"Paano kung halimbawa ay makalayo siya sa akin? Tuloy pa rin ba ang oras?" tanong ni Trevor sa lalaki.
"Hindi. Kapag nagkalayo kayo ng higit sa limampung kilometro ay kusang titigil ang oras." sagot nito.
"Paano kung naubos na ang trenta minutos pero parehas pa rin kaming may malay?" sabay-sabay na tanong ng tatlo.
Isa-isa silang tinignan ng lalaki, hindi rin nakatakas sa kanila ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi nito. "Parehas kayong mamatay. Ang runes na iyan ay kakalat sa buo niyong katawan hanggang mawalan na kayo ng hininga." seryosong sagot ng lalaki.
Nagkatinginan silang tatlo at sinarili nalang ang naramdaman galit. Hindi dapat tinatawag ito na kumpetisyon, patayan ang dapat na tawag dito.
"Iyon lamang ang patakaran ng kumpetisyon. Kung wala na kayong tanong, pumunta na kayo roon sa harapan. Ano mang oras ay mag sisimula na ang kumpetisyon." aniya.
Nakihalo na sila sa iba pang kapwa nila wizard. Iginala nila ang paningin sa paligid at pinag-aralan ang mga ito makakalaban nila.
Kabado ang karamihan ngunit may mangilan-ngilan na blangko lang ang mukha, parang wala silang pakialam kung mamamatay man sila o mabubuhay sila sa loob ng gubat. Wala silang makita na kahit isa manlang na malakas na determinasyon.
Lahat ba sila ay nawawalan na ng pag asa? Iyan ang tanong ni Kelvin, Trevor at Hermione sa sarili nila.
"Sa loob ng limang minuto ay mag sisimula na ang kompetisyon. Pumila kayo sa harapan ng mga portal, iyan ang magiging daan ninyo patungo sa loob ng Dead Forest." salita ng taga-anunsyo na kumuha sa atensyon ng lahat.
"Sa iba't-ibang panig ng gubat kayo dadalhin ng portal, mag kakahiwa-hiwalay kayong mag kakagrupo. Tandaan, mananalo lamang ang inyong bayan kung kumpleto ang kinatawan. Kailangang buhay kayong tatlo hanggang matapos ang oras ng kumpetisyon." paalala pa nito.
Kailangan pala na walang mamatay sa kanilang tatlo, dahil kung manalo man sila pero patay ang isa sa kanila ay wala ring silbi. Pero hindi naman lingid sa kanilang tatlo na hindi ang kumpetisyon na ito ang talagang pakay nila. Ang pakay nila ay pabagsakin ang puno't-dulo ng lahat ng ito. Ang siyang nagpapatakbo ng walang-awang kumpetisyon na ito. Ang sumasakop sa mga bayan. Ang kumuha ng buhay ng mga taong mahal nila. Ang mga black witch.
Dalawang araw ang itatagal ng kompetisyon, at sa dalawang araw na iyon, dapat nilang magawang tatlo ang mga balak nila.
"Paniguradong hindi tayo magkakausap gamit lang ang isip, depende nalang kung nasa isang daang kilometro lang ang layo natin sa isa't-isa. Catoptromancy ang gagamitin natin bilang komunikasyon, huwag niyo lang iwawala ang mga salamin ninyo." wika ni Kelvin. Kinakausap nya si Hermione at Trevor sa pamamagitan ng isip.
Sumang-ayon ang dalawa sa plano nya.
Dahil nasa unahan ni Hermione at Kelvin si Trevor ay ito ang mauunang pumasok sa portal. Bago siya pumasok ay nilingon niya muna dalawang kaibigan at nginisian ang mga ito. Piping hiniling niya rin na sana ay magtagumpay sila sa plano nila.
"Nasaang lugar kayo?" tanong ni Trevor. Nakaharap siya ngayon sa maliit na salamin, katulad ng taktika kung paano nila makakausap ang isa't-isa na ideya ni Kelvin.
"Hindi ko alam, puro puno lang ang nakikita ko." sagot ni Kelvin na palinga-linga sa paligid.
"Hindi ko rin alam kung nasaang lugar ako. Natatakluban ng amoy ng puno at bulaklak ang amoy niyong dalawa, hindi ko kayo mahanap." sagot naman ni Hermione.
Nasa hilagang parte ng gubat si Hermione, si Kelvin naman ay nasa kanluran habang si Trevor ay nasa silangan.
Napag-usapan nila na kapag nakakita sila ng pwedeng palatandaan ay agad nilang ipagbibigay alam iyon sa isa't-isa. Nag lalakad-lakad sila ngayong tatlo sa gitna ng malawak na gubat.
Napalingon si Hermione sa kanan niya ng may marinig siyang kaluskos. "Isang daang kilometro." bulong niya sa sarili niya. Kaagad ngunit palihim niyang hinanap kung saan nag mumula ang kaluskos dahil alam niyang siya ang pakay nito.
Nahagip ng mata nya ang isang anino, mabilis itong nawala at hindi malaman ni Hermione kung saan ito nag punta at kung tao ba o halimaw ang may-ari ng anino. Nagkunwari siyang hindi niya napansin iyon, dumiretso siya ng lakad ngunit nananatiling alerto.
