"Girl, sama na tayo, ha? Ha?" parang bata na sabi ni Red habang nagpa-puppy eyes.
"Pag-iisipan ko." Sagot ko kaya kanya-kanya sila ng reklamo.
Nasa park kami. Pareho lang naman ang style ng Highschool at College compound ng DH academy. Yun nga lang, mas malaki ang sa College.
"Sama ka na kasi, girl! It'll be fun! We promised." Pink
Yung sinasabi nila ay yung 2 weeks namin sa isang exclusive beach resort which is L resort sa sembreak.
Next week na yung final exam namin and after nun, sembreak na. Kaya kinukulit nila ako ng husto.
"Ano ba kasing meron dun?"
"Madami. Sama ka na. Bahala ka, andun yung maboy mo." Vi
Bigla akong napaisip.
"Ayiiie~ sasama na yan." Pink
"Pumayag ka na kasi at nang maisagawa na ang iyong misyon sa maboy mo. Ahohoho." Red
"Uhmm..." papayag na sana ako kaso biglang sumigaw si Vi
"Oh my gee! We're gonna be late na!" Tumayo sya at hinila patayo si Red at Pink.
"Girl, we need to go na. Basta sumama ka ha?" Nagmamadaling sabi ni Pink at kumaripas na sila ng alis.
Naiwan akong mag-isang nakaupo sa bench. Kinuha ko yung libro kong Principle of tourism at binasa.
Last month ko pa sinimulang mag-review para sa final exam kaya parang binabalik-balikan ko nalang yung mga lessons.
"Hello, Zai."
Napaangat ang ulo ko at nakita ang nakangiting si kuyang brown-haired. May kasama syang dalawa na gwapo rin. Yung isa may kausap sa phone pero nung napatingin ako sakanya, nginitian nya rin ako.
"Hello din." Bumaba ang tingin ko sa id nya.
Clyde Roxas
Ayun pala name nya.
"Sasama ka ba sa L resort? Invited daw lahat ng studyante dun." Umupo sya sa tabi ko.
Yung dalawa nakatayo lang. Yung isa may kausap pa rin sa phone at yung isa naman, naglalaro sa tablet.
Pansin ko lang, kanina pa usap-usapan yang pagsama sa resort na yan.
Kahit saang sulok ka magpunta sa academy na to, ayan ang maririnig mong topic most especially sa mga girls na mga excited.
"Ahm.. oo. Ikaw?"
Tumango sya habang nakangiti. Ngayon ko lang napansin na ang ganda ng mata nya. Color hazel nut pareho sa kulay ng buhok at kilay nya. I wonder kung anong lahi nito?
Askal?
Joke! Haha
"Ano bang meron dun?"
"Birthday ng nag-iisang anak ng may-ari ng resort na yun."
"And? Anong kinalaman natin dun?"
"Let's say.... schoolmate natin sya." He smirked kaya na-wirduhan ako.
"Kilala mo?"
Ngumiti sya at tumango. "Blockmate ko sya. You know him too."
"Ano ba pangalan nun?"
He opened his mouth to answer but someone interrupted us.
"Pare!" Sabi nung lalaking naglalaro ng tablet kay Zoid at nag-high five sila.
Ganun din yung lalaking may kausap pa rin sa phone, using his free hand, nakipag-high five din sya kay Zoid.
"Hinahanap kayo ni Mrs. Fe. Linisin nyo daw yung mga kalat na iniwan nyo sa cooking lab." Sabi nya na parang bored na bored.
Nagtaka naman si Clyde pati na rin yung dalawa. Kahit nakadikit pa rin yung phone nung lalaki sa tenga nya, kita mo sa expression nya na nakikinig kay Zoid.
"May janitors naman, ah? Sila na bahalang maglinis dun." Pangangatwiran ni Clyde. Tama naman kasi sya eh. Maski ako nagtataka.
Nag-shrug lang si Zoid at tinignan ako saglit.
"Wait lang, Zai. Terror kasi yung si Mrs. Fe. Text nalang kita mamaya." Sabi nya at tumayo.
"San mo nakuha number ko?" Tanong ko.
