Chapter 7 - Mahika 6

Grabe nakakaloka. isang kababata ko ang nagbalik hanubeyen bakit ang oppa niya! napatingin ako sa dalawang maliit na isdang nabingwit ko. hayss.

matagal na panahon na mula noon. hindi ko akalain na naaalala pa rin nya ako. Siguro ay hinahanap hanap di nya ang simoy dito. kadalasan kapag namimis natin ang mga lugar na gusto natin ay hindi din natin makalimutan ang mga taong naging parte nito. yun siguro ang rason kung bakit naalala pa nya ako. wala nang iba pa. pumasok ako sa gate at akmang isasara na ito nang napatingin ako kay kyle sa tapat. Saglit akong napatigil. totoo ba ito? Si kyle topless! Napabuntong hininga ako. to the highest level talaga ang kapogihan nya. Yung tipong mapapatigil ka na lang at mapapatingin sa kakisigan niya kasama ng anemic niyang abs.

"What's happenig to you, bakit para kang nabuhusan ng malamig na tubig diyan?" Usisa ni breene na biglang sumulpot. Aba ayos to ah, ang panget naman ng paghahalintulad niya sa naabutan nitang itsura ko.

"grabe ka naman". wika ko. bahagyang tinakpan ko ng likod ko ang view sa kabila. pero parang nahalata niya ito. Oh no breene don't look at him!

"Oh that supmtous hottie". bulong niya.

etchusera to ah. I cannot believe her, pinagnanasahan niya si kyle ko!

"Di bale may crush na akong iba. lucky you". mayamaya ay wika nito. hulaan ko, si larry. buti na lang. lucky me.

"bruhang toh". may naalala ako.

"ah, mag-picnic tayo sa katedral mamaya, diba uso yun dito?"

"Oo, midnight picnic ba? sama natin si larry! papayag ba sya?"

Pambihira, kung si larry ninja moves, ang babaeng ito hokage level na. panu kaya pag sinabi kong ayaw ni larry. haha. but Im not that evil tho.

"Oo naman, papayag yun, yun pa. matakaw yown ehh"

"Naku kung ganun damihan natin ang baon natin magluluto ako ng masarap. ah maiwan na muna kita, maghahanda na ako"

Wow, makikinabang din pala ako sa lovelife ni larry. Mamaya pa naman kami pupunta kaya matutulog muna ako ng saglit pero bago yun, inilagay ko sa fishbowl ang dalawang bulinggit, I will name them Ren and Kylle.

Sa pagtulog ko, may kakaibang panaginip na pumasok sa utak ko.

Isang babaeng may mahaba at maitim na buhok ang nagmamadaling lumabas sa terasa mula sa loob. lumapit ito sa babaeng nakaupo. bumuntong hininga muna ang babaeng may itim na buhok.

picture perfect ang get up nila, naka long gown sila. Lahat ng bagay sa nakalipas ay nasa kapaligiran at katauhan nila kagaya ng mga laso, kulot ng buhok, french curves, laces, veils at diamonds.

"Sophia"

tawag ng babaeng itim ang buhok sa babaeng nakaupo na may taglay na pulang buhok. walang kakibokibo naman si Sophia na mukhang walang pakialam.

"May kailangan kayong malaman"

Napatingin si sophia sa kausap. " Anong ikinamamadali mo Pepita at humahangos ka, iyan ba ang epekto sa ito ng pagkakaroon ng dugong katutubo? sa pagkakaalam ko ay mayumi naman ang mga Filipina". wika ni Sophia.

"hindi naman sa ako'y hindi mahinhin mahal kong pinsan sadyang naaaligaga lang ako sa balitang aking nakalap. Nababahala ako dahil kalat na sa buong alta sociedad ang pag-ubos sa mga kalahi natin dahil hindi tinanggap ng Hari ang alok ng pinsan nating si Fauna, Ang lehitimong princesa ng catalonia. babagsak na ang kaharian at pati na rin tayo". Paliwanag ni pepita. pautol ang tensiyon sa paligid dahil sa pagsulpot ng babaeng may pula ring buhok at biniyayaan ng maaliwalas na mukha. Nagsalin siya ng tsaa sa tasa ng dalawa.

"Masarap ang tsaa kapag may meryendas, kumain ka muna pepita at nang kumalma ka". malumanay na anyaya nito.

napakain at napainom naman si pepita sya namang pagsasalita ni Sophia.

"kagaya ng dapat magyari, ang Katalonia ay magiging probinsiya na lamang ng Espanya mahal kong pinsan". Kalmadong wika ni Sophia.