Makailang ulit nyang narinig ang kaluskos, palapit ng palapit, pero nagpapanggap siya na hindi niya ito naririnig. Huminto siya at nag kunwaring inaayos ang sintas ng sapatos. Habang nakayuko ay pasimple siyang lumingon sa pinanggagalingan ng kaluskos, at sa pag kakataong iyon ay nakita na niya ang may ari ng anino. Isang lalaki na malaki ang pangangatawan at may pilat sa gilid ng kanang mata ang nakita niya.
Kung simpleng wizard lang siya ay baka natakot na siya sa lalaki dahil sa mala-batong katawan nito, pero hindi siya simpleng wizard lang. Siya si Hermione Brit, isa sa tatlong wizard na may kakaibang taglay na mahika.
Mabilis na tinakbo ni Hermione ang pagitan nilang dalawa. Nagulat ang lalaki sa mabilis na paggalaw niya ngunit agad din itong nakabawi. Sinalubong siya ng lalaki at mabilis na inatake ng suntok ng si Hermione, ngunit sa taglay niyang enhanced senses ay walang kahirap-hirap niya lang na iniiwasan ang mga suntok na ibinibigay ng lalaki.
Nang mahawakan ni Hermione ang kamay ng lalaki ay walang pagdadalawang-isip ma pinagyelo niya ang buong katawan nito. Ang atakeng iyon ay isa sa mga bago niyang natutunan. Hindi nakakamatay ang atakeng ginawa niya, mawawalan lamang ng malay ang kung sino mang gamitan nya ng atakeng iyon at kusa rin na matutunaw ang yelo pagkalipas ng labing limamg minuto.
Kasalukuyang nakikipaglaban si Trevor sa tatlong S-Class monster. Mabilis niyang napatumba ang isa ngunit ang dalawa ay masyadong mabilis at agresibo. Panay ang subok ng mga halimaw na makuha soya, para ba itong mga gutom na lobo na gusto siyang kainin.
Tumalon siya pasampa sa sanga ng puno, nag buo ng bolang apoy sa mag kabila niyang palad at hinintay na makalapit sa kanya ang dalawang halimaw. Nang halos limang metro nalang ang layo sa kanya ng dalawang agresibong halimaw ay mabilis niyang ibinato ang bolang apoy sa direksyon ng mga ito. Sinundan niya pa iyon ng ilan pang bolang apoy hanggang sa mawalan na ng buhay ang dalawang halimaw.
Napabuga siya ng hangin at saglit na nagpahinga, bahagyang napagod siya sa pakikipaglaban sa mga halimaw. Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ulit siyang maglakad.
At hindi pa man siya nakakalayo ay may narinig na naman siyang mga kaluskos. "Halimaw na naman ba? Bakit ba ang lapitin ko ng mga halimaw na 'yan?" inis na tanong niya sa sarili.
Pasalampak na umupo sya sa tabi ng isang puno at tamad na inilibot ang mata sa paligid. Nang wala siyang makita ay bumuntong hininga siya. "Kung sino man ang nariyan, lumapit na kayo rito. Wizard ka man, halimaw o kung ano ka man, lumapit ka nalang sa akin. Tinatamad akong hanapin ka." may kalakasang sabi niya. Hindi man siya nakakaramdam ng sakit ay nakakaramdam parin naman siya ng pagod.
Gaya nga ng lagi niyang sinasabi: Wizard ako pero tao parin ako. Iba ang taglay kong mahika pero napapagod din ako.
Muli niyang narinig ang kaluskos, sinundan ito ng paglitaw ng nakangising babae at lalaki. "Uy, kambal." sa isip-isip niya.
"Sectumsempra!" nag-cast ang kambal ng parehas na spell gamit ang kanilang wand pero nanatili pa ring nakaupo si Trevor at hindi manlang binigyan ng pansin ang ginawa nilang pag-atake.
Nangunot ang noo ng dalawa ng makita nilang halos gasgas lang ang sugat na natamo ni Trevor. Inaasahan kasi nilang mamamatay si Trevor sa atake nilang iyon pero hindi iyon nangyari.
"Nag tataka kayo ano? Hindi tatalab sa akin ang spell na iyan." tamad na sabi ni Trevor. Kumuha siya ng tubig sa dala-dala niyang bag at uminom. "Tubig, gusto niyo?" pagma-mabuting loob niya sa dalawa.
Halos maibuga naman ni Trevor ang iniinom nyang tubig ng bigla nalang may pumaligid na apoy sa kaniya. Napatingin siya sa kambal na nakangisi habang nakatingin sa kanya.
Pinaikot niya ang mata at dismayadong umiling-iling. "Inaalok na nga kayo ng tubig, ganito pa igaganti ninyo. Tsk." asar na sabi niya. Nabura ang ngisi sa labi ng kambal at nangunot na naman kanilang noo ng mapansing hindi tumatalab ang apoy sa kaniya.
Tumayo si Trevor at pinagpag ang kanyang pantalon. Kinontrol niya ang apoy at walang hirap na pinatay iyon. Walang sabi-sabi na inatake niya ng bolang kidlat ang dalawa. Agad na nawalan ng malay ang babae, ang lalaki naman ay nadaplisan lamang sa balikat pero halos hindi na makagalaw.
Tinitigan niya ang lalaki. "Hindi tatalab sa akin ang apoy dahil isa akong fire mage." tamad na sabi niya sa lalaki bago ito sinuntok ng malakas sa mukha na agad na naging dahilan upang mawalan ito ng malay.