Chereads / Doctor Alucard Treasure / Chapter 65 - Chapter 64 Return the Money

Chapter 65 - Chapter 64 Return the Money

((( Monina POV's )))

Naririnig ko ang hampas ng alon sa dalampasigan. Ang tunog ng kuliglig. Tipong nakatira ka sa isang kubo malapit sa tabing dagat. Walang kapitbahay. Niyayakap ka ng ulap. Samyong-samyo ang sariwang hangin na bumabalot sa paligid. Ang lamig nito na humahaplos sa akin. Ang ganda sa pakiramdam nito. Pakiramdam ko nasa langit ako. Namnamin ang pakiramdam na ito.

Ngunit. Teka?! Langit?! Patay na ako?!

Diba nasa harapan lang ako ng pamamahay ng Manyak na yun?!

Napabalikwas ako ng bangon. Mulat na mulat ang aking mga mata. Parang owl na napakurap-kurap sa haba ng pilikmata.

Nasa loob ako ng isang… mamahaling silid! Ang chandelier na pinagsisigawan sa akin na kahit kailan di ko maiisipan na bumili noon. Sa may normal din namang florescent lamp. Ang desenyo ng dingding na parang nasa silid ka ng isang princessa. Mga kurtinang nagsisihabaan na kung wala nga ata yung aircon, ang init dito.

Wait. Asaan tayo?

Tatayo na sana ako ng… damit ko? Ano ito?! Para akong manika na nagmula pa sa englatera. At nasaang pamamahay ba ako?! Wag niyong sasabihin kay Kuya Manyak. Atlast pinapasok na ako nito.

Yung bag?! Asaan?

Nakita ko sa may mesa. At naroroon din ang tuyong damit ko. Walang laman yung bag dahil pinatuyo din. Nasa isang kahon ang mga gamit ko.

Wow. Ang organize naman ng paka-ayos ng gamit ko. Sino may gawa nito? Kinuha ko yung notebook kung nasaan ang cheque. Naroroon nga. Nakahinga ako. Good. Dahil ibabalik naman talaga kita dito.

Nang bumukas ang pinto. Napalingon ako. Isang babae na hila ang isang food cart. Nagkatitigan kami. Matutulis ang kanyang mga mata.

"Tama lang gising ka na Miss. Kumain ka na muna." Ngunit sinagot koi sang iling na di niya inaasahan. Kinuha ko na ang damit kong nakatupi.

"Asaan ang palikuran?" na wala man lang ba ako itatanong? Obvious naman diba? Nasa loob ako ng pamamahay ni Kuya Manyak. Mamaya na tayo mag-usap ate dahil di ako comportable sa suot ko. Dinaig ko pa yung magiging monster Doll.

Itinuro ng kanyang kamay. Ngunit di parin maalis ang titig sa akin. Tinalikuran ko na at pagpasok ko. Wow ang laki. Dinaig pa yung sala namin. Para siguradong walang manilip, sa loob ng shower ako naghubad. Sino naghubad sa akin. Matanong nga si Ateng mataray. Sa matanda yun sa akin at sa tindig nito.. parang malapit na ngang ideklara na magiging matandang dalaga ito.

Ako nga din… pakiramdam ko tatanda akong dalaga. Di ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Kayang-kaya ko sarili ko. Di naman ako yung pabebe.

Nang makapagbihis paglabas ko. Halos mapayakap ako sa sarili ko. Nakaupo sa silya ang mala-princippeng lalaki. Pormahan lang naman, dinaig pa si Lee Min Ho my labs.

Di ko na lang pinansin ang titig niya. Ulit akong lumapit sa mesa, kinuha ang mga gamit ko at isinilid sa bag.

Naiwan lang yung cheque. Tinali ko yung buhok ko. Saka hinablot ang cheque at hinarap si Kuya Manyak. Naglakad ako palapit sa kanya ng humarang sa akin yung babae. Nagkatitigan kami ng babae. Tignan natin kung sino ang mas maangas sa atin. Katulong ka lang habang ako bisita. Ah hindi. May ibabalik lang sa amo mo na naligaw talaga sa bank accout ko.

Related Books

Popular novel hashtag