Pinilit ko si Zoid na bumalik sa tambayan. I kinda missed my friends kasi. Ayaw pa nga pumayag ni Zoid nung una pero syempre hindi ako nagpatalo.
Pagbalik namin doon, katabi na ni Yat si VJ. Nandoon pa rin si Sophi pero tahimik pa rin at nakapahalumbaba habang nakatulala.
"Oh, napatambay kayo dito?" VJ asked as we sitted. Magkatabi kami ni Zoid across them.
"Eto kasi eh." Binunggo ni Zoid yung siko ko using his. Pinandilatan ko lang sya at humarap na ulit kay Sophi.
"Himala ang tahimik nya." Biglang sabi ni Zoid kaya napatingin ako sakanya. "Sinasapian?" Dagdag pa nya habang nakatingin kay Sophi na parang walang naririnig, patuloy lang sa pag-iisip ng malalim.
Sinasapian talaga? Yung totoo?
"San ka nakakita ng taong sinasapian na tahimik?" Sarcastic na tanong ni Yat sakanya.
"Dito. Ayan oh!" Tinuro ni Zoid si Sophi gamit ang bibig nya.
"Pinsan, may LQ sila ni Dwayne." VJ, nakatingin din sya kay Sophi. I mean, kaming lahat.
Pinag-uusapan na sya ng mga katabi nya pero wala pa rin syang kaalam-alam -.- gaano ba kalalim ang iniisip nyan?
"Bakit nambabae ba si Dwayne? O baka naman itong batang 'to ang nanlalaki." Narinig kong sabi ni Zoid.
"Di ganun si Sophi!" Yat protested.
"Tama! Atsaka, hindi rin babaero si Dwayne. Di gaya ng iba dyan." I murmured the last sentence.
"May sinasabi ka?"
Ay narinig nya pala! Haha.
"Wala." Patay malisya kong sabi.
"Meron eh! Humarap ka nga!" Hinawakan nya gamit ang isang kamay yung chin ko at iniharap sakanya pero hinawi ko yung kamay nya at tumingin ulit kay Sophi.
"Tingin sabi eh." This time, dalawang kamay na yung ipinangharap nya. Bale, eye to eye kami ngayon habang nakahawak sya sa magkabila kong pisngi gamit ang mga kamay nya.
"Kung anu-anong sinasabi mo. Gusto mo halikan kita?" Sabi pa nya at unti-unting nilalapit ang mukha nya sa'kin.
Landi talaga ng lalaking to oh =___=
Pero wag ka! Ilang beses na nyang nagagawa sa'kin yung ganito pero may epekto pa rin. Yung parang nagwawala yung buong pagkatao ko tapos nag-iinit yung mga pisngi ko.
Ack! Napapikit nalang tuloy ako habang nag-aantay sa susunod na mangyayari. Hihi!
Pero...
"Ehem. Ehem."
Automatic na bumukas yung mga mata ko at tumingin sa pwesto nila VJ. Ang istorbo >__<
"Baka nakakalimutan nyo, hindi lang kayo yung nandito." VJ
"Oo nga! Humanap nga kayo ng isang tago at madilim na lugar." Sabi ni Yat ng natatawa.
"YAT!"
Nagtawanan silang tatlo. Oo, tatlo. Kasama si Zoid. Tch. Mabuti pa sila Sopho hindi ako pinagtatawanan.
"Oo nga pala, labs. Punta ka sa bahay namin mamaya. Susunduin nalang kita sainyo." Sabi ni VJ kay Yat tapos nag-usap na sila na parang sila lang ang tao.
"Ikaw din, Louise ko. Punta ka sa bahay bukas. After your class."
Louise ko daw! Hihi!
Maya-maya, dumating si Dwayne.
"Sila Ceejay at Chloe?" Tanong nya sa'min pero kay Sophi nakatingin.
Parang natauhan si Sophi sa boses ni Dwayne at agad syang napatingin sakanya pero umiwas din naman.
"Uh, may pasok pa pala ko." Mabilis nyang sabi tapos tumayo at nagmamadaling niligpit yung mga gamit nya. Todo yuko pa sya ng ulo para hindi matignan si Dwayne.
"Baby," mahinang tawag sakanya ni Dwayne. Napahinto sya saglit pero hindi lumingon tapos naglakad na ulit.
Nagpakawala nalang ng malalim na hininga si Dwayne tapos umupo sa tabi ni Zoid.
