Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 90 - Chapter 90- The Veil

Chapter 90 - Chapter 90- The Veil

Dahil sa sinabi ni don Jaime ay napalipad si Gian sa tinitirhang condominium ni Ellah dis oras ng gabi.

Pagkatapos ng kanilang transaksyon ni Roman Delavega ay agad siyang nagpaalam dito.

"Salamat hijo, asahan mo hindi na magtatagal at makikita mo na ang pagawaan."

Iyon ang pinangako ng kalaban ngunit halos hindi na niya 'yon napagtuunan ng pansin.

Lumipat ang lahat ng kanyang atensyon kay Ellah na umalis daw sa tindi ng galit at poot sa abuelo.

Isa na siya sa kinasusuklaman nito.

Mas lalong nadagdagan ang takot niya sa sinabi ni don Jaime kanina.

"Gian nag desisyon siyang mag-isa at pinapasok si Tan sa kumpanya bilang investor. Tatlong bilyon ang halaga.

Sa nangyayari ngayon hindi ko maiwasang mag-isip.

Paano kung magbago ang isip niya at iwan ka?"

"Fuck!"

Hinampas niya ng kamay ang manibela.

Halos paliparin niya ang kotse makarating lang agad sa tirahan nito.

At ngayon nandito na siya sa harapan ng tirahan ng dalaga eksaktong alas dose ng hating gabi.

Tinakbo niya ang parking area papasok sa ground floor.

Salamat kay Jen na sinabi ang lahat ng detalye kay don Jaime kaya natunton niya agad.

Sinabi pa ng don na may ultimatum na siya hanggang ngayong gabi para magpakita bilang Gian Villareal.

Ngunit nandito nga ba siya para umamin?

Sa kabila ng banta ni Ellah at ng takot niya ay hindi niya magawang isugal ang pagkakataong hawak na si Delavega.

Malapit na siyang magtagumpay. Kunting tiis na lang.

Isinugal na niya lahat, ang mga plano nila ni Isabel at ng ka grupo nito, ang relasyon niya kay Ellah at ang buhay niya.

Wala siyang itinira para lang maabot ang pangarap na mapabagsak ang kalaban.

Ngayon pa ba siya bibitaw?

Mariin siyang umiling bago bumaba ng sasakyan at tinungo ang gusali.

Hindi siya nandito para umamin.

Nandito siya para magsinungaling... ulit.

Kahit alam na ni Ellah na buhay si Gian hindi nito alam na nagpapanggap siya bilang Rage Acuesta.

Ganito na ang ginawa ni Ellah gayong nalaman lang nito na buhay pa si Gian ano pa kaya kung malalaman nito na siya talaga si Gian at nagpapanggap lang bilang Rage Acuesta?

Iyon ang mas kinatatakot niya.

Paano kung kamuhian siya nito at kasuklaman?

Nandiyan nga ang abuelo nito na nasa panig niya pero anong magagawa nito kung ayaw na ng apo?

Hindi pa napapanahon para sa pag-amin.

Hindi pa ngayon.

Makasarili at gago.

Iyon ang tingin niya sa sarili ngayon dahil nasasaktan niya si Ellah subalit hindi pa rin niya maamin ang totoo.

Mas sasaktan pa niya ito pagdaan ng araw.

Hanggat hindi siya nagtatagumpay laban sa kalaban ay hindi niya magawang umamin sa katotohanan.

Sa tamang panahon sasabihin niya rin ang lahat.

Hiling niya lang ay sana maintindihan siya ni Ellah.

Magkakagulo ang lahat kapag nalaman nito ang totoo sa hindi tamang panahon.

Madadamay ang kanyang plano laban sa kalaban at iyon ang ayaw niyang mangyari.

Nauuna na siya ng hakbang sa lahat.

Ngunit paano kung... mapaamin siya ngayon nang hindi oras?

Dahil sa naiisip ay parang gusto na lang niyang bumalik sa kotse at hayaan na lang ang lahat.

May gwardya roon na nakatayo sa gilid at huli na para umiwas.

Nakita na siya nito.

"Maayong gabie sir, unsay tuyo?"

Hinarap niya ito.

"Nandiyan ba si Ellah Lopez?"

Sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Anong kailangan niyo?"

"I just want to talk to her."

"Dis oras na ng gabi sir bumalik ka na lang bukas."

