Chapter 94 - EPILOGUE

EPILOGUE

"I am too good to forgive you but fool to give you another chance."

Napayuko sya sa sinabi ko at ngumiti ng pilit.

"I understand you, but please understand me too for being selfish when it comes to you." Tumayo sya at lalong lumapit sa'kin. He caressed my cheek and said, "You are my happiness and my life won't complete without that happiness."

"You will marry me."

Yah. Statement na hindi na patanong.

Tumingin sya sa gilid at nung tumingin din ako kung saan sya nakatingin... nalaman kong kinakausap nya through glances yung photographer.

Nasabi kong photographer kasi naka-kwintas sakanya yung DSLR camera. Besides, sya yung kumukuha ng mga pictures kanina.

Nakangiting naglakad palapit sa'min yung photographer na may hawak na brown envelope.

"Wish you all the best." Nakangiting sabi nya sa'min, inabot nya yung brown envelope kay Zoid bago kami kinunan ng picture tapos bumalik na sa kinatatayuan nya kanina.

Inabot naman sa'kin ni Zoid yung envelope NANG NAKANGISI. Tss.

Parang alam ko na yung mangyayari ah (-___-)

Binuksan ko yung envelope at hindi nga ako nagkamali. Picture ko together with SISTAR ang laman ng envelope. Mga stolen shots habang nagsasayaw kami kanina pati na rin yung niyakap ko silang apat. Ang bilis naman. Iba na talaga nagagawa ng technology.

Naaalala nyo pa ba yung nagpropose sya sa'kin bago kami magbreak?

Sinabi nya sa'kin na pwede pa kong tumanggi hangga't wala pa kong picture kasama ang Sistar. Dahil kapag may naibigay na sya sa'kin na picture ko kasama ang Sistar, wala na daw akong kawala. I will marry him whether I like it or not.

As if ayaw ko namang magpakasal sakanya.

Ayeee~ bumabalik na talaga sya. Tapos na nga talaga yung sinasabi nyang KARMA nya

"May picture ka na kasama sila, so wala ka ng takas sa'kin. You need to marry me whether you like it or n-----"

Hindi ko na sya pinatapos pa na magsalita hinampas ko na sa dibdib nya yung envelope.

Narinig kong nag-gasp yung ibang tao tapos yung iba naman natawa.

"Patapusin mo kaya muna ako magsalita?"

"Okay. Okay." He said, holding up his hands as if sumusuko.

"As I was saying, I am too good to forgive you but fool to give you another chance. But you know," I shrugged. "I am fool when it comes to you." Napangiti sya sa sinabi ko. "And if loving you is fool... I am proud to be the foolest person on earth." I giggled. "So yes. Yes. I will marry you!"

Lalong lumapad ang ngiti nya tapos sinuot sa daliri ko yung singsing. Niyakap nya ko saglit tapos binuhat then inikot-ikot. Para kaming tanga na tumatawa.

Sinabi ni mommy na wag ko daw paikutin ang mundo ko sa isang lalaki.

Pero si Zoid ang mundo ko kaya sakanya ko papaikutin ang mundo ko... when it comes to love.

"I love you." Halos sabay naming sabi kaya natawa ulit kami.

Binaba nya ko pero yakap-yakap pa rin. Napapikit ako nang dahan-dahan nyang nilalapit yung mukha nya sa'kin. I heard someone's "ehem" so I opened my eyes. It was daddy. Nasa gilid na namin sya ni Zoid.

Zoid smiled and kissed my forehead.

Nagpalakpakan yung mga tao habang nagsasabi ng "Congrats"

"This isn't only your debut, but an engagement party also." Hinalikan ako ni Zoid sa pisngi.

Napangiti nalang ako ng wagas. Akala ko wala ng pag-asa. Hay. Sobrang saya ko ngayon.

Kainan na so kanya-kanya ng punta sa buffet table.

"Mag-uusap muna kami ng.... ng fiance mo, princess." Sabi ni Daddy. Nagdalawang isip pa sa sinabing fiance eh noh? Haha.

"Be nice, dad." I grinned.

I know dad. Baka gisahin nya si Zoid. Haha.

Naglakad na ko para pumunta sa table ng mga kaibigan ko pero napatingin ako sa bintana.

Natigilan ako saglit dahil nasa labas si Chelsea. Nginitian nya ko at tumango na parang sinasabi na "Let's talk."

Napaisip naman ako sandali. Lalabas ba ko para kausapin sya? Eh paano kung... kung may mangyari na naman para magkahiwalay kami ni Zoid?

I can't afford to lose him again lalo na ngayong engaged na kami. Kakabalikan lang namin ni Zoid.

Yumuko ako at umiling. Chelsea is nice and I know she can't do some evil things.

As I closed my eyes, nakita ko yung nangyari sa nightmare ko nung nakatulog ako sa library.

Zoid put me in danger. Nainis ako sakanya and all. Palaging nagpapakita sa'kin si Chelsea para makausap ako but I didn't give her any chance. And that's the biggest mistake I've done in that nightmare.

