Kinabukasan.
Umaga.
"Hendrix, mamayang gabi ang shipment naka konekta ka na ba sa Interpol?"
Kausap niya ang pinsan habang nakamonitor sa mga Delavega sa loob ng pamamahay.
Maging ang don ay nakamonitor siya.
"Maayos na. Signal mo na lang ang kailangan."
"Good."
"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo pa hinuhuli ang mga 'yan gayong nakukuha mo na ang mga impormasyong kailangan mo? Bakit kailangan mo pang palusutin? "
"Kailangan.
Kapag hindi ko ginawa hindi ko makikilala ang malaking grupo ni Delavega."
"What do you mean?"
Tumiim ang kanyang bagang.
"Chinese ang padadalhan niya at sabi niya mga kagrupo niya 'yon posibleng isa itong-"
"Chinese Triad?"
"Posible, at isa rin silang terorista lalo pa ngayong tatakbo ng senador ang demonyo."
"Aba! Dapat malaman na' yan ng awtoridad! Hindi mo kaya 'yan!"
"Hindi lang 'yon ang gagawin nila."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ayon sa impormante ko, ang mga ipapadalang droga sa ibang bansa kapag nagtagumpay sila ay ihahalo sa mga inumin at sa mga sigarilyo saka ipapakalat sa iba' t ibang bansa, kapag nakabalik na dito hindi na droga kundi sigarilyo at inumin na."
"Matindi 'yan anong klaseng droga 'yan!"
"Wala pa silang pangalan at hindi ko pa ito nakikita. Hindi pa ako lubos na pinagkakatiwalaan ng kalaban."
"Sandali may impormante ka? Nasa loob ng kalaban?" Nasa tono nito ang pagkamangha.
"Gano' n na nga. Kaya kahit hindi sinasabi ni Delavega ang lahat sa akin alam ko pa rin ang kanilang mga pinaplano."
"Magaling!"
Salamat kay Isabel at mang Isko. Ito ang isa sa dahilan kaya hindi niya maderetsong mapagbayad ang mag-ama.
Dahil sa mga ito may tauhan siya sa loob na nakakatulong ng malaki sa pagpapabagsak ng kalaban.
"Ginagawa ko lahat ng paraan dito."
"Bilisan mo ang kilos huwag kang babagal- bagal bilang ang oras mo diyan."
"Naiintindihan ko.
Kaya lang sa trabaho ko kailangan kalkulado at sigurado. Isang pagkakamali lang tiyak ang kamatayan ko."
"At hindi ako papayag na mamatay ka," matigas nitong wika.
Ang sarap sa pandinig kaya lang iba ang pinupunto nito.
Huminga siya ng malalim.
"Hendrix, huwag ka ng matakot na mawala sa'yo ang kumpanya. Kapag nagtagumpay ka rito, hindi na ako makikialam diyan. Sa inyo 'yan."
"Si Grandpa ang inaalala ko. Hinahanap ka niya. Kinukumusta, nahihiya lang siyang tumawag sa' yo. And I am concern to you. You are a Villareal. Isang kahihiyan na matalo ka sa laban."
"Tell him, I'm still fine, and thank you. Atleast may isang kamag-anak ko na concern sa akin."
"Ofcourse we are!" singhal nito.
"Thank you Hendrix. Nakasalalay din sa'yo ang tagumpay nito. Ginagawa ko ang lahat ng makakaya rito."
"And I'll do anything in my power. Terorismo na ang kalaban mo hindi na 'yan ordinaryo, " mariin nitong tugon.
"Salamat sa tulong."
Ngayon kailangan niyang paghandaan ang lahat.
Unti-unti na niyang napapasok ang tunay na mundo ng kalaban.
Pagkatapos ng lahat ng ito, daigdig naman nila ni Ellah ang aayusin niya.
Sa pagkakataong ito hindi na siya makakapayag na magigiba pa.
---
Sa loob ng conference room ay nakaupo ang lahat ng empleyado ng kumpanya, maliban sa kanya.
Humagkis ang matalim niyang tingin sa dalawang lalakeng magkatabi ngayon sa upuan na naging dahilan ng kanyang desisyon ngayon.
Naalala niya ang usapan ng dalawa kahapon habang kumakain sa cafeteria.
Sa tuwing may bakante siya at lumalabas ng opisina ay palagi na niyang naririnig ang mga usapan tungkol sa kanyang pamumuno, mapa babae man o lalake pinag-uusapan siya.
"Ang tagal ng walang Presidente hindi ba panahon na para pumili ng kapalit?" Ito ang marketing manager.
"Nandiyan naman ang apo bakit pa maghahanap?" sagot ng production supervisor.
"Babae siya. Anong magagawa niya sa ganitong trabaho natin? Lalake lang dapat ang amo natin. Nakakababa ng dignidad na lalake tayo pero ang boss natin babae."
"Huwag kang magsalita ng ganyan hindi ka ba natatakot? Ang pinatalsik nila noon ay Marketing Manager din gaya mo."
Mula sa pagtingin sa dalawang nakayuko ng tahimik ay taas-noong hinarap niya ang lahat.
Siya ang nag-iisang tagapagmana ng isang don Jaime Lopez kaya kailangang sumunod ang lahat sa kanya kahit pa babae siya.
Sumusobra na ang mga taong lumalapastangan sa kanyang kakahayan!
Kailangan ng magbago!
Ibang-iba na Ellah Lopez ang nakikita ng mga ito.
Hindi lang ang kanyang pananamit ang kanyang binago kundi maging ang kanyang pagkatao.
Mula sa kanyang suot na mga makukulay na mini skirt ay pinalitan niya ng mga pants.
American suit for women, blazer na itim maging ang panloob niyang sleeveless ay itim, na pinaresan ng itim na high heeled killer shoes.
Pure black.
Kasing dilim ng kanyang nararamdaman.
Nang dahil sa mga usapan sa at nagawa ng abuelo ay binago niya ang sarili.
Hindi na siya sasangguni sa Chairman sa mga gagawin niya sa kumpanya.
Hindi na rin siya papayag na kwestyunin ang kanyang kakayahan dahil lang sa babae siya.
Kailangang makita ng lahat na kaya niya ang responsibilidad kahit pa babae at mahina ang tingin sa kanya.
Kailangang makita ng kumpanya na kaya niya mag-isa! Igagalang ng mga ito anuman ang kanyang desisyon.
Naririnig niya ang mga bulungan ng mga ito.
"Ano bang agenda ngayon? Bakit pinatawag tayo?" bulong ng isa sa mga opisyal.
"Hindi ko rin alam hindi naman araw ng mancom ngayon."
Nagpatawag siya ng urgent meeting kaya nagtataka ang lahat.
"Ladies and gentlemen, listen," panimula niya na ikinatahimik ng lahat.
Tumingin ang mga naroon deretso sa kanya.
"Ipinatawag ko kayo para sabihing may dagdag akong investor. And he will invest for three billion pesos."
Umawang ang bibig ng karamihan at nanlaki ang mga mata sa pagkamangha.
Hindi birong halaga ang kanyang binanggit.
Agad niyang napapayag si Raven nang muli niya itong alukin.
"I am not only an acting President, I am the sole heiress!
I will do anything and everything for this company..." lumipad ang tingin niya sa Marketing manager na nakanganga, "including finding an investor."
Tahimik ang lahat.
May investor na siya noon pero hindi iyon kanya kundi sa chairman na siguradong sinabotahe lang noon kaya hindi nakarating sa tamang oras.
"I will no longer depend on anyone. Sa simula pa lang hindi na ako umaasa kahit kanino man, kahit sa chairman!"
Isa sa mga direktor ang nagsalita.
"Sinasabi mo bang papalitan mo ang chairman?"
Ikinagulat iyon ng lahat.
Sumulyap siya sa opisyal.
"Sinasabi kong kaya ko kahit wala siya. At kung darating ang panahong papalitan na siya walang ibang papalit kung hindi ako," mariin niyang wika sa lahat.
Gusto niyang malaman ng mga ito na hindi siya basta lang napapatumba kahit pa babae lamang siya.
"May we know, who is this President?" tanong ng isa sa mga direktor.
Humagkis ang kanyang tingin sa nakasaradong pinto.
"He is Mr. Raven Tan."
Bumukas ang pinto at pumasok ang lalake.
"Good morning ladies and genttlemen," ang nakangiting wika nito sa lahat.
"I am more than glad to be part of your company. Thank you."
"You are welcome, sir!" sagot ng karamihan.
Napakaaliwalas ng mukha ni Raven kabaligtaran sa kanya.
Mula ng mangyari ang mga bagay na hindi niya lubos maisip na mangyari ay kailangan na niyang maging matapang at mag-isang haharapin ang kumpanya.
Masamang-masama ang kanyang loob sa abuelo.
Wala itong karapatang makialam sa kanyang pagpapatakbo sa kumpanya sa tindi ng ginawa nito.
At ngayon nagdedesisyon na siya nang mag-isa.
Napapitlag siya at nabalik sa kasalukuyan nang makarinig ng masigabong palakpakan.
Hinarap niya ang lalake.
"Welcome to the company Mr. Tan and thank you for your trust!" pormal niyang inilahad ang kamay dito na mabilis nitong tinanggap.
"Thank you Ms. Lopez. I am more than willing to invest. "
Ibinaba niya ang kamay at inilagay sa likuran.
"Mr. Tan is the third riches man on Zamboanga Peninsula. A business tycoon. Name a business and he has it all. "
Umupo sa kanyang tabi si Raven Tan.
"Alam ba ito ni chairman?" ang may kalakasang bulong ng marketing manager.
Humagkis ang kanyang tingin dito.
"Are you saying anything Mr. Cerna?"
Hinarap siya nito.
"Did the chairman knew about this?"
Dahil sa narinig ay tumalim ang kanyang tingin sa lahat.
"No!"
Umugong ang bulungan.
"I will never let him know. Kaya kung may plano kayong magsumbong ngayon pa lang ay mag resign na kayo at sumipsip sa kanya and I, will automatically fire you out!"
Natahimik ang lahat.
"At kung inaakala ninyo na hindi ko 'yon magagawa pwes you are wrong people. Matanda na ang chairman at wala ang Presidente wala ring ibang tagapagmana si don Jaime Lopez kundi ako na nag-iisa niyang apo."
"But you are just an acting President!" malakas na wika ng bise presidente.
"And I am the successor!" sigaw rin niya na ikinatahimik nito.
"Kung ayaw ninyo sa pamamahala ko malaya kayong lumayas at huwag ng babalik!"
"Kailangang malaman ng chairman ito hindi pwedeng nagdedesisyon ka mag-isa as an acting President."
Humagkis ang kanyang tingin sa nagsalita.
"Why Mr. Cerna? Did you see anything wrong with getting an investor?"
Natahimik ito.
Lumapit siya.
"Ano bang mali sa pagpapasok ng tatlong bilyon sa kumpanya?
Sige nga! Ano ang mali?"
Hindi ito makakibo.
Pinagmasdan niya ang lahat na nakatingin sa kanya.
"Pitong bilyon ang naipasok ko sa kumpanyang ito pero hindi pa rin kayo natutuwa! Hindi niyo pa rin iginagalang ang kakayahan ko! Ano bang pwedeng kong gawin para magtiwala kayo sa akin! "
Binalingan niya ang Marketing manager.
"Ikaw may naipasok ka ba? Kung wala manahimik ka! At kung talagang hindi mo mapigil ang bibig mong magsumbong siguraduhin mo lang na may ipapalit ka sa isang Raven Tan!"
Yumuko ito.
Bumalik siya sa harapan.
"LISTEN UP!" Hinampas niya ng kamay ang mesa na ikinapitlag ng karamihan.
"Bago ninyo ibuka ang inyong bibig siguraduhin ninyong may maitutulong sa kumpanya naiintindihan ninyo!"
Natahimik ang lahat.
"Meeting is adjourned!"
Tahimik na nagsilabasan ang iba, ang iba naman ay kinakamayan si Raven.
Hanggang sa sila na lang ang matira sa loob ng silid.
Tumayo ito at lumapit sa kanya.
"You're not in good mood President something wrong?"
Huminga siya ng malalim.
"Maraming salamat nga pala sa pagpayag na mag-invest sa amin."
"Matagal na nating usapan 'yan ngayon lang natupad."
"Thank you, and let's go, " malamig niyang tugon bago nauna.
Sumunod ito.
"Anything wrong Ellah?" nag-aalala nitong tanong.
"Everything."
"Why? How may I help you? Can I help you?" mas lalo pa itong nag-aalala.
"It's not about the company."
"Kahit na, baka may maitulong ako?"
Hinarap na niya ito.
"Personal Mr. Tan hindi negosyo ang problema ko kaya wala kang maitutulong."
"Then I am more than willing to help. Ano bang problema?"
Tumingin siya sa kawalan.
Kahit pa napakasama ng ginawa ng abuelo at nang napakagaling niyang kasintahan ay wala pa ring dapat makaalam.
"Family problem and I can fix this alone. Thank you for your time Mr. Tan." Tinalikuran niya ito.
"Ellah, sa akala mo ba pumayag ako na mag-invest para kumita lang?"
Dahil sa narinig ay napilitan siyang lumingon.
"What do you mean?"
"I want you. Ginawa ko ang gusto mo dahil gusto kita."
"Sinasabi mo bang ako ang kapalit ng pera mo?" biglang nag-init ang kanyang dugo.
"No! Ang sinasabi ko papasukin mo naman ako sa buhay mo."
"Mr. Tan, ayaw kong lalabas na ginamit ko ang pera mo kapalit ay ikaw mismo.
Hindi ako kumuha ng investor para lang ligawan mo.
I am sorry Mr. Tan pero hindi kita mapagbibigyan," matigas niyang wika.
"Bakit? Umaasa ka pa ba kay Villareal? Ako ang nandito ako ang tumutulong sa'yo Ellah. Ako. Wala na siya! Wala na!"
Nagpanting ang kanyang tainga.
'Buhay pa ang kumag! Hindi lang nagpapakita!' parang gusto niya itong isigaw at ng matigil na.
"Kailangan ko ang tulong mo para sa kumpanya na pakikinabangan mo rin naman."
Hinarap niya ang lalake.
"Hindi kita kinuha para maging kasintahan, ngayon kung ginawa mo lang ito para makapasok sa buhay ko pasensiya na hindi 'yon mangyayari."
"Ellah-"
"At kung may plano kang bawiin ang pera mo bawiin mo na bago ko maisip na kasuhan ka."
Nanlaki ang mga mata nito.
"Kung wala ka ng sasabihin makakaalis ka na Mr. Tan. Thank you for coming here."
Binirahan niya ito ng talikod.
"Ms. Ano ba itong nangyayari? Bigla na lang yata may nagbago ?" si Jen na sinalubong siya pagkapasok ng opisina.
Deretso siya sa mesa at hinilot ang sintido.
"Jen, starting today, dapat mas magiging strikto na ako. Hindi na rin ako hihingi ng tulong sa chairman. Ako na lahat!"
"Alam kong kaya mo pero hindi ka ba mahihirapan?"
"Kakayanin ko."
"Bakit naging ganito Ms.?"
Tumahimik siya.
Walang dapat makaalam kahit sino na buhay si Gian iyon ang sinabi ng chairman.
"Wala silang tiwala sa akin noon pa man. Kaya panahon na para ipakita ko na ako ang karapat-dapat sa posisyong iniwan ni Gian."
"Nasaan na kaya talaga siya Ms.?"
Nagtiim ang kanyang bagang.
Noon inakala pa niyang nagka amnesia ito at nakalimutan siya ngayon pala ay nagtatago lang.
Ano ang dahilan!
"Mamaya na ako lilipat Jen."
"Ms. Talaga bang desidido ka na?"
Pinahanap niya si Jen ng condominium noong nakaraang araw at nang nakahanap ng maganda ay nagdesisyon na siyang lisanin ang bahay.
Nagtaka pa nga ito pero gano'n pa man wala rin siyang sinabing dahilan.
"Matagal ko na 'tong pinag-iisipan. Baka mabaliw ako kapag hindi ko ginawa
'to."
"Kaya mo' yan Ms. Nandito ako palagi hindi kita pababayaan."
Nagtagis ang kanyang bagang at tumingin sa kawalan.
"Kung kailangang lalangoy ako sa problema gagawin ko pero hindi ako lulubog. Hindi ako lulubog!"
Tanghali ay umuwi siya sa mansyon.
Pagkatapos ng nangyari sa meeting ay wala siyang ganang magtrabaho.
Sinalubong siya ng abuelo ng madilim na tingin.
"Ellah mag-uusap tayo," panimula nito.
"Tungkol saan?" tamad niyang tanong.
"Tungkol kay Raven Tan. Bakit pinapasok mo siya sa kumpanya na hindi ko alam?"
Gusto niyang matawa. Talagang walang nakakalusot sa chairman.
"Ngayon alam niyo na. Sino bang makati ang dilang nagsumbong?"
"Ang bise presidente!"
Nagtiim ang kanyang bagang sa narinig.
'Ang walang hiyang 'yon!'
"Bakit ha? Bakit ka nagdedesisyon ng ganoon kalaking hindi ipinaalam sa akin!"
"Anong masama roon tatlong bilyon ang kapalit hindi ba kayo natutuwa?"
"May kapalit ang lahat ng ito Ellah at iyon ang kinatatakot ko!"
"Saan? Na baka ako ang kapalit? Hindi ba ito ang gusto niyo? Ang makapag-asawa ako ng negosyante! Ngayon natutupad na 'yon!"
"Paano si Gian?"
"Pakialam ko sa gwardya mo?"
Umawang ang bibig ng don.
Tila may sasabihin pa ito ngunit hindi itinuloy.
Muli siyang lumingon.
"Sabihin mo sa kanya na makipagkita sa akin mamayang gabi dahil kung hindi, hindi na talaga niya ako makikita pa!"
"Ellah!"
"I mean it lolo! Bibigyan ko siya ng huling pagkakataon pero hanggang ngayong araw lang bukas magkalimutan na kami!
Nandiyan si Raven na palaging nakaalalay sa akin at hindi ako niloloko," mabilis siyang tumalikod.
"Tigilan mo ang pakikipaglapit sa Tan na 'yan Ellah! May kasintahan ka na!"
"Manloloko at iniwan ako!"
"Mahal ka niya hindi ka ipinagpalit! Kung ginawa man niya ang pagsisinungaling malalim ang dahilan!"
"Kahit anong dahilan hindi ko matatanggap!
Pero sige bibigyan ko siya ng pagkakataong magpaliwanag hanggang ngayong gabi!"
"Hindi siya pwede ngayong gabi, may mahalaga siyang aasikasuhin-"
"Wow! So close nga kayo?" sarkastiko niyang singhal.
"Mabuti pa kayo alam niyo ang nangyayari sa kanya? Ako na kasintahan kuno walang alam! Kapag iniwan ko siya baka kayo ang magkatuluyan!"
Mabilis siyang umalis at iniwan ang natigagal na abuelo.
"ANONG SINABI MO!"
Sa loob ng silid ay mabilis siyang nag-impake ng mga damit.
Lilipat na siya ng tirahan ngayon.
Tama lang sa kanya ang naturang bahay. May kaliitan pero malinis at masinop.
Hindi niya kailangan ng malaki siya lang naman ang titira.
Hindi na niya maatim na makisama sa abuelo gayong hindi maganda ang sitwasyon nila.
Bitbit ang dalawang malaking maleta ay lumabas ang dalaga.
Eksaktong dumaan ang mayordoma.
"Ellah hija saan ka pupunta?"
Natigil siya sa boses na narinig na tila nabigla at natakot sa nakita.
Hinarap niya ito.
"Manang Ising hindi ko kayang tumira dito na parang wala lang. Kapag naiisip ko ang mga ginawa ni lolo nasusuklam ako, " bumalatay ang galit sa kanyang anyo.
"S-sandali lang hija naiintindihan kita pero pwede bang maghunus-dili ka muna? Paano na lang ang lolo mo? Tayo-tayo na lang ang nandito iiwan mo pa ba kami?"
Nabanaag niya ang lungkot sa boses ng matanda ganoon pa man ay tinigasan niya ang anyo.
"Pakialagaan lang muna siya, aalis na ako."
Deretso siya sa ibaba.
---
Nagsisigaw naman ang katulong.
Mula sa pakikipag-usap kay Gian ay nagtatakang nilingon niya ang pinto ng study room.
"Nakahanda na lahat hijo, malinis na at walang aabala. Napapayag ko naman ang mayor at kahit ayaw niya naiintindihan niya naman."
"Sige ho, salamat don Jaime."
"Sige hijo, ingat ka."
"Opo, kayo rin."
Ibinaba niya ang cellphone at binuksan ang pinto.
"Don Jaime! Don Jaime aalis si Ellah!"
"Ano!" Natigagal ang don.
"Si Ellah ho aalis na siya!"
Nagmadaling tinungo ng don ang sala at inabutan ang apo na palabas ng mansyon.
"Ellah! Anong ginagagawa mo?"
Tila aatakehin ang don sa nakikitang mga maletang bitbit ng apo.
"Lalayas ako! Bahala kayo rito!"
"Ano! Hindi mo ako pwedeng iwan! Kung galit ka sabihin mo hindi ka aalis!"
Humagkis ang matalim nitong tingin sa kanya na ikinagitla niya.
"Hindi ko kayang sikmurain ang pinagagawa ninyo! Hindi ako makatulog at galit na galit ako sa'yo!" dinuro siya ng apo.
Nanghina ang don.
"P-pakiusap hija, huwag mo namang gawin sa akin 'to. Baka hindi ko kayanin-"
"Kayanin? Nakaya niyo nga ang pumatay at magsinungaling? Wala kayong hindi magagawa lolo! Wala!" Tuluyan na itong lumabas ng mansyon.
Mabilis humarang ang kanyang mga tauhan.
"Padaanin niyo ako mga hayop!" sigaw ng dalaga.
"Iwan niyo muna kami," matigas niyang utos sa dalawang gwardya na mabilis namang sumunod.
"Kung tungkol ito kay Gian pipilitin ko siyang makipagkita sa'yo ngayon pakiusap huwag mo akong iwan hija." Hindi malaman ng don kung hahawak ba sa braso ng apo.
"Aalis na ako."
"Ellah!"
Tuluyan na nitong nilisan ang mansyon.
Wala namang magawa ang isang don Jaime Lopez pagdating sa nag-iisang apo.
May sarili na itong desisyon at hindi magtatagal ito na ang kanyang maging kapalit.
Kakayanin kaya nito?
Kaya ganoon na lang ang kanyang pag-aalala para sa nag-iisang pamilya.
Paano kung hahamakin ito ng iba? Sino ang magpoprotekta rito kapag wala na siya?
---
Gabi.
Abalang-abala si senior Roman Delavega sa pag monitor ng produktong para sa shipment maya-maya lang.
Nasa loob siya ng rest house habang kausap sa cellphone ang intsik na ka transaksyon.
"Yes Mr. Cheng!"
"Very good Mr. Delavega.
We'll wait here. Make it fast and perfect."
"Of course Mr. Cheng!"
Pagkuwan ay sumama ang kanyang anyo.
"Warren!" tawag niya sa kanang-kamay.
"Yes senior?" mabilis itong lumapit.
"Wala pa ba si Acuesta?"
"Ako ba ang hinahanap mo Roman?"
Napalingon ang senior at ngumiti ng matamis.
"Mr. Rage Acuesta!" Sinalubong niya ito ng yakap.
Gumaan ang kanyang pakiramdam pagkakita rito.
"Glad you're here!"
"Of course! Bibiguin ba kita?" nakangisi rin ito gaya niya.
"Very good hijo. So ano ready na ba?"
"Alas onse ang tinakdang oras. May kalahating oras pa para maghanda. Hindi ba natin pupuntahan ang pagawaan?"
"Nasa ware house lang 'yon at nakahanda na. Pupuntahan pa ba natin?"
"Huwag na lang, maayos naman doon hindi ba?"
"Oo naman!"
Natahimik siya nang mapansing mariing nakatingin sa isat-isa sina Warren at Rage.
"May problema ba?"
Unang nakabawi si Rage Acuesta at hinarap siya.
"Wala naman Roman, so anong plano after this?"
"Maghihintay sa pagproseso nito sa ibang bansa at pagkatapos babaha ng pera!"
"How about your greatest enemy Roman? Nakalimutan mo na ba sila?"
Tumiim ang kanyang tingin sa kawalan at sumeryoso ang anyo.
"Hindi ko magagawang kalimutan ang kalaban. Kahit mamatay ako hindi ko magawang kalimutan ang ginawa sa akin ng demonyong Villareal na 'yon!Nalaglag ako sa kongreso dahil sa hayop na' yon.
Pinagtulungan nila ako ni Lopez.
Ipapahanap ko sa buong mundo si Villareal, kahit saan pa siya nagtatago makikita ko siya!"
"Akala ko ba patay na 'yon?"
"Walang nakitang bangkay kaya malaki ang posibilidad na buhay pa siya!" Ikinuyom niya ang kamao.
Dumilim din ang anyo ng kausap.
Lihim naman siyang napangiti.
Kahit pa magkamagmag-anak ang dalawa hindi siya nagkamali kay Acuesta. Alam niyang sagad sa impyerno ang galit nito sa pinsang hilaw.
"Paano kapag hindi mo siya makita anong gagawin mo Roman?"
Binalingan niya ang kausap.
"Lalabas siya sa gagawin ko. Kahit saan pa siya nagtatago alam kong lalabas siya kapag nasa kamay ko na ang mga taong pinahahalagahan niya ng husto."
"At sino naman ang mga 'yon?"
Ngumisi siya.
"Relax Acuesta, darating tayo diyan."
"Oh, I was just...sandali pwede bang makahiram ng phone mo?"
"Ha?"
"Empty battery na pala ako. May tatawagan lang."
"Sure!" Inilabas niya mula sa bulsa ng pantalon ang cellphone at iniabot sa kausap.
"Thanks," tumayo ito."Excuse me please?"
"Sure!"
---
Dumeretso si Gian sa banyo at doon kinalikot ang cellphone ng kalaban.
Gigil na binuksan niya ito.
'Hindi ako makakapayag na makuha mo sa akin ang mga mahal ko Delavega! Magkakamatayan tayo!'
Kinapa niya sa bulsa ang maliit na kahon at inilabas ang isang bilog na bagay.
Ito talaga ang plano niya ngayon at aalisin na ang mga pinakabit na spy cam sa resthouse nito.
Kahit saan pa ito magpupunta basta dala ang aparato siguradong matutunton niya.
Nang matapos ay nag dial siya ng numero.