Agad uminit ang kanyang dugo sa narinig.

"I won't unless I'll see her. Let me see her!"

"Sir, nakainom ho yata kayo pakiusap bukas na lang," mahinahon pero matigas na wika ng gwardya.

"No!" sigaw niya. "Palabasin mo siya kung ayaw mong gibain ko itong gusali ninyo!" Sinipa niya ang poste sa gilid niya.

"Huwag kayong mang-eskandalo dito!"

Sa galit ay bigla niyang hinila ang kwelyo ng lalaki.

"Hindi mo ba ako kilala ha!"

"Sino ka ba?"

"I'm his fucking boyfriend!" singhal niya sa mukha ng lalake.

"Kung gano'n kayo ba si Gian Villareal?"

Umawang ang bibig ng binata at nabitiwan niya ito sa pagkabigla.

Inayos nito ang kwelyo.

Tinitigan niya ng matalim ang gwardya.

Nakilala ba siya nito?

Paano?

Alam ba nito na wanted siya?

Tumahip ang kanyang dibdib sa tindi ng kaba.

Kapag nagkataon ay itong walang kwentang gwardya na ito ang magpapalaglag sa kanya!

Sandali... Isa ba itong espiya!

Umalerto ang kanyang pakiramdam.

Baka may sniper na nakaabang sa madilim na parte ng gusaling ito!

Gano'n pa man kailangan niyang makumpirma.

"How could you say that?"

"Ang mga nakatira dito ay mga kilalang tao sa lipunan lalo pa ang mga Lopez.

Kilala ng lahat si Ms. Lopez at si don Jaime. At kung sino man ang nauugnay sa kanila ay nakikilala rin.

Ang pagkakaalam ko ang kanyang mapapangasawa ay si Gian Villareal ngunit nawala na ito pagkatapos maging wanted.

Kung hindi ikaw si Villareal ibig sabihin may iba na pala siya na hindi ipinaalam sa publiko."

Napatayo nang tuwid ang binata.

Kilala sa lipunan ang mga Lopez kaya hindi nakakapagtakang pati siya makilala rin kahit sa pangalan lang.

Hindi niya agad mahagilap ang tamang sasabihin dahil sa narinig.

Nalaman lang nito kung sino siya dahil sa sitwasyong kinasasangkutan niya noon.

Hindi talaga siya nito totoong kilala.

Natakot siya nito akala niya isa itong espiya.

Tsismoso lang pala.

" I am Rage Acuesta," pagpapakilala niya.

Umangat ang tingin nito sa kanya.

"The real Rage Acuesta? Second rank sa mga pinakamayamang tao sa buong Zamboanga?" may pagkamangha sa tono ng kausap.

Itinaas niya ang noo at naglabas ng ten thousand cold cash sa kanyang wallet at inilapag sa mesa nito.

"Now let me in."

"Mr. Acuesta sir, may ID ho ba kayo?"

Mabilis niyang dinukot ang pitaka sa likod ng pantalong maong na suot at ipinakita rito.

Sinipat nito ang kanyang driver's license.

"Ipapaalam ko kay Ms. Lopez na nandito kayo."

"Dapat kanina mo pa 'yan ginawa!"

"Sandali lang po," nagkukumahog ito sa pagkausap ng kung sino.

"Pre, pakisabi may naghahanap kay Ms. Lopez, alam kong tulog na pero ayaw paawat ng nandito. Sige na! Gigisingin mo lang naman! Sabihin mo Rage Acuesta!"

Pagkuwan ay binalikan siya nito.

"Ayos na sir, ihahatid ko kayo sa elevator. Nasa tenth floor ang unit niya panglima mula sa kanan."

Tahimik siyang tumango at pumasok sa elevator.

Nang magsara ito ay pinindot niya ang palapag kung nasaan ang dalaga.

Habang nasa loob ng elevator ay tiningnan niya ang relong suot.

Malapit ng mag-ala una!

Napaisip siya kung itutuloy pa ang pakikipagkita o hindi na lang.

Una, ang ultimatum ay tapos na at hindi siya nakaabot.

Pangalawa, anong iisipin nito kung susugod siya ng madaling araw sa katauhan ni Rage Acuesta?

Hindi ito maniniwala kapag nagsinungaling siya at sinabing hindi siya si Gian.

