"Bakit tulala ka?" tanong ni Finn sa akin.
Nakaupo ako sa buhangin sa dalampasigan. Tumabi sya sa akin saka isinuot sa akin ang jacket nya. Sweet gesture nya at ang lakas ng impact sa akin.
Naalala ko na naman yung pag-amin sa akin ni Max. Hanggang ngayon bothered pa din ako sa kanya dahil kahapon lang yun nangyari at sobrang pag-aasikaso ang ginagawa sakin nung tao.
"Pano ko ba ito ikukwento sa'yo." ayoko din magshare ng mga ganitong bagay. Nahihiya ako.
"May nanliligaw sayo sa trabaho." sabi nito. Nagulat ako sa pagsabi nya. Napatingin ako sa kanya pero nakatingin naman sya sa dagat.
"Do you like him? That guy na umamin sayo. He's handsome too. Pero mas gwapo ako." nakangiti syang tumingin sa akin.
Natawa ako sa huli nyang sinabi. Pero nagulat ako sa ginawa nya.
Niyakap nya ako. Mahigpit at mainit na yakap. "Ayoko na mapunta ka sa iba." Hindi ko alam kung yun nga ba ang sinabi nya dahil mahina lang yun. Guni-guni ko lang ba? Naghahallucinate lang ba ako? Hindi ko alam kung totoo ba yung narinig ko.
Then he kissed me. Passionately. Naguguluhan ako sa mga nangyayari pero mas nagugulat ako sa actions ko. I'm kissing him too. And I like what he's doing to me. He's touching me.We're doing things like we're a couple.
"I love you." Did I heard it right?
Between those kisses, sinabi nya yun. Totoo ba to? Nananaginip lang ba ako? Totoo bang mahal nya ako?
Umuwi ako ng bahay na tulala. Gusot ang damit. Hinatid nya ako and we shared one more passionate kiss bago ako pumasok sa staff house. Is it official? Are we dating? Gusto kong itanong yun sa kanya. Mas lalo nya akong binigyan ng sakit ng ulo. Pero isang bagay ang narealize ko. Mahal ko sya. Mahal ko si Finn. At hindi ko alam kung hanggang saan ang patutunguhan nito. But I'm willing to take the risk. Alam ko at nararamdaman ko na totoo yung pinapakita nya sa akin. Handa akong isugal lahat para sa kanya.
Malaki ang pasalamat ko dahil walang gising nung time na umuwi ako. Ayoko muna magkwento at ayoko muna masira ng mga tanong nila ang isa sa pinakamasayang gabi ng buhay ko.
Hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang mga labi nya. Ang init ng mga yakap nya. Ang sarap ng pagmamahalan na pinagsaluhan namin.
"Good night. I want to sleep next to you. But I want to make you officially mine first. I want to court you." -Finn
Napasinghap ako sa nabasa ko. He want to court me too. Pero napangiwi ako dahil bago pa man sya manligaw ay nakapag-take advantage na sya sa akin. Hindi ko man naisuko ang bataan ay nagawa na nyang hawakan yung ibang parte ng katawan ko. Nag iinit ang mukha ko habang naaalala yung pagpasok ng kamay nya sa blouse ko. Yung pagdampi ng mga labi nya sa nape ko habang gumagapang yung kamay nya sa hita ko paakyat sa loob ng skirt ko. I felt weird dahil gusto ko yung mga ginagawa nya.
"Nasabi mo yan dahil alam mong may pag-asa ka."
"?"
"I don't want to see you with some other guy. I love you and I said it before I touch you."
"I want you here with me." Sunod-sunod na text nya sa akin. Para akong nasa cloud nine habang binabasa yung mga text nya. Hindi ako makapaniwala na totoo nga yung narinig ko kanina.
"Basta wag mo akong sasaktan." Pero di ko na nagawa pang maisend yun dahil nakatulog na ako.