Pakiramdam ng dalaga nawawalan siya ng lakas at tila nanghihina, hanggang sa ipikit niya ang mga mata.
Humigpit ang pagkakapit niya sa damit nito.
Dinama ang labi ng lalaking hindi niya kilala.
Napaluha siya.
Alam na alam niya kung paano humalik si Gian.
Maging ang lasa ng labi nito ay nakatatak sa kanyang puso at isipan kaya isang bagay ang sigurado siya ngayon.
Ang lalaking ito ay si Gian!
Ang kanyang pinakamamahal na Gian.
Bagama't sigurado siyang ito na nga si Gian, palagi nitong iginigiit na hindi ito ang kanyang kasintahan.
Lahat din sa paligid niya nagsasabing hindi ito si Gian at masakit iyon sa kanya.
Niloloko siya at ginagawang tanga.
Nag-ipon siya ng lakas at kahit masakit sa kanya, itinulak niya sa dibdib ang isang Rage Acuesta.
Nakawala siya ngunit hinapit nito ang kanyang katawan at niyakap ng husto.
"Ellah please huwag mo akong iwan please."
Ramdam niya ang pagsusumamo nito ngunit tinatagan niya ang loob.
"Bitiwan mo ako."
"Hindi," mas humigpit pa ang pagkakayapos nito.
Naramdaman niya ang unti-unting pagkilos ng mga labi ng lalaki, kumawala siya sa halik.
"Kung hindi ikaw si Gian..." matalim niya itong tinitigan, " kinamumuhian kita," mariin niyang pagbabanta kahit wala ng lakas ang boses.
Ito mismo ang kusang kumalas.
Napapikit siya sa sakit na nadarama.
Bakit hindi nito magawang umamin sa kanya?
Ano ang pinakamatinding dahilan?
Tunog ng cellphone ang nagpabalik sa kanya sa sarili.
Halos manginig ang kanyang mga tuhod nang tinungo ang mesa at sinagot ang tawag.
"H-hello Raven?"
"I'm here Ellah, open the door."
Tinungo niya ang pinto at binuksan.
Bumungad si Raven Tan na halatang hindi maganda ang mood.
"Sorry kung na late ako. Na detain ako sa LTO ang tagal ko doon pinagmulta lang naman pala! Peste. Tapos na ba?"
"Oo," niluwangan niya ang pinto. "Pasok ka."
"Sorry," pumasok ito.
Napansin nito ang isa pang lalaki sa loob ng opisina.
"Mr. Acuesta what are you doing here?"
Hinintay niya ang pagsagot nito ngunit tuluyan itong tumalikod at tinungo ang pinto.
"Ano bang nangyari?" baling niya kay Raven.
"I don't understand what the hell is going on.
Kanina may humarang sa akin at pinagbabaril ang gulong ng kotse ko.
Akala ko mamamatay na ako napagtripan lang pala ang gulong.
Nagpakuha pa ako ng bagong sasakyan.
Tapos noong malapit na ako sa opisina ninyo ay hinarang naman ako ng traffic enforcer. Ang tagal ko doon ang sabi magbayad lang pero ang tagal akong pinakawalan. "
Lumingon si Acuesta kaya nagtagpo ang kanilang tingin.
Tumiim ang tingin niya rito at hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang lihim nitong pagngisi bago tuluyang umalis.
" I know you thought it's lame but it's true Ellah. "
" Naniniwala ako Raven," tugon niyang nakatingin sa pintuan. "Alam kong nagsasabi ka ng totoo."
"Thank you for believing me Ellah."
Sigurado siyang may kinalaman ang Acuesta na 'yon sa nangyari kay Raven dahil ito si Gian.
---
Napailing si Gian.
Kahit talo siya ngayon panalo naman siya sa pagiging mamumuhunan ng kumpanya ng mga Lopez.
Alam niyang may hinala si Ellah na may kinalaman siya sa nangyari kay Tan at hindi ito nagkakamali.