Ano nga ba ang ginagawa ng isang gaya ni Rage Acuesta sa dis oras ng gabi gayong ang pagkakaaalam nito pinsan lang siya ni Gian at isa lang sa mamuhunan ng kumpanya ng mga ito.

Pangatlo, magtataka ito kung paano niya nalaman kung saan ito nakatira?

Kapag sinabi niyang dahil sa abuelo nito mas lulutang ang paniniwala nitong siya nga si Gian.

Bakit nga ba naman magbibigay ng impormasyon ang isang don Jaime Lopez sa isang Rage Acuesta lang?

Kapag sinabi niyang inalam niya ng kusa ay maghihinala ito sa kanya at mawawalan ng tiwala.

Kapag sinabi niyang siya si Gian gayong ang katauhan niya ay isang Rage Acuesta mahuhuli siya sa sariling bitag!

Mapipilitan siyang aamin na nagpapanggap lang siya.

Kapag nagkataon mahuhuli nga siya ngayon.

"Shit!"

Mabilis niyang pinindot ang button ng elevator pababa gayong nasa ninthfloor na siya!

"Shit!"

Pinindot niya nang pinindot ang button na para bang bibilis ito kapag ginawa niya ang ganoon.

Desperado siyang makababa agad kasi paano kung tinawagan na si Ellah at sinabing nandito siya?

Sino ang ipapakilala niyang katauhan?

Hindi niya pwedeng ipakilala ang sarili ngayon bilang Gian Villareal kung ang porma at anyo niya ay isang Rage Acuesta!

"Fuck shit!"

Hindi rin niya pwedeng ipakilala ang sarili bilang Rage Acuesta gayong ang inaasahan nitong darating ngayong gabi sa ultimatum na ibinigay nito ay si Gian Villareal!

"Fuck!"

Nasa fifth floor pa lang siya.

Napapalunok ang binata sa tindi ng kaba at sari-saring isipin kapag nalaman ni Ellah na nandito siya!

Dismayado at pagsisisi ang nararamdaman niya ngayon na parang gusto niyang batukan ang sarili.

Masyado siyang padalos-dalos sa desisyon kapag sangkot na si Ellah.

Nakakalimutan niya ang ibang bagay kapag ito na ang pinag-uusapan.

Ang resulta ngayon ay halos mamutla siya sa takot.

Ang dasal niya lang ay sana hindi nito alam na nagpunta siya.

Nadala siya ng banta ni Ellah kayat nagkukumahog siya papunta rito nang hindi nag-iisip!

Mabuti na lang pala at nag sagutan pa sila ng gwardya.

Paano na lang kung nagkausap sila ni Ellah?

Kaya niyang magsinungaling ang tanong kaya pa ba niya itong paniwalain?

Panay ang mura ng binata habang pababa ang lift.

Hanggang sa tuluyan na siyang makalabas kaya mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan ng gwardya.

Agad naman niya itong nakitang nakaupo roon.

"Sir! Hindi niyo ba nakausap sandali ipapa-"

"NO!" Dumangundong ang kanyang sigaw sa apat na sulok ng ground floor.

Umawang ang bibig ng kaharap.

Hinaklot niya ang damit ng lalake na ikinabigla nito.

"Huwag mong sabihing pumunta ako rito. Huwag na huwag naiintindihan mo!"

"Bakit sir?"

"Basta! Kapag nagtanong siya o kahit sino pa wala kang sasabihin!"

"S-sige ho."

"Sandali nalaman na ba niyang nandito ako?"

"Hindi pa. Pupuntahan pa lang ng kasama ko. Hindi kayo nagkita sa unit?"

"Huwag mo ng ituloy!"

Binitiwan niya ang lalake.

"Sige ho." Pinindot nito ang earpiece sa tainga.

"Pre huwag mo na raw ituloy. Ayaw na niya. Sige na salamat."

"Wala na? Ayos na?" panigurado niya.

"Yes, sir. Ayos na ho."

"Salamat," aniya at tumalikod subalit bigla ring lumingon.

"Anong pangalan mo?"

"Jose Mangubat ho."

"Ang kasama mo?"

"Thomas Castillo."

Tumango siya at tumakbo palayo.

Panay ang mura ng binata habang pabalik ng sasakyan.

"Shit Gian! Shit!"

---

Nasa opisina si Ellah at inaatupag ang napakaraming papeles sa mesa.

