"Arayyyy!!! Sakit ng ulo ko, ano bayan!"
Maagang nagising si Farrah pero pagkagising nya, sinalubong sya ng sakit ulo na para bang may hang over sya. Umiikot ikot na sya sa kama nya sa sakit ng ulo nya.
"Ang sama, ano ba ito. Nasubrahan yata ang paggamit ko ng kapangyarihan kona ito kaya sumakit ang ulo ko." Sabi ni Farrah.
Umalis si Farrah sa kama at naglakad papunta sa living room ng inupahan nyang kwarto. Habang naglalakad si Farrah saka nya nalang napansin na maganda pala ang binigay sakanyang kwarto ng lalaki sa counter kagabi. Maganda ang mga desinyo sa padir at maganda rin ang mga kulay nito.
Pono ng mga gintong dekorasyon ang paligid at tulad nga nung sabi ng lalaki sa counter, kumplito na nga ang mga kagamitan dito. Meron syang malaking bathroom at sa loob ng bathroom may gintong bath tub. Pang sosyal talaga ang binigay sakanya nung lalaki sa counter.
Knock... Knock... Knock...
Habang tinitignan ni Farrah ang mga desinyo na room na ito, may narinig syang katok mula sa pintoan.
Binuksan ni Farrah ang pintoan. "Magandang umaga po Mam. Nandito napo ang inyong agahan." Ang kumakatok pala ay yung lalaki kagabi sa counter, may dala syang mga pagkain na sa tingin palang halatang halata na napakasarap nito.
Pinasok ng lalaki yung pagkain sa kwarto, at inilagay ito sa lamesa sa may living room saka sya umalis. Ang mga pagkain na ito ay iba ibang klasi. Merong Karne ng baka na sinabawan, merong karne ng manok, merong mga putahe ng gulay, merong mga masasarap na inumin na parang dyus, at may desert na cake.
Gutom na gutom na si Farrah sa mga oras na yun. Simula kasi kagabi hinde pa sya kumakain kaya ngayun na may pagkain na sya sa harapan nya, uubosin nya na agad ito.
Solve....
Pagkatapos ng ilang minuto na kakakain ni Farrah, naubos nya agad yung napaka daming pagkain sa harapan nya. "Grabi, sarap ng pagkain dito. Baka tumaba ako nito hahaha."
"Hmm, kailangan kong pumasok sa bayan. Sigurado marami akong malalamang impormasyon doon tungkol sa mundo na ito." Sabi ni Farrah.
Tumayo si Farrah at binuksan ang bintana sa gilid ng kama nya at pinalipad ni Farrah ang Hover Board nya palapit sakanya. Sumakay si Farrah dito at mula sa bintana, lumipad sya papunta sa gate ng Juperia.
Gusto nyang maghanap ng impormasyon sa loob mismo ng Juperia kasi kung dito sya maghahanap ng impormasyon sa labas ng Juperia, baka mga kulang kulang lang at mga walang kwentang impormasyon ang mahanap nya.
Kaya mas pinili nya na sa loob nalang ng Juperia maghanap. At saka gusto rin ni Farrah libotin ang boong bayan kahit alam nya na hinde nya ito magagawa ng isang araw lang. Ang laki laki kasi ng Juperia.
Kumpara sa dating mundo ni Farrah, ang ganitong lugar maari na itong tawaging isang bansa. Pero dito, isa lamang syang bayan. Marami pang mas malalaking lugar sa mundong ito kaysa sa Juperia. Ang tawag sa mga lugar na ito ay mga Kingdome. Ito ay ang mga malalaking lugar kung saan pinamumunoan ito ng mga makakapangyarihang tao.
Kaya nilang gawin kahit ano dahil sa kanilang estado na napaka taas. Kung may gusto man sila, madali nila itong makukuha. Isang utos lamang nila sa kanilang mga mala god of war na hukbo ay agad nilang makukuha. Sila ay ang mga namumuno sa lahat, ang isang bayan na tulad ng Juperia sa harap nila ay parang isang langaw lamang na madali nilang matitiris.
-------------------
Habang nasa langit sya nakita nya na ang gate papasok sa Juperia na puno ng mga nakapilang tao na gustong pumasok sa Juperia.
Bumaba si Farrah sa lugar na walang tao at naglakad habang hawak hawak nya ang Hover Board nya papunta sa gate ng Juperia.
Nagtataka si Farrah kung bakit ang daming tao dito. Noon namang unang pagpunta nya dito ang kunti kunti ng tao na pumapasok pero ngayun ang dami dami na. Hinde nya alam kung natural lang ito dito o baka may dahilan kaya ang daming tao na gustong pumasok dito sa Juperia.
Pumila si Farrah sa napaka habang pila ng mga tao. "Uyy ano satingin mo totoo kaya yung sabi nila na may mahiwagang tubig daw dito na kayang magpagaling ng kahit anong sakit?" "Ewan ko nga eh, pero usap usapan na natotoo daw yun."
Habang nasa pila si Farrah, narinig nya yung usapan ng dalawang tao sa unahan nya. At bigla syang napa-isip, na baka yung sinasabi nilang mahiwagang tubig na kayang magpagaling ng kahit anong sakit ay ang ginawa ni Farrah na Healing Water.
"Mukhang yun ngang Healing Water ko ang dahilan kung bakit ang daming tao dito. Hmm pano kaya kung gawin ko yung negosyo para yumaman ako? Ay hinde na pala kailangan, madali lang naman yumaman para sakin. Ang kailangan kolang gawin ay mag attract ng mga ginto sa ilalim ng lupa at hahaha yayaman agad ako. Kahit nga ngayun mayaman na ako dahil sa mga gintong nakuha ko kagabi." Sabi ni Farrah.
