Chereads / A Kiss For Sky / Chapter 75 - Chapter 74

Chapter 75 - Chapter 74

Hillary's POV

Our one-week Sorsogon trip has finally ended. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang isang buong Linggo na 'yon at lalo na ang Sorsogon, ang saksi ng pag-amin sa'kin ni Sky, panliligaw niya at ang pagsagot ko sa kaniya.

Damn! Whenever I am thinking about it I always end up smiling like a fool! Nakakakilig, ang saya-saya ko, at hindi pa rin ako makapaniwala.

Yes, at first, nagduda talaga ako kay Sky, kasi naman hindi ko talaga siya nakitaan ng interes sa'kin tapos biglang sasabihin niyang totohanin na namin, nakakapangduda kaya. Pero, when I felt how sincere he is, nawala lahat ng pagdududa ko at napalitan ng saya. Sobrang saya ko talaga, as in masayang-masaya!

Lalo na ngayon! The Abellera's invited us for a dinner. Mukhang sinadya rin yata 'to ni Sky na sabihin sa mga magulang niya na isali kami para sabihin 'yong tungkol sa'min.

Andito kami ngayon ni Sky sa kwarto nila ni Sun. Lahat ng gamit ni Sun andito pa rin, pati kama niya parang 'di nagalaw. Look at how this man loves his twin so much, walang makakapantay.

Ang Mama at ang Papa ay nasa baba, nakikipag-usap sa mga magulang ni Sky—they're talking about business kaya 'di muna kami sumingit ni Sky. Kuya Zeus isn't around, may exam siya bukas kaya hindi siya umuwi ng bahay.

I am sitting at Sky's bed while Sky is resting at Sun's bed. Napatingin ako sa bedside table ni Sky. May isang picture frame kung saan andoon 'yong picture niya with Sun and Veia. Ang cute nila, mukhang Grade 9 days pa yata 'yan. Probably, that was 5 years ago.

"Ah, do you want me to keep it?" tanong ni Sky. I know he's referring to the photo. Gustuhin ko man, pero wala akong karapatan. Tsaka, picture lang naman 'yan, it got nothing to do with our relationship.

"Huwag na," sagot ko habang nakangiti, pero tumayo pa rin siya at kinuha 'yong picture.

"I have totally moved on, but this needs to be kept," saad niya at itinago 'yon sa drawer ni Sun. May kinuha siyang isang empty picture frame at may kung anong kinalkal sa drawer niya. "Found it," aniya at inilagay ang litrato 'yong sa frame. He placed it on his bedside table.

Nagulat talaga ako nang makita 'yon! That was our first picture. We took it two years ago. Sa likod pa 'yan ng puno sa may archery area. Actually, hindi lang 'yan ang picture namin, marami pang iba.

"Iyan 'yong pinadevelop ko kasi we look so happy there," he uttered. Totoo naman! Ang laki ng ngiti namin diyan. "I developed that picture when you started avoiding me...to remind myself that for once we were as happy as that," dugtong pa niya. Napaiwas tuloy ako agad ng tingin. Binalot kami ng katahimikan at buti na lang may kumatok. Binuksan 'yon ni Sky at 'yong Mommy niya pala ang nasa labas.

She's smiling as she looked at me, "bumaba na kayo. The foods are now served," she said and we just nod as an answer.

Inaya na rin ako ni Sky kaya bumaba na kami agad. They are all looking at us while we're heading through our seats. Sky got his own chair, pero hindi siya ro'n umupo, instead, he sat beside me. Tahimik lang ang lahat habang kumakain habang ako ay kinakabahan na. Hindi naman dapat kasi sabi ni Sky botong-boto sila sa'kin, pero hindi ko mapigilan.

Nang inihain na 'yong desserts ay saka na nag-umpisang magtanong si Tito-Dad. "Will you now tell us the real reason, Sky?" aniya. Siguro ang ibig niyang sabihin ay ang pag-imbita ni Sky sa'min.

He looked at me first before he looks at his Dad, "I just want to tell you, everyone, personally that I and Hillary are in a relationship," he said. Napangiti 'yong mga magulang niya pati na rin si Papa, pero si Mama todo reak!

"Hindi man lang nangligaw? Sinagot mo agad, Hillary?" tanong niya.

Umiling ako habang nakakunot ang noo. "Syempre, nanligaw siya, Ma," sagot ko. "Limang araw," dagdag ko pa at todo reak ulit siya.

"Lima lang?! Dati hindi ganiyan kadali—"

Papa cut her words, "Charlotte, they got a different generation kaya don't compare how Sky courted Hillary as how I courted you before," nakangiting sabi ni Papa, pero si Mama ayaw talagang huminahon, "can we just be happy for them? Masaya sila, Charlotte, let's support them," dugtong pa niya.

