Chereads / My Epic Love / Chapter 15 - Thinking Out Loud

Chapter 15 - Thinking Out Loud

Aubrey's Point of View

Buong party ay kami lang ni Icko ang magkasama, siguro kung hindi umuwi si Abby ay baka sila ang magkasama at nasa tabi lang ako.

Pero ayos na rin yung ganito, kahit second choice lang ako atleast I had that chance na makasama ang campus heartthrob sa birthday celebration nya.Bihira ang nabibigyan ng ganitong opportunity ha.I should consider myself lucky.

Pag may pasok na, siguradong sila na naman uli ni Abby ang magkasama.At ako? sus alam na, dun lang ako sa malayo nakatanaw sa kanya.

Hay, masaklap na bunga ng maling paglingap. Aasa pa ba ako eh ganito lang ang papel ko sa kanya? kaibigan lang men, kaibigan lang.

Biglang naudlot ang pagmo-moment ko ng lumapit si Icko sa akin na may dalang tray na naglalaman ng cake at ice cream para sa aming dalawa.Uy ang sweet ha, kakilig naman itong fake boyfriend ko.hehe.

" Ano yan ha?" tanong ko.

" Hindi ba obvious na cake at ice cream yan.?" sagot nya na medyo naguguluhan.

" I mean bakit mo ako dinadalhan nyan?" paglilinaw ko.

" Actually, pinadala yan ni mommy dito, ibigay ko daw sa girlfriend ko, eh sino ba ang alam nyang girlfriend ko, di ba ikaw?" sagot nya.

Sabi ko na eh.Pero nakakalungkot lang kasi akala ko sinadya nyang dalhan ako.

Paasa!

Ayoko ngang kainin yan noh!

" Salamat!" sabi ko sabay kuha nung cake at ice cream na inabot nya sa akin.

Weh! Akala ko ba ayaw mo?

Ayoko nga sana kaya lang nakakahiyang tanggihan eh, favorite ko pa naman yung flavor. Chos!

Nag- uusap lang kami habang kumakain.

Nakakatuwa lang dahil ibinubukas nya na yung sarili nya sa akin.Lahat ng gusto nya, favorites, pangarap pati kwento ng kabataan nya nai-share nya rin sa akin.At marami rin syang mga tanong tungkol sa akin na sinasagot ko namang lahat.

Kaya ang ending para na kaming matagal na magkakilala.

Nang biglang nagpatugtog yung DJ na schoolmate din namin.Sweet music.

Nagtayuan yung mga boys at naghanap ng kanya-kanyang partner.

Nakita ko ang mga friends ko na nasa gitna na ng dancefloor at may kasayaw na.Hmp.buti pa sila.

Paglingon ko kay Icko ay nakatingin pala sya sa akin.

Grabe kuya, ang cute mo.

" Uhm...c-can we dance Aubrey?" nauutal nyang tanong sa akin.

Shocks! Ano ba, parang kinakabahan din yata sya.

" Ah, eh sige." sagot ko at inabot ko ang nakalahad nyang kamay.

Waaah...ang lambot ng kamay nya.Grabe! Wag sana nya mahalata na nanginginig ang kamay ko.

Dugdug...

Dugdug...

Oh hayan kana naman heart, kalma lang baka tayo mabuking ng gwapong kasama ko.

Pumwesto kami sa gitna ng dance floor na medyo malayo sa mga kikay kong kaibigan.

Siya ang naglagay sa mga kamay ko sa balikat nya at inilagay naman nya yung mga kamay nya sa bewang ko.

Nagsimula kaming sumayaw sa sweet music na tumutugtog.Thinking Out Loud..Wow favorite ko pa yung song.

Maya-maya sinabayan nya yung kanta.

Oh boy, he can sing.Actually, he has a good singing voice.

Ano pa kaya ang pangit sa taong ito? Parang kanta to ni Daniel Padilla.Nese ye ne eng lehet.

Nakatingin sya sa akin habang kumakanta sya.Siguro ini-imagine na lang nya na ako si Abby.

Ang saklap naman ng naiisip ko.

Tumingin din ako sa kanya.Hindi ko mabasa kung ano yung gusto nyang iparating sa mga tingin nya sa akin.Hindi kasi ako marunong bumasa ng emotions ng tao sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mata.

Ibinuka nya ang bibig nya na parang may gusto syang sabihin pero hindi nya naman itinuloy, sa halip sinabayan uli nya yung kanta.

Haaay ano kaya yun?

Tinitigan nya uli ako habang kumakanta sya.

Grabe makatitig ha, sumusuot sa kaluluwa ko.

And maybe we found love right where we are...sabay nya sa kanta habang nakatitig ng diretso sa aking mga mata.

" Do you know that you are very beautiful Aubrey?" seryosong turan nya habang nakatitig sa akin.

Ha? Ano daw?