"I love you. Pero wag mo sanang isipin na nagtake advantage ako sayo. I want to court you at willing ako maghintay." pag amin ni Max sa akin. Nandito kami sa bench sa labas ng restaurant upang magpahangin. Breaktime namin at katatapos lang kumain kaya dito namin naisipan na magkape at tumambay muna.
Sya ang kasamahan ko sa trabaho at isa sa mga kaibigan ko. Pareho kami ng barangay sa Las Piñas at nagkakilala sa Mall na pinagtatrabahuhan. Kung tutuusin, isa din sya sa dahilan kung bakit nagtatagal ako dito. Dahil alam kong may kaibigan at kakilala sila Mama na katrabaho ko. Kapag hindi nila ako matawagan ay siya ang unang tinatawagan nila Mama.
Hindi ako makasagot sa pag-amin nya sa akin. Kung tutuusin ay gwapo ito at masipag magtrabaho. Isa sya sa candidate para sa job promotion. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Cruah ko sya dati pero bakit parang nailang ako bigla sa sinabi nya. Kinapa ko ang sarili ko kung may nararamdaman pa ba ako sa kanya.
"Naiintindihan ko kung hindi ka man makasagot ngayon. Handa akong ipakita at iparamdam sayo na handa akong maghintay. Tumayo nalang ito at kinuha ang aming mga tasa para ilagay sa kusina.
Noong napag-isa ako ay saka ako nakahinga ng maluwag. Paano ko sa kanya sasabihin na hindi na tulad ng dati ang nararamdaman ko para sa kanya. Mukha ni Finn ang nakikita ko kapag pinipikit ko ang mga mata ko. Mukhang sya na talaga ang pumalit kay Max sa puso ko. At sa palagay ko ay higit pa sa crush ang nararamdam ko para dito.
Two weeks na kaming nagkikita ni Finn. Naging friends kami simula nung incident na yun. Dinadalhan nya ako minsan ng prutas pero never syang nagpakita sa restaurant at hotel lobby. As if iniiwasan nyang magpunta dito. Ayoko din naman magtanong sa kanya dahil kung may masama man itong gagawin ay dapat noon pa nya ginawa. Saka never sya nagtanong sa akin regarding sa trabaho ko.