Kahit masama ang loob at walang gana kinabukasan ay kailangan niya pa ring magtrabaho.

Maraming mga dokumento ang kailangan niyang pirmahan.

Walang lugar ang panghinanakit niya na hindi man lang tinawagan ng abuelo o wala man lang Gian Villareal na dumating kahit pang- ultimatum na niya kagabi wala talagang halaga.

Wala na siyang halaga sa dating kasintahan.

Kakalimutan na rin niya ito.

'Bakit ko pag-aaksayahan ng panahon ang taong wala namang panahon sa akin?'

Inangat niya ang sleeve ng red coat patungong siko dahil naiinitan siya.

Gaya ng dati ang kanyang suot ay american suite for women color red lang ngayon.

Mag nagmukha siyang matapang at maawtoridad sa porma.

Kanina sa entrada ay nakayuko agad ang mga tauhan at mabilis na gumigilid noong siya ay naglalakad na.

Nakataas ang noo at deretso ang tingin.

Ganoon naman talaga siya noon.

Nagbago lang ng kaunti noong nandito pa si Gian pero anong nangyari?

Bumaba ang tingin sa kanya at inisip na isa siyang mahinang babae at walang kakayahan.

Ngayon, wala siyang pakialam kung masama na ang tingin sa kanya ng karamihan ang mahalaga igagalang siya at ang kanyang desisyon dahil siya ang boss!

Bumukas ang pinto.

Inangat niya ang tingin doon.

"Ms. May papirmahan lang," ani Jen at pumasok.

"What's that?"

"Request documents miss."

Binasa niya ang papeles at pinirmahan.

"You can go."

"Ms. matanong ko lang, pumunta ba si don Jaime sa condo mo kahapon o kagabi?"

Kumunot ang kanyang noo.

"Hindi, bakit?"

"Ah kasi nagtanong siya kung saan ka eksaktong nakatira kaya sinabi ko. Akala ko binisita ka niya."

Nanlaki ang kanyang mga mata.

" Sinabi mo kung saan ako nakatira? "

" Oo bakit? "

Hindi niya ipinaalam sa abuelo kung saan siya lilipat pero itong isa sinabi na!

"What the hell Jen!" sigaw niya na ikinabigla ng babae.

"B-bakit?"

"Naglayas nga ako 'di ba tapos sinabi mo kung nasaan ako?"

"S-sorry kasi akala ko gusto mo lang lumayo at hindi magtago. Sana sinabi mo rin na dapat walang makaalam."

Bumuga siya ng hangin sa pagkairita.

Oo kasalanan niya pero maano bang hindi nito sinabi ang bago niyang bahay?

"Umalis ka na," malamig niyang wika.

"Sorry Ms."

Hindi siya sumagot hanggang sa tuluyang nakaalis ang sekretarya.

Sana lang walang ibang nakaalam bukod sa magaling niyang lolo.

O baka naman nagpunta nga ito hindi lang siya kinausap? O baka nagpamanman ng mga tauhan.

'Kilala ko si lolo, hindi siya papayag na hindi ako masundan ng mga tauhan niya.'

Naalala niya noon na nagtagal lang sa bahay ni Gian ay agad na siyang pinasundan.

Pero aamin ba 'yon kapag

tinanong?

Isa pa ayaw niya itong kausapin.

Iisa lang ang paraan para malaman niya.

Hindi bale ng magmukha siyang tanga huwag lang makausap ang abuelo!

---

"Magandang hapon don Jaime. Ipinatawag niyo raw ako?"

Tiningala ng don ang lalaking nasa harap.

Mabuti naman at hindi ito naka uniporme ng pang PDEA.

Naka puting t-shirt at itim na pantalon ito.

"Yes, Vince pinatawag talaga kita."

Nagtataka man ay umupo si Vince sa tabi ng don sa mini-garden sa mansyon.

Nagkakape siya roon.

"Kape gusto mo?"

"Huwag na ho."

Nilingon niya ang kanang-kamay na si Ben sa hindi kalayuan.

"Ben, magpadala ka ng makakain dito, siguradong gutom itong bisita ko."

"Yes po don Jaime," tumalima ito at umalis.

Ngayon silang dalawa na lang.

Humigop siya ng kape bago nagsalita.

"Mabuti naman at pinaunlakan mo ako hijo, kumusta ka na?" Pinagmasdan niya ito na nakaupo ng tuwid sa kanyang harapan.

"Ayos lang ho, wala pa namang misyon. Kayo ho ba rito kumusta?"

Umupo ng tuwid ang don.

"Medyo hindi maayos, may natuklasan kaming espiya ni Roman dito at ngayon iniwan ako ni Ellah."

"Ho? Espiya!" Nanlalaki ang mga mata ni Vince sa narinig.

"Sino? Nasaan na?"

"Wala na hijo, inayos na namin ni Gian."

"Wala siyang nabanggit tungkol diyan. Anong nangyari? Mabuti hindi kayo napahamak?"

Ramdam niya ang pag-aalala ng binata sa nakikitang anyo nito subalit ngumiti lamang siya ng tipid.

"Maayos na, iba ang dahilan ng sadya ko sa'yo Vince."

"Sige ho ano 'yon?"

"Tungkol kay Raven Tan."

"Na naman?" hindi makapaniwalang sambit ni Vince. "Pinatambangan na namin 'yan noon ah?"

Kumunot ang kanyang noo. "Pinatambangan kailan? Saan?"

"Ha? Hindi niyo pala alam 'yon? Wala na 'yon don Jaime matagal na."

"Kailan Vince at sinong kasabwat mo?"

Nakita niya ang paglunok ng kausap. "K-kuwan ho, si Gian-"

"Kailan?"

"Noong teka, bakit hindi ipinaalam ni Gian?"

"Kailan Vince?" seryoso niyang ungkat, may hinala na siya kung kailan 'yon.

"Noon hong ano, " kumamot ito ng ulo.  Naghintay siya ng sagot. "Noong pina date niyo ho ang inyong apo sa kanya noon sa restaurant."

"Kaya pala hindi natuloy, kayo pala ang may kagagawan noon?"

"Si Gian ang nagplano don Jaime, siya ang master mind noon ah hindi ako! " depensa nito. "Isa pa, si Ellah ho ang nag-utos kay Gian."

Napaawang ang kanyang bibig at sa huli ay umiling na lamang ang don. Alam niyang ito na nga ang tinutukoy ni Vince. Hindi lang niya alam na magkasabwat ang apo niya at ang gwardya nito noon.

"Hayaan mo na, naiintindihan ko. Ngayon umaaligid na naman sa apo kahit hindi ko inutusan. Katunayan ay nag-invest pa nga sa kumpanya na hindi ko alam,  desidido talaga kay Ellah.

Alam kong ginagamit lang niya ang kahinaan ng apo ko na kailangan nito ng mamumuhunan."

"Namuhunan?"

Tumango ang don at huminga ng malalim.

"Alam ko ang estratehiya ng mga intsik na 'yan. Kalaunan sila na ang namamahala sa kumpanya mo kahit hindi naman nila inagaw sa' yo.

Kaya hindi ako nagkukuha ng mga intsik na mga investor dahil diyan.

Tapos itong si Ellah kinuha ang Tan na 'yon, tsk." Dismayadong napailing ang don.

"Anong gagawin sir?"

"Bigyan mo ng kunting leksyon. Ikaw na ang bahala sa gagawin mas alam mo kasi alagad ka ng batas, basta huwag mo lang tuluyan.

Gusto ko lang umalis siya sa kumpanya at huwag ng manggambala pa."

"Areglado don Jaime. Nakakainit nga talaga ng dugo ang Tan na 'yan.

Hirap na nga ang kaibigan ko sa paghihiwalay nila ni Ellah sumisingit pa ang ugok na' yon."

Natawa ang don.

Mula sa gilid ay kinuha niya at inilagay ang isang puting sobre sa ibabaw ng mesa.

Hindi na sana dapat dinadamay si Vince dito kaya lang hindi niya mahawakan ang apo ngayon dahil siya mismo ay may kasalanan dito.

"Sinasabi ko na nga ba't ikaw talaga ang bagay sa plano ko. Huwag mo akong biguin Vince."

Marahan niyang itinulak ang envelop palapit dito.

"Ano ho 'yan?"

"Sabihin na lang nating pagpapasalamat ko."

Tumawa si Vince.

"Don Jaime, wala pa akong ginagawa. Isa pa kahit hindi niyo ako bayaran gagawin ko talaga dahil naagrabiyado na ang kaibigan ko. Hindi lang talaga niya sinabi sa akin ang tungkol dito.