Kung binigyan ko lang sana si Chelsea ng chance na makapag-explain, nalaman ko ang lahat ng maaga pa. Zoid didn't put me in danger. He pushed me to save me.

I opened my eyes again and saw Chelsea still standing there.

Para kong nasa nightmare ko kahit na nasa different case. Ayokong may pagsisihan na naman sa huli kaya lumabas ako ng bahay para puntahan sya.

Paglapit na paglapit ko sakanya, nginitian nya ko.

"Congrats," nakangiti nyang sabi pero malungkot yung mga mata nya.

Alam nya na engaged na kami ni Zoid?

"I went here to clear everything up." Paninimula nya.

I offered her na umupo kami sa bench dahil mukhang mahaba-haba ang sasabihin nya.

"I'm sorry for assuming I can replace you in Zoid's heart even if I know I can't and no one can."

"Didn't you know nung na-ospital sya, pagkagising nya ikaw agad yung hinanap nya though nandoon naman ako." Natawa sya ng pilit tapos yumuko. "He even asked me kung dinalaw mo daw sya para kamustahin ang lagay nya. And when I say no, guess what? Para syang nawalan ng lakas at kahit anong pagpipigil nyang wag umiyak, nailabas pa rin nya yung luha nya. Nakikita ko lang syang umiiyak dahil sa'yo. And I can't afford to see him crying that night so I hugged him tight. Too tight na kung pwede lang maging akin nalang sya."

Naalala ko yung gabing yun. Akala ko hindi na ko kailangan ni Zoid dahil nandyan na si Chelsea. But I was completely wrong. Ako pa rin pala ang hinahanap nya. Ayeee~

"Sorry for eavesdropping pero hindi ko mapigilan na sundan kayo kapag magkasama kayo. Even your confrontation, I witnessed all of it. The time na binalik mo sakanya yung singsing.... everything."

As she looked up to me, nakita kong umiiyak na sya.

"I love him so much but I had to let him go to find his own happiness, and it's you. You are his happiness. Hindi ako inutusan ni Zoid na gawin 'to at lalong wala syang alam dito. Gusto ko lang itama yung pagkakamali namin ng kapatid ko."

"Kapatid?"

"Yes. Carrick." Napatakip ako ng bibig sa sinabi nya.

Marami akong gustong itanong pero mas pinili ko ang manahimik dahil alam kong ipapaliwanag nya ang lahat.

"It's kinda long story but I think it'll help." May inabot sya sa'king isang pirasong papel.

"It's from Carrick. Wala na daw syang mukhang ihaharap sa'yo kaya ako na ang nagbigay."

Bakit naman kaya ako binigyan ni Carrick ng letter? Bakit feeling ko sya ang may kasalanan?

Tinanggap ko yung papel at sinimulang basahin.

Zailie,

First of all, I wanna say sorry to you. I know sorry isn't enough but I'm sorry. Alam ko naguguluhan ka pero ako ang may kasalanan ng lahat.

**Flashback**

Carrick's POV

(A/N: Ito po yung someone's POV sa BOOK 1 chapter 52)

Nyemas na Zoid yon! Napaka-kapal ng mukha! Matapos ng ginawa nya sa kapatid ko, ayun sya at namumuhay na parang walang nangyari.

Tinatawagan ko sya pero ayaw nyang sagutin. Kung sasagutin man nya, inuunahan na nya ako ng, "Bye." Ang gago talaga ng taong yun kahit kailan. Sa tingin ko wala akong mapapapala kung puro texts at tawag ang gagawin ko sakanya, kaya naisipan kong pumunta sa school na pinapasukan nya ngayon.

I researched all about him. Family background at maging lahat ng mga pangalan ng naging ex-girlfriends nya. Puta lang! Hindi ko mabilang kung ilan ang lahat ng iyon.

Walang babae ang tumagal sakanya. Sya pa talaga ang nakikipag-break. Walang galang sa babae. Tsk.

Sobrang dami nyang niloko at isa na dun ang kapatid ko.

Nakita ko sya sa tapat ng school gate nila kung saan naka-park yung kotse nya. He was standing, back against his car. At halatang may inaantay sya.

Nung lumapit ako sakanya, tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.

Nakakainsulto ang mokong na to!

"Sorry wala akong barya."

Calm na sabi nya at tumingin na ulit sa school gate.

Sa inis ko, sinuntok ko sya ng malakas sa mukha.

"Para yan sa panloloko mo sa kapatid ko!"

Sinuntok ko ulit sya hanggang sa mapaupo na sya sa sahig.

Kinwelyuhan ko sya at sinuntok ulit. Hindi sya gumanti at parang hinahayaan lang ako na suntukin ko sya.

Isinandal ko sya sa kotse nya habang nakahawak ng madiin sa kwelyo nya.

"Hindi ko kilala kung sino sa mga naging ex-girlfriends ko ang kapatid mo. Pero sorry pa rin."