"Sophia, bata ka pa nga, Malaki ang magiging epekto ng nangyari sa mga maharlikang katalonian na tulad natin lalo pa at kalat na sa alta sociedad ang misteryosong pagkawala ng ilang miyembro ng angkan natin". Patutsada ni pepita. Sumeryoso na sila.

"Dapat na siguro nating protektahan muna ang sarili natin at hindi umasa sa kaharian". wika ni Sophia.

"Tama, walang makakaalam kung magiging maingat tayo. Wala munang maglalaro ngayon. kailangan nating itago maski maliit na hibla ng kung ano tayo". Sang-ayon ni Anna.

"Hindi na ako gumamit ng dasal simula nang lumipat tayo dito. Alam kong hindi na ako mahihirapan". Simula ni Sophia.

"kahanga-hanga". komento ni Anna.

"Sandali lang". bulalas ni Pepita na napatingin sa tasa ng tsaa tila may inaalala. "paano na sa mga sitwasyong makaharap tayo ng matinding panganib?"

"Nagbibiro ka ba? pinakamalalakas ang mga talisman natin"

"Dapat ay mayroon kang ganun"

dahan dahang itinaas ni Pepita ang pamaypay niya. May pinupunto ito.

"Ibang uri ng panganib ang tinurukoy ko. Naalala niyo nang may ikwinento ang lola ma minsa'y may naka-engkwentro siyang pambihirang nilalang na napakalakas at napakabilis?"

Sa paksang ito ni Pepita ay nagkaroon ng tensiyon sa paligid.

"hindi nawawala iyan sa utak ko, may iba pang mas mabagsik kaysa sa atin" Ana ni Sophia.

"May nalaman akong mga aristokrato o maharlika sila, nagtatago sa karangyaan at pinapaikot ang mga tao sa paligid nila". Segunda ni Anna.

Hinaplus-haplus ni Pepita ang braso na wari ay pinanindigan ng balahibo.

"sa totoo lang mga pinsan, nakaengkwentro na din ako ng ganoon sa isang karnival sa Paris, Tatlong beses ko siyang nahagip sa magkakaibang lugar kaya naisip kong sinusundan niya ako. Naramdaman kong nawala agad siya na parang bula sa perimetro ko nang magpakita ang ating si Fauna". kwento nito.

hindi makapaniwala ang dalawa. May espesyal na kakayahan si pepita, kaya niyang maramdaman ang mga nilalang na hindi lalayo sa kanya ng isang milya dahil dito, kaya di niyang gawin ang kung anong nais niya sa loob ng lugar na sakop ng pandama niya o perimetro.

"Marahil ay natuwa sya sa kakaibang ganda mo Pepita at ang sa morena monh balat, Balita ko Mahilig ang mga Mandurugo sa mga magaganda at Virhen" ani ni sophia.

"Mandurugo?" Sabay na gulat ni Pepita at Anna

"Palibhasa wala na kayong kasiyahan ng kabataan, Kasalukuyang nagkakalat sila ng lagim sa buong Europa yan ang balita ko mula sa mga espiya mga malalkas at mabibilis sila".

"hindi ko lubos maisip kung gaano siya kabilis nakawala sa pandama mo dahil malayo ang inaabot nito. hindi kapani-paniwala na nakaalis kaagad ang nilalang na iyon, mala diyos naman ang bilis niya". taka ni Anna.

"Dapat siyang pag-ingatan!"

Natahimik ang tatlo. Nandoon na rin ang tensiyon sa kanila. Sa hindi nila inaasahan ay may kwago na sumampa sa dampa ng terrasa nila. Natukoy nila kung ano ito, hindi ordinaryong ibon.Ang alaga ni Fauna may hawak itong sulat. ito ay makalumang estilo ng pagpapadala ng mensahe. Kinuha ni Sophia ang sulat at binasa ng mahina.

Mga mahal kong pinsan,

Hindi ko lubos akalain na magigising ako sa kalagitnanan ng crisis sa ating lahi. Minsan man ay inakala nating tayo ang pinakamakapangyarihang lahi hanggang sa mahaluan ng kasamaan ang mga bagay na sagrado. Dahil diyan parang pinarusaha tayo ng langit. Ubos na tayo sa totoo lang. Tanging mag matalino at mabubuti ang natira. Nawa'y manatili tayo sa kung ano tayo ngayon, mha purong Royale Sorceress. Magpalamig muna tayo at maghiwa-hiwalay. tanging ito lang ang solusyon. At kung mag-kruss man ang ating mga landas, tanging langit lang ang nakakaalam.