Chereads / Aloha (The First VIP Club Trilogy) / Chapter 13 - Chapter 13: The Heir

Chapter 13 - Chapter 13: The Heir

UMALINGAWNGAW pa rin ang sinabi ni Third kanina. "Tama na 'yan wala lamg naman 'yon. Don't be so touch" kastigo ng isang bahagi ng isip niya.

Ipinilig niya ang ulo sa headboad ng sasakyan. Ilang araw na niyang naiisip ang mga kilos ng lalaki. "I'm not!" aniya sa sarili.

"Are you okay? Medyo tahimik ka." puna ni Third, nasa byahe na sila papuntang opisina. Mula kaninang iniwan sila ni Don Javier ay hindi na uli niya kinausap ito. Nilingon niya ang binata na nakatutok na sa kalsada ang mga mata. Ngayon lang niya napuna na may kahawig itong Artista. A curved lips that no one can resist just to taste it, may maitim na kilay at ang pilik mata nitong matataas ay nang aakit.

"There you are stop staring at me will you?" anito na humahalakhak na parang amuse na amuse ito sa nakitang pagtitig niya rito. holy crap! Iniwas na nlang ang mga mata at bumaling sa tanawin sa labas. "I am not! Napuna ko lang. Masyado kang gwapo wala ka bang girlfriend?"

Ilang sandali pa ang namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa ng sagutin siya nito. "She's not here nasa probinsiya. Emergency"

Napatango nalang siya parang may panghihinayang ang nadarama, there is something in her that she can't accept. Parang may kumirot doon hindi na ulit siya nagtanong tahimik siyang sumandal sa headboard. "Ikaw  nasaan ang boyfriend mo?"

Pagak siyang natawa sa tanong ng binata, iwan niya kung bakit natatawa siya. Wala pa kasing nagtanong sakanya ng tungkol na bagay na 'yan. Si Third pa lang, "I am not interested in that thing Third, mahirap ang buhay ngayon ayaw ko ng komplikasyon." aniya na hindi man lang tinignan ang kausap, nakita nita ang pagtitig nito sa kanya pero sandali lang 'yon at bumaling ma ulit sa harap.

"Dahil sa tulad ko, walang magkakagusto sa akin at magmamahal ng totoo" sabi niya sa sarili. Nais niyang isatinig ang katagang 'yon dito pero wala din namang silbi. Niluluto na siya ng judgement kahit hindi pa alam kumg ano ang totoo.

"We're here!" anunsiyo ng binata kaya napaayos siya ng upo. "Wait me here Aloha, sabay na tayong pumasok. Paparada lang ako ng maayos." anito tumango naman siya at bumaba na sa tapat ng entrance.

"The party is in 6 days from now. Excited na ako ang sabi may malaking anunsiyo si Sir Emmanuel." ani ng isang chinitang babae, may kasama ito na siyang kausap.

"Maybe he is going to retire, bumalik na daw kasi ang anak nito." ani naman ng kausap nito sa palagay ni Aloha ay kaseng edad lang niya ang babae.

"Anong party?" aniya sa sarili, marami pala siyang hindi alam sa nakaraang araw dahil nagkasakit siya.

"Let's go?" ani Third, napaigtad pa siya ng hawakan siya nito sa siko at iginiya na sa loob. How sweet dear panunudyo ng kontrabidang isip niya. "Kung sana walang girlfriend ito ay kikiligin ako." sagot naman niya

"Malay mo? Di ba? Maghiwalay ang mga 'yan! Alam mo naman ang kasabihang WALANG FOREVER" pampalakas ng loob ng kanyang isip. Iniwaglit ni Aloha ang sinasabi ng kanyang isipan. Hindi magandang nanaisin niya ang bagay na alam niyang walang patutungohan.

Pagpasok pa lang niya sa departamento ay mga mata ng nakakarami ang sumasalubong sakanya. Mga tingin na nagtatanong kung bakit sila magkasama. Ang iba ngumingiti lang kahit napipilitan lanh dahil sa kanyang kasama.

"Hi there! Young lady, kamusta?" salubong ni Carol na kalalabas lang ng opisina nito. Ngumiti siya rito.

"I'm okay Carol. Magaling kasi ang nag aalaga" out of nowhere nalang niyang nasabi ang mga katagang 'yon. Nakalimutan niyang kasama pala niya ang binata. Bumaling naman ang mata ni Carol kay Third na seryosong nakikinig sa kanyang tabi.

"O, I see." anito na ngumiti sa lalaki. "Kamusta Thirdy?"

"Okay lang Car. Ikaw kamusta? Mukhang pumapayat ka lalo?" ani Third hindi alam ni Aloha kung isang compliment ba 'yon dito sa babae o pag aalala. Nakatingin lang siya dito na nakikipag usap kay Carol. Hindi makakaila na kahawig ito kay Don Javier, isang batang Don Javier ito.

"Let's go?" anito na nagpabalik sakanyang huwisyo. Wala na pala si Carol sa kanilang harapan. Hindi man lang niya namalayan ang pag alis dahil busy siya sa pag e-eksamin sa binata. Tumungo na sila sa opisina ni Don Javier kung saan siya namamalagi.

