Chereads / Aloha (The First VIP Club Trilogy) / Chapter 14 - Chapter 14: Expect of Unexpected

Chapter 14 - Chapter 14: Expect of Unexpected

"Aloha?" sambit ng Don pagpasok ni Aloha sa opisina. Tumayo ito at sinalubong siya mukhang inaabangan talaga siya ng Don na bumalik. "Third?"

"Umalis na ho, pinauwi ko muna para makapaghinga." aniya nais tanungin ni Aloha kung ano ang pasya ng binata sa pinag usapan nito wala naman itong binanggit sakanya na ayaw nito.

"He unreasonable hija, may mali ba ako? Hindi niya maiintindihan ang gusto ko. Mahirap ba 'yon?" anito na naghihinagpis ang kalooban. Naramdaman ni Aloha ang mabigat na pakiramdam. Hindi niya alam kung bakit ayaw ni Third tanggapin ang kompanya. Mukhang may pumpigil dito.

"Huwag ho kayong mag alala kukumbinsihin ko si Third." aniya,

"Thanks hija iwan ko sa batang 'yon" anito na umiiling.

"Naku! Huwag niyong iisipin 'yon. Sige kayo baka dagdagan ng isa pa ang edad ninyo. " aniya na natatawa sa sinabi. Tumawa din ang matanda.

Bumalik ito ng upo sa swivel chair. " Bukas kailangan ko na siyang turuan tungkol dito sa kompanya."

"Tama po." masiglang komento niya,

Sinipat niya ang mini clock na nasa table niya. May klase pa kasi siya ng ala una ng hapon. May oras pa siyanh maghanda bago ang klase, uuwi pa siya ng bahay. Hindi pa siya nakauwi sa bahay niya ng isang araw.

"Don, maiwan ko muna kayo. May  klase pa ako." paalam niya dito, tumango lang ang Don at lumabas na siya. Agad naman siyang sumakay ng taxi na pinahanda ng Don kung sakali may emergency siyang puntahan.

Pagdating ni Aloha sa bahay ay nawalan siya ng lakas at napaupo dahil sa bumungad sakanya na nagkakalat na kagamitan. May pumasok sa kwarto niya. Agad naman hinalungkat naman niya ang nilagyan ng ipon niyang pera pero wala na ito roon. Napahagulhol na ng iyak si Aloha. Bakit ngayon pa mangyari ito sakanya kailangan niya ang perang 'yon para sa bills ng skwelahan. Matagal niya itong pinaghirapan ipunin at sa isang iglap ay nawala ang ipon niya. Hindi niya inaasahan ang nangyari ito sakanya. Napakaimposible! "Expect of an unexpected Aloha," ani ng isip niya.

Agad niyang inayos ang gamit niyang nagkakalat. May isang buwan pa naman siyang advance na bayad sa renta ng bahay ang iisipin nalang niya ngayon ay ang pang bayad sa scuelahan. Malapit ng ang midterm exams nila hindi siya makakalikom ng pera ng ganun kalaki.

Pero wala na siyang magawa nangyari na ang dapat mangyayari. Pinahid niya ang luha at nagbihis na parang wala lang itong nangyari sakanya.

PUMASOK si Aloha na lutang ang diwa. Hindi man lang niya namalayan nasa loob na siya klasroom. Nandun na din ang mga kaibigan at kaklase niya. Dalangin niyang wala ang propesor nila dininig naman ang dalangin niya na wala ang propesor pero iba ang dumating. Si Wine, kikiligin sana siya kung wala lang siyang problema ngayon. Lutang pa rin siya at iniisip ang perang nawala sakanya.

"Kanina ka pa walang kibo ah! May problema ba?" siniko siya ni Akiko, tama ito hindi nga siya nagsasakit pagdating pa niya. Nawala ang mood niya dahil sa nangyari. Nais niyang sabihin dito pero napaurong siya ng nasa harap nila si Wine.

"Ms.Montesor are you with us?" ani ng baritonong boses ni Wine, kung wala siyang pinagdadaraanan ngayon. Okay lang na ipahiya siya sa harap ng kaklase niya.