"Fine, fine. I'm just worried na mukhang malapit nang mawala sa bahay si Hillary," malungkot pa niyang sambit.

"Ma, hindi pa naman ako magpapakasal. Tatlong araw pa lang kami ni Sky, pwedeng magpakasaya muna kami as boyfriend and girlfriend?" tanong ko naman at tumango-tango lang siya. I do understand my Mom. I'm her only daughter since my sister was gone at alam kong ayaw niya rin akong mawala.

Nagpatuloy lang 'yong usapan at nagbigay na rin ang mga nakakatanda sa'min ng mga words of wisdom, tsaka kung paano naming mapapanatiling matatag ang relasyon namin ni Sky.

Sobrang saya at memorable talaga ang gabing ito!

***

We went to school together, we're not doing any physical intimacy, Sky's just holding my book, but a lot of people have been talking about us—that the issue is true, that we're in a relationship. Kasi naman after that dinner ang Mama nag post ng picture sa Instagram niya at ang caption, soon to unite as one. Edi syempre, super issue!

Hindi na rin naman namin itinago ni Sky. Kapag may nagtatanong kung kami ba, eh umu-oo kami agad.

***

And now, nasa cafeteria ako not with Sky, but with my best friend. Kanina ko pa talaga napapansin 'yang nanunuksong tingin ni Clarkson, eh, pero hindi ko ipinapakita sa kaniya, patuloy lang ako na kumakain.

"Gold," napatingin ako agad sa kaniya, "congrats," sinserong saad niya.

Napangiti ako agad, "thank you," sagot ko. "After all those pain and moving on attempts, naging kami rin," dugtong ko pa.

"Kaya siguro hindi ka talaga pinag-move on, Gold, kasi you guys were meant for each other," nakangiting sabi niya.

"Sana nga, until the end," baka kasi kami ngayon, pero hindi naman magtatagal.

"Don't be a nega-thinker, Hillary," Andrei suddenly appeared. Naupo siya sa harap ko na talagang malaki ang ngiti. "Instead, pray for it. Ipagdasal mo na kayo hanggang dulo," dugtong pa niya. Hindi ko alam kung bakit maluha-luha akong napatango. Napakabait talaga nito.

"By the way, Guys, I just want you to meet, Bubbly," ipinakita ni Clarkson ang isang litrato sa cellphone niya. Isang sobrang gandang babae. Ang ganda ng kaniyang super kulot at mahabang buhok, tanned skin color, matangos na ilong at expressive na mga mata. "She's half Austrian, half Filipina. She's my annoying childhood enemy and I'm courting her for two months already," sabay kaming napahiyaw ni Andrei habang siya ay nakangiti lang. Nakabingwit pala siya no'ng nagbakasyon siya sa Austria, ha.

"Masaya ako para sa'yo, ha, Boy Ilong," bahagya pang tinapik ni Andrei ang braso nito.

"Eh, ikaw ba, Boy Pandak, may progress na ba sa inyo ni Driana," tanong naman ni Clarkson. Nagtaka naman ako agad nang mapatingin sa'kin si Andrei.

"Courting her is still not in my mind," seryoso talagang sabi niya. "I'm not yet sure of my feelings at ayoko siyang paasahin, pero mukhang 'yon na 'yong ginagawa ko," dagdag pa niya.

"Gulo mo," Clarkson complained. "Ano nang plano mo ngayon?" he asked.

"Be real," sagot naman niya. "Sasabihin ko sa kaniya 'yong totoo that I really can't love her more than a friend," dugtong niya at sobra talaga akong nalungkot. Ibig sabihin ako pa rin. Tsk! Matagal ko nang inisip na dumistansya sa kaniya, pero ayaw niya naman.

Natinag ako nang tumunog ang cellphone ko. May message sa'kin si Sky. Sabi niya,

'Where you at? I just got done with my reporting.'

Nagreply naman ako ng,

'Cafeteria. I'm with Andrei and Clarkson.'

Ilang sandali lang ay may reply na siya,

'Okay. On my way there. I missed you! I love you!'

Sh*t! Napangiti naman ako agad. Tinukso pa nga ako ni Clarkson, eh, habang si Andrei ay nakangiti lang, pero alam kong 'di talaga siya masaya. Tsk!

Nagreply na lang ako kay Sky ng I love you, too, at nag reply naman siya ng tatlong puso. Damn! Love really can make us so cheesy, pero nakakakilig naman talaga at napapasaya tayo lagi.

Napatingin ako ulit kay Andrei at ngumiti lang siya. Sana dumating pa rin 'yong panahon na mamahalin nila pareho ang isa't isa gaya sa'min ni Sky. Siguro hindi pa lang ito ang tamang panahon para sa kanilang dalawa. Love takes time, all you need to do is to wait patiently. At, alam kong kahit sabihin ni Andrei kay Driana ang totoo, hindi susuko si Driana. I really am rooting for them.