Chereads / Midnight Memories / Chapter 5 - IV

Chapter 5 - IV

Cedric's POV

Papunta na ko sa kasal ng pinsan ko kaso bigla akong dinatnan ng gutom. Since mall naman yung pinakamalapit dito sa amin, dun na lang ako pupunta. Napadaan ako sa isang restaurant at napagdesisyunang doon na lang kumain. Uupo na sana ako kaso,

"Kuya, pasuyo naman dun sa bagong dating! pakuha ng order nila." sabi sa akin nung babae. Napatingin ako sa uniform niya at, kapareho nito ang kulay ng damit ko. Pati rin yung mga lalaki, kapareho ko. Ah, akala niya ata empleyado rin ako aish.

"pe--per--"

"Kuya sige na!" muling sambit nito. Teka bat parang siya pa galit? Ako na nga tong napagkamalan eh.

Dumiretso na ako sa isang table para kunin ang order nito.

"May i take your order?" sambit ko. Biglang napatingin ako doon sa babaeng kasama nung lalaki. Teka,

"Oh, Angelie?" sambit ko. Tila nagulat rin siya. Napatingin yung kasama niyang lalaki sa akin, mukhang kaedad lang din niya yun. Boyfriend niya? Hmmm.

"Kilala mo?" tanong nung lalaki.

"Hindi." sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Ano? porket kasama mo lang ang boyfriend mo? Tss. Pero sabagay, para siguro sa kanya, wala lang ako.

Kinuha ko na ang order at pumunta na ko sa counter para sabihin yung order nila.

Dali dali na akong umalis sa restaurant na yun at pumunta na lamang sa isang kainan sa may foodcourt. Nagugutom na talaga ako eh. Hindi na talaga ako pupunta dun. Nakakainis!

Angelie's POV

Nandito ako sa labas ng isang bakery. Hinihintay ko si kuya kasi bumibili siya ng ensaymada para kay mama at mga tinapay na kakainin namin mamaya kasi magmomovie marathon kami ulit. Buti na lang may upuan at table sa labas nito tsaka buti mahangin kaya di nakakahaggard.

Ano ba kasing ginawa ko! Oo naman kasi talaga ang aking sasabihin pero bat hindi yung lumabas sa bibig ko? Hay nako Angelie! Baka isipin nun ang sama ko.

"Tara na." sabi ni kuya habang may mga bitbit na tinapay.

Cedric's

Timecheck; 11:58 pm

nasa labas ako ng bahay namin. Nakatingin sa mga bituin. Kahit puro mga establishments yung malalapit sa amin, hindi talaga maikakaila na maganda talaga yung view dito.

.

Napatingin ako sa i.d na hawak ko.

"Angelie Marie Tuazon, Future Lawyer"

Mukha siyang matalino. Malamang nagtataka yun kung paano ko nalaman pangalan niya. At kung bakit ko tinanong kung naiisip niya ba ko. Akala ko kasi alam niya na nawawala i.d niya, siguro di pa niya napapansin.

Bigla akong nakaramdam ng antok kaya humiga ako sa sofa.

Sunday

Nagising ako dahil sa iyak ng isang babae.

"Ayoko na! Pagod na pagod na ako! Tama na ang sakit na!" sambit nito. Nilapitan ko siya para kausapin kaso bigla siyang nagwala at umalis sa kinauupuan niya. Ang ganda ng bahay na ito. Teka? di naman namin bahay ito! Tumayo ang aking mga balahibo nang makarinig ako ng mga mabibigat na yapak. Nagtago sa may cabinet. Makikita ko na sana ang kanyang mukha kaso..

Bigla akong nagising sa kidlat. Napansin ko ang pagtagaktak ng aking mga pawis. Pinunasan ko ito. Kinuha ko ang journal ko at ballpen. Pinilit kong alalahanin ang mga kaganapan kaso di ko maalala. Bakit ganito! Hindi ko maalala! Napahawak ako sa ulo ko.

Pero isang pangalan lang aking natandaan,

Troy.