Chapter 4 - mahika 3

May ginagawa siya naghahanda ito ng mga kagamitang pang golf. Saan siya mag-gogolf? Sa bukid? Naalala kong may golf club pala sa kalapit ng barrio malamig. Biglang napatingin sa gawi ko si kyle. Napaigtad tuloy ako. Sakto kong nabugaran sina larry,breene, lola, nanay miranda at tatay carding na nakamasid din sa akin. Kailangan talagaga kumpleto sila? Paanong hindi ko sila namalayan sa likod ko? Walang ibang may pakana nito kundi si larry. Hinayupak talaga ang mokong na ito. Pangisi-ngisi pa. Tuluyan na silang nagtawanan. Hindi ako makapaniwala, napahiya ako sa ikalawang pagkakataon. Its time to be depensive na, tumakbo ako ng kwarto deretso sa kama at nagtalukbong agad ng kumot. Huhu, bakit ang malas ko sa lovelife. Bad omen ba ito? Sana naman umalis na sila. Ayoko munang makipag usap ngayon naiinis ako kay larry. Nagbilang ako ng 1-100. Siguro naman wala na sila. Tinanggal ko na ang kumot. Wala na nga sila. Buti naman.

"Apo"

Anak ng! Nandito pa pala si lola.

"Pasensya ka na apo, may ibibigay sana ako sa iyo kanina kaya lang". Napatawa ito. "Haaay, dalaga ka na pala. Halika at may ibibigay ako sa iyo"

Talaga ba? Parang alam ko na ito ah. Ito na ba? Putek hindi ako makapaniwala. Nawala lahat ng sama ng loob ko kay larry. Sinamahan ko siya patungong west wing kung saan nandoon ang mga bakanteng kwarto. Naalala ko tuloy nung bata ako takot na takot noon ako dito. Dinala niya ako sa isa sa mga kwartong hindi ko pa napasok. Sumalubong sa amin ang mini museum ng ilan sa mga natirang heirlooms namin.Malinis ang kwarto at nakalagay ang mga antique sa glass containers. May ilang painting sa pader,Pinakamalaki ang nasa gitna at tila apple of the eye ito dahil sa ganda ng babaeng naka-painting dito. Hindi ko maintindihan pero biglang kumabog ang dibdib ko nang mapagtanto kong kamukha ko siya. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko.

"Sya ang Mona Lisa ng Pilipinas, si Sophia Copina kapatid ni Anna na lola ng lola natin". Bahagyang tumingin siya sa akin." At magkahawig kayo apo! Kahanga-hanga!"

Habang humahanga ang aking lola, ako naman ay hindi sang ayon. Mas detailed ang mukha ng nasa painting. From pouty lips, dreamy eyes, to cleft chin. Medyo Asian na kase ang dating ko. Kung mamalabisin pa ako yung pirated na version niya.

May binuksan si lola sa isang baul at ibinigay niya sa akin ang isang maliit at cute na lalagyan. Binuksan ko ito at napasinghap pagkakita ng mga loveletters!

"Ang mga sulat na iyan ay mula sa asawa ni Sophia"

Napatingin Ako sa intrikadong disenyo ng mga sobre, noon pa man, gusto ko nang malaman kung ano ang trip nila.

Haba lang ng hair?

"Ipinagkakatiwala ko na sa iyo ang mga sulat na iyan. Ingatan mong mabuti ang mga ito anak, alam mo na ang pagbasa nito, isang sulat sa isang araw". Paalala ni lola. "Opo lola, don't worry, may timelock po ako"

"Mabuti kung ganon, alam mo naman ang pamahiin natin, malay mo swertehin ka sa pag-ibig".

Wow inistres talaga ni lola yung word na pag-ibig. Palibhasa alam na nilang lahat na may nagugustuhan na ako.