kinabukasan, maaga akong nagtungo sa library at hindi na ako makapaghintay sa lovestory nina Sophia at Alexandro. Curious na ako aside from that exited na rin ako sa swerteng dala nito. Sana ma meet ko na ang true love ko.
hayyys.
buhay talaga oh abangers na nga ako sa letters, abangers pa ako kay kyle. Alas nuebe na at dapat nakabukas na ang bintana niya. but why? may sakit ba sya?
patingin-tingin ako sa drawer at sa bintana ng crush ko. alin kaya ang unang magbubukas?
biglang sumulpot si larry at hinila ang drawer ng timelock technology ko. bumukas naman ito. chamba lang sya.
"As easy as this, stupid". Wika nito. aba ang yabang ah, may binabalak siguro siyang masama! may kutob akong he is gonna ruin my day. I won't let it happen. akmang kukunin ko ang sulat pero iniiwas niya ito. Patay!
"In one condition". wika niya. Hindi pa ako nakakapagsalita ay sibabi na niya.
"Ayain mu sa labas si breene mag picnic kayo, isama mo ako"
"Okay fine"
yun na agad ang isinagot ko para wala nang madaming aning aning.
"Paano ako makakasigurado?"
"wala ka bang tiwala sa akin kuya?"
umismid sya.
"wala".
Nakakagigil na ang kuya kong ito. Dinadamay pa kase ako sa katorpehan nya. sweet naman yung idea nya kaya lang para syang ewan na namblackmail pa ng iba hmmmf duwag ever!
"oh bat nakatingin ka lang diyan?"
Hindi ko sya sinagot. nag iisip pa ako ng magandang colateral. haha ayokong sabihin ang mga naiisip ko sa Kanya kanina baka hindi na ibigay pa ang sulat. I better keep the game.
"Ano ka ba bro, breene is much better than collete. you know what I mean"
napaisip sya. alam nyang ayaw ko kay collete para sa kanya. yung malanding pusang yon.
"okay here". binigay nya na sa akin ang sulat. buti na lang madaling mauto and big brother kong ito. but I mean it.
pumunta ako sa medyo malayo layo sa mansiyon. sa isang parte ng bukirin na may puno at maliit na lawa na napapaligiran ng tanim na palay. nagtago ako sa lilim ng puno.
(Agosto 1,1761
Mahak kong Sophia,
Hindi ko makakalimutan ang araw na ito, ang pormal na makilala ka at makadaupang palad. Mula ngayon hindi na siguro ako magmamasid pa sa malayo. Binibini, nais kong makilala ka pa ng lubusan. Labis akong natutuwa sa mga diskusyon at kwentuhan natin habang naglalakad sa malawak na hardin ng katedral o sa tabing dagat. Napakasaya mong kasama. Salamat sa oras mo senyorita, sana ay paunlakan mo ulit ang susunod na anyaya ng isang hamak na tulad ko.
Ang iyong kaibigan,
Alexandro)
buti pa sila, nagkakilala na. ako kaya, kailan ko makikilala si kyle. tatayo na sana ako nang may mapansin ako. may tao dito, sumilip ako sa may bandang likuran at nakakita ako ng engkantong may maiksing puting buhok. mala- videogame ang datingan niya. mukha siyang bored habang namiminguit.
"huwag ka lang basta tumayo diyan, samahan mo ako nang makahuli tayo". wika nito.
Nataranta tuloy ako hindi sya nakatingin ngunit mapansin nya ako.
"P-pasenya ka na. bago ka ba dito?"
tanong ko. this time, tumingin na siya sa akin with wonderful grey eyes pero parang na-offend sya sa sinabi ko.
"Nabagok ka ba oh ano kiri?"
huh, paano niya nalaman ang pangalan ko? stalker ba sya. Namula tuloy ako. ganito kagwapo ang stalker ko! oh not Im not worthy. psssh ano ba ang iniisip ko.
"Nagkita na ba tayo dati?" tanong ko. parang familiar sya.
"Nakatira kami sa bungad dati pero umalis na kami. ngayon na lang ulit kami nakabisita dito". Sagot niya. unti-unti ko syang naalala. sya si Ren, ang first love ko. batang bata pa kami noon at minsan lang kaming nagkalaro dito rin. hindi ko akalain na hindi niya ako kinalimutan after a long time. ako pa tuloy ang nakalimot crush ko pa naman sya. hindi kaya crush din niya ako noon? namula na naman ako.
Im not worthy!
is this heaven? may nabasa ako noon na ang barrio namin ang pinagmulang ng mga pinakagwapong nilalang. maybey its true. dumaan si kyle sa di kalayuan. hayys kumpleto na ang araw ko. sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin. itong si Ren na tahimik ay biglang iniabot sa akin ang pamingwit. masamahan nga muna siya dito. maganda ang spot na ito, dadalhin ko rin sina kuya at breene dito sometime.
"Mag iingat ka sa mga bagong salta na iyon". wika ni Ren. Napatingin ako sa kanya, may ibang ibig sabihin ang kanyang mga mata.
" Anong ibig mong sabihin? hindi naman sila mukhang masama". Pagtatanggol ko kay kyle. Inilapit niya ang mukha niya sa akin, oo sobrang gwapo niya pero may naramdaman akong kakaiba sa lonewolf na ito. parang nanyari na ito noon.
"What fools a man most of all? A devil in the shape of an Angel. by Willian Shakespeare"
Ano kayang pinagsasabi niya? dumadagudog tuloy ang puso ko. gusto ko itong pagalitan, alam kong si kyle ang gusto ko matagal nang nag-expire ang love ko sa taong ito.
but I wonder if we both look like in the fairytale settings. ako at siya sa gitna ng kasukalan, may paminguit pa.