(Back to reality)
It's been a year now...
the wounds are still fresh...
and the pain is unbearable...
Nakasakay na ako sa FastCat ferry nang makareceive ako ng text. "Alam na nila Mama. Susunduin ka namin sa pier. Don't worry ate. Makikinig kami." text ni Mica.
I still remember those words that slowly kills me.
"You're fired, Miss Sanchez! I didn't know you were so easy. Ang mga katulad mong babae ay di nararapat sa islang ito."
"Give me some time to fix things right." Pero di nya inayos.
Umiiyak na naman ako. Kailan ba ko titigil sa pag-iyak?
Kahapon lang sa labas ako ng staff house natulog. They kicked me out. Umuulan na nga di sila naawa sakin kaya kahit masama ang pakiramdam ko pinilit kong humanap ng masasakyan papuntang pier at dun nalang ako natulog.
"I'm sorry, Arri. Utos kasi ng Gen. Manager kaya wala kaming magawa. They threatened us na pag tinulungan ka namin sesesantihin nila kami. Wala kaming magawa. 😭" text sakin ni Chona.
No one's with me now. Except one. I need to be strong. Kailangan kong bumangon muli. Pero paano?
Hindi ko alam kung paano ako makakauwi sa amin. Paano ko sasabihin sa tatang at inang ko nangyari sa akin. Matanda na sila, ayokong bigyan pa sila ng problema sa buhay.
"It's okay, Arri. It wasn't your fault after all." pakikiramay sa akin ni Mica.
"I agree. Humanap ka nalang ng ibang trabaho. Marami pa naman dyan." suggest ni tita sa akin habang nakasakay kami ng kotse pauwi ng bahay nila sa Las Piñas.
I told them everything. Pati na din sa aksidenteng kinasangkutan ko.
"You're home now. Stop crying. They're not worth your tears."
"Oo nga ate. We will help you. And one thing, consider what happened to you as a blessing, okay?"
All I can do is to wipe away my tears. I feel relieved kasi nakinig sila at inintindi nilang mabuti ang nangyari sa akin. At di ko din alam kung san ako nakakuha ng lakas ng loob para magkwento sa kanila ng lahat lahat. I never told anyone about what happened that night. Kasi alam kong wala din naman magagawa. Ayoko din idamay ang kahit sinong tao sa staff house. Kaya nga hindi nalang ako kumikibo at hinayaan kong husgahan nila ako para di na sila madamay pa.