Sa pila, bored na bored na agad si Farrah kasi kanina pa sya dito nakapila pero parang walang katapusan ang mga taong naka pila dito. Hinde manlang sya maka-abante. Baka gabi na sya makapasok nito sa Juperia at yun ay hinde nya kaya. Wala syang oras para ma-istak dito sa napakahabang pila na ito.
Kaya naka isip si Farrah ng paraan. Itinago ni Farrah ang kamay nya at nagpalabas sya ng mga maliit na apoy mula sa kamay nya at pinapunta nya doon sa binabaan nya kanina na walang tao. Dahan dahan ni Farrah pinapalabas ang mga maliliit na apoy para walang makapansin.
Pagkatapos ng ilang minuto, nakaboo na sya ng malaki laking bola ng apoy. At hinde pa sya tapos dito, ginawa pa ito ni Farrah na hugis Dragon, sa itchura nito mukha talaga syang buhay na Dragon kasi kamukhang kamukha ito ng totoong Dragon. Buti nalang tanda pa ni Farrah ang itchura ng Dragon.
Pinagalaw ni Farrah ang mga pakpak na apoy ng Dragon na ginawa nya at pinapunta sa direksyon nila.
Ilang saglit lang, lumabas na ito at nagpakita sa mga tao na nakapila. "Hmm, ano yun?" Tanong ng isang tao. "Tika, apoy ba yun?" At lumapit na nang lumapit ang Apoy na Dragon ni Farrah.
"Isa yung.... isa yung halimaw!!!! Takbo!!!"
Lumipad sa taas ng mga tao ang Apoy na Dragon ni Farrah at inikotan ang mga tao sa baba na para bang gusto silang kainin nito. Nakita ng mga nagbabantay sa gate ang nagliliyab na Dragon at dali dali, inilabas nila ang mga armas nila at nagtawag ng mga taga pana sa pagaakala na kaya nila ang Apoy na Dragon ni Farrah.
Ang mga tao naman, ay nag takbohan na papasok sa gate. Ang mga sundalo dahil busy sa Apoy na Dragon ay hinde na nila na pigilan ang mabilis na daloy ng mga tao na pumapasok sa gate.
Si Farrah, tulad ng ibang tao ay tumakbo rin papasok sa gate. Magaling ang naisip nya, dahil dito hinde nya na kailangang maghintay ng matagal sa pila na iyon. Nakapasok na si Farrah sa gate at nakita nya na ang loob ng Juperia.
Tulad ng inaakala ni Farrah, maganda nga talaga ito. Maraming mga malalaking gusali at madaming mga taong nag titinda sa gilid ng daan. Nag tinginan kina Farrah ang mga tao sa loob ng gate kasi biglang pumasok ang napakadaming tao sa gate.
"May halimaw sa labas tumakbo na kayo!" Sigaw ng isang lalaki na tumatakbo din palayo. Pagkarinig ng mga tao sa loob ng gate sa sinabi nung lalaki, nagtakbohan rin sila palayo. Kahit nga yung mga nagtitinda sa gilid ng daan nag takbohan rin at pinabayaan nalang nila ang mga paninda nila.
Si Farrah naman ay pumunta sa maliit na eskinita at pinalipad nya ang Apoy na Dragon nya papalayo dito. Nagawa na rin naman nito ang misyon nya, maglalaho nalang ito pag malayo na ito kay Farrah.
"Wohhh, buti nalang umalis na yung halimaw nayun kundi baka naluto na kami sa sobrang init ng apoy nun." Nakahinga na ng maayus ang mga sundalo pagkatapos ni Farrah paalisin yung Apoy na Dragon nya.
Akala ng mga sundalo nandito ito para salakayin sila pero ang hinde nila alam ay may bored na bored lang na babae sa pila kaya sya gumawa ng Apoy na Dragon para takutin sila at para makapasok agad sya sa gate.
Naglakad si Farrah palabas sa eskinita at naghanap sya ng library. Usually sa mga library, nandun ang mga history, mga kaganapan, mga uri ng balita at iba iba pang mga nagsasabi ng informasyon tungkol sa isang lugar. Kaya nagtanong tanong na sya sa mga taong nakakasalobong nya. Agad nyang nakita ang library salamat sa mga taong natanungan nya.
Pumasok si Farrah sa library at ang first impression nya dito ay... Big. Malaki ang library na ito at punong puno ng mga libro. Lumapit si Farrah sa babaeng naka upo sa harapan ng lamesa. Ito lang ang lamesa dito sa may pasokan ng library at yung ibang mga lamesa at opoan ay nasa may likod, tanging itong nag iisang lamesa lang na ito ang nandito so naisip ni Farrah na baka yung babaeng naka upo dito ay ang namamahala dito sa library.
"Pwede po ba magtanong?" Nakangiting sabi ni Farrah. "Oo naman, anong gusto mong malaman?" Sabi nung babae. "Saan poba dito yung mga libro na naglalaman ng history?" Tanong ni Farrah. "Ahh, nandun yun sa 2nd floor, Section 1, B1. Pero kailangan mo muna magbayad ng isang ginto para makapag basa ka dito sa library." Sabi ng babae.
Mabuti nalang may mga kinuha ring maliliit na pirasong ginto si Farrah kagabi or else wala syang maipang babayad dito. "Maraming salamat po, pwede kanang magbasa sa aming library, have fun reading." Sabi nung babae. Ngumiti si Farrah doon sa babae at pumunta sya sa 2nd Floor at hinanap nya ang Section 1, B1. Ilang saglit lang nakita nya na agad ito at tumingin sya sa mga librong nakalagay dito.
May nabasa syang libro na ang title ay History of Juperia. Kaya kinuha nya ito at kumuha rin sya ng ibang libro tungkol sa kasaysayan ng mundong ito.