"Tapos na..Tapos na ang lahat, wala ng ang mga black witch..." pabulong na sabi ni Trevor, pero kahit na pabulong lang iyon ay bakas na bakas doon ang tuwang nararamdaman niya. Bakas na bakas din sa mukha niya ang saya, sino ba naman ang hindi sasaya sa paglaya sa pananakop?
Ngumiti si Hermione at Kelvin. "Oo, tapos na. Sa wakas, malaya na tayong lahat." masayang wika ng dalawa na katulad ni Trevor ay bakas na bakas din sa mukha ang tuwang nararamdaman.
Makalipas ang ilang segundo ay doon nila naramdaman ang pagod, halos sabay-sabay na bumigay ang mga tuhod nila at napaupo. Ang mga mata nila, gustong-gusto na ng mga ito na pumikit ang matuloy. Ang mga kamay, braso, paa at binti nila, halos hindi na nila ito maigalaw. Ramdam na rin nila ang hapdi, kirot at sakit na dulot ng mga sugat na natamo nila. At syempre, naramdaman din nila ang gutom. Tanging ang hilaw na saging at ang tubig na mula kay Hermione ang laman ng tiyan nila.
"Hindi ko na kayang igalaw ang katawan ko." ani Hermione na nakahiga sa isang malaking tipak ng bato.
Ang nakasandal na si Trevor ay nilingon siya. "Hindi ka nag-iisa, Hermione. Hindi ko nga malamam kung namamanhid na ba ang buo kong katawan o kung ano. 'Yong tiyan ko, siguro kung kakain ako ngayon ay makakaubos ako ng isang malaking kalderong kanin. Gutom na gutom na ako." daing din nito.
"Pare-parehas lang tayo. Ako nga, hindi ko matukoy kung sobrang sakit ba ang kanang braso ko o hindi, pakiramdam ko kasi ay masakit pero pakiramdam ko rin ay hindi. Nasanay na ata sa sakit ang katawan ko kaya hindi ko na matukoy kung nasasaktan ba ako o hindi." reklamo naman ni Kelvin na nakahiga rin katulad ni Hermione.
Dahan-dahan na bumangon sa pagkakahiga si Hermione at naupo. "Kaya niyo pa bang maglakad?" tanong niya sa dalawang kaibigan. Pagod na umiling ang mga ito bilang sagot. "Ako rin, hindi ko rin kaya. Bawiin muna natin ang lakas natin, ubos na naman ang mga itim na mangkukulam." aniya at bumalik sa pagkakahiga.
Makalipas ang isang linggo...
Sa loob ng pitong araw na lumipas ay walang ibang ginawa ang tatlo kundi ang kumain, magpahinga at matulog. Sa pinaka-sikat na ospital ng kanilang bayan sila nakatigil at parang hari at reyna sila kung ituring ng mga doktor at nurse.
Marami ring nagpapadala ng masasarap na pagkain sa kanila, mga gulay, prutas, mga regalo, alahas at pera. Mayroon pa ngang nagbigay sa kanila ng titulo ng lupa na may nakatayo ng bahay. Sa tutuusin ay hindi naman nila iyon kailangan, ilang beses din nila iton tinanggihan pero wala silang nagawa dahil mapipilit ang mga nagbibigay sa kanila. Wala pa raw ang mga bagay na ibinibigay nila sa nagawa nila. Pasasalamat lang daw iyon, kaya naman tinanggap nalang nila.
At ngayon, magkakasabay na naglalakad pababa sa entablado si Trevor, Hermione at Kelvin. Katatapos lamang silang bigyan ng parangal ng mga kinatawan ng iba't-ibang bayan na dumayo pa sa kanilang lugat upang personal na makapagpasalamat sa kanila. Hindi magkamayaw ang mga ito sa pasasalamat, minsan nga ay napapangiwi nalang sila o napapakamot sa ulo dahil hindi sila sanay sa ganoong sitwasyon.
"Muli nating palakpakan ang tatlong matatapang na estudyante na nagbigay sa atin ng kalayaan! Hermione, Trevon at Kelvin, maraming-maraming salamat sa inyo!"
"MABUHAY ANG ATING MGA TAGAPAGLIGTAS!"
"Sinong mag aakala na ang isang sakit sa ulo, isang weird at isang lampa ay ang magliligtas pala sa mundo nila?" nakangiting tanong ng isang ginang sa mga batang masayang nakikinig sa kanya.
"Nagustuhan niyo ba ang ikwinento niya?" tanong naman ng ginoong katabi ng ginang.
"Hindi ko nagustuhan iyong kwento niya, kaunti lang ang eksena ni Trevor." komento naman ng isa pang ginoo na nakahilig naman sa ilalim ng puno.
"Totoo po ba ang kwentong yan o gawa-gawa niyo lang po?" tanong ng isang batang babae.
Nagkatinginan silang tatlo pagtapos ay sabay-sabay na ngumiti at tumango.
Lumipas man ang panahon ay hindi noon nabago ang pagkakaibigan nilang tatlo, nananatiling matatag ang kanilang pagkakaibigan at samahan. Hanggang ngayon ay kinikilala parin silang bayani. At hanggang ngayon, kahit na ma-edad na sila ay patuloy parin nilang pinoprotektahan ang mga tao at tumutulong sa nangangailangan.
Sila si Trevor, Hermione at Kelvin. Isang sakit sa ulo, isang weird at isang lampa na bumago sa buhay ng lahat. At sila? Sila ang tagapagligtas.
*WAKAS*