Chapter 5 - mahika 4

pagkatapus naming mag usap ni lola pumunta ako sa may attic, ang spare room sa may bubungan ng bahay. Kasama ko si breene para doon i-set ang time lock aparatus. napatingin ako sa may bintana at nabugaran ko si kyle na may hawak hawak na pang golf. napansin kong medyo simple at old style sya pumorma. I wanted to see his abs! hindi ko man gustuhin ay nawiwili na akong pagpantasyahan sya. ganoon ba talaga ang hatak nya.

may narinig akong sumisinghot singhot sa likod ko....kinabahan ako, hindi naman sana. Napatingin ako kay breene at eew nagkalat ang luha at uhog na sa mukha nya. wait, does it mean!

mula sa kamay niya nakita ko ang panghuling envelope.

"fren, magpapaliwanag ako". saad nito habang sumisinok sinok pa. halatang emosyonal ito. nakakainis, inunahan ako.

"wala ka nang dapat ipaliwanag pa, akin na iyan". hindi naman ako galit sa kanya. inilagay ko ulit sa mga envelopes ang mga sulat. hindi ko maiwasang tignan ang intrikadong disenyo nito, nakakarelax ng mata at nakaka-curios. marahil ay ito ang naramdaman ni breene. napatingin ako sa kanya.

"don't dare tell me what happened. dont take away my right huh!"

"okay okay".

matapus kong i-setup ang anim na envelope, itinabi ko ang isa para ngayon ko na basahin.

"I need some space". wika ko kay breene. Nagmadali namang lumabas ang bruha. binuksan ko na ang letter at huminga ng malalim bago ko ito basahin.

this is it, pancit!

(hunyo 28, 1761)

Maganda ang handwriting. Kahanga-hanga, ganito ba ang mga lalake noon? ipinagpatuloy ko ang pagbasa

(Mahal kong Sophia,

Maganda lagi ang araw kapag ikaw ay nasa paligid. Lalo na sa nakakasilaw mong ngiti. Hinihiling ko sa Maykapal na ikaw ay masaya lagi at masanay agad sa pamumuhay dito. siguro ay nasasabik ka na sa Madrid binibining Madrilenya. Ako man ay nahirapan din ngunit di naglaon ay nasanay din sa ganitong uri ng bagong kapaligiran. nagiging mapanganib na ang Europa para sa mga katulad natin.

Ngunit dito ay ligtas at maganda at laging tag init walang tag-lamig, ito ang uri ng klima na inaasam ng ilan. nakakahalina din ang tabing dagat lalo na kapag nasilayan ang pasipikong bughaw at banayad.Sana ay paunlakan mo ako minsan para maglakad -lakad doon sa pista ng hipon.

Binibini, ituring mo nang tahanan ito, marami ding mga kababayan natin ang nandito at masaya nang namumuhay.

At sana ay ituring mo na din akong kaibigan, gusto ko sanang magpakilala sa mga darating na araw, paalam.

Sumasaiyo,

Alexandro)

Naalala ko tuloy si Alexander the great, the Conqueror. Pa admirer efec pala si lolo tsaka pumapasimple rin. Hindi ko alam na uso na pala ang ninja moves noon.

bakit ganito, feeling ko ako yung sinulatan. haha feelingera na ba ako? naalala ko tuloy si kyle. Sana ganito din sya ka maginoo at sweet.