Hindi niya ito malalaman at magagawa kung hindi siya tinulungan ni don Jaime kagabi.
"Gian, ayaw kang makita ng apo ko ang gusto niya ay si Raven Tan."
Nagtiim ang kanyang bagang sa narinig.
"Ayaw niyo rin ho ba don Jaime?" tugon niya sa tawag nito kasalukuyan siyang nasa bagong tinitirhang condominium.
Lumipat siya sa mas ligtas na lugar bilang paghahanda sa nalalapit na resulta.
Maluwag siyang nakakagalaw dahil pinauwi niya si Isabel sa Pagadian.
Tumanggi pa ito ngunit tinakot na niyang iwan ito kapag hindi sumunod.
"Gusto ko ikaw, kaya mo bang gawaan ng paraan?" tanong ng don.
"Magagawa ko ho, ako ang makikita ninyo bukas."
"Magaling aasahan kita."
Ito na lang ang huling pagkakataon niya upang magkaroon ng koneksyon kay Ellah.
Kahit sa pamamagitan man lang ng salapi ay makuha niya ang loob nito.
Kinabukasan inihanda niya ang isang bagay na tiyak niyang ikapanalo laban sa karibal.
Kagabi pa lang inisip na niya ang mga dapat gawin.
Lahat ng tulong na kailangan niya ay ibinibigay ng don kasama na ang mga tauhan nito.
May mga tauhan na rin naman siya ngunit kailangang mapagkatiwalaan kapag may kinalaman kay Ellah.
Kaya ang taong kailangan niya ay dapat manggagaling kay don Jaime.
Alas otso ang pagtitipon.
Alas singko pa lang kinausap na niya ang tauhan.
"May ipapagawa ako sa'yo, kilala mo si Raven Tan hindi ba?"
"Kilala boss."
Inutusan niya itong abangan sa tinitirhan nitong condominium si Raven Tan.
Binigyan niya ito ng maliit na papel at may nakasulat na address.
Salamat kay Vince na may record noon kay Raven Tan.
"Anong gagawin boss?"
"Kailangang hindi siya makarating sa opisina ng mga Lopez."
Tumalim ang tingin nito.
"Itutumba ko ba?"
Umiling siya.
Ayaw niyang pumatay kapag simply lang ang dahilan.
Bago mag-alas syete ay tinawagan niya ang don upang magtanong ng ilang bagay.
"Don Jaime ano ho ba ang suot ng apo ninyo?"
"Naka jacket o blazer yata na pula, naka itim na blouse at maging ang palda itim ah naka sandal ng pula."
"Sige ho salamat."
"Bakit mo nga pala naitanong hijo?"
"Babagayan ko ho ang suot ng inyong apo. Wala ng babagay sa kanya kundi ako hindi ho ba don Jaime?"
"Ah, oo naman, ikaw lang hijo wala ng iba."
Maswerte pa rin siya dahil nasa panig niya ang abuelo ng kasintahang lumalamig na.
"Buloy ano ng nangyari?" kausap niya sa cellphone ang tauhan habang nagmamaneho patungo sa opisina ng mga Lopez.
Alas siyete na ng umaga.
"Binaril ko ang mga gulong boss. "
"Magaling."
"Kaya lang may bagong parating na kotse mukhang may reserba."
"Gawan mo ng paraan, huwag mong hayaang makarating ng opisina."
"Yes boss."
"Magmamadali na 'yan i report mo sa enforcer."
"Anong i-report boss?"
"Over speeding."
"Areglado boss."
"Pagkatapos ay dispatsahin mo ang kotseng ginamit mo. Makapangyarihan ang Tan na' yon siguradong mahuhuli ka niya kaya't siguraduhin mong walang bakas ng ebidensiya."
"Anong gagawin boss?"
"Pasabugin mo."
Saglit itong hindi sumagot malamang ay nanghinayang.
"Gawin mo kung ayaw mong ikaw ang kapalit."
"Opo boss!"
Maaga pa nang makarating siya kanina sa opisina. Nasa labas lang siya ng conference room at hinihintay ang tawag ni don Jaime kung kailan siya papasok.
Nasa timing lang dahil sinabi na raw ni Ellah na hindi darating ang Tan na 'yon, at saka siya pumasok.
Bidang-bida ang kanyang dating.
Tunog ng cellphone ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
"Gian pare nasaan ka na?"
"Pauwi pa lang."
"Kumusta nagtagumpay ba?"
"Oo pare, kaya lang dumating pa rin ang asungot palibhasa maimpluwensiya."
"Wala ng silbi pare basta ikaw ang nauna."
Humalakhak ang binata.
"Wala siyang panama sa akin ngayon pare, mas mayaman ako, mas maimpluwensiya nasa panig ko pa si don Jaime."
"Galing mo talaga kaya sa'yo ako eh."
"Kaya lang magkasama ang dalawa."
"Si don Jaime na ang bahala roon."
"Tama, nasaan ka ba?"
"Papunta ako sa'yo. Paghahandaan natin ang gagawin ni Delavega."
Hindi niya nakalimutan 'yon, kaya kahit labag sa kanyang kalooban hindi siya umamin kay Ellah.
Kailangang pagkatapos nilang malaman ang resulta sa panig ng kalaban bago siya aamin.
Kapag negatibo ay saka niya gagawin, ibang usapan kapag positibo dahil ibig sabihin noon alam na ng kalaban na siya si Gian siguradong gulo ang dulot nito, gano'n pa man aamin pa rin siya.
Kailangan lang masigurado niya muna ang kilos ng kalaban bago siya naman.
Kaya magtitiis muna siya, hanggat hindi pa nalalaman ang resulta.
Gaano kasakit na hindi niya magawang sabihin ang totoo dahil hindi pa dumating sa tamang panahon?
Gaano kasakit na nasa likod lang ng pinto ang kanyang karibal kanina ngunit hindi niya maipaglaban ang sarili.
Iniwan pa niyang magkasama.
"Damn it!" naihampas niya ang kamay sa manibela.
Humugot na malalim na paghinga ang binata upang pakalmahin ang sarili.
Nakabawi naman na siya dahil sa mga halik ng dalaga.
Lahat kaya niyang tiisin alang-alang sa minamahal.
Ang sabi ni Vince makikilala siya sa pamamagitan ng halik bakit hindi naman siya sinumbatan ni Ellah ibig bang sabihin ay hindi siya nito nakilala?
---
Napailing si Ellah matapos marinig ang buong kwento ni Raven.
Magkaharap sila sa isang mesa habang nagkakape.
Malapit ng magtanghalian.
"Sigurado akong may tumarantado sa akin kaya hindi agad ako nakarating. Ang tanong sino! "
"Naireport mo ba sa pulis?"
"Oo pero wala pa silang aksyon hindi ko kasi nakita ang mukha ng bumaril sa gulong ng kotse.
Ang natatandaan ko ang plaka ng kotse niya."
Napailing si Ellah.
Kung si Gian ang may gawa nito walang pag-asang mahuhuli ang salarin.
Napatingin siya sa suot ng kausap.
Naka tuxedo ito at naka brush up ang buhok.
Talagang pinaghandaan nito ang meeting ang kaso nahuli sa pagdating.
"Raven baka naman napagtripan ka lang kasi laging latest model ang kotse mo. Mainit sa mata."
Umiling ito.
"Nahuli pa ako ng over speeding hayop na 'yon.
Hindi ba nila ako kilala?" turo nito sa sarili.
"Kilala ka kaya nga hindi ka naman masyadong natagalan."
"Sandali lang, anong ginagawa ni Acuesta rito?"
"Siya ang pumalit sa'yo."
Natigilan ang lalaki at kunot ang noong hinarap siya.