Naglalakad na sya palayo pero lumingon sya sa pwesto ko. "Kay Pink." Sagot nya at tuluyan ng umalis kasama yung dalawa.
"Tss. Dumadamoves ang mokong." Zoid, nakaupo na pala sya sa tabi ko.
Sinara ko yung libro ko at nilagay sa bag. "Himala ata wala kang kasamang babae ngayon."
"Ayaw mo nun? Masosolo mo ko?"
I chuckled at tinitigan sya. Bakit ba habang tumatagal, lalo syang nagiging gwapo?
Biglang nagsink in sa utak ko yung #6. Flirt with him.
Umusog ako at lumapit lalo sakanya.
Nilagay ko yung kanang kamay ko sa chest nya at inilapit ang mukha ko sakanya. "Bakit ba napakagwapo mo?" I asked in a flirt tone.
"Bakit napakaganda mo?" He caressed my cheek down to my lips.
Alright! He's flirting me back! I'm flirting with a Playboy!
"Really?" Tanong ko, still nagmamalandi. Haha
He held my chin then lifted it up, "Ah-huh." Sagot nya ng nakatingin sa lips ko.
Halikan kita dyan eh! Haha
"Then why not make me one of your girls?"
Pagkasabi ko nun, biglang sumama ang aura nya. Binitiwan nya yung chin ko at umiwas ng tingin.
Silence
Pareho kaming hindi nagsasalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Ayaw nya ba?
Ayaw na ba nya talaga sa'kin?
"Aish! Ang sakit ng kamay ko." Tumingin na sya ulit sa'kin pero wala na yung bad aura nya. Nilahad nya sa'kin yung kamay nya sabay sabing,"Hilutin mo nga."
"Bossy." I mumbled pero sinunod ko pa rin sya.
Tinignan ko sya at nakita syang nakatitig sa kamay ko, sa daliri ko kung saan nakasuot yung couple ring.
Nakita kong napangiti sya.
Napangiti din ako atsaka nag-focus sa pagmasahe sa kamay nya.
Habang minamasahe ko yung kamay nya, may napansin ako.
Diba sabi nya masakit yung kamay nya? Dapat umaaray sya habang hinihilot ko. Pero hindi eh. Todo ngiti pa sya.
"Masakit ba talaga 'tong kamay mo?"
"Oo naman... araaaay! Ang... ang sakit! Dahan-dahan lang araaaaay!"
Sabi ko sainyo eh! Kahit kelan napakasagwa talaga umarte ng isang to.
My phone suddenly vibrate. Using my free hand, I took it out of my skirt pocket.
"Hello?"
[Mahal ko..]
"Aldrich!" I said with warning tone.
Nakarinig ako ng malakas na tawa sa kabilang linya.
Napatingin ako kay Zoid. Seryoso syang nakatitig sa'kin. Tinigil ko na yung pagmamasahe sa kamay nya at binitawan sya pero hinablot nya yung kamay ko at hinawakan ng madiin.
"Nasaan ka?" Tanong ko. Curious lang. Wala kasi syang pasok ngayon.
[Bakit, miss mo ko?]
"Miss mo mukha mo! Parang di ka araw-araw nagpupunta sa bahay, ah?" Sabi ko habang pinagmamasdan si Zoid na hinalikan yung singsing ko, pagkatapos yung palad ko naman.
Shutek! Nakaka-distract!
[Hoy Zailie bakit di ka na nagsasalita?]
"H-huh? Ah.. eh.. ano bang s-sinabi mo?"
Napansin ata ni Zoid na nauutal na ako dahil sa mga kalandiang pinaggagagawa nya kasi bigla syang ngumiti ng nakakaloko sabay..
"Whoa! Relax lang... sinisira mo yung shirt ko eh... easy!"
Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nya at hindi agad makapag-react. Nilakasan nya pa talaga ang pagkakasabi nun na halatang pinaparinig nya kay Aldrich.
[What the fck! Where the hell are you, Zai?]
Sa tono ng boses ni Aldrich, para syang nagpapanic na nagagalit.
"Ahm.. a..ano, Aldrich. Mali yung iniisip mo kasi..."
"You're sexy as hell.." kinindatan ako ni Zoid at hinalikan yung dulo ng mga daliri ko CASUALLY na parang wala syang kalokohang sinabi.