Sinuntok ko ulit sya hanggang sa dumugo yung gilid ng labi nya.

"AYUN LANG?! SORRY LANG? YOU DON'T KNOW HOW MISERABLE MY SISTER IS!!!"

He removed my grip on his collar, "Ano ba dapat? Balikan ko sya? Sorry pero meron na kong babaeng papakasalan."

I calmed myself.

"Pwede bang... pwede mo bang puntahan yung kapatid ko kahit ngayon lang?"

Matagal bago sya tumango.

Sumakay na ako sa kotse ko. Sabi ko sakanya sundan nalang nya yung kotse ko para di sya maligaw.

Pagpasok namin sa bahay, sinalubong kami ng yaya ni Chelsea.

"Kumain na ba si Chelsea?" Tanong ko sakanya. Nakatayo sa likuran ko si Zoid.

"Opo, sir. Natutulog na po sya ngayon."

"Sige, salamat."

Umakyat kami papunta sa kwarto ng kapatid ko. Binuksan ko yung pinto at sumandal sa frame nito.

"Matagal na syang ganyan. Palaging tulala at bigla bigla nalang may luhang tutulo sa mula sa mga mata nya."

Tinignan ko ng pagalit si Zoid. "At alam mo bang ikaw ang may kasalanan nun? Ikaw na nga 'tong nanloko, ikaw pa 'tong may ganang makipagbreak sa kapatid ko! Hindi mo ba alam na ikaw ang kauna-unahang minahal ng kapatid ko? Pero anong ginawa mo? Pinaasa at pinaglaruan mo lang!"

Nakatingin lang naman ang mangloloko sa kapatid ko. Alam kong naawa sya sa kalagayan ni Chelsea ngayon. Ang sama nya! Kung pwede lang pumatay kanina ko pa ginawa.

Pinakalma ko yung sarili ko sa galit. "Naisipan kong isama sya sa states at tumira kasama ang mommy at ang step dad namin. Akala ko makakalimutan ka na nya. Hindi pala. Araw-araw syang umiiyak at nagmamakaawa sa'kin na ibalik ko na sya dito sa Pilipinas para makita ka. Hindi ako pumayag kasi alam kong wala syang mapapala sa'yong manloloko ka. But months had passed, she's getting worse. Nagsimula na syang madalas na tulala at bigla-bigla nalang umiiyak. Hindi na rin sya nakakausap. Too much stressed and severe depression daw sabi ng doctor."

Di ko na napigilan ang sarili ko kaya kinwelyuhan ko sya at sinandal sa pader.

"ALAM MO BA KUNG ANONG GINAWA MO SA KAPATID KO, HA? SINIRA MO ANG BUHAY NYA!" Nanginginig ang buong katawan ko sa galit.

Palaging nagki-kwento sa'kin si Chelsea about him nung sila pa. At first natutuwa ako kasi masaya sya kaya naman sinusuportahan ko sya at pinapayuhan kapag may date sila. And then what? Malalaman ko nalang later on na niloloko nya lang pala ang kapatid ko.

"Kuya."

Pagkarinig na pagkarinig ko sa boses ng kapatid ko, automatic na lumuwag ang kapit ko sa kwelyo nya hanggang sa tuluyan ko na itong nabitawan.

"H-Hun?" Naluluha syang tumingin kay Zoid.

Naglakad naman si Zoid palapit sakanya. Hindi pa tuluyang nakakalapit sakanya si Zoid, tumayo na sya at sinunggaban ng yakap si Zoid.

"Hun," sabi nya habang nakayakap ng mahigpit si Zoid.

Inalalayan sya ni Zoid pabalik ulit sa kama nya at inihiga sya. Hinaplos nya yung buhok ng kapatid ko.

"Take a rest." Mahinang sabi ni Zoid pero rinig ko.

"Dito ka lang, hun. Please." Hinawakan nya yung isang kamay ni Zoid na parang ayaw syang paalisin sa tabi nya.

He flashed a smile at her but doesn't reached his eyes.

Pinagpatuloy nya lang ang paghaplos ng buhok sa kapatid ko hanggang sa nakatulog na sya.

"Ngayon lang ulit nagsalita ang kapatid ko." Sabi ko sakanya habang naglalakad kami palabas ng gate.

Hindi naman sya nagsalita hanggang sa makarating na kami sa tapat ng kotse nya.

"And as I can see, you are the one that can cure her and makes her happy."

Natigilan sya sa sinabi ko.

"So anong gusto mong palabasin?" Tanong nya habang nakahawak ang isang kamay sa pinto ng kotse nya na nakabukas.

"Be with her."

He laughed anxiously before saying, "Nagpapatawa ka ba? I can't fckn do that! Gaya ng sinabi ko sa'yo, may babae na kong papakasalan."

He was about to stepped in his car but I said something that made him stop. "Hindi ka ba nakokonsensya?"

Matagal bago sya sumagot. "Mas gugustuhin ko ng makonsensya kaysa naman piliin ang kapatid mo kaysa sa babaeng mahal ko."

