Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Le Sauveur

🇵🇭LennieKookie
7
Completed
--
NOT RATINGS
21.6k
Views
Synopsis
Tatlong estudyante. Mahika. Kumpetisyon. Maikling istorya.
VIEW MORE

Chapter 1 - Le Sauveur

-

:Anunsyo:

Bawat ika-tatlong taon ay pumipili ang konseho ng tatlong estudyante na lalahok sa pandaigdigang kompetisyon, mapipili ka lamang kung ikaw ay likas na malakas, matalino at may paninindigan. Kung sino man ang intersado, maaari kayong personal na mag tungo sa aming tanggapan.

-Konseho-

Sinong walang utak ang mag kakaroon na interes na sumali sa kumpetisyon na iyan? Sa isang daan na porsyento ay limang porsyento lang ang tsansa mong manalo. Hindi dahil sa malakas ang mga kapwa mo na lalaban sa kumpetisyon, kundi dahil sa mismong lugar na pag gaganapan nito.

Ginaganap lang naman ang kompetisyon na iyon sa isang lugar na punong-puno ng mga halimaw at mapanganib na hayop. Kaya sinong walang utak ang mag kakainteres sa  kompetisyon na 'yan?

"Ikaw!" itinuro ko ang isa sa kaklase ko at sinenyasan na lumapit sa akin. Ini-akbay ko ang braso ko sa balikat niya at hinigit palapit sa nakapaskil na anusyo. "Ikaw, sabihin mo nga sa akin, sinong walang utak ang sasali sa kalokohang kompetisyon na iyan?" inis na tanong ko sa kaklase kong 'to. Hindi ko alam ang pangalan ng isang 'to.

Ah, hindi. Lahat pala ng kaklase ko ay hindi ko alam ang pangalan. Hindi naman kasi importante, bakit ko pa aalamin? Kapag ba alam ko ang pangalan nila ay uunlad ang buhay ko? Hindi naman, hindi ba?

"Marunong ka bang magsalita o ano? Tinatanong ba kita o hindi?" naasar na ako sa isang 'to, pwede namang sumagot ng simpleng 'wala', bakit hindi pa gawin, mainit na nga ang ulo ko pinaiinit pang lalo.

"Tinatanong..." mahinang sagot niya. Bahagya siyang lumingon sa akin at makailang ulit na lumunok. "W-Wala...W-Walang mag kakainteres na sumali sa kompetisyong iyan." bakit ba siya nauutal? Tss. Sasagot lang uutal-utal pa.

Bumalik na ang uutal-utal na 'yon sa pwesto niya pero nanatili pa rin akong nakatayo rito sa harapan. Paulit-ulit kong binabasa ang walang kwentang anunsyo na ito.

Teka...Bakit ko nga ba paulit-ulit na binabasa 'to? Tss.

"Trevor Mackarov, maupo ka na sa pwesto mo, mag sisimula na ang klase." nginisian ko lang ang aming guro na si Mrs.Tierney.

"Hindi mo na ako kailangang sabihan, alam ko ang dapat kong gawin." balewalang sabi ko at nag lakad papalabas ng silid-aralan.

"Trevor Mackarov! Pinapaupo kita sa pwesto mo! Hindi kita pinapalabas!" sigaw niya. Dragon ba siya noong nakaraang buhay niya? Para siyang galit na dragon kung makasigaw.

Tumigil ako sa pag lalakad at nilingon siya. "Alam ko na ang ituturo mo ma'am. Tutulugan ko lang ang klase mo kung mananatili pa ako r'yan." tamad na sagot ko. Napailing nalang siya, wala rin naman siyang magagawa.

Ako nga pala si Trevor Mackarov, pero mas kilala ako sa tawag na 'Stalwart Trevor' o kaya naman ay 'Obnoxious Trevor. Stalwart Trevor sa ibang tao dahil malakas at matapang ako, ngunit iyong iba,  Obnoxious Trevor ang tawag sa akin dahil masama raw ang ugali ko. Pero sa totoo lang? Wala akong pakialam.

Wala akong pakialam kung anong tingin nila sa akin. Hindi naman mababago ng mga iniisip nila tungkol sa akin ang pagkatao ko. Mas pag aaksayan ko ng panahon na bilangin ang buhok ko kaysa sa bigyan ng pansin ang mga sinasabi at iniisip nila tungkol sa akin.

