Humahalakhak ang mag-amang Delavega dahil sa nangyaring meeting habang nasa loob ng sasakyan.
"Nanginginig na sa takot si Villareal ngayon dad!"
"Kung siya 'yon, nabibilang na araw niya! "
"Sigurado ako dad, ang mga kilos ni Villareal ay halos walang ipinagkaiba sa kilos ni Acuesta. Mas mayabang lang siya ngayon."
"Tanging ang ebidensiya ang makakapagsabi kung iisa lang ba sila ni Villareal at inuutakan lang tayo ng demonyong Acuesta na 'yan."
"Anong plano mo ngayon dad?"
"Ipa examine natin ang finger print niya."
"Dito lang ba sa Zamboanga o sa Manila?"
Umiling ang ama.
"Hindi rito. Mautak ang Jaime na 'yon.
Siguradong maiimpluwensiyahan niya ang buong Zamboanga para lang dayain ang resulta.
Hindi ako papayag na mangyayari 'yon."
Kilala ni senior Roman ang kalaban.
Alam niyang kung iisa si Villareal at Acuesta ibig sabihin gagawin nito ang lahat upang harangan siya.
Kaya pagdating sa rest house ay agad tinawagan ng senior ang pinagkakatiwalaan nilang Chemist mula China.
"Mr. Teng, wanshang hao!"
"Wanshang hao too Senior Roman!"
Nagsimula siyang magpaliwanag ng tungkol sa gagawin nito.
"I want your expertise as a Chemist this time, I hope you can come."
"No problem, tomorrow Mr. Delavega."
"I want you tonight!" mariing wika niya.
"Oh, alright I'll come, I'll come, " mabilisang tugon ng intsik.
"Good thank you."
Ngayon sisiguraduhin niyang hindi sila mabibigo.
"Magaling dad!" ngisi ni Xander.
"Ofcourse!" taas noong tugon ni senior Roman.
Sa itaas ng isang mesa ay naroon ang dalawang bagay na pinakamahalaga sa kanila ngayon.
Bumaling ang tingin niya sa magkaibang lalagyan ng ebidensiya, isang posas at isang kutsara.
Bukas ng gabi malalaman na nila ang katotohanan.
---
Sa mansyon ng mga Lopez ay panay ang tawag ni don Jaime sa mga kakilala upang matulungan ang kasintahan ng apo.
Kailangan nito ng tulong at hindi niya bibiguin.
Kinausap na rin niya ang hepe ng presinto ngunit hindi siya lubos na nagtitiwala rito.
"Mr. Suarez, good evening!"
"Yes don Jaime? How may I help you?" tugon ng kausap.
"Kilala mo si Roman Delavega hindi ba?"
"Oo bakit?"
Nagsimula siyang magpaliwanag.
"Harangan mo, kailangang hindi sila magtagumpay."
"Kung sa akin lalapit madali na lang 'yan don Jaime."
"Kalaban ko 'yan.
Alam mong matutulungan kita kaysa kay Delavega. Pwede akong magdagdag ng puhunan sa 'yo o kung hindi naman ay pwede kitang ipakilala abroad.
Marami din ako kakilalang Chemist.
You know I can do everything so please, please help me with this."
"No problem don Jaime."
"Thank you!"
Chemist ito sa isa sa pinakamalaking laboratory ng siyudad.
Maging ang mga doktor na kakilala ay pinagtatawagan mismo ng don sa loob ng kanyang library.
"Doktor Sebastian, gawin mo ang lahat upang baguhin resulta."
"Walang problema don Jaime."
Marami pa siyang tinawagan at lahat ay sumasang-ayon sa kanya.
Kasalukuyan siyang nagtatawag nang rumehistro ang pangalan ng isang Rage Acuesta na sinagot niya.
"Hello Gian?"
"Don Jaime may kakilala ka bang Teng na Chemist taga China?"
"Teng? Wala bakit?"
Hindi agad ito sumagot kaya kinutuban ang don.
"Gian?"
"Don Jaime, ang taong 'yon ang titingin sa ebidensiya."
Nanlaki ang mga mata ng don at kinabahan.
Wala siyang kakilalang Teng!
"Paano mo nalaman 'yan?"
"Naka wire tap sila sa akin. Ngayong gabi darating ang intsik na 'yon at bukas malalaman na nila ang resulta."
"Ano? Aba punyeta?" Nahampas ng don ang kamay sa, mesa.