"You mean dalawa pa rin kami?"
"Hindi ko inasahang darating siya. Tinawagan siguro ni lolo noong sinabi mong matatagalan ka hindi ko alam bakit siya ang dumating sa halip na ikaw."
Mariing napailing ang kausap.
"Hindi eh, parang may mali."
"Raven, huwag mo ng isipin 'yon. Nakarating ka pa rin naman."
"Pero walang silbi."
Natahimik siya.
"Paano pa ako makakapag invest sa inyo naunahan na pala ako?"
"Raven hindi pa naman huli ang lahat, pwede ka pa rin namang mag invest kung gugustuhin mo hindi kami tumatanggi."
Umiling ito.
"You don' t get it. Ako ang kausap mo pero hindi ko natupad dahil sa pesteng aberya."
"Kalma, gusto mo bang mag lunch with me?"
Natigilan ito bago ngumiti.
"Ofcourse!"
Napangiti siya bago tumayo.
"Then let's go."
"Alright," tumayo rin ito.
Tumalim ang tingin ng dalaga sa kawalan.
Sigurado siyang makakarating kay Gian ang pag-aaya niya ng tanghalian kay Raven.
At hahadlangan iyon ng kanyang magaling na abuelo.
"Maghahanda lang ako."
"Sure take your time."
Talagang paghahandaan niya, siguradong hindi palalagpasin ng chairman ang tanghaliang ito na wala ang Acuesta na 'yon.
Nagsuklay ang dalaga sa harap ng salamin sa banyo ng opisina.
Hindi pa rin siya makapaniwala na hindi umamin si Gian kahit pa alam na niya.
Kahit ano pa ang idahilan nito ay hindi niya matatanggap.
Bumuntong hininga ang dalaga.
Kung ayaw nitong sabihin ang totoo ayaw niya ring malaman nito na alam na niya.
"Sila lang ba ang magaling maglaro?"
Pagkalipas ng dalawampung minutong pagpapaganda ay lumabas na siya.
Naghihintay naman si Raven Tan sa sofa.
Tumayo ito nang makita siya.
"Ready?"
"I am ready!"
Binuksan nito ang pinto ngunit natigilan.
"Good morning chairman," nakayukong bati ni Raven.
"Good morning Mr. Tan.
"Ellah hija, let's have some lunch?"
Ang chairman pala ang nakaharap nito na ngayon ay nakatingin sa kanya.
Umpisa na ng laro.
"With Mr. Raven Tan lolo is it okay?"
"How about Mr. Rage Acuesta?"
"Wala na siya lolo umuwi na."
"Ha? Bakit? Nakalimutan ba niya ang imbitasyon ko?"
"Ewan ko, nagmamadali siya eh."
"Hindi mo ba pinauwi?"
Tumawa siya.
"Why would I lolo? Investor natin siya nakakahiya naman."
"Tama, tama ka. Bakit kaya?" bulong ng don sa sarili.
"Since he's gone and Mr. Tan is here let's go lolo?" hinawakan niya sa braso ang abuelo.
"S-sige."
Lihim siyang napangiti.
Ipapakita niya ngayon kung sino ang pinagkakaisahan ng mga ito.
'Humanda ka Rage Acuesta!'
Kasama ng kanyang abuelo ang mga direktor ng kumpanya.
Siya naman ay kasama ni Raven sa kotse nito.
"Kinabahan ako doon ah? Bakit nga pala umuwi na ang investor ninyo?"
"Ewan ko, nagmamadali siya eh pipigilan ko sana kaya lang mukhang may emergency. Sino ba naman ako para pigilan siya."
"That' s okay nandito naman ako."
"Yeah right."
Tumahimik na siya hanggang sa makarating sila.
Sampung sasakyan ang magkasunod na pumarada sa isang high class restaurant.
Pagkapasok nila walang ibang tao roon kundi sila lang.