[WHAT THE FCK IS GOING IN THERE?---]
Nung tinignan ko yung phone ko, shutdown na. Hindi ko kasi na-charge kanina bago pumasok.
Binalik ko yung phone sa bulsa ng skirt ko at piningot yung tenga nya. "Bakit mo ginawa yun, ha? Baka kung anong isipin nun."
Kinuha nya yung kamay ko na pumipingot sakanya, "Edi okay."
"ANONG OKAY DUN?"
"Ang ingay mo. Lika nga." He pulled me into an embrace.
Dug dug. Dug dug.
Naririnig ko na naman yung lakas ng tibok ng puso ko.
Is this just a flirt?
That thaught made me pulled away from his embrace.
Umiwas ako ng tingin at umayos ng upo.
"May tanong ako."
Tumingin ulit ako sakanya at tinaasan sya ng isang kilay. "Ano naman yun?"
"Nakakain ka ba ng fireworks?"
"Ofcourse not! Ano ko shunga?"
"Just ask why."
I rolled my eyes heavenward, "Why?"
"Because I see sparks everytime you smile."
Stunned.
Bakit ba napakagaling sa landian ng Playboy na 'to? Hindi ko magawang makipagsabayan.
Pero...
Kenekeleg si ako!!!!! Waaaaa~
Another Zoid's flowery lines.
"Playboy ka ba?"
Di ko alam pero bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yan.
"Bakit?"
"Wala lang." Sagot ko at tumawa ng pilit.
Tumambay muna kami hanggang nag-4pm na.
Ayoko pang umuwi pero kailangan. Nakapag-promise kasi ako kay mommy kaninang umaga na uuwi ako ng maaga. Kasabay kasi namin magdi-dinner mamayang gabi yung family ni Aldrich kaya tutulungan ko si mommy magluto.
"Uwi ka na?" Tanong ni Zoid nung mapansin na inaayos ko yung gamit ko.
"Oo eh. May gagawin pa kasi kami ni mommy."
Tumayo na ko, ganun din sya.
"Hatid na kita."
Sabay kaming naglalakad.
"Ako na magdadala ng gamit mo." Umamba sya na kukunin yung bag ko pero syempre iniwas ko.
"Okay lang."
Hindi na sya nagsalita. Halos pinagtitinginan na kami ng mga estudyante na madaanan namin.
"Bakit naka-make up ka?" Tanong nya, sa daan nakatingin.
"Kailangan sa personality development eh."
"Ah. Sorry hindi lang kasi ako sanay."
Bakit naging awkward ang atmosphere?
Hindi naman kami ganito kanina nung kami lang sa park. Bakit parang binabantayan ni Zoid yung mga sasabihin at galaw nya kapag may mga tao sa paligid?
Tss. Ano ba 'tong pinag-iiisip ko.
Saktong paglabas namin ng schoolgate, nilabas nya yung phone sa bulsa ng pants nya at idinikit sa tenga nya.
Obviously, may tumatawag.
"Hello... yes." Bigla syang tumingin sa'kin. "Okay.. don't leave and wait me there. Bye." He hung up then tumingin ulit sa'kin.
"Sorry pero kailangan kong puntahan si Chelsea."
"A-ano ka ba?! Ayos lang. Kaya ko namang umuwi eh."
"I'm really sorry."
"Di, okay lang talaga. Ingat ka nalang. Bye!" Nagwave ako sakanya at naglakad na paalis.
Kaya kong umuwi. Tss. Sa edad kong to? But what makes me sad is... may iba ng babae na mas prioritize nya kaysa sa'kin.
Shutek kang luha ka! Wag kang tutulo. Wag kang---
*BOGSH*
Aray ko po! Nauntog ako sa poste este sa matigas na dibdib ng lalaki. Nung inangat ko yung tingin ko para makita kung sino ang nabunggo ko...
Si Clyde pala.
Pero bakit parang ang bad ng aura nya? Parang badvibes. O wala ng parang?
"Zai, ikaw pala yan. Sorry."
"Okay lang. Sorry din. Hindi rin kasi ako tumitingin kanina."
Hinawakan nya ko sa magkabilang pisngi.
