Chereads / Le Sauveur / Chapter 3 - Le Sauveur

Chapter 3 - Le Sauveur

Huling nag pakilala si Trevor.

"Trevor Mackarov, taal na taga dito ang magulang ko at ganon din ako. Katulad niyo, pinaslang din ng mga black witch ang mga magulang ko, pero hindi lang sila, maging ang iba ko pang kamag-anak. Ako lang ang natira sa angkan ng Mackarov dahil itinago ng mga magulang ko ang kapangyarihang taglay ko. Hindi nila ako pinatay sa pag-aakalang wala akong kapangyarihan. Itinago nila ito gamit ang isang spell na matatanggal lamang kapag tumuntong na ako sa edad na labing lima. Katulad niyo, may elemental at sub-elemental magic din ako." tumigil siya saglit, pumikit at nag concentrate.

Nag buo siya ng maliit na hugis taong apoy sa kaliwang kamay niya at hugis bituing hangin sa kanan. Nawala ang hangin at apoy sa kanyang kamay, napaltan iyon ng bolang kidlat.

"Meron pa, tumingala kayong dalawa." sumunod si Kelvin at Hermione sa sinabi niya. Tumingala silang dalawa, kitang-kita ng dalawang mata nila kung paanong ang makulimlim na kalangitan ay napaltan ng matinding sikat ng araw. Uminit bigla at maya-maya ay biglang kumulog at kumidlat.

"Nakokontrol ko ang panahon. Ang katawan ko, kahit na hindi ako maskulado katulad ng ibang estudyante rito, mas malakas pa ako sa kanila, kaya kong bunutin ang puno iyan." ininguso nya ang puno na sinasandalan ni Hermione.

"Itong punong ito? Kakaiba nga ang lakas mo kung ganoon." hindi makapaniwalang tanong ni Hermione ngunit wala pa ring mabakas na emosyon sa tono niya at maging sa mukha niya.

Hindi tuloy mawari nung dalawa kung ano ba talagang nararamdaman niya, kung hindi ba siya makapaniwala o kung ano. Nanatili lang kasi na blangko at walang emosyon ang tono at mukha niya.

"Pwede bang lagyan mo naman ng konting emosyon kapag nag sasalita ka? Kahit sa facial expression nalang, ang hirap hulaan kung anong nararamdaman mo." kakamot-kamot sa ulong komento ni Trevor.

"Oo nga. Ang hirap mangapa eh. Di namin malaman kung nagugulat ka na ba dyan, natatakot, natutuwa o kung ano." nakangiwing segunda ni Kelvin.

Hindi napigilan ni Hermione ang mapangiti. Isang pigil na ngiti na hindi nakalampas sa paningin ng dalawa. Nanlaki ang mata nila, sabay na napatingin sa isa't-isa at sabay na itinuro si Hermione. Akala mong nakakita ng multo ang dalawa.

"Ngumiti siya!"

Napailing si Hermione at tuluyan nang napangiti ng matamis. Hindi mawari ni Hermione kung paanong napangiti siya ng dalawang lalaking kaharap niya.

"Tumigil na kayo. Ano-anong abilities mo, Trevor?" pag babago ni Hermione sa usapan.

"Biglang ganon eh." naiiling na komento ni Trevor. "May enhanced hearing ability rin ako, kaya kong mag teleport, telekinesis, mind manipulation at projection." sagot niya nalang.

Marami pa silang napagkwentuhan. Naging masaya silang tatlo, lalo na si Hermione na marunong ng ngumiti at nag kakaroon na ng emosyon ang tono ng pananalita at paunti-unti na ring nagkakaroon ng ekspresyon ang mukha.

"Ma, Pa, natagpuan ko na iyong sinabi niyo sa akin noon na magiging kaibigan at kakampi ko. Heto na sila sa harapan ko. Magkakaiba ang ugali at pagkatao namin pero pare-parehas kaming may malalakas na kapangyarihan. Sila na nga po ang tinutukoy ko niyo." wika ni Hermione sa isip niya.

Dahil sa pagiging masaya ni Hermione ay hindi niya namalayang nakabukas ang isip niya kaya naman nalaman ni Trevor at Kelvin ang sinabi nya sa sarila nya.

Napangiti silang dalawa. "Tama siya." komento ng dalawa sa mga isip nila.

Tatlong buwan ang lumipas, mas naging malapit ang tatlo sa isa't-isa. Higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sila, kapatid na ang turingan nila sa isa't-isa at hindi na sila mapaghiwalay na tatlo. Naging iba na rin ang tingin sa kanila ng mga kaklase nila at ng buong akademya. Ang iba nga ay pinapanood pa silankapag nag-eensayo sila. Naging idolo sila ng mga estudyante, hangang-hanga sila sa tatlo dahil kakaiba ang lakas at mahika nila kumpara sa iba.

Ngayong araw ay nakatakda na silang pumunta sa pagdadausan ng kumpetisyon. Buong bayan ang kinakabahan para sa kanila. Alam ng lahat na hindi basta-basta ang kompetisyon. Mamamatay o mabubuhay. Kapag namatay ka, talo ka. Kapag buhay ka, panalo ka.

Mandatoryo ang pagsali ng bawat bayan sa pandaigdigang kumpetisyon, at kung mayroon mang bayan na hindi sasali ay isa lang ang ibig sabihin n'on, automatikong sasakupin ng mga black witch ang bayang iyon.

Oo, ang mga black witch ang siyang nag papatakbo sa pandaigdigang kompetisyon.