"Blockmate kayo, diba? Bakit di pa kayo umalis?" Tanong ko kay VJ at Yat. Blockmate kasi silang tatlo nila Sophi tapos pare-parehas pa sila ng schedule.
"Aray lang! Kung makapagsalita naman 'tong babaeng 'to para mo na kaming pinagtatabuyan. Atsaka, 3hrs. pa yung vacant namin, noh!" Yat explained.
"Eh bakit---" Di pa ko tapos sa speech ko, nagsalita na si Dwayne.
"Iniiwasan nya ko." Malungkot at walang gana nyang sabi.
Nakatulala din sya at malalim ang iniisip. Bagay nga sila ni Sophi -.-
Chloe's POV
Paandarin na dapat nung driver ko yung kotse but I make pigil him. I don't know why but there was something deep inside of me na I really need na bumalik sa loob ng university.
Why naman kaya?
Well, I always do follow my instinct.
"Wait lang po, manong. May babalikan lang me." I said then binuksan na yung pinto ng kotse ko. I was about to stepped out but naramdaman ko na nakatitig pa rin sa'kin si Manong driver.
Nakatingin sya sa'kin sa rearview mirror and ganun din me. I was nagtaka naman so I raised an eyebrow at him. "Bakit po?"
It was like.... ewww! He was nakanganga pa! Duh?! Is there something ba sa sinabi ko?
"Ginamitan nyo ho ako ng po." Di makapaniwala nyang sabi.
Duh?! I rolled my eyes sakanya then lumabas na.
Okay. To be honest, this is my very first time to used po sa ibang tao na hindi ko naman relatives or kahit close man lang. And I learned that from that.... that... ugh >__< I have learned that from that pervert Ceejay. Argh! Naalala ko na naman ang pervert na yon!
Jeez! I didn't make sabunot him dahil I was jealous. It's just that... naaawa lang ako sa impokritang girl na yun na manyakan ng Ceejay na yun! Yes! I am not nagseselos to the point na gusto kong bigyan ng deathly threat yung babaeng yun para hindi na sya again makalapit sa perverted Ceejay na yun! Argh! I am not nagseselos nga sabi eh!
Oh by the way, I kinda madaldal na... mentally. And I didn't napansin na nasa univ garden na pala me.
I make tingin around until makita ko ang hinayupak na pervert na yun! Crap him! I was really pissed here and there he was.... there he was na nagawa pang matulog ng mahimbing? How could he?!
Lumingon-lingon ako sa lupa and finding for something na pwede kong i-throw sakanya. And there! Nakakita ako ng dalawang bato. Yung isa is maliit and the other one is malaki.
I touched my chin while nag-iisip kung ano sa dalawang ito ang pwede kong ibato sa manyak na yon.
Kung itong malaki, mabibigatan me at the same time masasaktan sya. No! I don't want him to get hurt---- Oh jeez! I didn't say the second line.
For the final decision, I make pili yung maliit na stone. Not because para hindi sya masyadong masaktan. But because para hindi ako mabigatan and hindi madumihan ng too much ang pretty hands ko.
I make yuko and pulot that stone. Walang lingon-lingon sa paligid para malaman kung may nakatingin or wala, I threw the small stone at him then make karipas ng takbo.
I hid doon sa malaking flower pot. I dungaw to see what will be his reaction but hell that pervert! Hindi manlang nagising! Argh! I was nagsisisi tuloy na maliit yung ni-pick ko. Hmp!
"Ahuhuhu."
Oh em gee! There's someone around 0____0
I stood up with poise then flip my hair. I was about to walk like a model but I heard something.
"Ahuhuhu."
There was a kid na umiiyak.
And when I looked back, I saw my little friend. Oh yes! I called her my friend. Hayaan nyo na nga! Ako at kayo lang naman ang nakaka-know na tinawag ko syang friend eh.
I make lapit to her. Naka-upo sya sa grass, knees folded habang umiiyak na parang bata.
Crap this girl. Hindi ba sya nagwo-worry na baka may ibang tao na may makakita sakanya in this kind of situation? Oh well, we're not pareho naman. Cute sya, maganda ako.
"Hey!" I bent down to level her. "Did you see me ba kanina?"
Inangat nya yung head nya then pinunasan yubg tears nya. "Huh?"
"Yung... you know. Yung may tinataguan ako."
