Chereads / Her Name is Katie / Chapter 4 - The First Time I Saw You

Chapter 4 - The First Time I Saw You

"BLOODY hell!"

Agad na bumaba ng kotse si Katie at sinuri kung may gasgas ang kotse na hiniram niya pa kay Noel.

Nanghihiram na nga lang siya ay masisira niya pa iyon.

Napasinghap si Katie nang makitang may gasgas nga ang kotse. Nag-init ang kanyang ulo at agad na pinuntahan ang salarin. Handa na siyang talakan ang kung sinumang bumaba doon kaya lang ay parang napipi siya nang makita ang mukha ng lalaking bumaba rin mula sa kotseng nakabangga sa kanya.

He had that Adonis look going on. Tan skin, distinct cheek bones, high-bridged nose and a prominent jaw. He had the kind of face that can stop you in your tracks. His eyes were dark as a night, framed by dark brows which are currently furrowed in a frown. Pero kahit ganoon, ay may karakter ang mga mata nito na parang kayang higupin ng mga ito ang kanyang pagkatao.

Nang bumaba ang tingin ni Katie sa maninipis na mga labi ng lalaki ay parang may kung anong atraksyong humila sa kanya. He had that pinkish lips ripe for kissing. Para bang gusto niyang maramdaman kung paano humalik ang mga labi nito. Parang nangangako iyon ng langit.

Katie was mesmerized. Gustuhin niya mang magsalita ay wala siyang maisip na sabihin dahil nakatanga lang siya sa kaguwapuhan ng lalaki. Gusto niyang mapapalatak! Ni minsan ay hindi iyon nangyari kay Katie pero habang nakatitig ito sa kanya ay parang bumilis ang tibok ng puso niya.

Para bang nakaramdam si Katie ng kakaibang atraksyon nang magtama ang kanilang mga mata at hindi niya maintindihan kung bakit nangyayari iyon sa kanya.

Bumuka ang mga labi ng lalaki para magsalita pero hindi maintindihan ni Katie kung bakit parang wala yata siyang marinig. Napipi na nga, nabingi pa siya?! Ganito ba katindi ang dating sa kanya ng lalaking iyon?! Naka-focus lang si Katie sa magagandang mga mata ng allaki na para bang binabasa ang kanyang isipan.

"May problema ka ba sa mukha ko?"

Lumusot iyon sa pandinig ni Katie pati ang iritasyon sa tinig nito. Iyon ang dahilan kung bakit nakawala siya sa parang mahikang nakapalibot sa kanila kanina. Bakit ba kasi napatulala siya?!

Pero salamat sa kasungitan nito dahil puwede niya rin itong sungitan para maitago ang pagkakapahiya dahil talagang natulala siya dito kanina.

"Bakit mo binangga ang kotse ko?!"

"It was your fault! Why did you suddenly stop?!"

Hindi makapaniwalang napatingin siya sa lalaki. Ito pa talaga ang galit?! Oo, guwapo ito pero nakapagpainis sa kanya ang malamig na paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. He looked at Katie like she was an idiot who just ruined his day.

"Why did I stop?! It's a red light!" Tinuro ni Katie ang traffic lights. "Anong gusto mong gawin ko?!"

He nonchalantly gazed into the traffic light's direction. Medyo nanlaki ang mga mata nito nang makita nito ang pulang ilaw. Saka ito muling bumaling sa kanya.

"Oh. Fine," tila walang pakialam na wika nito.

Oh. Fine?!

Lalong nag-init ang ulo ni Katie. Ganoon na lamang iyon?!

"Are you really serious about that?! Binangga mo ang kotse ko at sasabihin mong 'Oh Fine'?! Okay ka lang?!" sarkastikong wika niya. Hinawakan ni Katie ang gasgas na bahagi ng kotse para mapansin iyon ng lalaki. "May gasgas ang kotse! Hindi pa nga ito bayad ng kapatid ko, ginasgasan mo na. Bayaran---"

Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay tumambad na sa harap ng mukha niya ang calling card nito.

"Send me your account details. I'll ask my secretary to deposit money into your account."

"Pero---"

"Aarte ka pa ba o kukunin mo?" naiiritang wika nito.

Hindi makapaniwala si Katie na ito pa ang naiinis sa kanya samantalang kasalanan naman nito ang lahat. Ni hindi man lang nito magawang mag-sorry!

"Kukunin ko!" Marahas na kinuha ni Katie ang calling card bago pa magbago ang isip nito. "Pero hindi ka man lang ba mag-so-sorry?"

Bago ito sumagot ay napatingin ito sa kung saan mang direksyon sa likod ni Katie bago siya nito muling binalingan.

"It's green. Wala ng oras."

Napakurap kurap si Katie bago narealize na ang traffic light ang tinutukoy nito. Pero ganoon ba talaga ito ka-arogante na kahit kasalanan nito ay hindi man lang ito hihingi ng tawad?! Lalong lumalim ang gatla sa noo ng lalaki at tila nawiwirduhang napatingin sa kanya bago ito sumakay ng kotse at pinaharurot iyon palayo.

Parang kumulo ang dugo niya. Kung gaano ito kaguwapo ay ganoon naman kasama ang ugali nito.

She scoffed.

"Wala ng oras?! Bakit?! Aabutin ba siya ng sampung taon para masabi niya ang I'm Sorry? Presidente ba siya at ganoon siya ka-busy na wala na siyang oras para---

Pero bago pa man matapos ni Katie ang sasabihin ay sunod sunod na bumusina na ang mga sasakyang nasa likuran niya. Dahil walang na siyang magawa ay padabog na bumalik na lamang siya sa kotse. Lalo lang sumama ang araw niya nang mapatingin siya sa vanity mirror ng kotse ay nakita niya ang gilid ng kanyang mga labi na may guhit ng lipstick!

Ibig sabihin ay buong oras na kaharap niya ang antipatikong lalaking iyon ay madumi ang mukha niya?! Kaya ba tila nawiwirduhang napatingin ang lalaki sa kanya kanina?!

Nagsungit pa siya kanina pero madumi naman pala ang mukha niya. Buburahin na sana ni Katie ang dumi sa mukha niya nang may sunod sunod na bumusina na naman sa likod niya. May isang driver pa nga na sinigawan siya nang makalagpas sa kotseng minamaneho niya.

"Argh!"

Naiinis man ay nagmadali na si Katie na paandarin ang kotse. Maayos naman kanina ang araw niya pero bakit mula nang makilala niya ang antipatikong lalaking iyon ay nagkanda letse letse na ang araw niya?!

Sayang, guwapo pa man din sana!

Pero agad niya ring sinuway ang sarili sa kung anong pinag-iisip niya. Eh ano naman kung guwapo ang lalaki? Arogante naman!

God! Sana lang huwag niya na itong makita ulit dahil baka masira lang din ang araw niya kapag nagkataon.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag