Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 100 - Chapter 100 - The Family

Chapter 100 - Chapter 100 - The Family

BIYERNES.

Umaga.

Nagising si Gian sa tunog ng kanyang cellphone sa ibabaw ng mesa sa loob ng kanyang tahanan sa Ipil.

Noong hindi pa siya lumipat ng Zamboanga ay namili siya ng bahay dito malapit sa bayan. 

Pupungas-pungas na bumangon siya mula sa pagkakahiga at inabot ang cellphone sa tabing mesa.

Sa tindi ng pagod at puyat ng biyahe kagabi ay talaga namang antok pa siya.

Subalit walang tigil ang ingay ng cellphone kaya sinagot na niya habang nakapikit.

"Hello?" paos ang boses niyang bungad at ni hindi inalam kung sino ang tumatawag.

"Pare! Pare nasaan ka? Pare patay na si Isabel!"

"ANO!" Bigla siyang napabangon kasabay ng matinding pagkabog ng dibdib. Naglaho ang kanyang antok sa narinig.

"Patay na si Isabel! Tinira ang bahay niya kagabi nang hindi pa nalaman kung sino! Nasaan ka ba?"

Nagtiim ang kanyang bagang. Sigurado siya kung sino ang may pakana nito.

"Nasa Ipil pare."

"ANO! PUTCHA PARE BAKIT NANDIYAN KA!"

"Sandali nga, talaga bang si Isabel ang namatay?" Hindi pa rin niya mapaniwalaan ang sinabi ng kaibigan. 

"Oo, ibinalita kagabi, saka bakit nandiyan ka? Pare delikado ka ngayon! Buong Zamboanga Peninsula naghahanap sa 'yo! Tapos nandiyan ka pa sa lugar na 'yan!"

"Sige pare, salamat."

"Gian pare umalis ka na diyan!"

"Hindi ko pa alam kung-"

"Lintek! Umalis ka na sa lugar na ito kung ayaw mong mamatay!"

Humugot siya ng malalim na paghinga.

"Pare pakiusap, mapapanatag lang ako kapag alam kong wala ka rito."

"Sige pare, aalis ako. Pare pwede bang ikaw na muna ang bahala kay Isabel? Pakidala ng labi niya sa Pagadian pare, may apartment akong binigay sa kanila noon, 'yon bang pinuntahan natin dati."

"Sige, okay ako ng bahala rito, basta umalis ka na agad."

"Pare, ingat ka. Iniisa-isa ng demonyong Delavega na 'yan ang mga malalapit sa akin."

"Huwag kang mag-alala hindi ako magagalaw ng mga 'yan. Ikaw ang dapat mag-ingat."

"Sige, pare maraming salamat."

Pagkatapos ng usapan ay binuksan niya ang telebisyon upang malaman ang balita tungkol sa pagkamatay ni Isabel.

Bumungad ang isang lalaking newscaster at sa likurang back ground nito ay isang bahay. May matandang babae roon na umiiyak at iba pang mga naroon. Pinalilibutan ng pulis ang buong kabahayan.

Kumabog ang kanyang dibdib.

"Samantala sa Ipil, Zamboanga Sibugay. Isang babae ang pinatay sa inuupahan nitong apartment kagabi bandang alas onse na kinilalang si Isabel Alvar, biyente syete. "

Mariin siyang napalunok nang mabistahang mabuti ang bahay na  nasa screen. Wasak ito at maraming dugo ang buong paligid.

"Inaalam pa sa ngayon ang sanhi ng pagpatay. Narito ang pahayag ng may-ari ng naturang apartment."

Bumaling ang camera sa isang ginang. 

"Narinig kong may sunod-sunod na putukan ng baril kaya natakot kami ng husto. Hindi ko naman alam na apartment ko pala ang pinaulanan ng bala. Hindi ko talaga nakita ang buong pangyayari. Pero may nakita kaming tatlong sasakyang itim na sunod-sunod na umalis matapos ang putukan."

Nagsalitang muli ang news caster.

"Sinasabing ang naturang biktima ay pinaghihinalaang kasamahan ng wanted na si Gian Villareal na ngayon ay pinaghahanap ng awtoridad. Matatandaang si Villareal ay nasangkot sa pagpatay-" 

"FUCK!" Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone.

Mariin siyang napapikit.

Inisa-isa na ng kalaban ang mga malalapit sa kanya. 

Natatakot na siyang ang kasunod nito ay ang mga taong mahahalaga sa kanya.

Napaigtad siya nang tumunog ang cellphone na hawak.

Si don Jaime ang tumatawag.

"Don Jaime," bungad niya.

"Gian nasaan ka? Nasa Ipil ka ba? Nabalitaan mo na ba patay na si Isabel!"