Binati sila at inasikaso nang mismong may-ari ng restaurant kasama ang mga staff nito.
" Don Jaime, dito po tayo," anang lalaking may-ari habang ngiting-ngiti.
Napailing siya.
'Ang mga tao talaga.'
Katabi ng kanyang abuelo ang isa sa mga direktor sa, napakahabang mesa. May isa pang upuang bakante sa kanan nito.
Umupo siya paharap sa abuelo katabi naman niya si Raven.
Sinadya niyang sa harap ng chairman uupo upang makita niya ang reaksyon nito sa gagawin niya mamaya kay Raven.
Nagkwentuhan ang mga opisyal silang dalawa ng katabi ay tahimik lang.
Agad nagsipag-order ang mga opisyal habang nagtatawanan pa.
"Anong sa'yo?" mahinang tanong niya sa katabi.
"Ikaw?" tugon nito.
"Pagkain ang sinasabi ko."
"Oh 'yon din naman ang sinasabi ko."
Tumawa siya nang malakas kahit hindi naman nakakatawa ang sinabi nito.
Nakuha niya ang atensiyon ng ibang opisyal.
"Masaya ang unica hija mo chairman, magaling talaga ang Presidente natin."
"Ofcourse!" sagot ng abuelo
"Mana sa akin."
"Nga pala bakit nawala si Mr. Acuesta? He should be here," anang isa pa.
Kumabog ang dibdib niya.
Hindi sumagot ang chairman kaya siya ang nagsalita.
"Anyway kilala niyo naman siguro si Mr. Tan? Rank three ng ZBC. "
"Raven Tan, ladies and gentlemen," tumayo ito at yumuko sa lahat.
"Oh yes, ofcourse," tugon ng karamihan.
"Isa rin siya sa mag-iinvest sa kumpanya. Actually si Mr. Tan talaga ang investor ko hindi lang siya nakarating agad."
"Oh really? Bakit naman?" usisa na ng iba.
Hindi makasagot ang kanyang katabi.
"May kunting delay, anyway, congratulations sa ating lahat," ngumiti siya.
Ngumiti rin ang mga opisyal ng kumpanya at pumalakpak ang iba.
Dumating ang pagkain kasama ng mga wine.
Nagsikain sila.
Inaasikaso siya ni Raven at hinayaan niya.
Wala namang imik ang abuelo sa kanyang harap.
Paminsan-minsan ay tumitingin ito sa kanilang dalawa ni Raven.
"Our investor should be here chairman, what do you think?"
"The Capitalist as what he said. Malaki rin ang pinuhunan niya para wala siya rito."
"Magkano ba pinasok niya?" bulong ni Raven.
"Three B."
Napansin niya ang pag-awang ng bibig nito.
Tatlong bilyon hindi pa kasama ang nauna nitong isang bilyon.
"Can you afford it Mr. Tan?"
"O-ofcourse, of course I can."
Tumahimik na siya.
Kakayanin lang ni Raven pero si Gian kayang-kaya.
Ni sa hinagap hindi niya naisip na yayaman si Gian nang ganito.
Matinding pag-angat.
Matinding pagbabago.
Ngunit kasama ng pagbabago nito ay ang pag-iwan sa kanya.
Naguguluhan na lang siguro ito ngayon at iniisip na siya pa rin ang mahal gayong iba na pala.
Mapait siyang umiling.
Ni minsan ay hindi niya ito kinalimutan at ngayong natuklasan na niya ang totoo hindi naman umamin.
Talagang inililihim na nito sa kanya at ginagawa siyang tanga.
Nagsimulang mag-init ang sulok ng kanyang mga mata.
"Shrimp you want?"
Napaupo siya nang tuwid at umiling ng tahimik sa alok ng katabi.
"You okay?"
Tumango siya at kinalma ang sarili.
Kung ayaw na nito sa kanya ay ayaw na rin niya.
Kinuha niya ang isang alimango at inipit ng pang-ipit nito.