"Mahal mo? Joke ba yun? Playboy ka nga, diba?"

"Playboy ako sa iba pero sakanya hindi." Sabi nya saka pumasok sa kotse nya at pinaharurot yun.

Pinanood ko lang yung kotse nya hanggang sa nawala na ito sa paningin ko.

"Sir!"

Lumingon ako dahil tinawag ako ng yaya ni Chelsea.

"Sir, si mam Chelsea po nagwawala na naman sa kwarto nya." Hinihingal na sabi nya.

Agad naman akong tumakbo papunta sa kwarto nya at naabutan syang naghahagis ng gamit.

Lumapit ako sakanya at niyakap para pakalmahin.

"NASAAN SI ZOID? NASAAN SYA, KUYA?" Sigaw nya habang umiiyak at tinutulak ako palayo kaya naman lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya.

"Kuya, please. Papuntahin mo ulit dito si Zoid." Pagmamakaawa nya habang umiiyak.

Sobra akong nasasaktan sa nakikita ko ngayon. Hindi na sya ang Chelsea na masayahin. Si Zoid ang may kasalanan kaya dapat nyang pagbayaran ang nangyayari sa kapatid ko ngayon.

Kung hindi ka madaan sa santong paspasan, Zoid.... dadaanin kita sa dahas.

***

Inabangan ko ulit si Zoid sa tapat ng school gate nila. Doon kasi sya madalas magpark ng kotse nya imbes na sa parking lot.

Sa tagal kong nag-antay, sa wakas lumabas na rin sya.

Kitang-kita ko sa mga mata ni Zoid na sobrang saya nya. Todo ngiti pa sya habang naglalakad at buhat-buhat yung babae.

How dare he to be happy while my sister is sick?

Walang karapatang maging masaya ang lalaking yan!

Yung babaeng buhat nya, ayun siguro yung sinasabi nyang pakakasalan nya?

Sinulyapan ko yung mukha nung babae. Hindi mapagkakailang maganda sya.

Tawa sila ng tawa. At sa sobrang saya nila, hindi nila napansin na may nahulog na cellphone mula sa bulsa ng skirt nung babae.

Inantay ko muna silang makalagpas bago ako naglakad para pulutin yun.

Pinanood ko pa sila hanggang sa tuluyan na silang makapasok sa loob ng sasakyan.

Hinawakan ko ng madiin yung cellphone.

Patawad sa babaeng nagmamay-ari nito dahil alam kong madadamay ka.

Alam kong kasalanan ang gagawin ko, pero para sa ikabubuti ng kapatid ko, gagawin ko ang lahat..... mapunta man ako sa impyerno.

The next day,

Tinext ko si Zoid gamit yung cellphone na napulot ko. Nagpanggap ako na ako yung girlfriend nya. Sabi ko sakanya sa text na magkita kami dahil may sasabihin ako sakanyang importante.

Nakakatawa dahil ang bilis nyang dumating. Seryoso talaga sya sa babaeng yun.

Pagdating nya sa meeting place namin, nagulat sya dahil wala yung girlfriend nya. Napatingin pa sya sa cellphone na hawak ko.

Bigla nya kong sinuntok at inagaw sa kamay ko yung cellphone.

"BAKIT NASA SA'YO 'TO, HA?" Tanong nya matapos nya kong suntukin.

"Ayaw mong sagutin yung mga texts at tawag ko sa'yo kaya hiniram ko muna yang cellphone ng girlfriend mo." Sarcastic na sabi ko.

Lalo syang nagalit at sinuntok na naman ako sa mukha. Hindi naman ako lumaban dahil alam kong magmamakaawa din yan sa'kin mamaya.

"Ako na nagsasabi sa'yo, hiwalayan mo na yang girlfriend mo."

"At ipalit ko yung kapatid mo?"

Tumayo ako at naglakad palapit sakanya nang nakangisi.

"Ganun na nga."

"Sorry ka nalang."

Tumalikod na sya at mukhang aalis na kaya nagsalita ako.

"Nga pala, puntahan mo na yung girlfriend mo ngayon. Baka madisgrasya eh." I smirked.

Nakita kong natigilan na naman sya. Nalaman ko nalang na dumapo na naman yung kamao nya sa mukha ko.

Yumuko sya at kinwelyuhan ako.

"Kapag may nangyaring masama sakanya, hindi mo magugustuhan yung gagawin ko sa'yo!" He warned between his gritted teeth.

"Talaga?" I harshly removed his grasp on my collar. "What if sabihin ko sa'yong.... PATIKIM LANG yung ginawa ko sakanya? Mas lalo ko syang ilalagay sa disgrasya kapag hindi mo sya hiniwalayan para balikan yung kapatid ko."

Natulala sya sa sinabi ko.

"Oo. Tama ang iniisip mo. She's on danger right now. Dahil sa bulletin board, I guess?"

Pagkasabi ko nun, sinuntok na naman nya ako at bago pa ko makabangon, nakita ko na syang tumatakbo paalis.

