Chereads / Doctor Alucard Treasure / Chapter 19 - Chapter 18 Love To Family

Chapter 19 - Chapter 18 Love To Family

((( Monina POV's )))

Napakamot ako at parang may kinain ang bibig ko ng mapaupo bangon ako.

Anong ingay na naman ito ng tatlo kong kapatid! Sabagay libre alarm clock.

Paglabas ko, naka-uniform na sila. Good. At kanya-kanya gulo sa kusina.

"Sabi ko sa inyo na wag kayong maingay." nang makita ako ni Caroline, "Gising na siya."

"Tapos na din naman. Good Morning ate. Pinaghanda ka namin ng agahan."

Ang cucute nila sa uniform. Sana nga naabutan ko pa ang senior high na yan. Pero no need. Past is past.

Nakacross arm ako at sandal sa pinto na parang wala pa ngang energy sa araw na ito. Napapikit-pikit pa ng mata.

Hangang sa tumampad sa akin ang amoy ng… Adobo!

Instant nagising ako.

Sa harapan ko nga si Carolina, at ipinakita sa akin ang niluto nila. Wo. May pa-garnish pang nalalaman.

"Kain na tayo ate!

"Tara na ate! Malalate talaga kami niyan!"

Akala nila uurungan ko ang adobong yan!

"Tara pagfiestahan natin yan!"

"Tawagin mo na din si Papa." siko ni Carolina kay Catriona na busy nilalagyan ng green na dahoon ang kanin. Oo, siya ang mahilig mag-garnish.

"Wait lang. Dagdag pa sa kagandahan ng garnish para kayo ay magkaroon ng appetite. Diba ate?"

Ngumiti na lang ako dahil takam na takam na talaga ako.

Ginising nga nila si Tatay,

"Masyado namang maaga ang umaga ngayon."

Eh tay, sa sabay lang naman tayo natulog.

"Midnight snack Pa." si Carolina.

Sinasabi ko na nga ba sa pinagluluko ng mga to ang Tatay. Hinampas ko siya sa pwet. At napasenyas na di ko gusto ang kalokohan nilang ito.

Napangiti na lang sila sa akin.

"Ibig lang sabihin tay, matutulog ka pa pagkatapos kumain."

Kumain na nga kami.

kaming apat ang napapsubo sa kanya.

Oo, ang sweet namin tignan no? Masyado naming mahal ang tatay namin. Sa di ko pinapakalimutan sa kanila ang pagpapalaki sa amin niya. Kung paano mataranta ito noon lalo na nga tatlo sila.

Kaya napapasukli kami ngayon.

Thank you Pa.

Pagkatapos kumain, pinaupo na nila sa labas si tatay dahil gusto daw nito maramdaman ang hating gabi. At di niya makakalimutan ang patak ng kalendaryo.

"Malaki ba ang buwan ngayon?" tanong niya sa akin.

"Opo Pa. Ang laki-laki." sakay ko na din sa pangloloko ng mga kapatid ko. Habang sumisinag na din naman ang malagintong araw. Napaunat ako.

At maya-maya nagsilabasan na ang mga chanak. Napasenyas na lamang sila sa kanilang pag-alis. At dahan-dahan na binuksan ang gate.

Napa-flying kiss sa amin ang mga chanaks at naglakad na nga silang tatlo.

Malapit din naman ang school nila.

Sabi ko sanila, dapat sila ang magkampihan in case man na may umaway na isa. Kung sabunutan lang naman, panalo na sila. Anim na kamay eh.

Ngunit as much as possible be friendly at wag maghanap ng away.

"Okey na po kayo dito Pa."

"Okey na ako dito."

Oras na din kasi para nga asikasuhin ko din sarili ko.

Pagkatapos konga maligo.

Pinuntahan ko si Papa, at nakatulog ulit. Kaya ginig=sing ko siya.

"Pa, sa loob na kayo matulog."

"Ah sige."Inalalayan ko siya.

"Bakit ang lamig ng kamay mo. Alam mo bang bawal maligo ng gabi?"

"Ah, gusto ko lang maligo."

"Ikaw, kapag nagkasakit ka Catherine."

"Di naman po ata."

"Ang titigas ng ulo niyo." na badtrip si tatay. Sa nag-aalala lang siya.

Hangang sa nahiga. Lumabas na ako ng silid. Napa-time check. Whoa! Malalate na naman ako sa una kong trabaho na papasukan. Isang gasoline girl sa malapit na gasolinahan. Magagalit na naman nito ang ka shiftmate ko.

Sout uniform. Saka nga kinuha ang bagback ko. Damit pamalit para sa school.

Nang makita ko yung card nga ni Kuya Gwapo.

At nanlaki ang mata ko na di ba ako nagkakamali sa nakikita ko?

Wala nang laman yung supot? Yung pinamili ni Kuya Gwapo… kinuha nang mga chanaks!

Tinawagan ko yung isang chanak. Sinagot naman niya…

"Yung chocolate. Ibalik niyo yun at wag kakainin."

"Ate, baon namin. Kainin pa namin mamaya. Saka bakit mo naman kukunin, eh binili mo yun sa amin. Tatlo. Kay Cathriona, Caroline at sa akin. Diba ate? Early gift sa parating naming birthday. O kung hindi tangapin na lang ang binibigay ng mga manliligaw namin. Marami pa."

"Hindi!"

"Di amin na yun. Bye ate. Love you."

Binabaan ako.

Oo. Wag na wag silang tatangap ng kung ano lalo na galing sa mga lalaki. Dahil yun lang ang makakasalba sa kanila. Ayoko magayuma mga kapatid ko.

Gumaya kayo sa akin na no Boyfriend since birth kahit nga 24 na.

Ang tanong anong gagawin ko kay Kuya Gwapo. Ang mahal pa naman ng chocolate Bar na yun.

Bago ako lumabas ng bahay, kinuha ko na muna yung mga bayaran sa kuryente saka tubig. Nilapagan ko din ng makakain sa mesa si Papa. Saka siniguradong walang matutulis na bagay na baka nga ika-aksidente niya.

Check yung sahig. Walang rason para madulas siya.

Okey. time to go Monina. Parang Monami lang.