Buti na lang at may sea foods na kanyang paborito.
Kasalukuyan silang kumakain nang bumukas ang pinto.
"Sorry I'm late!"
Lahat sila napalingon sa dumating.
Mabilis siyang yumuko at nagkunwaring hindi ito pinansin.
Kumabog ng husto ang kanyang dibdib at ayaw niya.
"Mr. Acuesta, glad you came!" anang isa sa mga direktor.
Tumayo si don Jaime at iminuwestra ang upuang bakante sa tabi nito.
"Dito hijo. "
"Thank you," naglakad ito palapit sa don.
'Malas magkaharap pa kami?'
"Akala ko hindi ka makakapunta?"
"Kinansela ko ang lakad ko para dito, hindi ko kasi kayang tanggihan ang imbitasyon ng isang don Jaime Lopez ."
Tumawa ang chairman.
Umupo ang naturang lalaki.
Sa sulok ng kanyang mga mata nakikita niyang sa kanya nakatingin ang isang Rage Acuesta.
Ngumiti siya.
Ngumiti kay Raven Tan, ngumiti ng sobrang tamis.
" Pass the shrimp Raven, " malambing niyang tanong.
"Oh here," mabilis naman nitong ibinigay sa kanya ang lalagyan.
Muli, ay ngumiti siya rito, "thanks."
Binalatan niya ang hipon, marahan habang nakatingin siya kay Raven Tan na kumakain. Subalit sa sulok ng kanyang mga mata ay binabantayan niya ang mga kilos ni Rage Acuesta.
Kumakain ito habang kausap ang abuelo niya.
"Maraming salamat sa pag-invest sa amin hijo, parte ka na ng kumpanya kaya anumang oras na pupunta ka sa opisina ay pwedeng-pwede."
"Sure chairman," ngiti nito.
"Kain ka pa, para sa'yo ang selebrasyon na 'to."
Tumango ang lalaki bago tumingin sa kanya.
Nanatili siyang nakayuko habang kumakain.
Nawawalan siya ng gana dahil ang salu-salong ito ay para pala sa isang manlilinlang at sinungaling.
Pinilit niyang kumalma.
Hindo pwedeng masira ang mood niya, kailangang ang mood nito ang masira.
Umangat ang kanyang tingin at nasalo ang matiim na titig ni Acuesta.
Nilabanan niya ang mainit nitong titig at inaasahang kakawala ito ngunit hindi nangyari.
'Aakalaing walang kasalanang nagawa ang hayop na 'to.'
Siya ang kumawala sa titigang 'yon.
Nahagip ng kanyang mga mata ang alimangong may sweet chili sauce.
Kinuha niya 'yon at tumulo ang sauce sa kanyang daliri.
Nanatili pa rin ang mga tingin ni Acuesta sa kanya na para bang binabantayan ang bawat galaw niya.
Inilagay niya sa plato niya ang ulam saka nakaisip ng isang magandang ideya.
"Raven please the tissue," utos niya sa katabi.
"Oh sure," lumingon ito.
Saka niya dinilaan ang daliri habang nakatingin sa mga mata ni Raven Tan.
Umawang ang bibig nito at muntik pang mabitiwan ang tissue.
Tumawa siya.
Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakikita niyang hindi na kumakain ang isang Acuesta at umiinom na ng wine.
Mahigpit ang pagkakahawak nito sa baso habang mas tumalim ang tingin sa kanya.
"Wait, may sauce ang lips mo," ani Raven at mabilis pinahiran ng tissue ang gilid ng kanyang labi.
Siya naman ang nabigla sa ginawa nito.
Kasabay ng malakas na pagbagsak ng kung ano sa mesa.
Napalingon siya kay Acuesta.
Baso ng alak pala ang bumagsak na 'yon.
Tumaas ang kilay niya rito at muling bumaling kay Raven.
"Oh, thank you," ngumiti siya rito.