I grinned. Mapapasunod din kita sa gusto kong mangyari, Zoid.

**end of flashback**

Yes, Zailie. Ako ang may dahilan kung bakit ka nadaganan ng bulletin board sa university nyo.

Napatakip ako ng bibig. P-Paanong... I mean, ang bait bait ni Carrick sa'kin. Ngayon naiintindihan ko na yung ibig sabihin ng sinabi sa'kin ni Zoid na "You must've not trust him. He can't be trusted."

Kasuhan nyo ko ng Blackmailing, physical injury o kung ano pa yan, haharapin ko yun, Zai. Ang dami kong gustong ihingi ng kapatawaran pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Sobrang laki ng kasalanan ko sainyo ni Zoid. Sana dumating sa point na mapatawad nyo ako at makalimutan natin ang nangyari. O kahit di na makalimutan yung kasalanan ko sainyo basta mapatawad nyo lang ako. Cursed me, hurt me or everything you wanna do, handa akong iharap ang sarili ko sainyo. I deserved to be cursed and to be hurt by the both of you dahil ginulo ko ang buhay nyo. Alam ko ang lahat ng nangyayari sainyo, Zai. Yung nagkaroon kayo ng deal dahil nabasag mo yung kotse ng sasakyan nya, yung natulog ka sa condo nya, everything. Alam ko ang lahat ng iyon dahil palagi ko syang minamanmanan.

Pati yung sinabi mong magulo sya. Hindi sya magulo, Zai. Hindi mo ba alam na ang dami nyang iniisip na paraan para lang makasama ka nya kahit na pinagbabawalan ko sya? Nararamdaman ko na sa tuwing nag-o-offer ka sakanya na balikan mo sya, alam kong gusto nyang pumayag but he chose to refuse for your own safety. Mahal na mahal ka nya. Period. Ako lang ang nagpapagulo. Ako ang gumulo ng relasyon nyo. At isa pa, he even kneel in front of me habang nagmamakaawa na wag kitang saktan.

Lalo akong naiyak dahil na-imagine ko agad si Zoid na nakaluhod sa harapan ni Carrick.

Napatunayan ko rin na sa'yo lang kaya ni Zoid na magseryoso. Naging sila nga ni Chelsea pero may girlfriend pa syang iba bukod sa kapatid ko. And when I confronted him about that, you know what he said? "Wala naman sa usapan natin na bawal akong mag-girlfriend ng iba, diba?" Funny isn't it? Hindi na ko pumalag kasi kahit may iba sya, hindi nya pinabayaan ang kapatid ko.

Sa panghihimasok ko sa relasyon nyo, I realized that TRUE LOVE really exist. Marami mang makialam sa relasyon nyo, kung mahal nyo ang isa't-isa... kayo at kayo pa rin.

Sana wala ng taong gagong tulad ko ang makialam sa relasyon. I am really sorry for everything, Zailie. I wish for the both of you.

Stay inlove.

Begging for your forgiveness, Carrick

Siguro kaunting hila lang sa papel na hawak ko mapupunit na dahil sa basang basa na.

I can't stop myself from imagining kung gaano nag-sacrifice si Zoid para sa'kin.

Niyakap ako ni Chelsea.

"We're sorry. Kung hindi dahil sa'kin, hindi magagawa ni kuya yun."

Nung medyo okay na ko, binitiwan na nya ko.

"Nagkamali si Kuya."

"H-huh?" I scowled at her.

Inabutan nya ko ng panyo kaya napangiti ako.

"Hindi si Zoid ang may dahilan kung bakit ako nagkasakit. I was raped." Lalo syang naiyak sa sinabi nya.

I pity her pero di ko pinahalata. Niyakap ko nalang sya.

"Nung dinala ako ni Kuya sa states at tumira sa bahay nila mommy... my life became hell. Gustong-gusto kong magsumbong at ipakulong ang demonyong asawa ni mommg but I just can't. Natatakot ako. Natatakot ako." Humigpit yung yakap nya sa'kin.

Napapikit nalang ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko. Ramdam na ramdam ko yung takot ba nararamdaman nya. Ngayon may idea ako kung bakit ingat na ingat si Carrick sa kapatid nya.

Chelsea is vulnerable yet fragile. Grabeng karanasan pala ang naranasan nya sa step dad nya.

She sniffed and pulled away.

"By the way, happy birthday." She greeted with her cracked voice. May luha pang tumutulo sa mga mata nya pero pinilit nya pa ring ngumiti.

May inilabas syang dalawang box mula sa bag nya.

"Regalo namin sa'yo ni Kuya." She smiled at me again.

Tinanggap ko naman iyon at nginitian ulit sya.

"Di naman siguro 'to bomba, diba?" I joked.

Natawa kami pareho.

"No," sabi nga ng umiiling. "You want me to prove that isn't? Ako na magbubukas." Kukunin na sana nya yung box pero pinigilan ko sya.

"Just kidding. I trust you."