Bakit? Dahil nga wala akong pakialam.

"Ang weird niya talaga."

"Alam mo, usap-usapan sa lugar namin ang babaeng 'yan, galing daw 'yan sa pamilya ng mga itim na mangkukulam."

"Kaya siguro siya palaging naka-itim."

Nilapitan ko ang dalawang babaeng pinag-uusapan ako. Kahit malayo sila sa akin ay naririnig ko ang pinag-uusapan nila. Paano? Isa iyon sa kakayahan ko. Enhanced ang lahat ng senses ko, at kapag sinabi kong lahat, lahat. Pero ang mga guro, kaklase at kapitbahay ko, at maging ang kung sino man na nakakakilala sa akin ay hindi iyon alam. Ang alam lang nila ay enhanced ang eyesight ko at kaya kong mangopya ng kapangyarihan o abilidad.

"You two are talking about me, right?" walang emosyon na tanong ko. Tinaasan lang nila ako ng kilay. "I don't care if you call me weird, but there's one thing that I want you to know, I am not a witch. I'm not from a family of black witches, stop talking sh*ts to my family. Hindi niyo sila kilala at wala kayong ideya kung sino sila, tama ba? Pero hindi ibig sabihin no'n na pwede na kayong mag gawa ng walang katotohanang kwento tungkol sa pamilyang pinagmulan ko." seryosong sabi ko sa kanila.

"Watch your words ladies, I can cut tongues." dagdag ko at nag lakad na palabas ng academy.

I am Hermione Brit. You can call me weird, goth, emo, punk or whatever you like. You can also call me Black, some of my acquaintances usually call me by that 'nickname', and for me? Hmm. It's kinda cool.

Black hair with red or blue or yellow highlights, thick-black eyeliners, black lipstick, black accessories, black shirts or dress, black pants or shorts, black shoes, sandals or slippers, that is my usual outfit. I love black. Why? Because my life is full of darkness.

"Apo, nabalitaan mo na ba iyong tungkol sa pandaigdigang kumpetisyon?" tanong sa akin ni lola, ang nag-iisa kong kamag-anak na buhay pa. Nanay siya ng aking ama, at gaya nga ng sinabi ko kanina, siya nalang ang buhay kong kamag-anak. Patay na ang aking ama at ina. Wala akong kapatid. Ang magulang ng aking ina ay matagal ng namaalam, ganon din ang tatay ng aking ama.

"Opo, lola, kalat na po sa akademya ang balitang iyan." sagot ko.

"Naalala ko na naman tuloy ang iyong ama." malungkot na sabi niya. Itinigil ko ang pag babasa ko at kunot noong lumingon sa mahal kong lola.

"Bakit po lola? Paanong naalala niyo si papa?" takang tanong ko. Bakit naman sa dinami-daming bagay o pangyayari ay sa kompetisyong iyon pa niya naalala si papa?

"Napili kasi siya noon sa kompetisyon ding iyan, hindi ko na nga lang matandaan kung ano bang taon iyon. Sa tantya ko ay mga nasa edad mo siya nung siya ay napili."

Bahagyang nanlaki ang mata ko. "Po? Tama po ba ako ng pag kaka-dinig? Si papa ay napili sa kompetisyong iyon?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo apo, kaso nga lang, tumakas ang papa mo kasama ang mama mo. Lumayo silang dalawa at ng bumalik sila dito ay kasal na sila at buntis na ang mama mo sa'yo." pag kekwento niya.

"Nangunguna lagi ang iyong ama sa klase at maging sa buong akademya. Malakas, matalino at may ginintuang puso, mag katulad na mag katulad kayo ng iyong ama."

"Hindi po kami mag katulad, h-hindi po ako malakas." pagtanggi ko.

"Ako pang lola mo na syang nag palaki sayo ang lolokohin mo, apo? Hindi mo man aminin ay alam kong malakas ka. At alam kong higit na mas malakas ka sa iyong ama, mas malakas ang mahikang meron ka, ang mahikang taglay mo. Maililihim mo iyan sa iba ngunit hindi sa akin. Alam ko at alam mo na may malakas kang mahika, bakit mo ba itinatago iyan, apo? Bakit mo ikinukubli ang sarili mo sa isang batang lampa na palaging sablay sa mahika?"

