid to risk. Takot silang maiwan. Takot sila na masaktan. Takot sila na maiwang luhaan.
Kumuha ako ng panyo sa bag at binigay ko ito kay kuya habang nakatingin ako sa malaking screen. Bigla niya kong niyakap.
"Bun--- *sob* so *sob* sobr-- sobrang sakit." sabi niya habang humihikbi. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya niyakap ko na lang din siya. He needs someone right now. At bilang kapatid niya, alam kong kailangan niya ko.
Natapos na rin ang movie at naglakad na kami papalabas. Nakatingin lang siya sa baba habang naglalakad kami. Kumuha ako ng mask sa bag at binigay ito sa kanya. Alam ko kasi na ayaw niyang pinapakita sa ibang tao na umiiyak siya. Binigyan ko rin siya ng salamin para di makita ang namamaga niyang mata.
Sinuot niya ang mga ito at nagpatuloy kami sa paglalakad. Napabuntong hininga ako.
"Gusto ko kumain. Tara pizza tayo. Libre ko" sabi ko. Kahit labag sa kalooban ko yung panlilibre, gagawin ko ito para sa kapatid ko.
"Magkanin muna tayo dun sa may restaurant. May pizza na rin don. May ice cream din. Balita ko may fries din sila kaya ako na manlilibre. Ako naman nagyaya sayo dito." masiglang tugon niya. Ewan ko ba kung bat nasasaktan ang tulad ni kuya. Matalino, mabait, matangkad, moreno, di nga lang marunong pumorma. Pero kahit di siya marunong pumorma, gwapo kaya siya! Malamang kapatid ko to eh! Magkamukha kaya kami.
Nakarating na kami sa restaurant at umupo na kami. Tumingin na kami ng oorderin namin, at nagtaas na ng kamay yung kapatid ko.
"May i take your order?" nagulat ako nang biglang may nagsalita. Napatingin ako sa kanya,
"Oh, Angelie?" sambit niya.