Numero niya saka binura sa registered phone calls.
Naka silent ang kanyang cellphone hindi ito patay.
Ilang sandali pa lumabas na ang binata na parang walang nangyari.
Nang biglang may humablot sa kanyang balikat.
Nakadiin siya sa dibdib ng kung sino habang ang braso nito ay nasa kanyang leeg at napakahigpit ng diin halos hindi siya makahinga.
Hindi niya kilala ang kung sino mang nasa kanyang likurang sumasakal sa kanya.
Saka ito nagsalita.
"Sabihin mo sino ka!"
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang tinig ng lalake.
Tinatraydor ba siya nito?
"Warren?"
"Sabihin mo ikaw si Villareal hindi ba?"
Naalarma siya at biglang umikot.
Bumaligtad ang sitwasyon ito na ngayon ang nakasandal sa dingding at ang kamay niya ay nasa leeg nito at sumasakal at ang isang paa niya ay tinapakan ang isang paa nito.
Subalit sa halip na matakot ay bigla itong ngumisi.
"A-alam ko ik-ikaw si Villareal. Ikaw hindi ba?"
Base sa tingin nito alam niyang alam na nito ang totoo.
"Paano mo nalaman?"
"Si Acuesta kalaban si Villareal kaya inaasahan kong matutuwa ka sa naririnig mo pero hindi.
Kung hindi ikaw si Gian hindi ko makikita ang galit mo kay Delavega."
Bigla niya itong binitiwan kaya inubo.
"Wala bang CCTV rito?" Inikot niya ang paningin sa kabuuan ng pasilyo.
"Wala, dito talaga kita inabangan dahil walang makakakita sa atin dito."
"Anuman ang nalaman mo manahimik ka lang naiintindihan mo?"
"Huwag kang mag-aalala sir, nasa iyo ang katapatan ko."
"Good!"
"Parehas tayo ng trabaho sa legal mo nga lang nakuha ang pagiging espiya mo sa akin ilegal.
Pero alam ko ang tunay sa nagpapanggap.
Kitang-kita ko ang takot sa mga mata mo nang binanggit ni Delavega ang tungkol sa mga pinahahalagahan mong tao.
Noong unang makita ko si Acuesta sa larawan ay naghinala na akong ikaw si Villareal ngayon ko lang napatunayan."
"Ngayong alam mo na wala na akong ililihim sa'yo. Pagtutulungan natin ang plano at huwag kang pahuhuli ng buhay naiintindihan mo?"
"Yes sir! Itataya ko ang buhay ko sa misyong ito."
"Salamat."
"Anong ginawa mo sa cellphone?"
"May tinawagan lang ako."
"Sinungaling, ang mga gaya natin ay hindi kikilos nang walang lihim na sadya. May inilagay ka ba roon?"
Wala ng saysay ang maglihim.
Kilala na siya nito.
"Tracking device. Alisin mo na ang spy cam dito. Lahat! May ipapagawa ako sa'yo."
"Ano 'yon?"
Ipinakita niya ang isang supot mula sa loob ng suot na coat.
"Idikit mo ang mga ito sa dingding. Kapag pumalpak tayo pindutin mo."
"Pero delikado sasabog ang rest house!"
"Iyan lang ang paraan para makatakas ako!"
"Masusunod sir Gian!"
Humagkis ang kanyang tingin sa lalake.
"Huwag na huwag kang magkakamali sa pagbanggit sa pangalang 'yan Warren dahil tiyak iyan ang papatay sa'yo!"
"Opo sir."
Tumalikod siya at umalis.
Inabutan niya ang nakatalikod na kalaban.
"Roman, pwede mo ng simulan ang pagdeliver," aniyang inaabot ang cellphone dito.
"Sige tatawagan ko lang si Xander."
Tumango siya.
Ang anak pala nito ang nagtatrabaho.
"Pwede na kayong umalis, ingatang mabuti 'yan Xander."
Iilang sandali pa binalingan siya ng senior.
"Maghintay lang tayo ng sampung minuto magkakaroon na tayo ng update kung tuluyan na bang nakalusot ang kargamento mo."
"Good job!"
Kalkulado niya ang bawat minuto ng pagbabiyahe ng kargamento.
Alam niyang sampung minuto lang mula sa ware house makakarating na ito sa checkpoint area at makakarating sa daungan ng barko nito.
"Sampung minuto talaga impunto?" Manghang wika ng senior.
"Sampung minuto impunto darating sa daungan ang kargamento."
"Good!"
Nagsimula silang magbilang sa malaking orasang nasa dingding habang magkaharap na umupo at umiinom ng alak.
