"Hoy black lady! Sa tingin mo, bakit pinatawag ang lahat?" maangas na tanong ng lalaking kaklase ni Hermione.
Walang emosyon na tumingin siya sa lalaki. "Mamamatay ka ba kung mag hihintay ka? Kung hindi, mag hintay ka r'yan. Malalaman mo rin kung bakit." tamad na sagot ni Hermione.
Inis na hinawakan siya ng lalaki sa braso at pabalyang hinila. Wala pa ring emosyon na makikita sa mukha ni Hermione kahit na mahigpit ang pagka-kakapit ng lalaki sa kanya.
"Ginagago mo ba ako, ha!?"
"Bitaw." ngumisi lang ang lalaki at mas lalo pang hinigpitan ang pagka-kapit kay Hermione. Napatingin siya sa braso niyang hawak ng lalaki, namumula na ito dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya. "Sinabing bitaw." walang emosyon na sambit niya.
"Eh kung ayaw ko? Anong gagawin mo? Kukulamin mo ba ako, ha?" mapang-asar na tanong ng lalaki. At sinundan pa ng mapag-asar na tawa.
Nawalan ng pasensya si Hermione, pinagyelo niya ang braso niyang mahigpit na hinahawakan ng lalaki hanggang sa pati ang kamay nito ay nag yelo na.
"Hindi ko kayang mangkulam, pero kayang-kaya kong putulin ngayon ang kamay mo." wika niya na nakapag-pakilabot sa lalaki. Walang nag bago sa tono ng pagsasalita ni Hermione, blangko at wala pa ring emosyon ngunit iba ang dating nito sa lalaki, para bang hindi si Hermione ang kaharap niya. Para bang ibang Hermione ang nasa harap niya. Malakas at nakakatakot, iyan ang Hermione na kaharap niya ngayon.
"Ipinatawag ko kayong lahat dahil may mahalaga akong sasabihin tungkol sa pandaigdigang kumpetisyon...." na kay headmaster Craven ang lahat ng atensyon pwera nalang ang atensyon ng tatlong estudyante, ito ay sina Hermione, Trevor at Kelvin.
Si Hermione ay pinagmamasdan syudad na nasa limang daang kilometro ang layo sa akademya. Si Kelvin naman ay pasimpleng pinalulutang ang mga laglag na dahon sa labas. At si Trevor, pinaglalaruan ang mga apoy sa lamparang nakasabit sa pader.
Kapwa hindi sila interesado sa kung ano mang sasabihin ng headmaster, at lalo na nang banggitin nito ang salitang kumpetisyon.
"Alam kong bago pa lamang akong headmaster, mag dadalawang taon pa lamang. Pero hindi naman lingid sa kaalaman ninyo na bago ako mapunta sa pwesto ko ngayon, bago akong maging headmaster, aymatagal na akong guro dito. Sa tinigal kong namalagi rito sa akademya ay halos nasubaybayan ko na ang pag laki ng ilan sa inyo, kung sino ang humusay, kung sino ang may mahinang mahika at kung sino ang may malakas na mahika. At dahil nabanggit ko na rin iyan, nais kong sabihin na nakapili na ako ng ilalahok sa kumpetisyon."
"Tatlong estudyante. Tatlong estudyanteng naiiba ang kapangyarihan, abilidad, lakas at talino sa lahat..."
Nakuha ng mga salitang iyon ang atensyon ng tatlo. Bigla na lamang nag-iba ang pintig ng puso nila. Kapwa sila napalingon sa direksyon ng headmaster. Hindi nila mawari kung anong nangyayari sa kanila, pero isa lang ang alam nila: kinakabahan sila sa mga susunod pang sasabihin ng headmaster.
"Alam kong magtataka kayo kapag pinangalanan ko na ang tatlong estudyanteng yon, pero uunahan ko na kayo mga, mahal kong guro at mag-aaral ng Arch Academy, sa mga susunod na araw ay masasagot ang lahat ng katanungan ninyo."
Lalong lumakas ang pintig ng puso ng tatlo. Nakailang lunok na rin sila at hindi na mapakali. Alam na nila sa sarili nila na sila ang tinutukoy ng headmaster, pero may isang tanong ang nabuo sa mga isip nila.
