Chereads / One Summer Night / Chapter 6 - Strangers 3

Chapter 6 - Strangers 3

"Ehem!" Kinalabit ako ni Myra (cashier sa restaurant). Sya ang nagbukas ng pinto. Nagulat pa ako nang makita ko silang lahat na nakasilip sa bintana. Bigla akong namula dahil makahulugan ang tingin nila sa akin. Nakakaloko pa ang ngiti nila kaya naman for sure di nila ako titigilan. "Lagot ako nito" sabi ko sa isip ko.

"Hi, Sir?" Tanong nito kay Finn.

"H-hi!" napakamot sa ulo si Finn. "I'm Finn. I just accompanied her-" Pawisan ito habang nagsasalita.

"No worries, Sir Finn." Nakangiti si Myra. Tumatawa naman ang iba ko pang kasamahan dahil parang kinakabahan si Finn sa way ng pagsasalita nito.

"Finn, thank you for today." Tumango lang sya sa akin.

I felt like I'm in a cloud nine. Is he courting me? Or we're just friends.

"I'm going now."

Nasa loob na kami ng bahay at hindi talaga ako tinigilan ng mga kasama ko hanggang hindi ako nagkukwento.

"You're such a lucky lady. He's so handsome and rich-looking guy. Do you know his room number?" Sabi ni Tita Weng habang nagtitimpla ng juice.

"He said he's a friend of Ma'am Sandra."

"But I didn't see him before." Nagtatakang saad ni Hillary. Kumuha ito ng toast at cheese ibabaw ng ref at dinala sa lamesa.

"Yeah. Me too."

Nagtataka din sila dahil napaka-mysterious nito. Bumuntong-hininga ako dahil the more I think of it, the more na nasasaktan ako. I knew nothing about him. It makes me wonder kung Finn nga ba talaga ang tunay nyang pangalan. At kung ano ang motibo nya.

"Guys, Kahapon lang kami nagkakilala. Gusto nyo alam ko agad lahat sa kanya?"

"Well, kung ako yung nakasama nya wala pang isang araw narating ko na ang langit." pang-aasar ni Myra. Lahat naman kami ay natawa sa sinabi nya. Liberated kasi ito. At noon pa man ay gusto na nitong makapangasawa ng mayaman. Para sa kanya, yun lang ang tanging paraan para makaahon sa kahirapan at makuha ang lahat ng gusto nya.

"You're so impossible." Irap ko sa kanya.

"Kain nalang tayo at baka ma-late na naman ang isa dyan masermonan na naman ni Ma'am Farrah!"pagpaparinig ni Chona. Nakangiti ito at alam ko naman na intentional yung sinabi nya para naman magmadali ako sa pagkilos. Nakatitig lang kasi ako sa bulaklak na isinalin ko kanina sa flower vase. Ipinatong ko ito sa lamesa sa salas na nakakonekta sa kusina.

"So, ano ang iluluto kong ulam ngayon na maibabaon natin sa restaurant?" tanong ni Tita Weng. Chef sya sa restaurant at sya lang din ang inaasahan namin na magluto.

"Sinigang? Malamig kasi ang panahon kahit summer." Suggest ni Hillary habang nag-islice ng cheese.

" Yeah, me too. Gusto ko din yun. Namimiss ko na yung sinigang niyo, tita Weng." Sang-ayon ni Tintin (Waitress).

"Sige. Yun ang lulutuin ko ngayon. Mas madali pa yun dahil di ko na kailangan humarap ng todo sa init.

Nag-slice ako ng ilang apples at inilagay ko sa lamesa para makain din namin.