That day, we became friends. He's fun to be with. Though, may mga times that I feel na he's really stranger. Hindi ko alam but I really sensed something wrong with him. I knew that he's not occupying any rooms here in Paradiso Condotel.
Is he really a friend of Ma'am Sandra? Or he's one of her enemy? But what is he doing here? To spy?
It's quarter to 12 na and I'm still awake. Kinuha ko ang diary ko sa ilalim ng unan ko. I knew na walang gagalaw nito sa staff house dahil halos lahat kami ay mayroon nito. Kulay silver na may design na pink orchids and cover nito. It symbolize a woman's love, beauty, femininity, and grace.
Ilang minuto na akong nakatitig sa blank page ng diary ko. All I can think of is him. And I unconciously wrote his name on it. "Finn". Nakatitig lang ako sa naisulat ko. Then I closed my diary and placed it under my pillow. I decided to just close my eyes hoping to fall asleep.
Tanghali na ng magising ako. Lumabas ako ng staff house para puntahan si Fin sa malaking bato kung saan kami unang nagkita. Yes, we exchanged numbers at ito ang una nyang text sa akin.
Nakita ko sya na nakaupo sa batuhan habang nakatingin sa akin.
"Kanina ka pa ba dito?" tanong ko agad sa kanya dahil halos dalawang oras na ang nakalilipas nang matanggap ko ang text nya. I was panting. Tumakbo kasi ako sa takot na baka umalis na sya. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang takot ko.
Ngumiti naman agad sya sa akin sabay abot ng panyo. "You're sweating."
"Sorry, late na kasi akong nagising." kinuha ko ang panyo na ibinigay nya sa akin. Magkaharap kami. Nakaupo sya habang nakatayo ako sa harapan nya. Habang nagpupunas ako ng mukha ay may inabot sya sa akin na boquet ng pink ranunculus. I was surprised kaya di ako agad nakakilos. Ilang segundo ang nakalipas bago nag register sa utak ko ang ginawa nya.
"T-thanks." titig na titig ako sa mga bulaklak. "I love flowers. Most specially the pink ones."
"I think so." He's still smiling. "Pink cosmos, huh?" Nakatingin sya sa bulaklak na print ng t-shirt ko. Medyo nailang ako dahil sa dibdib lang nakaprint yung cosmos na yun.
"Pink cosmos symbolizes young beauty..." pag-explain ko.
"And one's deepest feelings of love..." dagdag naman nya.
Umupo ako sa tabi nya. Nakita ko na may isang basket ng prutas at chocolates sa tabi nya.
"For you." Kinuha nya ang prutas at chocolate upang ilagay sa lap ko.
"Para saan ang mga ito?" curious kong tanong.
"For helping me yesterday?"
Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng kirot sa dibdib matapos nyang sabihin ang bagay na iyon. Was I expecting something? "Wala yun. Kahit sino naman gagawin din yun. Helpful naman lahat ng staff dito sa isla."