Nagtiim ang kanyang bagang. "Alam ko na po."

"Gian nanganganib ka! Pinaghahanap ka ng mga awtoridad at lalong pinaghahanap ka ng kalaban! Umalis ka ng Zamboanga naiintindihan mo?" bakas ang pag-aalala sa tinig ng kausap kaya mas lalo siyang nag-alala.

"Aalis ho ako rito. Si Ellah po?"

"Hayun gustong sundan ka! Kinuhanan ko ng cellphone at baka nga sumunod sa 'yo eh." 

Ginapangan ng lungkot ang binata ngunit panatag siya dahil ligtas ito.

"Pwede ko ba siyang makausap?"

Huminga ng malalim ang don sa kabilang linya.

"Huwag na muna ngayon, baka kung ano ang maisipan noon at sumunod sa'yo."

"Don Jaime, mas mag-alala ho siya kapag hindi ako nakausap. Baka kung anong gagawin niya sa tindi ng pag-alala sa akin."

"O sige, mamaya ibibigay ko ang cellphone niya. Ikaw dapat umalis ka na agad diyan."

"Huwag ho kayong mag-alala at aalis ako rito."

"Saan ka pupunta?"

"Pinag-iisipan ko pa kung saan pero aalis ako ng Zambonga."

"Mag-iingat ka."

Pumikit siya nang maisipan ang ama ni Isabel.

"Si, si mang Isko po kumusta?"

"Hinimatay, gustong-gusto ngang pumunta ng Ipil pinigilan ko lang."

"Hindi ho siya pwedeng pumunta rito, baka siya ang isusunod ng mga demonyong 'yon."

"Oo, ako ng bahala sa kanya."

"Don Jaime, hindi kaya panahon na para patawarin niyo sila? Wala na ho ang dalawang anak ni mang Isko. Wala ng natira sa kanya."

"Pinatawad ko na."

"Pakawalan niyo na ho, parang awa niyo na po. Kahit sa huling pagkakataon ay masilayan man lang niya si Isabel. Pinakiusapan ko na ho si Vince na sa Pagadian muna dalhin si Isabel at pati na rin ho si mang Isko."

"Okay sige."

Biglang tila may kumosyon sa kabilang linya at maya-maya pa ay narinig na niya ang palahaw ng isang tinig ng lalake.

"Don Jaime, parang awa niyo na po!"

Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig.

"Pakawalan niyo na ako! Gusto kong makita ang anak ko!" 

"Gian, sige na kakausapin ko-"

"Don Jaime, pwede ko bang makausap si mang Isko?"

"Sige saglit lang."

Halos hindi na siya humihinga habang naghihintay. Kinakain siya ng matinding konsensiya dahil nadamay pa ang anak nito gayong wala na silang koneksyon.

Ilang sandali pa may nagsalita na sa kabilang linya. "Gian? Gian ikaw ba 'yan?" 

Lumunok ang binata. "Mang Isko? Kumusta ho?"

Muli itong humagulgol at tila sinaksak ang kanyang puso sa panaghoy ng matanda.

"Ang anak ko! Ang anak ko..."

"Mang Isko, patawarin niyo sana ako, hindi ko nailigtas ang anak ninyo."

"Gian ang anak ko..." muli itong humagulgol.

Napapikit siya. Alam niyang kasalanan niyang hindi nailigtas ang anak nito.

'Kung sana ay pinuntahan ko na lang siya kagabi.' 

Patuloy ang pagtangis ng nasa kabilang linya at wala siyang ginawa kundi pakinggan ang panangis ng isang ama.

Nagtitiim ang kanyang bagang habang nag-iisip ng paraan kung paano makaganti sa kalaban.

"Mang Isko, bibigyan ko ng hustisya ang pagkawala ni Isabel, pangako 'yan, pangako."

"Gian, ang anak ko, bakit ang anak ko? Bakit!" 

"Mang Isko, mas makakabuting diyan na muna kayo kina don Jaime, mas ligtas kayo diyan-"

"Hindi! Gusto kong makita ang anak ko!" 

"Sige ho, kinausap ko na si Vince at pinadadala ko si Isabel doon sa apartment ninyo sa Pagadian."

"Gian gusto kong makita ang anak ko! Hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sa kanya!"

Alam niyang hindi pa matinong kausapin ang matanda kaya minabuti niyang makinig dito.

"HINDI KO MAPAPATAWAD ANG MGA DEMONYONG 'YON! HINDI! HINDI KO..." Biglang may kumalabog at nawala ang kausap.

Dumagundong ang kanyang dibdib sa takot. "MANG ISKO!" 

"Buhatin niyo 'yan at ibalik sa kanyang kwarto!" dinig niya ang mariing utos ng don.

"Opo!"

"Gian?"

"Don Jaime ano pong nangyari?"

"Hinimatay na naman."

Tila sinaksak ang kanyang puso sa narinig. Nilalamon siya ng matinding konsensiya. Napapikit siya.

"Kasalanan ko ho ito. Kasalanan ko kung sana ay pinuntahan ko na lang siya agad sa-"

"Hindi! Gian huwag mong sisihin ang sarili mo! Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisihan mo! Umalis ka muna sa Zamboanga narinig mo!" halos sigawan siya ng don.

Pagdilat niya ay may butil ng luha ang nalaglag mula sa kanyang mga mata kasabay ng pagtalim ng tingin sa kawalan.

"Gaganti ako don Jaime. Gaganti ako!" sigaw na niya.

"Gian huminahon ka, ang pinakamaganda mong gawin ay umalis muna naiintindihan mo?"

Humugot siya ng malalim na paghinga.

Iyon nga siguro ang pinakamagandang gagawin sa ngayon habang nag-iisip ng plano kung paano makaganti.

Sa pagkakataong ito sisiguraduhin niyang madudurog ang kaaway!

Halos wala sa sarili na nag-almusal siya at naghanda sa pag-alis.

Tinawagan niya ang tauhan.

"Boss nasaan kayo boss? Delikado kayo rito!" bungad ni Buloy.

"Makinig ka Buloy, may ipapagawa ako sa'yo."

"Ano 'yon boss?"

"Bantayan mong mabuti ang bawat kilos ng kalaban. Alamin mo lahat!"

"Opo boss!"

"Mag-iingat ka."

"Opo boss, salamat."

Matapos makipag-usap ay muling tumunog ang kanyang cellphone.

Si Hendrix ang nasa linya.

"Hendrix-"

"Gian nasaan ka? I've seen the news wanted ka sa buong Zamboanga Peninsula!"

"Pakana ng kalaban-"

"Fuck! Umalis ka diyan at pumunta rito!"

Saglit siyang nag-alangan, hindi niya kasundo ang mga ito.

"Wala akong kasundo diyan-"

"FUCK! GUSTO MO BANG MAMATAY SI GRANDPA HA!"

Kumalabog ang kanyang puso sa narinig.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pumunta ka rito dahil hinimatay si grandpa nang malaman niyang wanted ka! At pinapapatay ng kung sinong animal!"

Lahat ng alinlangan niya ay tila nilipad sa kung saan.

"Pupunta ako!"

"Parating na ang chopper diyan nasaan ka ba?"

"Nasa Ipil."

"FUCK! DIYAN NGA PINATAY 'YONG BABAE TAPOS NANDIYAN KA RIN!"

"Kalma Hendrix-"

"HOW CAN I! KAPAG MAY NANGYARING MASAMA KAY GRANDPA I SWEAR I'LL KILL YOU BASTARD!" Nangangalaiting sigaw ni Hendrix.

"Maghihintay ako sa chopper, pupunta ako."

"Mabuti! Huwag mo akong biguin Gian!"

"Oo, pakisabi kay lolo pupunta ako diyan."

Ngayon alam ng abuelo ang tungkol sa kanya. Kasalanan niya kapag may nangyaring masama rito.

Hindi man niya alam ang gagawin kapag magkita silang muli ng mga kapamilya ay tinatagan niya ang kalooban. 

Hindi siya makakapayag na may isa na namang manganganib ng dahil sa kanya! Kadugo niya ang mga ito at kahit gaano pa kasama ang mga ito sa kanya ay hindi maitatangging pamilya niya pa rin.

Muling tumunog ang kanyang cellphone.

Sa pagkakataong ito ay binaha ng pananabik ang binata.

"Gian Kumusta? Nasaan ka? Ligtas ka ba? God nag-alala ako ng husto!"

"Love, ayos lang ako. Huwag mo akong alalahin."

"Umalis ka ng Zamboanga, hindi ka ligtas rito, please love!"

"Yes love, I will. Kumusta ka na?"

"Kahit na gusto ko sana bumalik ka na lang dito sa amin, pero alam kong ayaw mo kaya naiintindihan kita."

"Hindi pwede love, ayaw kong madamay pa kayo sa akin."

"Pero damay na kami!"

"No, wanted ako at ayaw kong idamay kayo, pangako kapag naayos na 'to magkakasama na tayo ulit at pangako hindi na tayo maghihiwalay pa."

" I love you Gian."

Nakagat niya ang labi at pansamantalang naglaho ang poot sa kaaway.

"I love you Ellah."

"Kapag may nangyaring masama sa'yo ikamamatay ko!"

"Shhh, hush it love hindi mangyayari 'yan."

"Gian please bumalik ka sa akin ng ligtas naintindihan mo? P-pakiusap, parang awa mo na." Pumiyok ang tinig ng kasintahan at nadurog ang kanyang puso nang humikbi ito.

"Oo, pangako, pangako babalik ako ng ligtas."

Mas tumibay ang kanyang pangako sa sarili dahil sa minamahal.

Sa ngayon ay walang ibang pinakaligtas kundi sa sariling pamilya.

Tinupad ng binata ang pangako.

Nang dumating ang chopper ay walang pag-alinlangang na sumama siya bitbit ang mga ebidensiya laban sa kalaban.

Sa ngayon ay wala siyang magagawa dahil bumaligtad ang sitwasyon.

Siya na naman ang dehado, tagilid at nanganganib!

Ngunit hindi siya papayag na maging ganoon ulit.

Hindi ngayon!

---

"Xander hindi ba't ang usapan natin ay dalhin mo ang babaeng 'yon sa atin? Bakit mo tinodas!" Nangangalaiting sigaw ng senior sa anak habang kumakain sila sa mahabang mesa.

Kararating lang nito sa mansyon.

Sumubo ito ng ulam bago sumagot. 

"Dad, wala siyang sasabihin. Inuubos niya ang oras ko at pasensiya ko. Isa pa, buhay man siya o patay wala ring magbabago, hindi pa rin mabilis matunton ang demonyong Villareal na 'yon. Iisa-isahin natin lahat ng mahahalaga sa kanya."

"Hindi ba't sinabi kong huwag ka munang gagawa ng makakasira sa plano ko!"

Nagsalin ito ng wine sa kopita.

"Dad, hindi  ako mahuhuli relax. Walang makakaalam na ako ang may gawa." 

"Siguraduhin mo lang! Siguraduhin mo lang Xander! Ayaw kong dahil sa ginagawa mong pag-uubos sa mga may kinalaman sa hayop na Villareal na 'yon ay madamay ang plano ko!"

"No dad, magkaiba tayo ng plano, ako mag-uubos ng kalaban, ikaw naman magpapalakas ng kapangyarihan. Don't worry dad, hindi kayo sasabit sa ginagawa ko."

Bumuga siya ng hangin at nilagok ang alak sa baso.

Hindi na sumusunod ang anak niya sa usapan nila.

At wala rin naman siyang magagawa tungkol sa Villareal na 'yon dahil ang anak na niya ang umaasikaso.

May iba siyang plano.

" Anong plano mo?" Baling niya sa anak na kaharap. Kumakain na ito ng tanghalian.

"Ipapahanap ko sa buong peninsula ang hayop na 'yon.

At kahit saan pa siya mapunta wala na siyang kawala.

Wanted siya. Mismong mga awtoridad ang maghahanap sa kanya."  Lumagok itong muli ng alak sa baso.

"Ipagkakatiwala ko sa 'yo ang tungkol sa bagay na  'yan. Dahil may iba akong aasikasuhin. "

Napatingin si Xander sa kanya.

"What is it dad?"

Sumandal siya sa sofa.

"Mamayang hapon darating ang Black Organization."

"Really?" namilog ang mga mata ng kausap.

Ngayong wala ng lock down ay maluwag na sa lugar kaya tamang-tama ang desisyon ng mga ito na pumunta ng bansa.

"Hindi ba't birthday niyo bukas dad? Gusto ko sanang iregalo sa inyo ang ulo ni Villareal kaya lang mukhang hindi pa sa ngayon." Hinaplos ng kamay nito ang baba sabay iling.

"Hindi na mahalaga 'yon sa ngayon dahil may mas mahalaga tayong bisita sa kaarawan ko."

"Sabagay, ano bang plano niyo dad?"

"Bukas ng gabi ay ang nakatakdang selebrasyon na gaganapin sa isang five star hotel. Pagkatapos pormal na ang pagtanggap sa akin ng grupo. Kapag nangyari 'yon, ako na ang mamamahala sa buong lalawigan sa negosyong ito."

Ngumisi ang anak.

"Brilliant idea!"

Ngumisi ang senior.

"Kapag nangyari 'yon, wala ng makakatinag sa akin. Walang hinto ang pagyaman natin. Ang kapangyarihan ko ay mas maging matatag. Tuloy na ang plano ko sa senado sa susunod na eleksyon."

"Good! How about the drugs?"

Huminga siya ng malalim.

"Wala pang pinag-uusapan tungkol doon."

"Siguro kapag nasa senado ka na, ikaw ang pagkakatiwalaan ng grupo sa pagpapalawak ng negosyo sa buong bansa."

Siya naman ang napatingin sa anak.

"I like that idea. Kapag sa akin ipinasa, lahat ng mga maimpluwensiyang negosyante, luluhod sa akin."

"Soon, you will be the president!" Pumalakpak si Xander habang nakangisi.

Napailing siya. "Darating tayo diyan, sa ngayon ay senado muna ang titirahin ko."

"Nakahanda na ba ang media dad? Big celebration ito kaya dapat may mga taga medya."

"Ofcourse, nagawan na ng paraan ng sekretarya ko. Darating ang Feng Group of Companies kaya hindi pwedeng mawala ang medya. Mababalita tayo buong selebrasyon, live 'yon sa buong Zamboanga Peninsula."

"Great! Double celebration, birthday niyo na, may partnership signing pa!"

Napangisi siya sa tinuran ng anak. "Hindi lang 'yon, pormal na rin ang pagtanggap sa akin ng grupo kapag nagkataon."

"Kailan ulit ang selebrasyon dad?"

Uminom siya ng alak bago sumagot. "Bukas ng gabi."

Tumalim ang tingin ni Xander sa kawalan. "Kinabukasan dad, may ireregalo ako sa'yo."

Kinabahan siyang napatingin sa anak. "Ano 'yon?"

Tumingin na ito sa kanya. 

"Pagkatapos ng kaarawan mo dad, matatanggap mo ang regalo ko."

"Aasahan kong maganda 'yan."

"Yes dad. Ramil," tawag nito sa tauhang nasa labas.

Pumasok ang isang lalake.

"Yes boss, senior," yumuko ito sa kanilang harapan.

"Kausapin mo ang medya bukas may ipapagawa ako."

"Yes boss," anang lalake at umalis.

Hinarap niya ang anak.

"Saan mo napulot 'yan? Mapagkakatiwalaan ba 'yan?"

Ngumisi si Xander. "Dad, siya lang naman ang nagturo kung nasaan si Villareal ngayon."

"Talaga? Nasaan?" Napaupo nang tuwid ang senior.

"Nasa Cagayan de Oro, at tama siya, nalaman kong nagsasabi siya ng totoo dahil ang mga Villareal ay kilala sa lugar na 'yon. Kilala si don Manolo Villareal."

"Great! Hindi mo na ako binibigo ngayon son," ngisi ng senior.

"Kaya sa susunod na araw dad, mataanggap mo na ang regalo ko."

"Salamat hijo, ipinagkakatiwala ko na ang lahat sa 'yo tungkol kay Villareal."

---

Gabi.

Sa mansyon ng mga Villareal.

Kadarating niya lang dahil tumuloy muna siya sa isang hotel roon bago dumeretso sa mansyon ng mga Villareal.

Hatid siya ng helikopter at ibinaba lang sa tower ng mga Villareal saka siya nagpahatid sa isang hotel gamit ang kotse ng mga ito sa tulong ni Hendrix.

Ngayon, nandito na siya sa mansyon ng mga Villareal.

Hindi pa sila nagkikita ni Hendrix mula pa kanina dahil inasikaso pa raw nito si don Manolo. Tanging mga tauhan lang nito ang umasikaso sa kanya.

"Nandito na po tayo sir," anang driver.

Tiningala niya ang mansyon.

Walang pagbabago makalipas ang ilang buwang pagpunta niya rito.

Marami pa ring gwardya ang nakabantay roon.

Sa pagkakataong ito tinawagan na niya si Hendrix bago pa man siya makarating sa mansyon.

Bumukas ang gate at dumeretso sila sa entrada.

Pagkababa niya ng kotse ay sinalubong siya ng pinsan kasama ang mga tauhan nito.

Bagama't kinakabahan ay tinatagan niya ang kalooban at tumayo nang tuwid.

"Kumusta? Mabuti nakarating ka," tinapik siya nito saglit sa balikat.

"Ayos lang, si lolo?"

Naglakad na ito papasok sa mansyon kaya sumabay siya.

"Naghihintay sa loob."

Tumahimik na siya at tinantiya ang mga taong nadadaanan.

Nakatutok sa kanya ang mga kalalakihang pinsan.

"Glad you came, wanted man!"

Nagpanting ang kanyang tainga at marahas na nilingon ang nagsalita.

"Gabriel stop," awat ni Hendrix.

"Why?" ngumisi ito. "Aren't you mad he almost killed grandpa?"

"Huwag mong pansinin," mariing bulong ni Hendrix.

Hinayaan niya lang ngunit may sinabi pa ito na nagpakulo ng husto ng kanyang dugo.

"Kriminal, mamamatay tao."

Iyong paglingon niya sabay hablot sa kwelyo ng suot nitong leather jacket.

"Ulitin mo ang sinabi mo!" Nanginig ang kanyang kamay habang nakakapit sa damit nito. Napaangat ng bahagya ang pinsan ngunit wala siyang pakialam, nagdidilim ang kanyang paningin.

"Gian!" Mabilis na pumagitna si Hendrix at hinila siya palayo kay Gabriel.

Tumahimik ang lalake at galit itong hinarap ni Hendrix.

"Kung wala kang matinong gagawin lumayas ka!" singhal ni Hendrix dito.

"Fucker and a killer!" sigaw nito bago lumabas.

Binalingan siya ni Hendrix. 

"Hayaan mo na, baliw ang isang 'yon."

Doon pa lang siya tila natauhan. 

"Pasensiya na, hindi ko lang napigilan."

"I understand."

Tumahimik na siya hanggang sa makarating sa silid ng abuelo.

Naglaho ang kanyang kabang pakiharapan ang abuelo dahil sa ginawa ni Gabriel.

"Gian apo!"

Saglit siyang natigilan.

Kaharap na niya ang abuelo at nakangiti ito.

"Grandpa, I'll stay outside," paalam ni Hendrix at iniwan silang dalawa.

Ngayon, nagbalik ang kanyang kaba.

"Gian hijo, come here," kinamayan siya ng abuelo.

Mas tumanda ang itsura nito at nangalumata. Ngunit kababakasan ng saya ang anyo nang makita siya.

Lumapit siya at nabigla nang kabigin ng abuelo at mahigpit na niyakap.

Ramdam niya ang init ng katawan nito.

"I miss you so much apo."

Natigilan siya dahil hindi galit ang abuelo at sa halip ay masaya pa itong makita siya.

"Aren't you mad sir? I disappointed you."

Mas humigpit ang pagkakayakap nito.

"Im not hijo, I am worried, so much worried about you. Paano kung nagtagumpay ang mga masamang loob na patayin ka? Hindi ko 'yon matatanggap."

Sa pagkakataong ito ay gumanti na rin siya ng yakap. Nagpapasalamat siya dahil tanggap siya nito kahit pa nagsinungaling siya.

"I'm sorry, I almost kill you," usal niya sa abuelo.

Kumalas ito sa pagkakayakap at hinawakan ang kanyang kamay.

Naaninag niya ang paglamlam ng mga mata ng don.

"No, son, no. I am so much relieved now that you're here with me. Akala ko hindi mo ako mapagbibigyan."

Hindi siya kumibo at hinawakan din ang kamay ng abuelo.

"Kumusta ka na?"

Napalunok siya.  Simpleng taong ngunit nahihirapan siyang sagutin.

"I'm sorry lolo, sorry sa pagsisinungaling ko. Sasabihin ko rin naman sana kapag naayos na."

"Ano bang nangyari?" kalmadong tanong ng abuelo habang nakahawak sa kanyang kamay.

Bumagsak ang kanyang tingin sa sahig na marmol. Hindi niya kayang salubungin ang malamlam at puno ng simpatiyang mga tingin ng abuelo.

Hindi niya rin alam kung saan mag-uumpisa ng pagtatapat.

"I killed some one lolo," panimula niya. "I was once a PDEA agent, a spy."

"You're a spy?" mulagat na tanong nito sabay bitaw sa kanyang kamay.

Napatingin siya sa abuelo. "Yes, a spy... before."

"And what are you now?"

Sumagi sa isipan niya ang sinabi ni Gabriel.

"Killer"

Umawang ang bibig ng abuelo.

"I kill worthless people."

"What do you mean?"

"Noong espiya pa ako, ang pinapatay ko ay mga masasamang tao. Pero umalis na ako sa trabahong 'yon para magsimula ng panibagong buhay. But I was wrong. Everything's gone wrong when the enemy attacked. My world turned upside down, that's the time I found my real family." Tumingin siya sa abuelo. "That's when I found you lolo."

"It's okay apo, I'm so thankful you found your real family."

Huminga ng malalim ang binata. "Ang lahat po ng ito ay alam ni Hendrix."

"Really?" Namilog ang mga mata ng don.

Tumango siya at bumuntong hininga.

Nang gabi ring 'yon ay ipinatawag nito ang buong angkan  upang makasama sa isang hapunan.

Sa isang mahabang mesang puno ng pagkain ay naroon ang pamilya Villareal.

Kagaya ng dati ay magkatabi sila ng abuelo.

Muli na naman niyang nasilayan ang pamilyang noon pa man ay hindi siya tanggap.

"I'm so happy you came back," panimula ng abuelong nakatingin sa kanya bago bumaling sa mga pamilya. "Once again Gian is here I hope this time you'll accept him."

"Glad you came back bro," anang isang lalaking sa tingin niya ay pinsan niya ito.

Nakangiti ang naturang lalake ngunit hindi niya matandaan ang pangalan.

"We're so happy you came back hijo," anang isang babaeng may katandaan na katabi ng lalaking 'yon.

Tumikhim ang isa pang may edad na babae sa dulo.

"So Gian, tell us what happened to you? We've heard you're a real wanted in your place. Where's it again?"

"Zamboanga ," tipid niyang tugon.

"Sylvia," malumanay na saway ni don Manolo.

Naalala aniya ang babaeng ito. Prangka kung magtanong.

"Wanted ka hindi ba? Anong ginawa mong krimen?" Isa pang babae ang nagsalita.

"Sandra isa ka pa," tumiim ang tingin ng don sa babae.

Tumiim ang kanyang bagang at yumuko.

"Wala siyang ginawang krimen," tugon ng isang lalake.

Napatingin siya rito.

"Whoa! Really bro? As far as I remember you almost killed him! What changed your mind?" takang-taka na tanong ni Gabriel na katabi lang naman nito.

"Gabriel stop please," mariing saway ng ama nito.

"Iyon ay dahil hindi ko kilala noon si Gian. Not this time, now that I knew what really happened."

"Really? Can you explain why?" 

Nagtiim ang bagang ni Hendrix bago nagsalita.

"Inuulit ko, wala siyang krimen na ginawa, wala siyang kasalanan. Kung naging wanted man siya 'yon ay dahil sa kalaban."

Napatingin siya kay Hendrix na mariing nakatingin sa lahat.

"At sinong kalaban naman 'yon?" tanong ng tiyuhin niyang si Leonardo. 

"Terorista," maiksing tugon ni Hendrix.

Ngunit umawang ang bibig ng lahat at natigilan ang mga ito.

"Terrorist! Really?" pag-uulit ng tiyuhin.

"Yes, Leonardo, I knew it too," ani Arturo na ama ni Hendrix.

"Alam ko rin," anang ina ni Hendrix.

Mariing napalunok ang binata.

Mukhang pumapanig sa kanya ang pagkakataon.

"I admit, noong hindi ko alam ang tunay na trabaho ni Gian ay natakot ako. Natakot na baka madamay ang pamilya. But not this time."

"Hendrix, will you explain what really happened?" si don Manolo.

"Yes grandpa. Noong mga panahong nandito si Gian noon alam ko na na wanted siya. Ngayong nandito siya ulit dahil wanted na naman. Noon galit ako dahil hindi ko alam ang totoo, pero ngayong alam ko na at wanted na naman siya hindi na ako natatakot para sa pamilya. Hindi rin ako galit dahil naiintindihan ko siya." Nakatingin na ang pinsan sa kanya.

"Dumarating ka lang rito tuwing wanted ka gano'n ba?" si Leonardo 'yon.

"Tito, he's the victim here," ani Hendrix. "Ang kalaban niya ay isang terorista, may grupo sa China at may iligal na droga na dadalhin dito sa bansa pero natigil 'yon dahil sa virus. Ngayong lumuluwag na tayo, nagbabalik na naman ang operasyon ng mga terorismo."

"Gian," tawag ng don na ikinaupo niya nang tuwid.

"Yes lolo?" baling niya rito.

"Please explain everything," utos nito.

Tumikhim siya. Bagama't kinakabahan ay sinunod niya ang abuelo.

"Tama si Hendrix, sa kanya ako humingi ng tulong para masugpo ang kalaban. Gumawa ako ng paraan noon para mapataob ang kalaban ngunit nang malapit na akong magtagumpay ay nalaman nila ang totoo. Para matalo ang kalaban ay nilinlang ko sila sa pamamagitan ng bagong katauhan, subalit natuklasan nila."

"Rage Acuesta," singit ni Hendrix.

Kumunot ang noo ng lahat maliban sa pamilya ni Hendrix.

"Iyon ang pangalang dinala ko para mapataob ang kalaban. Pero natuklasan nila at ngayon ay pinapapatay ako. Pinapatay nila ang lahat ng may kinalaman sa akin."

"What the hell! Baka madamay kami sa'yo!" sigaw ni Gabriel, bakas ang galit at takot sa anyo nito.

Natahimik siya.

"This family!" singhal ng don na ikinatahimik ng lahat. "Will support each other no matter what happened. If one of you won't do it then you are free to leave this family."

Katahimikan.

"Lahat tayo rito nagtutulungan bakit kayo matatakot? Hindi ba dapat ay proud kayo kay Gian? Wala ni isa man sa inyo ang lumalaban para sa kapayapaan o para sa bansa. Ordinaryo lang tayong mamamayan, ngunit iba si Gian, iba ang apo ko."

Walang nangahas magsalita.

"Mula ngayon, lahat ng kailangan ni Gian ay ibibigay natin, maliwanag ba!" mariing wika ng don sa lahat.

"Yes grandpa," tugon ni Hendrix.

Hanggang sa sumang-ayon na ang lahat.

"Gabriel," tawag ng don na ikinaangat ng tingin nito sa abuelo.

"Yes grandpa?"

"Do you agree?"

"Yes po, I'm sorry bro," anitong nakatingin na sa kanya.

Tumiim ang tingin niya rito, nararamdaman niya ang sinseridad sa tono ng pinsan.

"Susoportahan ka namin Gian, sa laban mong ito, hindi ka nag-iisa," ani Leonardo.

"Asahan mo kami Gian, nakahanda kaming suportahan ka," ani Arturo.

Nanindig ang balahibo ng binata sa naririnig. Tila hindi siya makapaniwala sa nangyayari.

"Don't worry hijo, your titas are here," ani Sylvia na ikinatango ni Sandra.

"Nasa likod mo kami Gian," si Hendrix.

"I'll support you too," si Gabriel.

Nanikip ang kanyang dibdib sa tuwa. Alam niyang sa pagkakataong ito ay nasa panig na niya ang pamilya.

"Together we fight for this family!" ani don Manolo at itinaas ang kopitang may lamang wine.

"Together we fight for this family!" sagot ng lahat at itinaas ang mga hawak na wine.

"Maraming salamat po," tanging nasambit ng binata.

Masayang natapos ang kainan. Nag-uusap na ang mga ito tungkol sa negosyo kaya nagpaalam siyang magpahangin muna sa may terasa.

Madilim ang langit at may kakaunti lamang na bituin ngunit malamig ang simoy ng hangin.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Katunayan ay dito na siya pinatitira ng abuelo na hindi naman niya tinanggihan bilang pasasalamat.

Tumunog ang kanyang cellphone at agad niyang tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Buloy," aniya.

"Boss, may balita ako, kaarawan bukas ni Roman Delavega."

Tumayo siya nang tuwid sa narinig.

"Magaling!"

"Darating ang mga kasamahan niya sa negosyo at hindi lang 'yon kasama pa ang ka grupo niya sa organisasyon."

"Salamat Buloy."

"Wala 'yon boss, sinunod ko lang naman ang utos ninyo. Kaya lang hindi kaya manganganib kayo diyan? Baka ipahanap kayo ng mga Delavega sa mga pulis?"

"Bago pa nila magawa 'yon mauunahan na natin sila, ayusin mo lang ang trabaho mo diyan."

"Yes boss, gaya ng utos ninyo, napaniwala ko sila."

"Sige, anuman ang mangyari balitaan mo ako."

Siya mismo ang nag-utos sa kanang kamay na ipaalam ang impormasyon na 'yon tungkol sa kanya upang makapasok sa teretoryo ng kalaban ang tauhan.

At nangyayari na ngayon.

"Anong plano mo?" untag ni Hendrix na tumabi sa kanya.

"Salamat sa ginawa mo."

Ngumiti ang lalake. "Wala 'yon, naiintindihan kita," tinapik nito ang kanyang likuran. " Anong plano mong gawin ngayon?"

Tumingin siya sa kawalan habang nakatiim ang bagang. "Pinaplano kong gumanti, at sa pagkakataong ito, ibubuhos ko lahat-lahat ng kakayahan ko para matalo ang kalaban."

"Paano ako makakatulong?"

Napatingin siya rito. "Kailangan ko ng tauhan."

"Alright, I will."

"May tauhan ako sa lugar namin, siya ang gagabay sa tauhan mo."

"Kailan mo kailangan?"

"Bukas. May dapat kang malaman Hendrix."

"Ano 'yon?"

"Posibleng matunton ako ng kalaban, posibleng gagamit sila ng awtoridad laban sa akin."

"Huwag kang mag-alala, may impluwensiya tayo sa batas hindi nila tayo makakanti."

"Salamat." 

Ngumiti ito. "Ako ang dapat magpasalamat sa 'yo, kasi masigla na ulit si grandpa, noong wala ka pa rito halos hindi siya kumakain."

"Why so effing serious men?"

Sabay silang napalingon sa papalapit na si Gabriel, nakangiti ito.

"Gab, not now please," awat agad ni Hendrix.

"Why bro? Am just here to listen I won't interrupt."

Tumabi ito sa kanya at nabigla siya nang umakbay ito sa kanyang balikat. Naamoy niya ang alak dito.

"I'm sorry bro, I really mean it."

"T-thank you."

"Whoa, stuttering?" ngisi nito saka inalis ang kamay sa pagkakaakbay.

"No offense, I'm sorry for what I've done bro," tinapik nito ang kanyang balikat.

Tumango siya. 

"Oh, I've got to go now, maiwan ko muna kayo. Gian welcome to our family," anito saka umalis.

Nagkatinginan sila ni Hendrix. Nilapitan siya nito at kinabig payakap.

"Welcome to our family Gian."