"Despite sa nagawa namin ng kuya ko? Thanks."

"Ahm, gusto mo ba munang pumasok sa loob? Tara---" Tumayo ako at hinawakan sya sa kamay.

"Thanks, but no thanks." Tumayo din sya pero di binitawan ang kamay ko. "Ngayong gabi kasi naka-schedule ang flight namin ni Kuya back to States."

"So..."

"Yes. Aalis na kami tonight. Nung sinabi ko kasi kay Kuya ang lahat, nagalit sya ng sobra. Babalik kami sa States para pagbayarin ang kademonyohang nagawa ng asawa ni mommy."

"Ganun ba." Malungkot na sabi ko. Ngayon lang kami nagkaayos then aalis na sila agad-agad? I wanna befriend her pa naman.

"Don't worry, we can also be friends. You know, LDF. Long Distance Friendship."

Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Pero kung sasampahan nyo man ng kaso si Kuya, we're always ready na bumalik dito sa Pilipinas to face that case." Tumingin sya sa wristwatch nya. "I have to go."

"Tatawagin ko muna si Zoid para makapagpaalam ka sakanya----"

"No need. Nakausap ko na sya kanina." Niyakap nya ulit ako.

"Sorry kung hiniram ko saglit ang happiness ninyong dalawa. Pero alam mo ba, nagpapasalamat ako ng husto kay Zoid dahil kahit naging girlfriend nya lang ako because of my brother... he treated me nice. Naging mabait at gentleman pa rin sya sa'kin at ni minsan hindi nya pinakita at pinaramdam sa'kin na pinakikisamahan nya lang ako because he has no choice. I felt very safe with him. Ang sarap sa feeling na nasa tabi nya at inaalagaan nya."

Tumango-tango ako at lumayo para tignan sya.

"I know. Ganyan din ang nararamdaman ko."

"He's so special. You are lucky, Zai. You are lucky because you are his everything. So, ingatan mo sya, okay? Wag mo na syang pakakawalan pa. Sige ka, kapag nangyari yon, babalik talaga ako dito para kunin sya. Magpapatulong ako kay Kuya."

Pareho ulit kaming natawa. Alam ko namang JOKE lang yung sinabi nya na kukunin nya si Zoid eh.

"Sige na. I need to go."

Inaayos ko yung buhok nya tapos nagsimula na syang maglakad. Bago sya makalabas ng gate, nilingon nya ko.

"Basta wag mong kalimutan yung sinabi ko ah? May contact ako kay hun- I mean kay Zoid. Tawagan nyo nalang ako kung ipapakulong nyo si Kuya."

I chuckled then watched her as she climbed in. Maya-maya, lumabas si Carrick. Nakangiti sya tapos kumaway. Kumaway din ako then he mouthed: Happy birthday.

Nag-thank you ako at muli silang pinanood hanggang sa tuluyan na silang makaalis.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahana----" Di pa tapos magsalita yung lalaking kadadating lang, nilingon ko na sya at sinampal.

And as I looked up to him, bakas na bakas sa mukha nya ang pagkabigla. Sino ba namang hindi magugulat, diba? Kadarating mo lang tapos bigla nalang may sasampal sa'yo. Haha.

"Ba--- an--- AISH! Bakit na naman ba?!" Naiiritang sabi nya habang sinasabunutan yung buhok nya sa pagka-frustrate.

Ako naman, parang tanga na naiiyak na naman tapos sinunggaban sya ng yakap. Naramdaman ko pa kung paano sya mapa-taken-aback dahil sa gulat.

"May problema ba?" He asked softly as he hugged me back.

Tumingala ako sakanya habang nakayakap sakanya. "Oo. Ikaw! Ikaw ang problema ko!"

"What?!" Di makapaniwalang tanong nya. Inalis nya yung dalawa kong braso sa bewang nya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Bakit ka ba ganyan? Bakit kapag may problema sinasarili mo? Bakit ba napakabait mo to the point na kaya mong i-sacrifice yung sarili mong happiness para lang sa iba? BAKIT HA?" Sunod-sunod na tanong ko sakanya habang pinaghahahampas sya sa dibdib.

"So alam mo na pala." Casual na sabi nya at hinayaan lang ako na hampasin sya. "Tinatanong mo pa kung bakit ko ginawa yun. Eh alam mo namang mahal na mahal kita."

"Tse! Wag mo kong pakiligin dyan! Bakit sinekreto mo sa'kin, huh? Bakit hinayaan mo yung sarili mo ang mag-suffer? Paano magwo-work out yung relationship natin kung may sinisikreto ka at gusto mong ikaw lang ang humarap ng problema?"

"Sorry na." He pulled me into a hug. "Sobra kong natakot ng may nangyari sa'yong masama... yung sa bulletin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya sinunod ko ang gusto ni Carrick." Hinaplos nya yung buhok ko. "Besides, hindi natin yun problema. AKING problema lang iyon. Karma ko. Labas ka na doon kaya dapat lang talaga na ako ang mag-suffer."

