Chereads / TELEPORTED TO ANOTHER WORLD WITH GODLY POWERS (TAGALOG) / Chapter 5 - Chapter 5: Mahiwagang Ulan

Chapter 5 - Chapter 5: Mahiwagang Ulan

Sa loob ng bayan, ang mga tao dito ay walang alam sa mga nangyayari sa labas ng padir. Pinag papatuloy lang nila ang buhay nila nang walang pakialam sa problima nila. Gano man ito kalaki, nginingitian nalang nila ito.

Ang mga tao dito ay sadyang gusto ng kapayapaan. Pero ibang usapan na pag ang masamang bahagi ng bayan na ito ang pinag uusapan.

Nandito ang mga masasama at mga taong alam lang ay magpakasarap sa buhay. Sila yung mga brutal na mga mersenaryo na ginagawa ang ano mang gustohin nila. At yung mga tiwaling opesyalis na namamahala dito sa bayan, at marami pang iba.

Ang pangalan ng bayan na ito ay Juperia. Dito lang sa bayan ng Juperia nagiging kampante ang mga tao, dahil ang bayan na ito ay protektado ng mga matataas na padir na pananggalang nila sa mga lolosob na mga halimaw at iba pang mga masasamang bagay na maaaring magdala sa mga tao ng kapahamakan.

Ang mundong ito ay puno ng mga kakaibang nilalang tulad ng mga Elves, sila ay mga matatalinong nilalang na ayaw na ayaw makisalamoha sa mga tao. Sila ay may kakayahan gumamit ng Salamangka. Sila ay napaka galing pag dating sa pag gamit nito. Mga professional Archer din ang mga Elves kaya walang nakakatakas sakanila kahit sino man ito o kahit nasa malayo paman ito.

Ang pangalawa ay ang mga Orcs, sila ay mga nakakatakot na halimaw na ang alam lang ay pumatay at kumain ng tao. Sila ay mga barbaro na walang matinong pag iisip. Tulad ng mga Elves, may mga marurunong rin sakanilang gumamit ng salamangka at ang tawag sa mga ito ay Elder Orcs. Tanging sila lamang ang may kakayahang gumamit ng Salamangka sa boong tribo nila.

Ang pangatlo ay ang mga Fairies, sila ay ang mga maliliit pero cute na nilalang na ginawa ni God. Maliliit man sila pero walang makakatalo sakanila pag dating sa tagoan. Dahil nga sila ay maliliit, madali lang para sakanila na magtago kung saan man nila gustohin. At tulad ng Elves at Orcs, sila ay may kakayahan ring gumamit ng salamangka. Kilala ang mga Fairies bilang mga taga pag-pagaling ng mga sakit, gaano man ito kalala, kaya nila itong pagalingin. Dito sila magagaling.

Ang last ay ang mga Dwarfs, ang mga small but can build. Mga professional and fast workers. Kung trabaho sa pag gawa ng mga bagay bagay lang naman ang pag uusapan, panalo na ang mga Dwarfs. Kaya nga nilang gumawa ng mga higanteng building kahit maliliit lang sila. Wala manlang itong kahirap hirap para sakanila. Kaya dito sa mundong ito palaging hinahanap ang mga Dwarfs ng mga Elves, Orcs, Fairies and syempre pati mga Tao para magpagawa sakanila ng mga gusali at mga armas.

Ang bayan ng Juperia hinde tulad sa mundo na pinanggalingan ni Farrah, ay hinde pa masyadong advance. Wala pa ditong mga Tv, Cellphones, Radios and other technology na ginagamit ng mga tao doon sa mundong pinanggalingan ni Farrah. Ang mga nandito lang ay mga lumang makinarya na di-oling pa para umandar. Walang wala talaga ito kompara sa dating mundo ni Farrah.

Pero kahit hinde pa sila masyadong advance, may mga meron naman sila na wala sa mundo na pinanggalingan ni Farrah. May mga makinarya sila na hinde kuryente ang nagpapaandar at hinde rin oling. Ang mga nag papaandar sa mga makinarya na ito ay tinatawag na Magic Stones.

Ang Magic Stones ay isang uri ng bato na kayang magpagana ng kahit anong makina, malaki man ito o maliit. Ang isang Magic Stone ay merong napaka lakas na enerhiya sa loob nito kaya kaya nito mag paandar ng mga makinarya.