Ang tanging nakakaalam lang ng katotohanang iyon ay ang mga konseho. Kapag natalo ang bayan mo, sasakupin ito ng mga black witch. Kapag nanalo naman, lalaya ang bayan sa kamay ng mga black witch. Ngunit ang pag layang iyon ay hindi permanente, kada tatlong taon ay may nangyayaring kumpetisyon. At kung ang nanalong bayan sa nakaraang kompetisyon ay matatalo sa kasalukuyang kompetisyon, muling sasakupin ng nga black witch ang bayan na iyon. Paulit-ulit lang ang nangyayari, kung mananalo- lalaya, kung matatalo- sasakupin.

Lahat ng iyon ay sinabi ng headmaster at ng buong konseho sa kanilang tatlo. Lalong tumindi ang galit nila sa mga black witch ng malaman nila ang katotohanang iyon.

"Gaganapin ang kumpetisyon sa Dead Forest, talunin ninyong tatlo ang mga makakalaban niyo, ilabas ninyo ang mga lakas niyo. Siguradong mapapansin kayo ng mga black witch dahil sa kakaibang lakas niyo, at dahil sa ayaw nila ng may balakid sa kanila, gagawa sila ng paraan para mapatay kayo, papasok din sila sa Dead Forest. Tandaan niyo, gumawa kayo ng paraan upang ang lahat ng black witch ay mapapasok ninyo sa loob ng gubat, kapag nakapasok na silang lahat ay saka kayo hahanap ng daan palabas. Huwag kayong mag alala, ang tanging makakalabas lang sa Dead Forest ay ang mga taong may mabubuting puso. Hinding-hindi makakalabas sa gubat na iyon ang mga black witch. Ito pa ang isa sa dapat niyong tandaan, papatay lamang kayo kung kinakailangan, kahit na black witch pa iyan. Wag kayong magpapadala sa galit dahil kung mag papadala kayo sa galit ninyo ay hindi na rin kayo makakalabas sa gubat."

"Kapag nakalabas na kayo sa gubat, sumugod kayong tatlo sa lugar ng mga black witch. Huwag kayong matakot sa kanila, mas malakas ang mahikang taglay ninyo kaysa sa kanila. Doon niyo ilabas ang lahat ng galit niyo, ubusin niyo sila ng sa gayon ay matapos na ang paghihirap natin at ng mga iba pang bayan na nasakop na ng mga black witch. Iligtas niyong tatlo ang buong mundo."

Iyan ang mga salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Trevor, Hermione at Kelvin. Ilang daang kilometro nalang ang layo nila sa pagdadausan ng kompetisyon. Mahigit dalawang oras nalang ang itatagal ng byahe.

"Nakita ko na ang lugar ng mga black witch, nasa hilagang parte sila." pag bibigay alam ni Hermione na kanina pa nakasilip sa bintana. Tumingin din si Trevor at Kelvin sa lugar na tinitignan niya ngunit kahit anong pilit ang gawin ng dalawa ay gatuldok na imahe pa rin ang kanilang nakikita.

Napasimangot si Hermione at umiling-iling. "Hindi ko kasi sinabi na tignan niyo rin. Kaya nga sinabi ko na, 'di ba?"

"Hindi namam kaya namin tinitigan." kaagad na depensa ni Kelvin. Tinaasan lang siya ng kilay ni Hermione at inirapan.

"Gaano pa ba tayo kalayo?" inip na tanong ni Trevor pagtapos ay kumagat sa tinapay na ipinabaon sa kanila.

"Mga pitong daang kilometro nalang." sagot ni Hermione. Sa loob ng tatlong buwan na pag sasanay ay mas lalo silang lumakas. Kung dati ay isang libong kilometrong layo lang ang kapasidad ng pandinig, paningin at pang amoy niya, ngayon ay umabot na ito sa dalawang libong kilometro.

Si Trevor naman ay mas lumakas ang katawan, halos hindi na siya nakakaramdam ng sakit at natutunan niya na rin kung paano gamutin ang sugat niya gamit ang elemental magic niya.

Si Kelvin ay na-master na ang illusion magic at mas napataas niya pa ang lebel ng mga runes. Mas nadagdagan din ang kaalaman nya sa mga spells.

Trumiple ang lakas ng kanilang mahika at katawan. Madami ding nadagdag na mga abilidad sa kanila kaya naman sigurado sila sa sarili nila na kayang-kaya nilang mapabagsak ang mga black witch.

At nagawa nila ang mga iyon dahil sa pagtutulungan nilang tatlo, at pati na rin ang pagtuturo na ginawa ng kanilang headmaster.

Siyang tigil ng tren na sinasakyan nila ay siyang pag mulat din ng mga mata ni Hermione. Nilingon niya si Trevor ay Kelvin na himbing na himbing pa sa pagtulog, nilapitan niya ang mga ito at ginising.

"Nandito na tayo." agad naman na nag mulat ng mata ang dalawa at tumayo. Dala-dala ang kanya-kanyang bag ay lumabas sila ng tren. Sumalubong sa kanila ang mga kapwa nila wizard na kalahok din sa kompetisyon.

Iginaya sila ng isang lalaking nakasuot ng itim cloak sa isang lamesa. Ipinasulat sa kanila ang pangalan ng kanilang bayan at nilagyan sila ng mala-pulseras na runes sa kanang kamay nila.

"Makikita niyo sa runes na iyan ang bilang ng inyong kalaban, kung anong bayan sila, at ang bilang ng nananatiling buhay sa kanya-kanyang grupo." pag bibigay alam ng lalaking nakasuot ng itim na cloak.

"Oras na may makalapit kayong myembro ng ibang bayan, isang kilometro pababa, iilaw ng kulay asul ang runes at sa loob lamang ng trenta minutos ay kailangang may mamatay o mawalan ng malay sa inyong dalawa." napataas ang kilay nilang tatlo dahil sa sinabing iyon ng lalaki.

Mga walang puso talaga, sa isip-isip nila.