"*sniff* Ah yun ba? Hindi. Hindi kita nakitang nakayuko na parang kengkoy at nagtatago sa likod ng malaking flower pot."
"Great!" I said sarcastically. "Then why are you umiiyak?"
"Bakit iko-comfort mo ko? Thank you, Chloe."
"O-ofcourse not! Tinanong kita but it doesn't mean na iko-comfort kita. Like I care! Tsk!" Tumingin-tingin ako around. Fortunately, nasa lugar kami sa garden kung saan walang tao. Perhaps she chose this kind of spot para mag-emo =___=
"Sabihin mo nga if why ka umiiyak! Faster! Naiirita ko sa'yo!" I said then make upo sa tabi nya.
This was really crap! Sayang ang beauty ko sa pag-upo sa damong ito.
She looked at me briefly tapos naiyak na naman. What was this? Para syang kid.
"Chloe, masama ba kong girlfriend?"
"Oo." I answered.
"Eh~" she make hampas me in my braso! What the! "Sabi mo sabihin ko sa'yo kung bakit ako umiiyak? Mag-behave ka muna."
"K. Fine." -___-
"May babae kasi na alam kong dati pa ina-admire si Dwayne. Hindi pa kami, pansin ko nang may gusto sya kay Dwayne. Minsan pa nga naiinggit ako sakanya kasi maganda, sexy at sikat pa sya." She paused to sniffed. Ewww! "Nung pinakilala ako ni Dwayne sa harap ng marami.... sa harap nya, akala ko titigilan na nya yung pagdikit nya sa boyfriend ko. Pero nakita ko sila kahapon. Pinuntahan ko si Dwayne sa court para puntahan sya kasi sabay kaming uuwi. Tapos...." Huminto na naman sya sa pagki-kwento kasi umiiyak na naman sya. Aren't she nagsasawa ba sa kakaiyak? Maga na nga yung cute nyang eyes eh. Tapos namumula na yung nose nya. Argh! I wanna tossed over that Dwayne. Pare-parehas silang mga lalaki! Tsk. Naalala ko tuloy yung pervert -.-
"Kitang-kita ng mga mata ko kung paano hinila nung babae si Dwayne tapos..... tapos ni-kiss nya." Lalo syang naiyak.
"Masama ba kong girlfriend, Chloe, kasi naiinis ako? Kasi iniiwasan at ayokong kausapin si Dwayne kahit na alam kong wala syang kasalanan?" Her tears kept on falling. Bakit parang.... parang gusto ko syang i-hug as a comfort?
I looked away then offered my hanky. "Use this. Ang pangit mo umiyak."
I heard her said her "Thank you, Chloe. Ang bait mo."
"Whatever. May kapalit yan."
"H-huh?"
"You need to make turo who's that girl. Yung babaeng humalik sa boyfriend mo!"
"Haluh~ wag na, Chloe. Baka kung may kung anong evil plan kang gawin."
"Evil plan your face! You will make turo to me lang, okay? Don't be so exagge!"
"Hmm.. sige." She nodded then snorted on my hanky. So ewwwwy!
"I am not really good with this. But don't you ever think na masama kang girlfriend. Natural lang at may karapatan kang magalit and mag-jealous because you are his girlfriend and you love him. But it's pretty better kung hindi mo iniiwasan si Dwayne. Let him talk to you para ma-prove mo sa sarili mo na hindi rin gusto ni Dwayne yung nangyari. I know him and alam kong hindi nya yun gusto. Believe me, hindi nya yun gusto---" napatigil ako sa pag-e-explain because she was kept on staring at me the way manong did a while ago.
"Waaaah~ thank you talaga, Chloe! I love you, bestfriend!" Bigla nya me sinunggaban ng hug.
Bestfriend...
First time may nagtawag sa'kin ng bestfriend. And sa grupo lang nila Zai ako nakaramdam ng totoong friendship.
My lips automatically moved into a smile then I hugged her back.
Bigla me nagpoker face nung inagat nya yung ulo nya to looked at me.
"I love you, bestfriend!" She kissed my cheek.
"The nerve! You make layo nga to me! You're so gusgusin!"
Yat's POV
We were on our way sa bahay nila Vince. Tinignan ko sya habang nagmamaneho. Todo ngiti ang mokong -.-
"Hoy epal bakit ganyan ka makangiti? Aminin mo, hindi tayo sa bahay nyo pupunta, noh? Naku, pektus ka sa'kin kapag hindi!"