Ang Magic Stones ay naboboo sa ilalim ng lupa pagkatapos ma ipon ang mga enerhiya ng kalikasan sa ilalim ng lupa. Ang prosesong ito ay napaka tagal kaya minsan inaabot ito ng 100 na taon. Ang mga Magic Stones ay napaka hirap hukayin dahil kailangan mopa ng swerte at tyaga sa paghanap at paghukay nito.

Kaya kailangan ng swerte dahil ang Magic Stones ay kung saan saan naboboo at mahirap maghanap nito. Swerte ka kapag nakakita ka ng isang malaking Magic Stones. Ang mga Magic Stones ay napaka kunti lamang ang bilang, dahil nga sa tagal ng proseso ng pag form nito at sa hirap pa ng paghanap dito.

-----------------

Sa loob ng bayan ng Juperia, merong isang palasyo. Dito nakatira ang namumuno sa boong bayan ng Juperia.

Sa harden ng palasyo, may naglalakad lakad at nagmumuni muni na Prinsesa. Sya ay si Prinsesa Kathrine. Ang kagandahan nya ay walang katumbas sa boong bayan ng Juperia. Marami nga syang taga soyo kaso ang namumuno sa boong bayan ng Juperia na si Haring Edgar, ay hinde manlang pinapa ligawan si Farrah.

Si Prinsesa Kathrine ay ang pinaka ingat ingatang anak ni Haring Edgar. Kaya wala manlang syang pinapalapit na lalaki dito.

Ngunit hinde alam ng mga tao sa bayan ng Juperia na si Prinsesa Kathrine ay may sakit. Isa syang bulag, simula paman nung pagkapanganak sakanya, isa na syang bulag. Nagkunsolta na si Haring Edgar sa ibat ibang doktor pero wala paring kayang mag pagaling sakanya, kahit na ang mga Fairies walang magawa. Sabi nila isinumpa daw si Prinsesa Kathrine kaya hinde sya mapagaling ng kahit sino kahit sila na mga Fairies.

Bagamat bulag si Prinsesa Kathrine sya ay nakakagalaw parin ng maayus sa palasyo. Tinandaan nya ang mga daanan dito kaya kahit walang tulong mula sa mga utosan nila, kaya nyang maglakad lakad ng maayus dito na para bang hinde sya bulag.

"Ang sarap ng simoy ng hangin ngayung gabi, hmm?." Habang nasa labas si Prinsesa Kathrine, bigla nyang naramdaman ang patak ng isang tubig sa palad nya at dumami pa ito nang dumami.

"Umuulan pala, hmm. Sarap naman sa pakiramdam nitong ulan na ito. Hah? Tika, anong nangyayari sa mata ko? Haahh!!!." Biglang napasigaw si Prinsesa Kathrine.

Sa sigaw nya, na alerto agad ang mga nagbabantay sa palasyo at ang mga utosan ni Prinsesa Kathrine.

"Prinsesa Kathrine, anong problima? May tao ba dito na gusto kang saktan?" Tanong ng isang sundalo kay Prinsesa Kathrine.

"Hinde! Ang mga mata ko! Nakakakita na ako!" Sigaw ni Prinsesa Kathrine.

"Ano Prinsesa!? Totoo ba yan?" Tanong ng isang sundalo kay Prinsesa Kathrine.

"Oo, nakikita kona ang paligid, nakikita kona ang mga magagandang bulaklak na nakatanim dito. Ang mga kulay nila, ang pag galaw nila sabay sa pag ihip ng hangin, at ang kagandahan nila. At nakikita ko rin na panget ka at yung iba pang mga sundalo na kasama mo. Grabi nakakakita na talaga ako! Nasaan si Amang Hari? Kailangan nyang malaman ito." Sabi ni Prinsesa Kathrine habang tuwang tuwa.

Ang mga sundalo naman ay nagmadali para tawagin si Haring Edgar. Pagkalipas ng ilang minuto dumating na sya.

Si Haring Edgar ay isang matipono at gwapong hari. Sya ay napaka buting Hari para sa mga tao ng Juperia. Simula nang naging Hari na sya, nagi nang maayus ang pamumuhay ng mga tao sa Juperia. Si Haring Edgar ay tapat sakanyang tungkulin, lahat ng ginagawa nya pinag iisipan nya muna ito at pinagpaplanohan bago ito gawin kaya ang Juperia ngayon ay umunlad dahil sa kanyang pamumuno.

Sya ay napaka buting Hari, pero pag dating na sa mga gustong manligaw kay Prinsesa Kathrine, doon lang nag iiba ugali nya. Hinde nya manlang sila papapasokin sa palasyo at itataboy nya pa sila. Kahit na ang mga ito ay mga Prinsipe galing sa ibang kaharian, hinde parin sya pumapayag.

