"Sige ba, sama ka larry"
"Huh, oh sige". Sagot ni larry. Kunyari pa ito..
Pagdating namin sa poblasyon, buhay na bubay at masaya ang parada dahil sa tugtog ng mga banda at mga naggagandahang kandidato at kandidata na nakasakay pa sa makulay na kalesa.
"Sa gaganda ba naman ng mga taga barrio mystika syempre takot talagang sumali ang mga tiga ibang barrio"
"Panu ba naman kase, puro na lang sila ang sumasali at nananalo"
"Yun nga dahil karamihan na ay kaputian ang batayan, hindi alam ng iba na maganda rin ang mga morena tsaka may mga dugong katutubo din naman sila kayo naman".
Tama nga naman ang mga maingay sa likuran nila beauty is diversity. Eto namang kasama ko paranv kaluluwang ligaw, talon ng talon. "Ang gaganda talaga ng mga taga sa atin". Komento niya. Tuwang- tuwa pa ito. Parang ewan.
Nang matapos ang parada, tinanong ako ni breene kung saan ko gustong pumunta. Kahit saan basta tahimik, yun ang sagot ko. Nagsawa kase ako sa ingay ng Manila and it is so relaxing to find a peaceful silence here that seemed to be holy. Dinala nya kami sa town library. Hindi pa ako nakatapak dito. May ipinakitang ID ang bruha na may malaking tatak na VIP wow, may connection ang lola. Pumasok na kami sa loob at wow again! Hindi mabilang ang palapag ng mga shelves, ang taas nito! Ginagamitan na ng ibang readers ng hagdan upang makita ang libro sa taas. It must be na pareho kaming book lover ni breene. Well, mukhang mapapadalas na ang pagtambay namin dito.
"Breene Alegre, booklover slash sorceress slash magic seeker slash adventurer". Wika ni larry. Binabasa pala nito ang bio ni breene. Aha stalker mode siya. Bago ko pa sya natukso't lahat-lahat ay lumayas na ito. Loko toh ah. "Puntahan ko lang ang kakilala ko". Wika nito habang papalayo. Wow layas-layas din pag may time.
Naabutan ko si breene sa may taas ng de gulong na hagdan, ang aking hinahanap ay ang history ng lugar na ito. Nasa bungad naman ang section nito kaya binunot ko na lang. Tsaka napaupo sa may kalapit na mesa sumunod na lang din si breene.
°°°°°°°°°°°°°
Habang pauwi, masayang kinuwento ko kay breene ang mga nabasa ko about sa barrio namin." Alam mo ba na talagang ang mga ninuno nating kastila ay mga dugong bughaw, hindi lang pala iyon sabi- sabi lang". Wika ko. "Wow, gusto ko ring basahin yan sa susunod". Bulalas niya.
"Ano ba kaseng binabasa mo?"tanong ko sa kanya.
"Secret". Sagot niya.
"Huh, may ganon?"
"Basta, sasabhin ko rin sa iyo when time comes". Wika niya. Ang drama naman.
Habang palapit sa bahay nakasalubong namin si lola. "Samahan niyo ako mga dalagang pilipina". Aya nito. "Saan po?" Duet naming tanong.
"Diyan lang sa tapat may padasal ang mag-asawang puti". Sagot ni lola. Sa tapat lang talaga namin ang nasabing bahay. Pag-aari ito ng mag-asawang Salvador. Si Mrs. Salvador ay may karamel na buhok at asul na mata. Medyo moreno naman si Mr. Salvador na may matangos na ilong. Ayon sa family tree nila, manggilan-ngilan din ang ninuno nilang katutubo kaya mas warm pa more ang hospitAlity nila. After the padasal, naglabasan lahat ng kakanin. Nag-fiesta kami ni breene ng mga biko, puto,tinubong, empanada at iba pa. Sa kausyoserahan ng mga matatanda ay nalaman namin na ang padasal ay para hindi mabati ng mga ancestral ghost ang magbabakasyong pamangkin ng mag- asawa. Mayaman din siguro ang mga pamangkin nila sa Family house pa lang nila makikita na ang yaman ng mga salvador dahil nagmimistulajng exclusive museum na ito ng mga lumang gamit. Hindi kagaya ng pamilya namin na halos lahat ng heirloom namin ay nabenta sa mga auctions dahil sa crisis na pinagdaanan namin. Ang iilan lang sa mga natira ay ang pinakaiingatang loveketters mula sa kalola-lolahan namin na kayang magbigay ng swerte sa mgal nakakabasa ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa ito nahahawakan.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Kinabukasan ay maaga akong nag-inat sa terrassa. Habang si breene ay borlog pa. Puyat kase, ako naman mana sa lola, morning person. Habang winawasiwasan ko ng hose ang mga rosas ay napatingin ako sa magarang mansiyon sa harap.
May kakaiba...
Sa laki ng mansiyon, sa unang palapag lang naglalagi noon pa man ang mag asawang Salvador dahil saradong sarado ang mga bintana nila sa itaas. Siguro ay dumating na ang bisita nila mula europa dahil nakatiwangwang lahat ng nakikitang bintana.
Ilang segundo lang ay may dumungaw na binata sa isa sA mga bintana. Tila naghahanap ito ng signal. Kusang nalaglag ang panga ko. Omg! siya ang literal na miyembro ng boys in the books sa tunay na buhay. Pinaghalo-halong twilight, teenwolf, vampire diaries at kung ano-ano pang crazy fiction movie heroes ang kabuuan ng features niya. Mala-holywood star ito. Kaya lang tumalikod ito na tila may kinausap.
"Kulang na lang ay malaglag yan panty mo". Bulong ni breene na nasa likuran ko na pala.