Hawak niya sa kanang kamay ang baso at nilalaro ito.
Alam niya sa oras na pumalpak siya buhay niya ang nakataya.
Magkakamatayan dito nang hindi oras kapag nagkataon!
Aaminin niyang kinakabahan siya.
Paano kung pumalpak?
Tumiim ang tingin niya sa kamay ng orasang pumipitik.
Bawat segundo ay napakahalaga ngayon.
Nasa kamay ng orasang ito ang kahihitnatnan ng mangyayari. Nakasalalay rito ang buhay niya.
Lumipas ang siyam na minuto.
Anumang sandali may tatawag na dito at malalaman na nila ang kahihinatnan ng kargamento.
Eksaktong sampung minuto ay tumunog ang cellphone ng kalaban.
"Xander? Good! Bumalik na kayo rito."
Napakangisi ang kalaban habang kausap ang anak.
Nakahinga siya ng maluwag.
"Magaling Rage! Nagtagumpay tayo!"
Itinaas nito ang hawak na basong may alak.
"I told you Roman," itinaas niya ang alak at nagpingki ang mga baso nila.
Ininom nito ang laman at siya sumimsim lamang habang nakatingin sa masayang kaaway.
Masaya ito dahil sa tagumpay na natamo at masaya rin siya dahil sa tagumpay niya.
"Wala raw kahit isang check point na humarang. Mukhang napakalakas mo hijo."
"At kung meron man, walang maghihinala na droga ang laman ng sako ng bigas. Aakalain ng lahat na bigas lamang ito.
Iyon nga lang kapag may checkpoint dapat maaga ang shipment mas kahina-hinala sa gabi."
"Bakit nga ba wala man lang humarang?"
"Iyan ang kapangyarihan ko."
"Bilib ako sa'yo bata," tinapik nito ang balikat niya.
"What's next?"
Sumeryoso ang kausap at muling umupo.
"Kapag nagtagumpay ito, gagawa kami ng marami at magkakaroon ng malakihang shipment.
Bultuhan na rin ang pag proseso nila sa ibang bansa.
Pagdating dito inumin na o hindi kaya sigarilyo.
Madali ang pera at hindi magtatago sa pagbebenta.
Walang kamalay-malay ang mga taong iinom at gagamit ng sigarilyo adik na sila!
Mamamatay ang hindi na makakatikim ulit sa bagay na ito."
Inilabas niya ang isang maliit na supot ng produkto.
Tumiim ang tingin ng kausap sa bagay na hawak niya.
" Kapag natikman na ito ng makagamit hahanap-hanapin ito ng kanyang katawan at isipan. Papasok sa kanyang buong sistema.
Subalit walang maghihinala na may droga ang iniinom niya.
Ganoon din sa sigarilyo.
Wanna hold it? " pang-eenganyo niya rito.
"Brilliant idea Roman!" Ngumisi ang kausap ngunit hindi nagtangkang humawak.
Ibinalik niya sa bulsa ang supot.
"Mantakin mo walang maghihinala! Bigla ang pagragasa ng pera natin dito kapag nagtagumpay tayo!" Masiglang wika ng kausap.
Nakita niya ang pagkislap sa mga mata ng lalake na ikinatawa niya.
Walang hindi mahuhumaling pagdating sa salapi!
"Makikita ko ba ang produkto na 'yan kapag nagtagumpay?"
"Ofcourse! Try it if you want boy!" Tinapik niya ito sa balikat.
"Matanong ko lang kailan babalik sa bansa ang produktong inumin at sigarilyo?"
"Hindi pa sigurado. Siguro isang linggo mula ngayon magkakakaroon na ng resulta."
"Good. Ngayong naipalusot ko ang kargamento mo siguro naman panahon na para ako ang pagbigyan mo Roman?"
"Ano 'yon?"
"Kailan ko makikita ang iyong pagawaan?"
"Soon Mr. Acuesta."
"Huwag mong masyadong tagalan baka mainip ako, mapurnada ang mga shipment mo."
"Akong bahala, malalaman mo agad."
"Good."
Ngumisi ang binata.
Hawak na niya sa leeg ang kaharap nang hindi nito nalalaman.
"I trust you Roman."
"I trust you too."
Sabay silang ngumisi nang maramdaman niyang tumunog ang kanyang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon.
May tawag siya.
"Excuse me Roman."
"Sure!"
Lumabas siya at tinungo ang tahimik na lugar bago sinagot ang tawag.
"Don Jaime," bulong niya.
"Gian may problema!"
"Ano 'yon?"
"Si Ellah lumayas!"