"Mautak talaga ang ugok na 'yon!
Paano 'yan? Paabangan ko na lang ba sa airport? "
"Naka track sa akin ang mga kotse nila, " anang binata.
Napangiti ang don.
"Magaling! Patambangan natin paglabas ng paliparan."
"Hindi ho maaari don Jaime."
"Bakit hindi?" kumunot ang kanyang noo sa pagtataka.
Dinig niya ang malalim na paghinga ng binata.
"Nagawa na ho namin 'yan. Kapag mauulit pa tuluyan na silang hindi maniniwala sa akin."
"Kailan?"
"Noong nakaraang araw ho kaya ko sinunog ang bahay ko.
May inutusan silang asset na babae at pinakuhanan ako ng ebidensiya, tinapos na ni Vince."
Natahimik ang don.
Kapag hinayaan nila ito siguradong manganganib ang buhay ni Gian.
Babaliktad ang sitwasyon at tuluyan ng makulong ang binata o hindi kaya ay mapahamak na ng tuluyan.
"Anong plano mo? Paano ako makakatulong?"
"Pag-iisipan ko ho muna don Jaime, si Ellah ho ba nandiyan?"
"Wala pa, nakipagkita pa kay Raven Tan."
Natahimik ang kabilang linya.
"Ga?"
"Don Jaime pwede bang pumunta mamaya diyan sa inyo?"
"Ha? Pero baka magtaka si Ellah?"
"Pakisabi tumulong lang ho kayo sa paghahanap ng investor kaya ako ang nilapitan ninyo."
"Sige hijo, pero hindi ka ba natatakot paano kung mahalata ka ng apo ko?"
"Wala ho siyang malalaman sa akin basta huwag niyo lang akong tawaging "Gian. "
"Oo nga pala, Ga. Sige Ga, pumunta ka lang."
"Nasaan ho si Ellah ngayon?"
"Hayun nakipag dinner kay Tan, businesses meeting daw 'yon. Hindi bale wala namang ibang ibig sabihin 'yon. Nasasabik na ang apo ko sa'yo."
"Hindi ho 'yan totoo don Jaime, nakipagkita na ho siya sa ibang lalake."
Ramdam ng don ang hinanakit ng binata.
"Huwag mo ng alalahanin 'yon. Business meeting lang 'yon hijo, ikaw ang mahal no'n. "
"Sige ho, maraming salamat."
"Huwag kang mag-aalala hijo, gagawin ko ang buong makakaya ko maharang ko lang ang plano nila."
"Maraming salamat ho don Jaime."
---
Sa harap ng isang mesa sa sulok ng isang high class restaurant ay naroon si Ellah kasama si Raven Tan, katatapos lang nilang kumain at umiinom na lang ng wine.
"Thank you for this wonderful dinner Ellah," nakangiting wika ng lalaki.
"Thank you rin," ininom niya ang wine. "So can we talk about business?"
Kanina puro kasi ito kwento ng mga walang kwenta kagaya ng pinagkakaabalahan nito sa buhay.
Nag-iisa itong apo at nag-iisang tagapagmana ng hotel chains.
Siya naman patango-tango lang.
Kahit gaano pa ito kayaman ay hindi niya ipagpapalit kay Gian.
"Sure! What is it? "
Siya naman ang ngumiti.
"Maraming salamat nga pala sa pag invest sa amin.
Malaking tulong 'yon."
"Walang anuman, gusto ko rin naman."
"Kailangan namin ng investor, at bukas may board meeting kung pwede sana pumunta ka sa opisina para pormal kitang maipakilala bilang investor ko.
Kapag pumunta ka tatanawin ko 'yong utang na loob."
"Nape-pressure ka ba sa work?"
Umiling siya.
"Oh come on Ellah, we're just on the same page. Tagapagmana ng kumpanya nasa atin ang pressure ng lahat.
Tayo ang inaasahan sa lahat.
Kaya bawal pumalpak, bawal mabigo hindi ba gano'n ka rin?"
Wala sa loob na tumango siya.
Ang pagkakaiba lang nila hindi siya pinagkakatiwalaan ng husto sa kumpanya dahil babae siya.
" That's why I'll come tomorrow. "
Lumiwanag ang kanyang anyo.
" Talaga? "
" Yes, I know how you feel and I understand you Ellah."
"Thank you. Thank you so much Mr. Tan."