"Masakit ba?" Tanong nya habang chini-check yung noo ko.
Another awkward =___=
Pasimple kong inalis yung kamay nya.
"Walang masakit. Pero teka.. bakit ganyan itsura mo? Mahihirapan si kuya Michael Angelo magpaint nyan eh."
Tumawa sya kahit ang korni ng joke ko. Yaaaa~ like ko sya! Haha (^___^)
Kinwento nya sa'kin kung bakit sya badtrip.
Kasi ganito yun. Diba sinabi kanina ni Zoid na pinapatawag daw sila nung Mrs. Fe sa cooking lab?
Pagpunta nila dun..
Oo, maraming kalat. Maraming recipes and etc.
Oo, nandun yung prof.
But the thing is, hindi naman pala sila pinapatawag at lalong hindi sila pinaglilinis ng lab.
PERO according to their prof, tutal andun na naman daw sila, why not clean the mess?
Maliit na tulong na rin daw yun sa mga janitors. Tumanggi daw sila at nagdahilan na may importanteng gagawin pero pinandilatan daw sila ng mata nung prof nila. Talk about terror prof. Mata palang, kinatatakutan na. Hahaha
Habang nagki-kwento sya sa'kin, halos mamatay na ko sa kakapigil ng tawa. Idagdag mo pa yung expression nya na badtrip na badtrip.
"Siguro sinabi nya lang yun para masolo ka nya."
"Huh?"
Magsasalita pa sana si Clyde kaso may biglang sumigaw.
"Mahal ko!"
Err. Boses palang kilala ko na kung sino yun.
"Boyfriend mo ba yun?" Ngumuso si Clyde sa likuran ko na alam kong nandun si Aldrich.
"Best---"
"Oo." Inakbayan ako nya ko at nginisian si Clyde. "Ikaw talagaaaa~"
Ack! Pinisil nya ng madiin yung pisngi ko habang nakaakbay sya sa'kin.
"Wala lang ako, naghanap ka na agad ng iba."
Bago pa ko makapagreact, hinila na nya ako papunta kung nasaan yung kotse nya.
Bastos na bata! Hindi manlang ako hinayaang makapagpaalam kay Clyde >o<
Pinagbuksan nya ko ng pinto ng kotse pero bago ako pumasok, binatukan ko sya kaya nagreklamo sya.
"Bakit mo sinabing oo? Boyfriend ba kita?"
"Oo." Sinamaan ko sya ng tingin. "Boyfriend. Kaibigang lalaki. Unless... ibang meaning ang gusto mo." He smirked at me.
"Baliw!" Sabi ko at pumasok na sa loob ng kotse.
Pinasok nya yung half body nya to fasten my seatbelt.
Ang lapit ng mukha nya sa'kin kaya di ko mapigilang titigan sya.
Dati yung mukha ng batang si Aldrich ang napagmamasdan ko, pero ngayon binata na. Haha
Lalo syang gumwapo at lalo syang naging manly mula sa itsura hanggang sa lahat ng bagay.
Pati yung pabango nya... napaka-masculine.
Natural, Zai! Alangan namang baby cologne pa rin ang gamitin nyan sa ganyang edad?
Haaay. Kinakausap ko na naman ang sarili ko.
"Bakit ka nakatitig? Inlove ka na ba sa'kin?"
"Sapak?"
"Hahaha. Sabihin mo lang kung inlove ka na sa'kin. Magpapaparty talaga ako." Nag-'tch' sya tapos pinitik yung lips ko saka lumabas ng kotse at umikot para sumakay sa driver seat.
Pagka-start nung engine, bigla kong napansin yung kotseng hindi tinted.
Kotse ni Zoid at nandun sya. Nakasakay sya sa driver seat at nakahawak sa manibela tapos nakatingin sa'min. Hindi rin kasi tinted ang kotse ni Aldrich.
Akala ko ba pupuntahan nya si Chelsea? Eh, bakit hindi pa sya umaalis? Atsaka, kanina pa ba nya kami pinapanood?
Hindi ko mabasa yung expression nya. Seryoso lang syang nakatingin sa'kin hanggang sa tuluyan ng umandar yung kotse ni Aldrich.