Lumayo ako at hinawak sya sa kamay.

"Pero girlfriend mo ko, diba?"

"Fiance."

"I mean, nung bago pa tayo magbreak."

Tumango lang sya.

"Girlfriend mo ko that time kaya kung anong problema mo, problema ko na din. Kaya sana this time, no more secrets na. Lalo na ngayong engaged na tayo. Okay ba?"

"Hmm. Okay. Basta lagi akong may kiss sa'yo."

Napa-tss nalang ako. Aww. Na-miss ko ang maboy ko. Hihi!

"I think, kailangan ko ng ibalik sa'yo 'to." May nilabas syang box mula sa coat nya.

Binuksan nya yung box at may kinuhang kwintas.

"See this?" Tanong nya habang nakataas sa harap ng mukha ko yung kwintas.

Yung kwintas na may pendant na singsing. At ano yung singsing? Yung couple ring namin.

Lumapit sya sa'kin at isinuot yung kwintas. Waaah! Ang lapit lapit ng mukha nya sa'kin! I mean.... yung leeg nya. Ack! Ang bango bango talaga ng maboy ko.

"Ayan. Malapit na din sa puso mo yan." Sabi nya pagkatapos nyang isuot sa'kin yung kwintas.

Napahawak naman ako sa pendant nito na singsing at napangiti.

"Tara," sabi nya tapos hinawakan ako sa kamay at dinala sa garden namin.

And I can't stop myself from gaping at the place. Inaayos din pala nila yung garden. At yung mga garden lights, binago nila. Hindi kasi yan yung lights na karaniwan naming ginagamit. Para syang golden yellow. Feeling ko tuloy nasa fairytale ako.

"Can I have this dance?"

Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Zoid na nakalahad, and when I looked up to him, I saw him smiling. Oh! How I love his smile.

As I accepted his hand, he placed it around his neck and also the other one while his around my waist.

We started dancing slow with song maboy acoustic on. Yes, acoustic version ng maboy.

"No no! Stop breakin' my heart."

"I will." Nakangiting sabi ni Zoid na parang sinasagot yung kanta.

"Akala ko kaya ka nakipagbreak sa'kin kasi nagsasawa ka na talaga sa'kin."

"Never. Sorry sa mga nasabi ko sa'yo. Lahat yun hindi totoo."

"Akala ko hindi na magiging tayo ulit." I said, looking him in the eye.

"I will do everything no matter what it takes just to have you back."

Pinunasan nga yung luha ko tapos hinalikan ako sa noo.

"Ano nga pala yung napag-usapan nyo ni Daddy?"

Tumawa sya ng mahina bago sagutin yung tanong ko. "Wala naman kami masyadong napag-usapan. More on pananakot lang."

Natawa nalang ako at in-enjoy yung moment namin habang nagsasayaw.

Pagkatapos ng music, napatingin ako sa paligid kasi lahat na pala sila nandito na rin at pinapanood kami.

Nakita kaya nila yung pagdadrama ko kanina?

Pinatugtog ulit yung maboy. Yung hindi na acoustic version kaya nagparty party na sila. Nakita ko pang nagsho-showdown sa pagsayaw si VJ at Ceejay. Haha!

Hinila na naman ako ni Zoid papasok sa loob ng bahay.

Umupo kami pareho sa trono ko kanina tapos pinanood yung VTR ni Red.

How to attract a Playboy

Written by PekengKyoot

"Labas na tayo. Mas masaya dun." Pagyaya ko sakanya. Tumayo ako pero hinawakan nya ko sa kamay at hinila ulit paupo.

"Mamaya na. Di ko napanood 'to eh." Nginitian nya ko ng nakakoloko.

Ack >____< Nakakahiya nga eh.

In the end, nagpatalo nalang ako at umupo na ulit sa tabi nya. Hawak pa nya yung isa kong kamay habang nanonood kami.

#1 Always look attractive and presentable.

"You don't need that. I will still love you even in your most haggard face."

Kinilig naman daw ako sa comment nya.

#2 . Make Scent Your Strong Point (Smell is linked to memory more than any other sense)

#3You need to perfect your walk. ( A good walk is vastly underrated as a means of seduction)

#4 Be confident. (Woman with much confidence is so dmn sexy in Playboy's eye)

#5 Flirt guys especially when he is around.

"Di ko gusto yan."

Tinignan ko sya at nakitang salubong yung kilay nya habang nakatingin ng seryoso sa screen.

#6 Ignore him. (In that case, he will be interested in you.)

"You don't have to do that. I am interested in you at the very first place and no matter what you'll do... you always attract me."

#7 Once he approach you, that is the time you need to flirt with him.

"You can always flirt with me." He smirked.

Crap this guy -____-

#8 Make sure your flirting skills is way better than him. (With that, you'll become a big challenge with him)

"You really are a big challenge to me since I met you."

#9 DO NOT BORE HIM. Give him thrills. (That's what Playboys want)

"You will never bore me. Just keep on loving me and that gives me thrills."