"May pinagdadaraanan lang po sir." aniya, nagtama ang mga mata nila pero siya ang unang umiwas. Naiilang siya kung paano ito tumititig sakanya.

Hindi din naman ito nagkomento at bumalik na sa pagdiskusyon. Pinilipit ang sarili na mauunawaan ang lecture nila Curative and Rehabilitation Nursing Care Managment With RLE. Parang gusto niya magparehab dahil parang baliw na siya sa kakaisip sa problema. Nang matapos ay agad siyang nagligpit ng gamit naisipang pupuntahan niya si Alona. Makikisuyo na pahihiramin siya ng pera.

"Nagmamadali ka yata Aloha? Saan ang punta?" ani Akiko habang nagliligpit din ng gamit.

"May importanteng pupuntahan lang ako Aki." aniya at lumabas na

"Kumusta my dear bestfriend? Mukhang napasugod ka ng giyera ah. Sabog na sabog ang buhok." bulalas ni Alona, nasa excitement ng mukha nito ang pagkikita nila. Paano ba niya sasabihin sa kaibigan ang problema niya.

Niyakap niya ito, sa totoo lang miss na miss niya ang kaibigan. Mabuti at nadatnan niya ito doon. "Kumusta kana! Pinuntahan kita noong isang linggo pero wala ka dito."

Mukhang balisa ang kaibigan niya sakanyang tanong. "Nagkita kami ni Lester."

"Ano? Iyong si Mr. Paasa mo?" takang tanong niya at kumpirmado dahil tumango ang kanyang bestfriend.

"Mabuti naman! Pero bakit malungkot ka yata?" puna niya hindi makakaila ni Alona ang lungkot sa mata nito.

Nagkibitbalikat ito at nagsalin ng juice binigyan din siya nito. "He is married." pumiyok ang boses ni Alona ng sabihin nito 'yon. Maging siya ay nasaktan para sa kaibigan.

Umiiyak ito na umiinom ng juice. Agad naman niyakap ni Aloha ang kaibigan. Nasasaktan siya dito ngayon lang niya yata ito naglakas ng loob na maglabas ng sakit sakanya. Noon sa club ay pinipilit nitong huwag umiiyak kahit palagi niyang makikita ito sa labas ng club at may hinihintay.

"Shhh.. Tahan na Alona. Hindi makabuti 'yan sayo. Time will heal your broken heart Alona." aniya at hagod pa rin ang likod nito.

GABI na ng nagpasya si Aloha umuwi. Pinatulog niya din si Alona, labis itong nasasaktan at ang maging ang trabaho nito ay naapektuhan. Hindi niya nasabi dito ang pakay niya mukha naman siyang nahiya sa sarili. Hindi dapat dagdagan niya pa.

Pagbaba niya sa taxi ay agad na sumalubong ang alalang binata sa tapat ng gate. "Saan ka nagpunta?"

"Sa kaibigan lang, may problema kasi" aniya at binuksan ang gate. "Halika pasok ka." yaya niya kay Third. Agad naman sumunod si Third sakanya.

"Paano mo nalaman ang bahay ko." tanong niya nakapasok na sila ng bahay. "It's dad"

"Gabi na dapat ipinagbukas mo na 'yang sadya mo."aniya, pumunta siya sa kusina niya at sumunod naman ito. Magsalin sana siya ng tubig para dito ng biglang kinabig ang baba niya at hinagkan siya ng marahas. Parang batang uhaw na uhaw ito. Nangangatog ang tuhod niya sa sensasyong hatid ng mapusok na halik ng binata. Parehas silang naghahabol ng hininga ng pinakawalan ni Third ang labi niya.

"You make me worried. Wala ka din text." anito sa napapaos na boses.

Sa nangyari sa kanyang kamalasan wala na siyang maiisip na tama. Nawala sa isip niya ang magtext dito o kay Don Javier. It's long day for her at lahat 'yon kamalasan.

"I'm sorry nawala sa  isip ko. Maraming dumatin na problema." aniya, niyakap siya ng lalaki.  "kung ganito ka lagi Third, mahuhulog na talaga ako sayo. Sana lang ay