Chereads / Aloha (The First VIP Club Trilogy) / Chapter 10 - Chapter 10: Amor

Chapter 10 - Chapter 10: Amor

Pagkatapos ng klase niya ay pumasok na siya opisina. May ilang pinagawa lang si Carol sakanya ang supervisor ng kompanya at pagkatapos ay nagpaalam na siya dito na may pupuntahan siya. Bago siya pumunta siya sa bahay ni Alona ay pumunta muna siya sa bahay ampunan. Miss na miss  din niya kasi ang mga bata at ang bahay ampunan na naging tahanan niya noon. Matagal na din siyang hindi nakadalaw dito binigay ng bahay ampunan ang pangangailangan niya bilang isang bata. Hinding hindi niya kakalimutan ang bagay na 'yon sa buhay niya.

Pagdating niya sa bahay ni Alona ay hindi niya nadatnan ang babae. Sabi ng landlady ay hindi ito umuwi kagabi, kinakabahan naman siya sa narinig. Nang hindi niya makita ay pumunta siya sa club na pinagtrabahoan niya noon at ni Alona baka nandun lang ang babae. Pag apak palang niya sa club ay agad niyang hinanap si Alona. Tumingin naman ang mga bartender sakanyang pagpasok. Nakauniporme pa kasi siya. Ganun pa rin ang VIP club, may ibang istilo lang ang binago. Umupo muna sa mga bakanteng mesa. Hindi pa man matao kasi maaga pa.

"Ma'am what is your order?" anang lalaki, umangat siya ng kunti pero nagulat itong makita siya roon. "Aloha? Ikaw ba 'yan? Long time no see, it's been seven month since you left" mangha na tanong ni Vic sakanya. Ngumiti siya rito. "Hi Vic, kumusta?"

"Okay lang, mabuti at natandaan mo pa ako. Akala ko kung sinong magandang babae ang pumasok. Ibang iba kana ngayon ah." sinipat pa siya ng tingin ni Vic mula ulo hanggang paa. Kapagkuwan ay umupo ito sa tapat niya. "Hindi ka pa rin nagbago Vic, bolero ka pa rin. Hindi ko naman kayo nakakalimutam kayo pa." aniya

"Na miss ka namin. Wala talagang makakapantay sayo Aloha, may pumalit na sayo pero hinahanap ka parin ng mga customer." batid ang lungkot sa boses ni Vic. She sighed, hindi naman siya kagalingan. Siguro nasanay lang ang mga tao sa presensiya niya gabi gabi.

"Talaga? May pumalit na? Anong pangalan niya?" bigla siya na excite sa sinabi ni Vic.

"Amor, Amor ang binansag sakanya ni Manang Betchay." napatango siya, ang ganda ng pangalan ng pumalit sakanya.

"Anong sadya mo pala at naparito ka? Galing ka pang skwelahan ano. Di halata nakuniporme ka pa." tumawa ito ng mapakla. Kaya tumawa na din siya.

"Si Alona nandiyan ba?" kumunot ang noo ni Vic. Parang nakaramdam siya kaba base sa nakita niyang reaksiyon dito.

"Ah...e'...wala siya rito Aloha, hindi mo ba tinawagan na darating ka?" paanong wala? Saan naman nagpunta ang babaeng 'to.

"Hindi mo ba alam kung nasaan siya Vic? Tinawagan ko siya pero out of reach ang phone niya akala ko nandito lang siya." kinakabahan na siya, hindi naman nakagawian na hindi umuwi ng bahay.

"Hmmm, nakita ko siya kagabi. May customer siya mukhang galante nga at nakita ko silang lumabas." ano daw parang nabingi siya sa sinabi ni Vic, alam niya na tumatanggap si Alona ng tumitable pero hindi ito sumama sa labas kahit kailan ngayon lang. Sino naman kaya na lalaking 'yon. Bakit hindi pa siya nakauwi.

Kinuha niya ang celphone sa bag niya at dinial ang numero ni Alona, pero wala pa rin sagot mula rito. Hindi ito makuntak. Sana mali ang naiisip niya, sana okay lang kaibigan niya kilala niya si Alona hindi iyon basta sasama ng sino lang. Bumuntong hininga siya, pinadalangin niya na walang nangyari sa kaibigan.

"Aloha, okay ka lang? Huwag kang mag aalala dun. Sa tingin ko ay ligtas siya sa lalaking 'yon." pampalubag loob ni Vic sakanya. Sana nga. Tanging sambit niya sa sarili.

"Sige Vic, salamat. Hindi na ako magtatagal." tumayo siya at isinukbit ang bag. "Sabihin mo sa iba kinukumusta ko sila Vic." aniya at lumabas ng tuluyan sa VIP club. Medyo madilim na. Nanlumo ang mukha na lumabas. Hindi man lang niya nakausap si Alona. Naglalakad na siya para pumara ng taxi, nang nahagilap ang lalaking bagong labas sa club na hinila ang babae. Nagpupumiglas ang babae, parang ayaw ng babae na sumama dito dahil nagpupumiglas ito.

Umiwas siya ng tingin dito dahil tumingin ito sa gawi niya. Wtf? Parang kilala niya ang lalaki. Binalik niya ang tingin dito. Wala na ang babaeng hinila niya kanina. At tama nga siya kilalang kilala niya ang lalaking 'yon at papunta ito ngayon sa gawi niya. Pumikit pa siya baka nagkamali lang ang maganda niyang mata sa nakikita.