"Anak, anong problima? Bakit mo ako pinatawag at bakit ka sumisigaw? Dis oras na nang gabi ha at saka umuulan, sumilong ka nga, baka magkasakit ka." Malambing na pagkasabi ni Haring Edgar kay Prinsesa Kathrine.

"Ama, nakakakita na ako! Hinde na ako bulag." Pasigaw na sabi ni Prinsesa Kathrine.

"Ano!? Ulitin mo nga anak." Nabigla si Haring Edgar sa narinig nya, at baka nagkamali lang sya ng narinig kaya gusto nya ulit marinig ang sinabi ni Prinsesa Kathrine.

"Ama nakakakita napo ako, hinde ako nagbibiro. Nakakakita napo ako. Ama, ang gwapo mopo pala. Kaya naman pala nagustohan kayo ni Mama." Sabi ni Prinsesa Kathrine habang tinitignan ang mukha ng kanyang ama.

"Hahaha anak, talagang gwapo ang Ama mo. Pero pano ka gumaling? At sino ang nagpagaling sayo?" Tanong ni Haring Edgar. Halatang halata sakanyang mukha ang tuwa dahil nakakakita na ang kanyang anak.

"Hinde kopo alam, nandito lang naman ako sa Harden nagpapahangin kasi hinde ako makatulog, at saka biglang umulan. Nung nabasa ako ng ulan, dahan dahan na akong nakakita ng liwanag at yun na nga Ama, nakakakita na ako. Mukhang dahil yun sa ulan na ito." Sabi ni Prinsesa Kathrine habang nakatingin sa ulan.

"Hmm? Sa ulan? Tika! Bakit nga pala ganito ang ulan? Lumiliwanag ang mga patak ng ulan na ito. Hinde ito ordinaryong patak lang ng ulan. Mukhang isa syang mahiwagang tubig na nakakapag pagaling ng mga sakit. Pero saan kaya ito galing? Mga kawal, mag madali kayo! Kunin nyo lahat ng timba at mga pweding lagyan ng tubig at punoin nyo ito ng tubig mula sa ulan. Magmadali kayo!" Sigaw ni Haring Edgar.

Hinde alam ni Haring Edgar kung saan nag mula ang mahiwagang ulan na ito, at kung ito ba ay gawa ng kalikasan o gawa ng isang makapangyarihang nilalang.

Wala nang pakialam si Haring Edgar kung saan man ito galing, ang alam nya lang ay pwede itong makatulong sa maraming tao dito sa Juperia.

Gamit ang mga mahiwagang tubig na ito, mapapagaling nya ang mga taong may sakit. Ang mga mahiwagang tubig na ito ay bigay sakanila ng kalangitan, kaya hinde papabayaan ni Haring Edgar na masayang ang mga ito.

"Anak, mukhang ito ay kagustohan ng langit na mapagaling ka sa sakit mo. Siguro kagustohan rin ng langit na mapagaling ang mga taong nag hihirap sa sakit nila kaya pinadala nya ang mahiwagang ulan na ito." Sabi ni Haring Edgar habang nakatingin sa langit at tuwang tuwa.

Ang boong palasyo ay nagising dahil sa utos ni Haring Edgar, lahat ng sundalo at mga utusan sa palasyo ay agad agad naghanap ng malalagyan ng tubig mula sa ulan, kahit nga ang mga official sa palasyo ganun din ang ginagawa.

-------------------------------

Sa bayan naman, madaming tao ang mga nagsisigawan at nagkakagulo.

Ang mga tao ay nagising mula sa kanilang mahimbing na pagkatulog dahil sa mga sigawan ng tao sa labas.

"Umiilaw ang ulan, anong kababalaghan ito."

Nagtataka ang mga tao kasi ngayun palang sila nakakita ng ulan na lumiliwanag.

"Haahh! Magaling na ako, nakakarinig na ako!" Sigaw ng isang polobi sa gilid ng daan.

"Nakakarinig kana? Anong kabaliwan yan?" Tanong ng katabi nyang polobi. "Oo nakakarinig na talaga ako! Naririnig na nga kita. Ang panget nga ng boses mo, parang sa daga." Sabi nung polobi na sumigaw na nakakarinig na sya.

"Anong sabi mo!? Ang pangit mo naman!" Sabi nung katabi nyang polobi.

"Mas pangit ka!" Binatokan nung polobing sumigaw na nakakarinig na sya ang polobing katabi nya. "Aray!!! Ikaw na pangit ka!" Nagbatokan na yung dalawa hanggang sa maghabolan na sila at mag rumble na.

Iba't ibang tao na ang namamangha dahil napapagaling ng lumiliwinag na ulan na ito ang mga sakit nila.

--------------------------

Si Farrah naman sa mga oras nayun ay walang alam sa mga nangyayari sa loob ng Juperia.

Pagkatapos nyang gawing ulan ang mga Healing Water na ginawa nya, lumipad agad sya palayo kasi kung hinde pa sya umalis nun baka bigla nanaman syang paulanan ng mga pana at mga bala ng kanyon ng mga sundalo.

"Mukhang hinde ako pweding lumipad dito, baka dahil doon kaya gusto nila akong patayin. Siguro inakala nila na isa akong Orc dahil lumilipad ako nun. Kailangan kong makapasok sa bayan kasing gabing gabi na, gusto kona matulog." Sabi ni Farrah.

Antok na antok na talaga si Farrah, mukhang napagod sya pagkatapos nyang paliparin halos lahat ng tubig mula doon sa ilog na nadaanan nya at sa pagpalabas nya sa kanyang kamay ng napakaraming apoy at sa pag pigil nya ng mga bala ng pana at kanyon sa pag tama sakanya and sa paggawa nya ng Healing Water.

Drain na drain na talaga si Farrah sa mga oras na yun. Pinalipad ni Farrah ang Hover Board nya papunta sa mga bahay sa may di kalayoan. Nagtataka si Farrah kung bakit may mga bahay dito sa labas ng Bayan.

Bumaba si Farrah sa lupa at tumingin tingin sya sa paligid. Madami dami din dito ang mga nakatayong mga bahay at mga tindahan at iba pang mga gusali. Walang masyadong tao dito kasi tulog na silang lahat sa mga oras na yun, base sa tingin ni Farrah masasabi nyang 1am na nang madaling araw dito.

Naglakad lakad si Farrah kasi gusto nyang makahanap ng Hotel para matologan nya. Midyo madilim na ang daan at wala pang masyadong mga ilaw dito kaya midyo natatakot na si Farrah. Binilisan nya nalang ang paglakad nya para makahanap agad sya ng Hotel natutuloyan.

Pagkatapos ng ilang minuto na paglalakad ni Farrah dito, may nakita na syang Hotel sa harapan nya. Kaya binilisan na ni Farrah ang paglakad nya.

Ang hotel na ito ay midyo malaki din, meron itong tatlong palapag. Magaganda rin ang itchura ng pagkakagawa nito.

Pumasok si Farrah sa loob at nakita nya ang counter saka sya lumapit doon.

"Ahhmm excuse me, pwede poba mag order ng kwarto?" Sabi ni Farrah habang nakangiti sa lalaki na nasa counter.

"Kung gusto mo ng kwarto kailangan mo muna mag bayad bata, may pangbayad kaba? Ang mga kwarto dito ay mahal. Merong 1 Gold kada araw ang bayad, ito ay ang pinaka mababang uri ng kwarto namin dito. Meron din kaming 5 Gold kada araw na kwarto, ito ay ang midyum quality na kwarto, maganda naman ito kahit papaano at lahat ng kailangan mo ay nandun."

"At ang pinaka mahal naming kwarto ay nagkakahalagang 15 gold kada araw, ito ay ang pinaka maganda naming kwarto, lahat ng kailangan mo nandun na. Pagkain kasali nadin doon maganda din ang view ng kwarto na iyon at para kang Reyna sa kwarto na iyon. So alin ang gusto mo? Kung wala kang pira bata lumayas ka kaagad sa harapan ko. Wala akong oras para sa batang tulad mo." Sabi nung lalaki kay Farrah.

Sa tono ng boses nya mukhang alam nya na agad na walang pera sa Farrah. Pero anong magagawa nya, Ginto! Hinde naman yun ang ginagamit nilang pera sa dating mundo nya. Poro papel lang naman mga pera nila doon hinde bakal.

Walang magagawa si Farrah kaya lumabas nalang sya ng Hotel at nung nasa may pintoan na sya ng Hotel, may naisip sya. Kaya dali dali syang pumunta sa gilid ng Hotel kung saan walang katao tao.

"Hmm, diba ang Ginto bakal yun? Kung ganun elemento rin yun. Hehe try ko ngang mang magnet ng mga Ginto dito sa mga bahay ng mga taong natutulog."