Sandali alam ba ni Gian ang tungkol sa Tan na 'yon? "

"Alam niya kagabi ko lang din sinabi."

Tumayo na ito.

"Sige ho don Jaime aalis na ako."

"Sige, dalhin mo na itong envelop."

"Saka na lang don Jaime kapag nagawa ko na."

"Vince ayaw kong tinatanggihan pakiusap kunin mo na."

Kumamot si Vince sa ulo bago binalikan ang sobre.

"Salamat ho don Jaime."

"Sige, ingat ka."

"Salamat ho." Patalikod na ito nang biglang lumingon. "Nga pala, anong plano ninyo kay Isabel at mang Isko don Jaime?"

Kumunot ang kanyang noo at bahagyang nalito.

"Plano saan?"

"Doon ho sa dalawa, ang pamilya nila ang may kagagawan ng pagkamatay ng inyong anak, hindi ba?" takang tanong nito.

Binundol ng kaba ang don sa narinig.

"Anong sinabi mo?" Biglang naging mapanganib ang tono ng don na ikinabahala ni Vince.

"Sandali hindi niyo alam? " gulat na gulat na tanong nito.

"Totoo ba 'yan?"

"Ha? A- ano ho..." nangapa bigla ng sasabihin si Vince namutla ito.

"Sigurado ka ba diyan Vince? Ang mag-ama na 'yon ang dahilan ng pagkamatay ng anak ko!"

Lumarawan ang matinding poot sa mukha ng don.

Nanginginig ang kanyang kalamnan at humigpit ang hawak sa upuan.

Napalunok si Vince sa nakikita.

"Bakit hindi sinabi ni Gian sa inyo?" Nagtatakang tanong ng binata.

Bigla niyang hinablot ang braso ng kaharap.

"Si Gian? Alam niya 'to?" gigil niyang napisil ang braso nito.

Mas tumindi ang galit na kanyang nararamdaman na parang gusto niyang pumatay ngayon!

"Talaga bang hindi niya sinabi don Jaime? Imposible!" halos sigawan ni Vince ang don.

Natigilan siya sa naisip.

"Sinadyang patayin ang inyong anak at ang pumatay ay pinatay rin pagkatapos gawin ang inutos sa kanya."

"Ang sabi ni Gian kilala niya ang salarin pero hindi niya sinabi kung sino."

Hinarap niya si Vince.

"Ang mag-amang iyon ba ang gumawa?"

"Hindi ko alam kung bakit hindi sinabi ng kaibigan ko pero ang anak ni mang Isko ang salarin."

"Sino?"

"Don Jaime, si Gian ho yata dapat magsabi sa inyo?" alanganing tugon nito.

"Ikaw ang nandito! Siya man o ikaw ang magsabi parehas lang 'yon walang ipinagkaiba. Sabihin mo sino ang pumatay sa anak ko!" 

"Don Jaime..."

Tumiim ang tingin niya sa kaharap.

"Vince, kung pinagkakatiwalaan ko ang kaibigan mo ay gano' n ka rin. Huwag mo sana akong biguin.

Alam mo kung ano ang totoo at gusto kong malaman ipagkakait mo ba? Hindi mo ba ako mapagbibigyan?"

"Ang dating driver ng inyong anak don Jaime."

Natigagal ang don sa narinig.

Ang buong akala niya dati ay nasangkot ito sa aksidente at binawian ng buhay.

"PUNYETA! BEN!"

Nagkukumahog sa paglapit ang tinawag. "Bakit po don Jaime?"

"Tawagan mo si Ellah, pauwiin mo ngayon din!"

---

Kausap ni Ellah ang gwardya ng condominium na tinitirhan upang kumpirmahin kung hindi nga ba siya dinalaw ng abuelo.

"Hindi po nagpunta si don Jaime dito ma'am."

"Talaga?" Naalala niya si Gian. " Kahit sino mang Thomas wala talagang naghanap sa akin?"

Saglit itong nag-isip. Si mang Jose ang close niya rito kaya lang off duty nito ngayon. bago nagliwanag ang anyo. "Meron palang isang lalakeng nagpunta dito madam!"

Namilog ang kanyang mga mata. "Sino?"

"Hindi ko ho matandaan eh, teka ano nga ba 'yon?" bahagya itong tumingala. 