"Nakita mo sya?" Tanong ko.
"Oo naman, super fafanez siya, naku kumain muna tayo ng agahan hindi tayo mabubusog ng kajojowa". Wika niya. Bumaba muna kami sa may dining at sinaluhan sina lola at larry. ipinagbigay alam sa amin ni lola na may gaganaping welcome party si boy next door mamayang hapon. Nagwawala sa saya ang puso ko. Pero hindi ko pinapahalata.
"Ayos, iba mag party ang mga Salvador".bulalas ni larry.
"Makakatikim na naman tayo ng karangyaan". Dagdag ni breene.
Mabilis ang takbo ng oras, alas siyete na. Sakto at nakapag-bihis na ako. Simple lang ang kasuotan ko dahil isa akong kakaibabe! Simple lang pumorma pero swabe ang dating. My last finishing touch, a perfume, nagwisik ako ng sapat lang. Bumaba na agad ako at naabutan kong naglalampungan sina larry at breene na agad ding naghiwalay. "Sus, kunyari pa kayo" sita ko. Nagkatinginan lang sila. Sakto naman palabas na si lola.
"Oh, nandiyan na pala si kiri, tara na"k
At sabay-sabay kaming pumunta sa naturang welcome party. Habang papasok ay nakadama ako ng pagkabagot. Ngunit naibsan ito nang makita ko ang mga ultimate collection nila. Kakaiba ang sorroundings ngayon dito. Naging classy ang ambiance ng paligid dahil siguro sa completong series ni vincent van gough sa kanyang exclusive night goddess trilogy $ 1.2 million ito sa International spy auction. Hoho, hindi namin alam kung paano nalaman ng organizasyong iyon angl collectiong ito ng mga Salvador. Sa kabila ng mala dyamante nitong presyo ay hindi ipinag-bibili ito ng mag-asawa. At ang mga muebles, kilala ko ang ilan dahil inexpose din ito ng inter spy auction. Ang Gabriel the Archanghel, $90 million, the flower nymph $17 million, at ang controbersiyal na Rose Garden $1.7 million. Maraming panauhin ang mga Salvador ngayon. Pati ang mayor hanggang sa mga empleyado ng Munisipyo ay dumalo. Nag welcome speech si Mrs Salvador at ipinakilala ang batang si fredo na pamangkin niya habang si kyle ay may sakit daw kaya nasa silid lang. Alam ko na,si kyle at si crush ay iisa. Bigla tuloy akong nanamlay dahil sa wala sya. Pero di bale na dahil nalaman ko naman ang pangalan niya.
Kumuha ako ng maiinom at lumabas sa terrace, nakakatuwang isipin na walang tao dito dahil busy sila sa pagkilatis sa mga mamahaling bagay sa loob. Kunyari pa sila. Napukaw ng atensyon ko ang babaeng estatwa sa gitna ng malaking fountain. Maamo ang kanyang mukha pero nagmukha siyang puno dahil sa kanyang headress. Sa tabi niya ang isang makisig na lalake na may korona at lira. Sa mitolohiyang griego, ang babae ay si dapne. Isang magandang nympha, nagkagusto sa kanya si Apollo ngunit hindi nasuklian nito ang pag-ibig ng huli. Hindi matanggap ni apollo ang kabiguan kaya ipinilit niya ang pag-ibig hanggang sa sukdulan. Hanggang sa hilingin na lang ni daphne sa kanyang ama na maging puno ng laurel, kahit ganon ang nangyari, ang makisig na diyos ng araw na si apollo ay ginawang kanlungan ang nasabing puno.
Wala ngang forever, pero may forever na one sided love. Anu kaya ang feelings na may obsessed sa iyo? Para sa mga single na katulad ko, we long to be wanted by someone, to be needed by someone
o di kaya sa pagmamalabis ay to be an obsession by someone in a good way. Kailan kaya may maoobsess din sa akin? Impossible sa panahong ito may kapalit na ang pag-ibig. Napainom na lang ako ng juice. Biglang humangin ng malakas. Nakakatakot naman! Papasok na sana ako sa loob nang may nagsalita. Malumanay ang boses nito.
"Sophia?"
Bulong niya sa likod ko. Napakahusky naman. Nakakakilig kahit na tumayo ang mga balahibo sa likod ko. Humarap ako at nabugaran ko ang pinaka hot na nilalang na nakita ko in person at sa malapitan pa.
"Sophia!!"
May tama nga lang ata. Para akong nalunod sa asul na dagat niyang mata nang magtama ang paningin namin. Apollo ikaw ba iyan? Sana ako na lang si daphne para atleast obsessed ka sa akin. Oh how unfair! Natutunaw ako, his eyes, his nose, his lips, his hair oh my!
Nilamon na ata ako ng pangarap ko at nawala sa sarili dahil ni hindi ko man lang namamalayan na kinikilatis na pala niya ang mukha ko. teka lang, iba na to. Lumayo ako sa kanya. Shet nawala ako sa sarili, mukha akong shonga nakakahiya! Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Im in a state of shock. Hindi naman ako ganito, parang gusto ko tuloy sampal-sampalin ang mukha ko. Ang ending tumakbo na lang ako sa bahay na parang bata. Diretso sa kwarto at nagtalukbong ng kumot.
Kumot, lamunin mo na ako!
Siguro iniisip na niya na crush ko sya. Hindi ito ang gusto kong unang pagkikita namin. Huhu.
NAKA-silip lang ako sa bintana. Nasa terassa naman si kyle na palihim kong tinitignan. Oo, hindi ako nagtanda sa pagkapahiya ko kahapon. Paano naman kase ang gwapo talaga niya, hindi nakakasawang tignan.