Tahimik na si Acuesta at hindi na ngumingiti, ni hindi na rin tumitingin sa kanya.
Panay na lang ang lagok nito ng alak tanghaling tapat.
Tumawa siya.
Tawang tagumpay.
Ngunit ang inakala niyang pananahimik nito ay magpapawala na ng mood ay nagkamali siya.
Bigla itong nagmukhang masigla at muling kinausap ang kanyang abuelo.
"Chairman, thank you for this lunch, nabusog ako."
"Oh, oo nga pala sandali lang," tumayo ang don kaya nakuha nito ang atensiyon ng lahat.
"Ang salu-salong ito ay bilang isang selebrasyon sa pagiging parte ng kumpanya ng ating mamumuhunan na si Rage Acuesta. Bilang pasasalamat ay nagsama-sama kaming kumain na bihira lang mangyari. Ngayon may kasama na tayo sa laban ng tagumpay!"
"Welcome to MEDC Mr. Acuesta!"
"And because of that, let's have a toast!" Itinaas ng don ang kopita nitong may lamang wine.
"Cheers!"
Napilitan siyang sumunod dahil nakatingin sa kanya ang abuelo.
Masaya na ulit ang lalaking kinaiinisan niya.
Nilagok niya ng deretso ang laman ng kopita.
Siya ang nawala sa mood.
"Excuse me," aniya sabay tayo at nagmamadaling tinungo ang rest room.
Pagdating doon ay naghugas siya ng kamay at huminga ng malalim bago bumuga.
Kailangan siyang kumalma.
Marami pa siyang gagawin upang mapalayas ang Acuesta na 'yon.
Nag retouch siya ng make up at muling nagpahid ng lipstick.
Ang kainaman ng lipstick niya ay hindi madaling matanggal kaya hindi dumidikit sa baso.
Nang matapos ay tumayo siya at inayos ang sarili.
Naaapektuhan na kanina si Acuesta kapag nagpatuloy ang pagkabwesit nito ay baka umamin nang wala sa oras.
Napangiti siya sa naiisip na na namang gagawin.
Binuksan niya ang pinto ngunit ang ngiti niya ay naglaho nang masalo ang matalim na tingin ng lalaking kinabubuwesit niya.
Lumapit ito kaya napaatras siya.
"Ano 'yon?" sita nito.
"Ano?" bwelta niya rin.
"Huwag kang magmaangmangaan na para wala kang ginagawang panlalandi."
Umawang ang kanyang bibig at agad uminit ang kanyang ulo.
"Panlalandi? Excuse me-"
"You' re not excuse, " mariin nitong wika at humakbang palapit. Muli siyang umatras.
"Hindi ko palalagpasin ang piangagawa mo. Muntik pang mabulunan ang oranggu-Tan na 'yon sa panlalandi mo."
Kinalma niya ang sarili kahit pa parang gusto na niya itong tadyakan.
"Bakit parang wala ka yatang ginawa kundi ang panoorin ako ha Acuesta?
Aminin mo nga may gusto ka talaga sa akin ano? At namamatay ka sa selos kaya nandito ka ngayon dahil parang gusto mo na akong durugin."
Natahimik ito kaya nagpatuloy siya.
"Pero pasensiya ka na hindi kita type!"
"At kaya mo ipinalit ang oranggu-Tan na 'yon gano' n ba!"
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!"
Humakbang siya palabas ngunit hinablot nito ang kanyang pulso kaya napaharap siya.
"Huwag na huwag kang gagawa ng anumang bagay na hindi magugustuhan ni Gian naintindihan mo!"
Tumawa siya na ikinakunot ng noo nito.
Tumalim ang tingin niya rito.
"Hindi magugustuhan ni Gian o hindi mo magugustuhan? Puro ka Gian, nasaan ba siya?
Ah pakisabi sa kanya na kung hindi siya magpapakita papalitan ko na siya ng isang Raven Tan."