"Kung anu-ano iniisip mo, labs. Sa bahay tayo pupunta. Papakilala kita sa parents ko as my future girlfriend." Lalo syang ngumiti.
Parang unggoy lang. Pero.... pero ang gwapo talaga ni Vince! Hahahaha.
Tapos ano pa daw? Ipapakilala nya ko as his future girlfriend? Enebeyen >////<
"Kinikilig ka? Ako din eh." Sabi nya. Tumingin sya sa'kin saglit tapos sa daan na.
"Kinikilig your face!" Tumingin na ulit ako sa bintana na nasa tabi ko at nagmuni-muni.
Araw-araw nalang ako tini-turn on ng lalaking 'to. Haha! Hmmm... baka dahil dun sagutin ko na sya with in one year. Ano sa tingin nyo? Saglit nalang yun ah!
Pagkatapos nyang i-park yung kotse nya sa tapat ng gate nila, nagmamadali syang lumabas para pagbuksan ako ng pinto.
Nadala ata nung dati na bumaba agad ako. Tch. Nagpapaka-gentleman pa eh.
Ni-press nya yung thumb nya sa may machine sa gilid ng gate and tadaa! Kusang bumukas yung gate.
"Tara, labs." Sabi nya at akmang hahawakan yung kamay ko pero hinila ko ito palayo.
"Mamanyakan mo na naman ako! Magtigil ka nga dyan!"
"Mamanyakan agad? Hahawakan lang yung kamay mo eh."
"Ganun na din yun."
"Sige na." Pagpupumilit nya at kinuha yung kamay ko tapos hinawakan ng madiin para hindi ako makabitaw. "Ngayon palang masanay ka na dahil kapag sinagot mo na ko hindi lang 'to ang gagawin natin." Ngumiti sya ng nakakaloko.
Ack~ >___<
"Gusto mo ng NO?"
"Joke lang. Ito naman di mabiro." He squeezed my hand then hinila ako papasok sa loob ng gate nila.
Pagbukas nya ng pinto ng bahay nila,
"VJ!" May babaeng maganda at sexy na tumakbo palapit sa'min este kay Vince lang at sinunggaban sya ng yakap at....
halik?! Pocha!
"Hi VJ, sweetie. I missed you so much. Bumalik na ko para sayo. Wag ka ng magtampo, okay?" Malanding sabi nya habang nakapulupot yung braso nya sa leeg ni Vince.
Okay. Awatin nyo ko! Baka kung anong magawa ko sa babaeng 'to. Hindi naman siguro sya girlfriend ni Vince, diba? Sana nga...
"I love you, sweetie." At talagang hinalikan nya ulit si Vince na parang hindi ako nag-eexist sa gilid nila.
"Teka lang! Wait lang wait." Tinanggal nya yung braso nung babae na nakapulupot sa leeg nya.
Ngumiti naman yung girl and finally! Napansin din ako.
"Who are you?" Tinignan nya ko ng up and down. Aba! Nakakainsulto, ha!
"I am ----"
"By the way, I'm Courtney. Vince's girlfriend and future fiancee."
Natigilan ako sa sinabi nya. Girlfriend? Eh bakit pa ko nililigawan ng unggoy na 'to? Para pagtripan?
"1 year na yung relationship namin nung nagmigrate kami ng family ko. Kinaya namin ang long distance relationship pero nang tumagal nahihirapan na ata si VJ. Palagi nya kasi akong mini-message na umuwi na ko kasi miss na miss na nya ko. And dahil sa hindi ko matiis ang boyfriend ko, umuwi ulit ako. Ha ha! Ang sweet kong girlfriend, diba?"
Nakuha pang mag-story telling ng bruhang 'to. Pero habang nagki-kwento sya, nakatuon lang ako ng pansin sa loko-lokong unggoy na 'to!
"Stop it, Courtney!" He warned kasi patuloy pa rin sa pagki-kwento yung GIRLFRIEND nya.
"Labs, listen." He tried to reach my hand but I pulled it away.
"Labs mo mukha mo! May girlfriend kana pala so bakit mo pa ko nililigawan?"
"WHAT?! Nililigawan?"
I saw through my peripheral vision na naglakad yung bruha hanggang sa nasa tabi na sya ng unggoy.