Napaigtad siya ng may humawak sa balikat niya. Dahan dahan naman siyang dumilat, hindi nga nagkamali ang mga mata niya dahil nasa harap niya ngayon si Third. Parang galit ito at hindi maipinta ang mukha.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nandito ha? Kabilang ka ba nila?" turo nito sa VIP club, bakas ang pandidiri sa mga nito na tumingin sakanya.

Habang siya ay natameme sa mga narinig niya, parang nabingi kasi siya. Anong ibig sabihin nito? Nanuyo ang lalamunan niya, walang ni isang salita ang lumabas sa bibig niya. Kahit gusto niyang sabihin dito na mali ito sa iniisip sakanya pero nanatiling tikom ang bibig niya. Kita niya ang nanlilisik na mata ni Third.

"Sabihin mo? Dito kaba nakita ng ama ko? Ha? Aloha?" asik ni Third sakanya. Dun lang yata siya nagising sa katotohanan na kahit kailan walang makakaintindi sakanila. Na walang tao na hindi sila huhusgahan at laitin.

"Bakit Third? Anong gagawin mo kung diyan ako nakita ng ama mo? Ano ang gagawin mo kung isa ako dun?" tinuro niya din ang club. Naramdaman niya na may luhang nagtatago sa gilid ng mga mata niya.

"Shit!" bulalas ng binata at nakahawak sa ulo nito. Habang siya ay na estatwa. Sa wakas ay nasabi niya rin ang kanyang gustong sabihin. Hindi hahayaan ni Aloha na  huhusgahan sila ng mga taong wala namang ibang ginawa at manlait lang.

"Stay away from my Father!" singhal nito sakanya. Ang luhang pilit pinipigilan niya ay nag uunahan ng pag agos. Ang sakit, sa buong buhay niya ngayon pa lang siya nakaramdam ng pag disgusto ng tao sakanyang paligid. Bakit? Dahil nagtratrabaho siya sa club noon? Walang kwentang buhay pala 'to e. Bakit marami yatang judgemental sa mundo.

"Bakit Third? Bakit? May mali ba akong ginagawa sayo? Wala akong ginagawang mali sa ama mo Third! At lalong wala kang karapatan na pagsabihan ako ng kahit na ano." hilam ang mukha ng luha niya at naglakad siya palayo. Ang sikip ng dibdib niya na may sumasakit na doon, ang mga luha na tila walang nang bukas ay nanatiling umagos. Namanhid ang tuhod niya at bigla nalang siya nanghina. Umiikot ang paningin niya, biglang nakaramdam siya ng hilo. Bago pa man siya tuluyan mawalan ng malay may sumalo sakanya. Narinig pa niya ang sinabi nito at nawalan na siya ng malay. Parang bumigat ang mga talukap niya at hinila siya ng antok.

"Aloha."

***

Nagising siya sa ingay ng mga boses na nagbabangayan. Dumilat siya ng dahan dahan upang makita kung sino ang boses na 'yon.  Ang puting kwarto ang sumalubong sakanya. Nasaan siya?

"Anong nangayari Third? Bakit nandito sa hospital si Aloha?" galit na turan ni Don Javier kay Third na nasa gilid ng kama niya at si Don Javier naman ay nakatayo lang. Anong nangyari bakit nandito sila. Inilibot niya ang paningin sa paligid.

"I... I don't know Dad. She is just collapsed." kibit balikat naman sagot nito

Gusto niya sanang bumangon pero mabigat talaga ang pakiramdam niya. Ang sakit pa ng ulo niya. Napahiga lang ulit siya, lumingon naman ang dalawa. "Aloha, how are you? May masakit? Anong nararamdaman mo?" sunod sunod na tanong ng Don sakanya. Nakita niya ang pag aalala sa mukha nito samantalang seryosong tingin ang pinukol ni Third sakanya. Naalala na niya ang nangyari. Mula sa pagbangayan nila ni Third sa labas ng Club ay naglakad siya palayo bigla nalang nandilim ang kanyang paningin at nahihilo siya.

"Okay lang po ako." aniya sa mahinang boses at bumaling sa kawalan.

"May gusto ka bang kainin? Here, may dala ako." iminuwestra nito ang isang basket ng prutas.

Napangiti siya dito. Kahit kailan talaga hindi ipinaramdam nito na iba siyang tao. Minsan pinapangarap niya  na siya ang anak nito na nawawala. Labis na nga ang ginagawa nito bilang boss sakanya.

Nakita niya na kumuha ito ng mansanas at pinaghihiwa ang mga 'yon. Susubuan pa sana siya nito ng may tumikhim sa gilid. It's Third. Mukhang umasim na naman ang timpla ng mukha nito. Oo nga pala, hindi ko nakalimutan ang sinabi nito. Parang may tumusok sa puso niya sa isipin na 'yon.

Kinuha nito ang mansanas sa kamay ni Don Javier, napangiti lang ang Don at nagkibit balikat na tumabi. "Here," nanatiling nasa mansanas ang tingin niya. Hindi niya alam kung ginusto ba nito ang susubuan siya o nagpapanggap lang dahil ayaw nito sakanya. "I'm sorry." anito, mahina lang 'yon pero dinig na dinig niya ang katagang lumabas mula dito. Tama ba ang naririnig niya? Nagsosory ito? Umangat ang tingin niya dito. Kita niya ang walang emosyon na mukha ni Third. Ganyan ba talaga ito mag sorry? Walang buhay?

"Kung napipi-------" hindi niya natuloy ang sasabihin dahil bumukas ang pintuan at pumasok ang doctor doon. Kinakabahan na naman  siya. Hindi naman ito nangyayari sakanya noon. Ngayon lang, bigla nalang siyang nahihilo  at sa tanang buhay niya ngayon lang siya na Ospital.