"Hindi pala ako nag-iisa?"
"Pinakikiusapan kong pumunta rito sa harapan ang tatlong estudyanteng tatawagin ko...."
"Trevor Mackarov, Hermione Brit, Kelvin Dreyar, kayong tatlo ang napili ko para lumahok sa pandaigdigang kumpetisyon."
Ang lahat ay nagulat sa anunsyo ng headmaster, hindi makapaniwala at nag tataka. Paano na ang isang sakit sa ulo, isang weird at isang batang lampa ang napili niya, iyan ang mga tanong sa isip ng karamihan.
Walang ibang nagawa ang tatlo kundi ang tumayo at lumakad papunta sa harapan. Nang magkaharap na ang tatlo ay nag titigan sila at pinag-aralan ang isa't-isa. Hindi sila mag kakakilala ngunit iisa lang ang alam nila, bawat isa sa kanila ay may taglay na malakas na mahika.
Makailang ulit na tumanggi ang tatlo sa pagiging opisyal na kalahok nila sa pandaigdigang kumpetisyon, ngunit ano man ang tangging gawin nila ay hindi nito nabago ang desisyon ng headmaster.
Pangalawang linggo na nilang nag-eensayo ngunit sa tinagal nilang nagkakasama ay hindi manlang nila nagawang kausapin ang isa't-isa. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang pormal na pag-uusap, ni hindi manlang nila alam ang mahika o abilidad ng isa't isa. Tila ba may kanya-kanya silang mundo kapag magkakasama silang tatlo.
"Ngayon ay sasanayin naman natin ang mga mahika at abilidad na mayroon kayo." wika ng headmaster.
Siya mismo ang nag sasanay sa tatlo. Iyon ang hininging kondisyon ng tatlo. Pinakamagaling na guro sa lahat ang headmaster kaya naman siya ang napili nila.
Nag dududang tumingin ang headmaster sa kanila. "Umamin nga kayong tatlo, hindi niyo pa nagagawang kausapin ang isa't-isa, tama ba?" tanong nito.
"Tama po kayo." sabay-sabay na pag-amin ng tatlo.
"Mga batang ito talaga, huwag ninyong sabihin na nagkakahiyaan pa kayo? Ibig bang sabihin niyan ay hindi niyo pa manlang alam ang mahika at abilidad ng isa't-isa?" umiling ang tatlo bilang sagot kaya naman napatawa na lamang ang headmaster.
"Isang oras. Bibigyan ko kayo ng isang oras na pahinga, mag-usap kayo at alamin ang dapat na alamin tungkol sa isa't-isa. Ipakilala ninyo ang mga sarili ninyo kung kinakailangan. Maging magkaibigan kayong tatlo at pagtiwalaan ang isa't-isa. Iyan ang pinaka importanteng susi, ang pagtitiwala." nakangiting wika ng headmaster at bigla na lamang nawala.
"Ako si Hermione, Hermione Brit." pangunguna ni Hermione.
Nag-boluntaryo na siya na maunang mag salita dahil alam niyang kung hindi pa siya magsasalita ay kahit abutin pa sila ng magdamag ay walang magsasalita sa dalawang lalaki.
Bahagya siyang tumikhim at nagpatuloy. "Hindi ako rito sa lugar na 'to ipinanganak, hindi rin taga-rito ang pamilya ko, taga-kanluran kami. May enhanced senses ako, kaya kong tumalon ng mataas, kaya kong maging mabilis, may matalas akong panlasa, kaya kong makarinig, makakita at makaamoy hanggang isang libong kilometrong layo." pagpapakilala niya sa sarili.
"May iba pa ba?" interesadong tanong ni Trevor at Kelvin. Hindi man nila ipanapahalata pero natutuwa sila dahil hindi sila nag-iisa, hindi sila nag-iisang may kakaibang kapangyarihan o mahika.
Lihim na ngumiti si Hermione. "Isa akong water mage." nag gawa ng bolang tubig sa kanang palad nya si Hermione at patulis na yelo naman sa kabila.
Napapantastikuhang tumango-tango si Kelvin. "Elemental at sub-elemental." komento nito.