"Gian Villareal?" hula niya.

"Hindi eh, teka sino nga ba 'yon? Ah alam ho ni Jose 'yon sandali!" Umalis ito at may kinausap sa cellphone.

Nanghina naman ang dalaga nang malamang hindi si Gian. Wala na siyang ibang maisip na dumalaw sa kanya maliban sa abuelo at sa kasintahan.

Tumunog ang kanyang cellphone kaya tiningnan niya kung sino. Nang malamang ang abuelo lang ay hindi niya pinansin.

"Madam, alam ko na kung sino!" masayang wika nito.

"Sino raw?"

"Acuesta.  Rage Acuesta!"

"Talaga? " kunot ang noong tanong niya.

"Madam, may tumatawag yata sa inyo?"

Bagama't nagtataka ay hindi na siya makapag concentrate sa pakikipag-usap dahil sa ingay ng cellphone.

Sinagot niya ito. "Bakit?" malamig niyang bungad.

"Umuwi ka na may sasabihin akong mahalaga-"

"Then tell it now."

"Ellah! Uuwi ka ngayon tungkol ito sa mga magulang mo!" 

Kumabog ang kanyang dibdib.  "Anong tungkol sa kanila?"

Bagama't masama ang loob sa abuelo ay kailangan nga yata niyang umuwi. 

"Nalaman na kung sino ang may kagagawan ng pagkamatay nila."

Namutla ang dalaga at halos marinig na ang tunog ng dibdib.

"Anong ibig niyong sabihin? Aksidente 'yon lolo-"

"Iyon ang akala natin, sinadya pala!"

---

"Gian totoo ba ang sinabi ni Vince?" 

Bahagyang natigilan ang binata dahil matigas ang tono ng don.

Kausap niya ito sa cellphone dahil tinawagan siya nito.

Kasalukuyan naman siyang nagbabyahe patungong Pagadian para asikasuhin ang mga negosyong pag-aari.

"Tungkol saan ho?"

"Si Isabel ba at ang ama niya ang may kagagawan ng nangyari sa anak ko?"

Natahimik siya at tumahip ng husto ang dibdib.

Kung gano'n alam na nito.

"Ano Gian? Totoo ba!"

Wala na siyang magagawa kung hindi ang sabihin ang totoo.

"Oho, don Jaime."

" Bakit hindi mo sinabi?"

Napapikit siya nang maramdaman ang galit at pait sa tono ng kausap.

"Pasensiya na ho-"

"Huwag mong sabihing nakalimutan mo lang ang ganito kalaking impormasyon? Bakit hindi mo sinabi!"

"Don Jaime, patawad po kung hindi ko naipaalam agad, alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko ang totoo ho kasi hindi ko alam kung paano sasabihin sa inyo. Si mang Isko at Isabel ang nagligtas sa akin noon. 

Tinanaw ko 'yong utang na loob. Pero noong malaman kong may kinalaman sila sa nangyari sa inyong anak ay hindi ko na sila isinali sa misyon."

Tumahimik siya at nakinig sa sasabihin ng don pero hindi ito nagsalita.

"Don Jaime, nahihiya ho ako sa inyo."

"Tama ka, walang kapatawaran ang ginawa mo  kaya hindi ko ito mapapalagpas. Kahit iniligtas ka nila, pinatay nila ang anak ko."

Sa pagkakataong ito, siya naman ang natahimik.

"Dalhin mo sa akin ang mag-amang 'yon Gian. Kapag nagawa mo palalagpasin ko ang atraso mo. Kung hindi pa sinabi ni Vince hindi ko malalaman. Gian isipin mo ang kaibigan mo nadulas at nabanggit ang tungkol sa anak ko, inakala niyang sinabi mo sa akin gayong hindi."

Tila may tinik sa kanyang lalamunan dahil sa konsensiyang nararamdaman.

"Oho don Jaime. Dadalhin ko sila sa inyo."

"Siguradong hindi rin ito mapapalagpas ng apo ko."

Napapikit siya. 

Sa ilang saglit lang doble-doble ang problema.

At wala siyang magagawa ngayon kung hindi ang ipaubaya ang mag-ama sa taong pinakamaimpluwensiyang tao sa lugar.

Hindi na niya hawak ang pagkakataon ngayon.

Sa halip na pumunta sa negosyo ay dumeretso siya sa tirahan ng mag-ama.

