Chereads / One Summer Night / Chapter 1 - The Reason I leave 1

One Summer Night

🇵🇭CutieQuinn
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 21.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - The Reason I leave 1

There's always something in me that keeps me standing even if my life is already a mess. It all started last summer...

Two years na akong nagtatrabaho bilang isang MT sa restaurant ng Paradiso Condotel. Marami akong nakilalang maimpluwensyang tao na piniling magtago sa hotel na ito upang panandaliang makalimot sa buhay na nakagisnan nila. Masaya at magulo palagi lalo na pag peak season. Sa tabing dagat kasi ito nakatayo at secluded private island pa na pagmamay-ari ng mga Salazar.

Maraming celebrity at bilyonaryong mga businessman ang nakikita at nakakausap ko kadalasan. Sa umaga ay tahimik ang lugar at sa gabi naman ay puro party. Buhay na buhay ang isla.

"Ms. Sanchez!" tawag sakin ni Hillary. Siya ang supervisor ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

"Oh? Maaga pa. Bakit ang aga mo kong kinakatok sa staff house?"

"Arri, nakalimutan mo na? Darating si Ma'am Sandra ngayon."

Nagulat ako. Nakalimutan kong kailangan namin maghanda ng maaga dahil may mga inimbita syang kaibigan para sa b-day party nya bukas. Isinama ko pa naman ito sa pep talk namin kagabi.

"Sorry, nakalimutan ko na. Biglaan naman kasi yung tawag nya kagabi. Wala sa sched ko yung oras ng pasok natin."

"Kanina ka pa hinahanap ni Ma'am Farrah.

"My God! Mapapagalitan na naman ako nito."

Nagmamadali akong gumayak at umalis ng staffhouse.

"Why are you late, Ms. Sanchez?" tahimik lang ako habang pinapagalitan ng Manager namin.

Sya ang isa sa pamangkin ng may-ari.

Maayos ko naman na nagawa yung mga task ko. Kahit pinapagalitan nya ako hindi naman sobra dahil alam nyang I can still get my work done kahit medyo late na.

That night, magkakasamang dumating sila Ma'am Sandra at yung mga sosyal nyang kaibigan. Madalas napapatitig nalang ako sa kanila dahil kung pagmamasdan mo ang mga ayos, kilos at kung paano sila gumalaw at magsalita ay ibang iba sa mga tulad naming medyo mahihirap o average lang na tao.

"Miss Sanchez," tawag sakin ni Ma'am Farrah.

"Mag change day off ka. Bukas dapat yun pero gawin mong Saturday. Bukas na ang party nila. Kailangan ka namin."

"Naintindihan ko po."

Friday. Birthday celebration ni Ma'am Sandra.

Maingay. Magulo. Nung nagsalita si Ma'am Sandra inannounve din nya na dito din gaganapin yung engagement party ng kanyang nakatatandang kapatid at kasama nila yung fiance nito.

"Wow. Sya yung tinitingnan mo kagabi. No wonder na sya yung mapapangasawa ng anak ni Ma'am Jin. She's so pretty and elegant." sabi ni Hillary.

Nakatitig lang ako sa kasama ni Ma'am Sandra na si Miss Kim.

Madaling araw na. Ilang oras na din na tapos yung party. 3am natapos. Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko- 5am na. Dayoff ko naman eh. Kaya naglakad-lakad lang ako sa dalampasigan. May ibang nagja-jogging na. Ako naman nakasuot pa din ng uniform pero nakapaa lang.

Back to reality...

Naupo ako sa isang malaking bato habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. I'm so glad to be here. Pero I miss something... or maybe someone... I feel like I'm still alive but I'm slowly dying inside.

Napayuko ako habang umiiyak. This is exactly the same spot where I first saw him.