"Don't you dare Ellah!" singhal nito sabay diin sa kanya sa dingding.
Natakot siya ngunit hindi niya ipinakita.
"At anong gagawin mo ha Acuesta?" panghahamon niya rito.
Nagtatagis ang mga bagang nito habang mariing nakatitig sa kanya.
Nilabanan niya ang titig nito.
"Huwag mo akong tinatanong Lopez," tugon nitong nakatingin na sa kanyang labi.
Napigil niya nang biglaan ang paghinga.
"Baka magustuhan mo," usal nito sa likod ng kanyang tainga.
Agad nagtayuan ang kanyang mga balahibo at tila na estatwa.
Nang makagalaw siya ay wala na pala ito.
Kumuyom ang kanyang kamao sa galit.
"AAAHHH BWESIT SIYA!"
---
Gabi.
Nakakalat ang mga tauhan ni Gian habang may bitbit na mahahabang armas hindi kalayuan sa paligid ng condominium.
Nakakalat din ang ibat-ibang armas sa loob ng silid niya.
May sampung tao sa loob ng kanyang tinitirhan kasama ang kaibigan.
Lahat sila nagkakasa ng baril bilang paghahanda sa laban.
Mabuti ng handa sa oras na positibo ang resulta.
"Pare, sana negatibo, hindi ko alam kung paano pero sana hindi ka nila makikilala," ani Vince matapos ikasa ang M203 grenade launcher.
"Sana nga pare pero malabo na 'yon dahil hindi naman natin napigilan ang plano nila," tugon niya at ikinasa ang machine gun.
Tumingin siya sa orasang nasa dingding.
Alas diyes malalaman ang resulta ng pagsusuri sa ebidensiya.
Nakahanda nga si Vince katunayan ay nagdala pa ito ng bullet proof vest para sa kanila.
Sa lahat ng ito ay siya ang gumastos.
"Saan ka ba galing kanina? Nauna pa ako sa'yo ah sabi mo pauwi ka na?" si Vince na inihanda ang mga bomba.
Sa oras na umatake ang kalaban ay ilalagay nila sa paligid ang mga bombang ito.
"May dinaanan lang," tugon niya.
Pauwi na siya kaya lang tinawagan siya ni don Jaime at sinabing ang makakasabay nilang kumain ay ang karibal niya.
Wala ng mas mahalaga pa kundi si Ellah kaya nagpasya siyang bumalik.
Ngayon naghahanda naman siya para sa isang hindi siguradong laban.
Kahit malabo umaasa siyang sana ay negatibo ang resulta.
---
Sa rest house ng mga Delavega.
Nakatingin si senior Roman sa orasang nasa dingding habang naghihintay ng resulta.
Alas diyes ang eksaktong oras ng paglabas ng resulta.
May sampung minuto pang natitira.
Habang nauubos ang oras ay para namang hindi siya makahinga.
Nakasalalay ang kanyang magiging desisyon sa kalalabasan ng pagsusuri.
Kung negatibo ibig sabihin nagsasabi ng totoo ang kalaban.
Kung positibo ibig sabihin nagsisinungaling ang kalaban.
Isang minuto at wala na siyang ibang ginawa kung hindi sundan ng tingin nsg kamay ng orasan.
Pagpatak ng alas diyes,
bumukas ang pinto at bumungad ang lalaking doktor.
Napatayo siya.
"Senior nandito na ang resulta. " Iniabot nito ang folder na mabilis niyang binuksan.
Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ng senior.
"Anong ibig sabihin nito?"
Tumiim ang tingin nito sa kanya.
"Sinabi sa akin ng anak ninyo na ang dalawang ebisensiyang pinasuri ninyo ay galing sa magkaibang tao.
Step-cousin ibig sabihin hindi magkadugo at hindi tunay na magkamag-anak.
Ang resulta..."
Napapikit si senior Roman.
"Huwag mo ng ituloy."