---

Don Jaime nandito na ho si Ms, Ellah!" anunsiyo ng kanang kamay na si Ben.

Parang naulit lang ang ginawa niyang paglisan noon sa mansyon sa magkaibang dahilan ngunit iisa ang punto galit siya sa abuelo.

Napasugod siya dahil sa sinabi ng don na sinadyang patayin ang mga magulang niya.

"Nasaan siya?" matigas niyang tanong.

"Sa study room po Ms."

Dumeretso siya roon at inabutan ang don na nakatayo at halatang may hinihintay.

"Mabuti nakauwi ka. "

"Totoo bang pinatay ang magulang ko? Sino ang pumatay!"

Hindi sumagot ang don na mas lalong ikinairita niya. 

"Sabihin niyo!" singhal na niya.

"Ang driver ng mga magulang mo."

Namutla ang dalaga.

Mabait ito sa kanyang pagkaalala kaya paanong ito ang pumatay.

"Hindi natin kilala ang taong 'yon. Isa siyang kriminal!

Nilinlang niya tayo maging sa kanyang pangalan, dahil ang totoo ay siya si Francis Alvar."

Alvar?

Pumikit siya at inisip kung saan ba niya ito narinig.

"Sina Isko at Isabel ang pamilya niya, sila ang pumatay sa mga magulang mo, " matigas na wika ng don.

Nagimbal ang dalaga sa narinig.

Tila hindi siya makapaniwala.

Hanggang sa unti-unting pumasok sa kanyang sistema ang katotohanan.

Si Isabel na kasintahan ng pinsan ni Gian!

"Pero hindi ba namatay din naman ang driver nila mama noon?"

"Hindi sa aksidente, dahil pinatay siya."

"Pinatay?"

Matalim ang tingin ng don sa sa kawalan.

"Pinatay ni Roman Delavega."

Nayanig ang dalaga sa narinig.

Ngunit bigla rin siyang nanghina.

"A-ano?"

"Tauhan siya ng kalaban. Ayon sa nakuhang impormasyon ni Vince, pinatay ang mga magulang mo isang taon bago ko mapatay ang asawa ni Roman.

Ibig sabihin mas nauna niyang patayin ang mga magulang mo kaysa sa pagpatay ko sa asawa niya.

At ang ginamit niya sa pagpatay ay ang mga Alvar. "

"Mga hayop!

Siguradong ang mag-ama na 'yon ay posibleng tauhan din ni Delavega!"

"Posible.

Inilihim nilang mag-ama ang ginawang pagpatay sa mga magulang mo.

Kung hindi pa natuklasan ni Vince at ni Gian ay hindi natin malalaman ang totoo."

Kumunot ang kanyang noo.

"Si Gian?"

Tumango ang abuelo.

"Sila ang nakatuklas, pero hindi sinabi ni Gian sa akin, si Vince lang."

Sa nangyayari ngayon ay bigla siyang nalito.

"Bakit hindi niya sinabi?"

Biglang tumahimik ang abuelo.

Hinarap niya ang matanda.

"Lolo, bakit inilihim ni Gian? Bakit!

Mga magulang ko ang sangkot dito kaya bakit hindi niya ipinaalam? "

Halos mag hysterical siya sa nalaman.

"Hija, sa palagay ko si Gian lang ang makakasagot ng tanong mo."

"Bakit? Hindi niyo ba itinanong 'yan? Lo naman! Hindi niya sinabi at wala siyang balak sabihin! Kung hindi dahil kay Vince ay hindi pa natin malalaman! Hindi ko na naiintindihan ang taong 'yan!"

"Hija, siya naman ang nakatuklas sa-"

"Siya nga! Pero inilihim niya rin!"

Natahimik ang abuelo.

"Siguradong may dahilan

'yon kung bakit inilihim niya pero kahit ano pa 'yon, hindi ko matatanggap!"

"Hindi ko rin matatanggap."

Tumiim ang kanyang tingin sa kawalan bago muling nagsalita.

"Sabihin niyo kay Villareal, iharap sa atin ang mag-amang 'yon."

"Iyon din ang gusto ko."

Sa pagkakataong ito hinarap na niya ang abuelo.

"Siya mismo ay dapat magpakita na rin sa akin. Ang tapang ng kanyang hiya kung hindi pa rin siya magpapakita."