"Anong nililigawan pinagsasasabi nya?"
"Labs, let me explain." He said, ignoring bruha.
"Ayoko! Sinungaling ka! Bakit mo ko nililigawan eh may girlfriend ka na naman? Para pagtripan?"
"No----"
"Bahala ka sa buhay mo! Manloloko!" Tinulak ko sya ng malakas tapos tumakbo na palabas ng bahay nila.
VJ's POV
"Sweetie, anong pinagsasasabi nya? Nagsisinungaling sya dib----"
"Shut up, Courtney! Three years later akong nagpapadala sa'yo ng messages na bumalik ka na at three years ka ding hindi nagparamdam!"
"Pero---"
"Within that three years, maraming nangyari at nagbago. Sorry pero wag ka ng umasang may babalikan ka pa. Masaya na ko sa babaeng kasama ko kanina." Iniwan ko sya para habulin si Yat.
Shet lang! Kung kelan napapadalas na kong nakaka-score kay labs saka pa nagkaganito.
Next day
Zai's POV
Napaaga yung pasok ko kaya tumambay muna ako sa tambayan namin. Kompleto nga kaming lahat pero ang tahimik. Magkakatabing nakaupo sila Yat, Chloe at Sophi sa tapat namin habang katabi ko naman yung mga lalaki.
Medyo awkward =___=
"Ahm, lilipat ba ko?" Tanong ko habang iniisa-isa sila ng tingin.
Kasi naman diba? Tabi-tabi yung mga babae tapos ako lang yung nakaupo sa tabi ng mga lalaki.
"Wag na. Mag-e-emo ka din?" Si Zoid yan. Pinandilatan naman sya nung tatlong babae.
Minutes had passed and patuloy lang sila sa mga ginagawa nila.
Si Yat, naglalaro sa cellphone nya. Si Chloe, ini-inspect yung kuko nya tapos si Sophi naman nagbabasa ng libro.
"Labs," sabi ulit ni VJ.
Kanina pa kaya yan labs ng labs! Nakakarindi na.
Binuksan ni Yat yung bag nya at may inilabas na earphone tapos sinalpak sa tenga nya.
"Labs naman." Pangungulit ni VJ pero hindi pa rin sya pinapansin ni Yat.
Alam ko kung anong nangyari. Dumiretso sa bahay namin kagabi yan si Yat eh.
"Conyo---"
"Blah blah blah! Ano ba 'to nasisira na yung pretty nail polish ko. Kailangan me na palang pumunta sa nail salon."
Napakamot nalang ng ulo si Ceejay at tumingin sa katabi nyang si Dwayne. Sya na kasi ang next. Sunod-sunod kasi sila sa pangungulit eh.
Bale ang pwesto namin, Ako-Zoid-VJ-Ceejay-Dwayne
Dwayne cleared his throat then stood up. Nilapitan nya si Sophi. "Baby, pwede ba tayong mag-usap?"
Binaba ni Sophi yung librong hawak nya tapos isa-isa kaming tinignan parang nagtatanong kung o-oo ba sya o hindi.
Yat and I= todo tango
Chloe= roll eyes
Zoid= poker face
VJ= tango habang nakatingin kay Yat
Ceejay= umiling
Dwayne= puppy eyes
"Okay." Nakangiti nyang sabi atsaka tumayo.
"Yes!" Masayang bulong ko at halos mapatalon na ko sa tuwa.
Fan kaya ako ng dalawang yan!
Pinanood namin sila hanggang sa tuluyan na silang makalabas.
Tumayo din si Yat tapos nagbye sa'min except kay VJ tapos umalis na. Hinabol naman sya ni VJ with matching pasigaw-sigaw pa ng "Labs".
Next naman na tumayo ay si Chloe tapos nagsimula ng maglakad.
Tinignan namin ni Zoid si Ceejay.
"Ba't ko hahabulin yan?" Sabi nya tapos maya-maya lang ay may lumilipad ng sapatos at naglanding sakto sa ulo nya. Sapatos ni Chloe yan ah!
"Sabi ko nga. Susundan na." Sabi nya tapos kinuha yung sapatos at umalis na.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Zoid kasi kami nalang yung naiwan.
"Alis na din ako. Malapit na magstart yung first class ko eh." Sabi ko tapos inayos yung mga gamit ko tsaka tumayo.
Hinila naman nya ko at sinabing, "Sabay tayo."