Hindi ko nagawang makasagot kay lola. Iniwas ko ang tingin sa kanya at nagpanggap na bumalik sa pagbabasa.

'Bakit ko nga ba itinatago itong mahika ko', tanong ko rin iyan sa sarili ko. Siguro dahil sa takot? Siguro nga. Namatay ang ama at ina ko dahil sa kapangyarihang meron sila, sa harap mismo ng mga mata ko, pinatay silang dalawa.

Iyon ang narinig ko sa mga black witch na pumatay sa mga magulang ko, dahil sa kapangyarihan nila kaya sila pinatay. Pitong taong gulang palang ako n'on kaya wala akong nagawa, at isa pa, sinabihan ako ni papa na huwag na akong makialam at mag tago nalang sa pinagtataguan ko para na rin sa kaligtasan ko.

At ngayong malaki na ako, napagtanto kong kaya pinaslang ng mga black witch ang magulang ko ay dahil alam nila na malaking balakid ang kakayahan nilang dalawa sa kanila. At siguro, kaya ko itinatago ang kakayahan ko ay dahil sa kanila. Ayokong mamatay, ayoko pang mamatay ng hindi sila naipaghihiganti.

Ako si Kelvin Dreyar, kilala ako sa buong akademya dahil ako lagi ang nangunguna sa klase. Ngunit hindi iyon ang pinakadahilan kung bakit ako kilala, gaya nga ng sabi kanina ni lola, itinatago ko ang sarili ko sa isang batang lampa. Oo, isa akong nerd, at iyon ang pinakaunang dahilan kung bakit ako kilala. Lagi akong binu-bully, inaasar, tinutukso at kung ano pa. Hindi ako lumalaban sa kanila, ayokong malaman ng lahat ang mahikang mayroon ako. Ayokong masayang ang lahat ng oras na ginugol ko sa pag papalakas. Para sa mga black witch lang ang kapangyarihan kong ito.

Ipinapatawag ang lahat great hall. Ipinapatawag ang lahat sa great hall. Ipinapatawag ang lahat sa great hall.

Rinding bumangon si Trevor sa pag kakahiga. Oras ng klase pero nasa hardin siya at natutulog. Alam ko na naman ang ituturo, iyan ang palagi niyang dahilan.

"Ano na naman kayang kalokohan yon? Tss." bulong niya sa kanyang sarili. Sa isang kisap-mata ay nasa great hall na siya. Oo, nakakapag teleport siya. Isa iyon sa abilidad na meron siya.

"Trevor, huwag ka munang umalis, patapusin mo muna si headmaster Craven sa sasabihin niya. Mahalaga ang sasabihin niyang iyon." hindi nalang kumibo si Trevor, sumalampak nalang siya ng upo sa sahig at nilaro ang maliit na ipo-ipong apoy sa kamay niya.

"Ano ba ang mahalaga sa sasabihin ni headmaster? Mahalaga? Tss. Pamilya ko lang ang mahalaga sa akin, at ngayong wala na sila, hindi ko na alam ang kahulugan ng salitang halaga."

Nakalabas na ang lahat pero si Kelvin ay nasa loob pa rin ng kanilang silid-aralan, ang dahilan? Ikinandado ng mga kaklase niya ang pinto mula sa labas.

Kaliwa't kanan ang ginawang pag lingon ni Kelvin, nang makasiguro siyang walang tao ay in-unlock niya ang spell sa kandado at pinagalaw ito gamit lamang ang isip. Isa lamang ang telekinesis sa inaral niyang kakayahan, isa na namang oo, inaral niya lamang iyon.

"Paanong...?"

"Sabi ko sa inyo, hindi niyo ako kilala." mahina ngunit makahulugang sabi ni Kelvin sa nag tatakang mga kaklase niya. Nag tataka ang mga ito kung paanong nagawa niyang buksan ang kandado. Tatlong spell ang inilagay ng mga ito sa kandado at ang tanging makakapag tanggal lang ng spell ay ang malalakas na wizard katulad nalang ng mga guro nila.

Pag tataka at pagkabigla ang mababakas sa mukha ng kanyang mga kaklase. Pag tataka sa kung paano siya nakalabas at pagkabigla sa tono ng boses nya. Hinabol nila ng tingin si Kelvin na nakayuko habang nag lalakad. Hindi nga namin siya kilala, iyan ang laman ng isip nila.