Huminga si Farrah ng malalim at itinoro nya ang kamay nya sa harapan nya at inisip nya na may lumapit sakanyang ginto.

Pagkatapos ng ilang sigundo, may nakita na si Farrah na papalapit sakanya. Natuwa si Farrah kasi alam nya na gumagana nga ang ginagawa nya. Kaya nya ngang kontrolin ang elemento ng bakal.

Akala nya ginto yung papalapit sakanya pero nang malapit na ito, ang nakita nya ay hinde ginto kundi isang kaldero. Mabilis pati ang galaw nito papunta kay Farrah.

"Tika, tika. Hinde yan ginto!" Sabi ni Farrah tapos bigla syang yomoko. "Ang sama! Muntikan na akong masapol sa mukha ng kaldero. Ano bayan kala ko ginto na, bat naging kaldero? Hayss " Nung tatayo na si Farrah, may napansin sya sa may paanan nya na color yellow na parang bato.

Kinuha nya ito at pagkatingin nya, nakita nya na isa itong ginto. "Hah! Kitams working parin ang powers ko hahah. Pero mukhang galing ito sa ilalim ng lupa hinde sa mga bahay dito. So pwede pala yun, try ko ngang kumoha ng ginto sa ilalim ng lupa." Tumayo si Farrah at itinapat nya ang mga palad ng kamay nya sa lupa at tulad kanina, inisip nya na may lumapit na ginto sa palad nya.

Hinde na si Farrah pinaghintay ng matagal pa. Isa isa nang naglabasan ang mga ginto sa lupa. Dumadami ito nang dumadami hanggang sa umabot na sa beywang ni Farrah ang taas ng nagkompolan na ginto.

"Yesss!!! Ang dami konang ginto! Hehehe tignan kolang kung may masabi pa yung lalaki doon sa Hotel pag nakita nya ang dala kong mga ginto."

Tuwang tuwa si Farrah pagtingin nya sa nagkompolan na ginto sa harapan nya. "Pero tika, pano ko naman ito dadalhin lahat, sigurado ang bigat bigat nito at saka hinde konaman pweding gamitin ang Telekinesis ko, sigurado matatakot ang mga tao sakin." Hinde pweding dalhin ni Farrah ang mga gintong ito kaya ang ginawa nya, gamit ang kapangyarihan nya na kontrolin ang mga elemento, gumawa sya ng malalim na butas sa lupa.

Since elemento rin ang lupa, naisipan ni Farrah na tistingin kong magwowork nga at tama nga sya. Gumagana nga, kaya nyang kontrolin ang lupa. Unti unti nang nalalaman ni Farrah ang mga kakayahan nya na binigay ni God.

Pagod na pagod na talaga si Farrah, kaya minadali nya lang ang paglagay ng mga ginto doon sa butas na ginawa nya at saka nya ito tinabonan. Kumuha lang si Farrah ng isang malaking piraso ng ginto, sa laki nito sigurado si Farrah na kaya na nitong bayaran yung pinaka mahal nilang kwarto.

Pumasok ulit si Farrah sa Hotel at pumunta sa counter. "Hmm, ikaw nanaman bata, sabing lumayas ka dito kung wala kang gin..." Hinde na nakatapos sa pag sasalita yung lalaki sa counter pagkalagay ni Farrah nung malaking piraso ng ginto na dala nya sa harapan ng mukha nung lalaki.

"Ok naba yan?" Sabi ni Farrah habang nakangisi.

"Ahhmm Mam! Magandang gabi po ano pong kwarto ang gusto nyong kunin? Ako napo bahala sainyo hehe." Sabi ng lalaki habang nakangiti kay Farrah at nanginginig.

Ang bilis magbago ng ugali nya pagkakita nya doon sa ginto na dala ni Farrah.

"Gusto ko yung pinaka mahal nyong kwarto! Dalian mo! Baka pag nainis ako bigla akong umalis dito!" Sigaw ni Farrah doon si lalaki. "Opo, opo. Dito po, itotoro kopo kung saan ang kwarto nyo."

Dinala si Farrah sa kwarto nya nung lalaki.

Pumasok agad si Farrah sa kwarto nya at hinde nya na tinignan kung maganda o panget ang kwarto na ito. Hinanap nya na agad ang bedroom kasi nanghihina na sya. Pagkakita nya sa kama, nahiga agad sya at mabilis nang nakatulog.

"Good Night God, thanks sa pag bigay ng nakakainis pero nakakatuwa din na araw na ito."