Kumunot naman ang noo ng dalawa, kapwa hindi nila alam ang salitang binanggit ni Kelvin. "Hindi ko man nababasa ang isip niyo ngayon dahil nakasarado ito, kitang-kita naman sa ekspresyon niyo na wala kayong ideya kung ano ang sinabi ko." natatawang wika niya habang kinakamot-kamot ang ulo.
Umupo ng siya ng tuwid. "Ang elemental ay ang apoy, lupa, hangin at tubig. Ang sub-elemental naman ay mga mahikang nag mula o may pagkakahawig sa elemental, katulad nalang ng ice magic ni Hermione, ang yelo ay gawa sa tubig kaya sub-elemental iyon." paliwanag ni Kelvin.
Habang nag sasalita si Kelvin ay napag isip-isip ng dalawa na sa kanilang tatlo ay mas nakakalamang ang talino ni Kelvin kaysa sa kanila.
"Anong abilities ang mayroon ka?" pagkaraan ay tanong ni Trevor kay Hermione.
"Telepathy, luring and power mimicry." sagot niya. "Sa tingin ko nga ay mayroon din akong telekinesis, noong isang beses kasi ay nagawa kong palutangin iyong bag ko, pero hindi na naulit kasi hindi ko na magawa. Hindi ko na rin naman pinag-aralan dahil wala naman akong balak na palakasin pa ang sarili ko." pagke-kwento niya.
Tahimik na nakikinig lang ang dalawang lalaki, parehas silang namamangha sa tono ng boses ni Hermione at maging sa mukha nito. Namamangha sila dahil wala manlang silang mabakas na emosyon sa boses at mukha ni Hermione, namamangha at nag tatakaka sila kung paano nito nagagawa iyon.
"May libro akong makakatulong sa'yo kung gusto mong aralin ang telekinesis, maaari rin kitang tulungan." nakangiting alok ni Kelvin.
"Ako naman si Kelvin Dreyar, taal na taga rito ang magulang ko. Dito ako pinanganak pero sa hilaga na ako lumaki, bumalik ako rito noong pitong taong gulang ako. Lola ko nalang ang kasama kong manirahan dito...p-pinatay ng mga black witch ang magulang ko." pagkekwento nya.
Napakuyom ang kamao ng dalawa pang kasama ni Kelvin ng marinig nila ang huling pangungusap na sinabi nya.
Ang mga black witch...marami talagang ginawang gulo ang mga itim na iyon.
"Parehas pala tayo ng istorya." tiim-bagang na komento ni Trevor at Hermione. Nabigla sila sa pag-amin ng isa't-isa. Hindi nila akalain na silang tatlo na kapwa may taglay na malakas na mahika ay may isa pang pagkakapareha.
Binasag ni Hermione ang katahimikan. "May elemental magic ka rin ba?" tanong niya kay Kelvin.
"Oo, isa akong earth mage. Hindi ko alam kung sub-elemental mage din ba ako, nakokontrol ko ang magma pero hindi ko kayang direktang mag palabas nito, hindi katulad ni Hermione na kayang mag palabas ng direktang yelo." sagot niya. "Pero siguro kung pag aaralan ko pa, magagawa kong mag palabas ng direktang magma." dagdag niya.
Napangisi si Trevor. "Mahilig ka talagang mag-aral 'no?" patanong na komento niya.
Muling napakamot sa ulo si Kelvin at para bang nahihiya. "Naging libangan ko na kasi ang pag babasa simula ng mawala ang mga magulang ko. Iyong ibang abilities ko ay inaral ko lang din." nahihiyang sabi niya.
"Ano-ano ba ang abilities mo?"
"Telekinesis, telepathy, invisible, enhanced hearing, runes at catoptromancy. Sa ngayon ay pina-practice ko pa ang illusion. Bihasa rin ako sa mga spell at mabilis gumaling ang mga sugat ko." namangha ang dalawa sa mga abilidad ni Kelvin, lalo na at yung iba doon ay inaral niya lamang.
Maraming naging tanong ang dalawa kay Kelvin. Kung paano niya inaaral ang mga abilities, kung gaano katagal at kung kaya rin ba nilang aralin ang ilang abilities na gusto nila.