NANG MAKITA ko si Jonathan sa campus ay agad nagdilim ang buo kong paningin. Kung pupwede lang na manakit ng tao nang hindi ka makukulong malamang ginawa ko na.
"Erin! Erinna, please wait! Please talk to me—" Hinablot niya ako sa braso at isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya pagharap ko. He was shocked. You deserve that asshole!
I don't give a fvck kung pinagtitinginan na kami ngayon ng mga ibang istudyante sa hallway. Ang gusto ko lang ay magalit. "Don't. Ever. Touch. Me. Again." Diniin ko ang bawat salita.
Namumulang mga mata niya ang humarap sa `kin. "Erin, please... let me explain."
Natawa ako sa kanya. "Explain? Ano pang dapat mong i-explain doon Jonathan? Kahit ano'ng explanation ang gawin mo hindi mo na mababawi ang pambabastos na ginawa mo sa akin!" Dinuro ko siya. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. I never thought that I could hate the guy I had loved for years. Totoo nga ang kasabihan. People change.
"Look, I was deadly drunk that time. At... at... pumayag ka naman diba? You let me kissed you. You let me touched you kaya akala ko okay lang na gawin natin `yon. You said you love me!"
"Bullshit!" Sa inis ko ay hinampas ko sa kanya ang dala kong mga libro. "Huwag mo `kong gaguhin sa mga dahilan mong baluktot. Oo! Sinabi kong mahal kita pero it doesn't give you the right to hurt and abused me. Oo! I responded to your kiss dahil akala ko finally, you feel the same way to me."
"I do! I do feel the same way to you Erin hindi pa ba malinaw `yon sa `yo?"
That caught me off guard. Lumapit siya at hinawakan ako sa balikat. He lifted my chin forcing me to look him in the eyes. Those eyes that made me fell hard and deep. "Erin mahal kita. I'm sorry kung ngayon ko lang nagawang aminin. I was just too afraid na magbabago na'ng lahat sa atin if we take it to the next level. Natatakot ako na baka hindi ko magampanan ang pagiging boyfriend sa `yo. I treated girls differently and you know that. But you, mahalaga ka sa akin. Hindi ka katulad nila. I cherish you so much to the point that I'm so afraid to loose you kaya ayokong i-risked. Mali ako na nakuntento akong magkaibigan lang tayo. But the day when I saw you with him."
Namumuo na ang mga butil ng luha sa gilid ng mga mata ko. This is really hurting me.
Jonathan's eyes looked on me with a weight of my heavy heart. "When I saw you smiling and laughing with another guy. That's when I realized that I ca''t bear to stand and see you happy with someone else. Dahil gusto ko ako lang ang makakapagpasaya sa `yo. Na ako lang ang lalaking yayakap at hahawak sa mga kamay mo.
Humigpit ang kapit niya sa mga kamay ko. "Erinna... please give me another chance. Erinna I love you. I love you please." Napasinghap ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko while still holding my hands. Dinikit niya ang mga kamay ko sa noo niya. And then he sob.
Gustong lumambot ng puso ko. Gusto ko siyang yakapin at patahanin pero tapos na ako sa yugtong iyon. Tapos na ako sa pagpapakatanga.
Hindi na ako ang Erin na tulad ng dati na walang ibang nakikita kundi ang bulag na pagmamahal kay Jonathan. Matapos ang mga nangyari, I finally understood a lot of things. For half of my life, I revolved my entire world on one boy. All my decisions, all my dreams, lahat kasama si Jonathan. I depended my happiness on him.
But the truth is... hindi si Jonathan o ang kahit na sino ang makapagpapasaya sa akin. Because if there's someone in this world who could make me really happy and love me that way I deserve, that is no one but myself. Madalas na nabubulag tayo sa idea of falling in love with someone. Sa mga fairy tales na ginawa ni Disney. Sa mga prince charmings na kinalakihan natin. We always believe in true love and happy endings. It's not bad to love. Love is the greatest thing in this world. Love is the best gift God has granted us. Pero paano ka magmamahal kung ang sarili mo hindi mo minamahal? How would you give so much compassion to someone pero sa sarili mo wala kang tinitira? That is not love. That is stupidity.
At tapos na ako sa pagpapakatanga. This time, I will love myself more. I will prioritize myself more than anything else. Hindi ko na hahayaang umikot ang buhay ko sa isang tao dahil ang lalaki hindi ginagawang mundo.
This time I will choose Erinna Jewel Magandanghari.
Hinugot ko ang lahat ng lakas ng loob at binawi ang mga kamay ko sa kanya. Gulat na napaangat ng tingin si Jonathan.
"I'm sorry Jonathan but it's already too late." Bago pa man tuluyang bumuhos ang mga luha ko ay tumakbo na ako paalis sa lugar na `yon.