"O, nandito na pala kayo." ani Don Javier na itinigil ang pakikipag usap sa bisitang naroon. Tumayo ito sa kinaupuan at sumalubong siya ng yakap. Parang isang taon silang naghihiwalay kung makayakap ito. Yumakap naman nito si Third.

"Gusto ko sanang kunin ang opinyon mo Aloha, ito si Venice. Ang party organizer na kinuha ni Madelyn." pagpapakilala nito sa babae na nasa mid 30's na. "Venice si Aloha ang sekretarya ko at ito naman ang anak kong si Third."

"Hi!" nakangiting bati nito at nakipagbeso sakanila. Kung makapagbeso ito kay Third parang yayakap na ito. Selosa! Ani ng kontrabidang isip niya, hindi naman siya nagseselos ah!

"So, anong gustong motif ng party?" tanong nito sa kanya, hindi nakasagot agad si Aloha, dahil sa totoo hindi siya mahilig sa party at ibang mga gatherings. Noon sa club pagkatapos na pagkatapos niya ay uuwi na siya ng deritso.

"It is a birthday party pwede na 'yong formal theme." ani Third, kita niya ang determinado sa sinabi.

Marami pang ipinakita sakanila si Venice pero dun pa rin nag stick sa formal party. Nakangiti ang matanda sa nakita nito sa anak napuna 'yon ni Aloha. Nang umalis na si Venice ay naging tahimik na sila hindi lang malayo ang mesa niya at ng matanda kaya kita niya ang pagtitig nito sa anak marahil may malalim itong iniisip. Si Third ay nakadikuwatro nakaupo sa swivel chair sa harap niya  hindi 'yon nagustuhan ni Aloha sapagkat naiilang siyang magtrabaho.

Isanandal niya ang kanyang likod sa swivel chair, nag-iisip din kung ano ang regalo niya sa matanda. It is her first time na magbibigay ng regalo sa isang lalaki kaya nahirapan siya. Noon kasi si Alona lang ang binibigyan niya.

"Hijo, would you mind if you step out in this room. Mukhang hindi makapagtrabaho si Aloha diyan." narinig niyang sabi ng Don kaya napalingon siya dito, sumilay dito amg ngiti kaninang umaga. "No! Dad dito lang ako wala naman akong gagawin ngayon." ani Third

Tumayo ang matanda at tinanaw ang karagatan."Kailan ka ba may ginagawa Third hanggang ngayon hindi mo pa rin tinatanggap ang alok ko sayo. I am too old Third at alam natin pareho na ikaw lang ang may kayang patakbuhin ang kompanya."

"Dad? Mag aaway na naman tayo dito?"

Hindi dapat marinig ni Aloha ang pag uusap ng mag ama. Malinaw sakanya na ipinapasa na nito ang kompanya kay Third at ayaw ni Third. Dahan-dahan lumabas si Aloha sa opisina parang kailangan ng mag ama ang mag usap. Naawa siya kay Don maaring nahihirapan itong kumbinsihin ang anak. Pero para sakanya sa ayaw at gusto ni Third ay sa binata ito ipasa.

He is the heir kahit sa ayaw at gusto ni Third sakanya ito mapupunta.

Tumungo nalang si Aloha sa rooftop ng building, magpapahangin muna siya. Pagdating niya doon ay tumambad sa kanya ang napakagandang tanawin ng syudad. Nagmimistulang garden ang paligid sa dami ng bulalak na nandun. Umupo siya sa bermuda grass. Tanaw niya ang karagatan.

Ilang sandali ay may naupo sa kanyang gilid, hindi siya lumingon dito dahil alam niyang si Third 'yon. She heard a heavy sighed, kaya napalingon si Aloha dito. "Are you okay?" aniya

"Dad pressuring me. The last time na sinabi niya ito sa akin ay umalis ako." paninimula nito, ibinalik niya ang tingin sa malayo.

Mapait na ngumiti si Aloha sa binata. Alam niya ang bahaging 'yon. Hindi niya makakalimutan dahil 'yong araw na 'yon mismo sila nagkakilala ng matanda."You should. I mean matanda na ang papa mo, he needs to rest. Saka ikaw din naman ang mamahala ng kompanya Third kailan mo pa gagawin 'yon? Kung huli na ang lahat" aniya wala naman siyang pinupunto doon. Ang sakanya ay doon din naman ang bagsak ng binata bakit hindi pa ngayon simulan.

"What do you mean by that?" naguguluhang tanong ni Third sakanya.

"I didn't mean anything Third ang punto ko lang reponsibilidad mo ang tanggapin ang kompanyang ito. Ito ang ginto ng papa mo na siyang ipagpatuloy mo."

Narinig na naman niya ang mabigat na paghinga ng binata. At naapektuhan din si Aloha, kahit anong gawin niyang kumbinsihin dito ay kita niya ang matigas na ulo ng binata. Naramdaman niyang humilig ito sa balikat niya pero wala itong imik, nang tignan niya ito ay nakapikit ang mata nito at malungkot ang mukha. Hindi niya alam kung bakit pero mas nanaig ang awa niya kay Don Javier, hindi man sabihin ng matanda ang ipinahiwatig nito ay alam niya dahil isa siyang nurse alam niyang may karamdaman ito.