Last but not the least,

#10 Have a love affair with that PLAYBOY.

"Love affair? Haha. Make it HAVE A FAMILY WITH A PLAYBOY."

Di ako nakasagot sa sinabi.

Habang inaalala ko yung time na ginagawa namin ang procedure na yan, napatunayan ko sa sarili ko na WALA AKONG NAGAWA. Haha. Hindi ko nasunod ng maayos ang bawat steps na yan.

BEWARE: Playboy may avoid you if you show your feelings obvious

"Grabe. Ganyan ka pala kapatay na patay sa'kin." He teased between his grinned.

Napa-pout nalang ako.

The procedure failed so we proceed to the Plan B.

Step no. 1: Make him jealous

He faked a cough. "Kaya ba kayo nagdate ni Clyde sa restaurant?"

Kahit di ko sya tignan, alam kong nakangisi na naman ang mokong na yan.

Hindi nalang ako sumagot.

Step no. 2: SECRET XD

"What? Ano yung step no. 2?" Tanong nya

"Secret nga daw diba?"

"Pwede mo namang sabihin sa'kin eh."

"Edi hindi na yun secret. Tss."

Ginulo nya lang yung buhok ko tapos humarap na ulit sya sa big screen. Ako naman, nakatingin pa rin sakanya. Maya-maya, nakita kong nagtaas baba yung adam's apple nya. Ang siksi >////<

Napansin ko rin na medyo namumula yung mukha nya habang nakatingin sa big screen.

"Tara. Labas na nga tayo." Sabi nya at hinawakan ako sa kamay ulit.

Nagtaka naman ako kung bakit ganun nalang ang reaksyon nya kaya tumingin din ako sa screen. Tinakpan pa nga nya ng kamay nya yung mata ko eh. Syempre tinanggal ko agad yun atsaka tumingin ulit sa screen.

Kaya pala...

Now it is time for me na ngitian sya ng nakakaloko.

"W-what?" Tanong nya.

Haha! Nahihiya ba sya?

Pini-play na kasi yung video na ninanakawan nya ko ng halik.

"Sino kaya ang mas patay na patay sa'ting dalawa?" Sarcastic na tanong ko habang nagpipigil ng tawa.

Pa'no, namumula yung tenga nya. Hahahaha!

"Oo. Ako na. Tara na nga," hinila na naman nya ako.

This time, papunta na sa veranda namin. Tss. If I know, gusto nya lang tumakas sa kahihiyan. Eh? Kahihiyan talaga? Haha. Wala naman syang dapat na ikahiya eh. Nakakakilig kaya yung ginawa nya (*O*)/

"Kahit na hindi mo ginawa ang How To Attract A Playboy procedure, you'll always attract me in any angle of yours." Isinayaw nya ulit ako without any music tapos inikot ako.

"Thank you kasi kahit hindi mo pa alam ang lahat, binigyan mo pa rin ako ng chance." Ni-bend nya ko. Yung para kong matutumba pero nakaalalay sya sa'kin.

Kyaaah >\\\< ang lapit ng mukha nya sa'kin. Nararamdaman ko tuloy yung hininga nya.

"I loved you before. I love you now. And I will love you always and forever." He muttered as he leaned his face near mine.

Napapikit nalang ako dahil konting-konti nalang magdidikit na ang mga lips namin pero....

*wushu*

*tugsh*

*wushu*

(A/N: Fireworks yan. Sareh naubusan ng SE :p)

Naitulak ko sya ng konte at umayos ng tayo tsaka pinanood ang firewoks display.

Tumingin ako kay Zoid. Nakatingin din sya sa'kin habang nakangiti.

"Wala ka bang sasabihin sa mga sinabi ko?" He said, raising an eyebrow.

Napangiti naman ako. Alam ko kung anong gusto nyang sabihin ko. Hihi.

I snaked my arms on his neck once more then tiptoed to level his face. "I loved you before, too. I love you now, too. And I will love you always and forever, too." I murmured, leaned forward and was about to kiss him but he stopped me.

"Let me." He said as he held my waist as a support.

Nagbilang ako ng one to three bago pumikit.

And there, our lips met again.

I am in my happy place again.

Napagod? Yes. Tao lang ako. Napapagod at nagsasawa pero kahit ganun, sarili ko lang ang napagod at hindi ang nararamdaman ko para sakanya.

Naghabol? Oo. Siguro nga. Kanya-kanya tayong version ng paghahabol sa taong mahal natin, at sa version ko, hinabol ko sya hindi para ipagpilitan at ipagsiksikan ang sarili ko sakanya kundi para ipaglaban ang nararamdaman ko sakanya.

At kahit ilang malalakas na tao pa ang humila sakanya palayo saakin . . . hahabulin at hahabulin ko pa rin sya as long as nakikita ko na pinagpipilitan at ginagawa nya ang lahat ng makakaya nya na makawala sa mga taong iyon habang tumatakbo pabalik saakin . . .

- - - END - - -