"Uh, pwede bang Raven na lang? Awkward kasi masyado tayong formal."
Tipid siyang ngumiti at tumayo na.
"Alright, thank you Raven," inilahad niya ang kamay at malugod naman nitong tinanggap.
---
"Vince pare, mukhang tagilid tayo sa plano ni Delavega anong gagawin natin?"
Tinawagan ni Gian ang kaibigan matapos maipadala ang video ng mag-amang Delavega tungkol sa ebidensiya.
"Kailangang makuha natin ang intsik na 'yan pare."
"Pero siguradong maghihinala sa atin ang kalaban."
"Walang basehan 'yon kung mahuhuli sa droga."
Napailing ang binata.
"Masyadong halata pare, isa pa paano kung sunduin nila ito ng private plane?"
"Anong plano mo?"
"Kapag hindi natin napigilan ang intsik na 'yon tapos na ako. Kaya dapat bago siya makarating sa teretoryo ng kalaban dapat nasa mga kamay na natin siya."
"Gagawa ako ng paraan pare."
"Salamat pare. Monitoring tayo. Huwag mong hiwalayan ng tingin ang mag-amang 'yon."
"Dalawa tayo. "
"May lakad pa ako pare."
"Ano? Saan ka pupunta?"
"Kay don Jaime."
"Kay don Jaime o kay Ellah?"
Huminga ng malalim ang binata.
"Parehas."
"Pare naman uunahin mo pa ba ang love life mo kaysa buhay mo?" nanghinanakit na wika ng kaibigan.
"Trabaho ang ipupunta ko roon, kailangan nila ng investor kaya pupunta ako."
"Oh wow! Nakalimutan ko don Gian ka na nga pala," anito sabay halakhak.
"Sira!" natawa rin siya.
Palabas na siya ng silid nang sinalubong ni Isabel naka panlakad ang suot nito.
"Saan ka pupunta?"
"Kay don Jaime," aniyang inaayos ang longsleeve na kulay asul na pinaresan ng maong na pantalon at leather shoes.
"Sama ako," mariing wika ng babae.
Mabilis siyang umiling. "Hindi na," inayos niya ang suot na eyeglass.
"At bakit hindi?" Nameywang si Isabel.
"Negosyo ang pag-uusapan ninyo at sa akin nakapangalan ang negosyo mo."
"No need Isabel, aalis na ako," humakbang siya palabas.
"Ang sabihin mo doon ka talaga pupunta sa babae mo!" sigaw nito.
Humagkis ang tingin niya sa sa babae.
"Bakit ba ha? Hindi mo man lang naisip na nanganganib ka na! Paano kung dumating na mamaya ang Chemist ng mga Delavega? Ano tatanga ka na lang at maghihintay kung kailan nila patayin!"
"Shut up!"
"Mag-isip ka Gian!"
Nagtagis ang kanyang bagang.
"Natatakot ka palang aalis ako ba't plano mong sumama?"
Natahimik ang babae.
"Tigilan mo na ang inggit Isabel ilang beses ko bang sabihin 'yan sayo?"
Hindi na ito kumibo at yumuko na lang.
"Bantayan mo ang kilos ng kalaban. Iyon ang trabaho mo."
Tumalikod siya at humakbang paalis.
"Gian! Gian please!"
Napaigtad ang binata nang yapusin ni Isabel ang beywang niya.
"Let me go Isabel," mariin niyang wika.
"NO!" singhal nito.
Inalis niya ang magkabilang kamay nitong nakayapos sa kanya.
"Please Gian! Natatakot ako paano kung may masamang mangyari sa'yo? Nakakuha na sila ng ebidensiya nasa panganib ka na!
Huwag ka munang umalis ngayon please!"
"Kailangan nila ako, kailangan nila ng tulong ko."
Kumalas si Isabel at hinampas siya sa balikat kaya't napalingon siya rito.
"Pera lang 'yan! Samantalang ikaw buhay mo!"
Napaluha ang babae.
Hindi na siya makapag-isip ng matino at kinabig ito payakap.
Umiyak ng husto si Isabel sa kanyang dibdib.
"Ayokong umalis ka Gian, please dito ka lang," pahayag nito sa pagitan ng paghikbi.
Hinaplos haplos niya ang likod ng babae.
"Kailangan, ayaw kong biguin si don Jaime, tinutulungan niya rin tayo at kailangang tulungan ko rin siya."
"Kaya na nila 'yon! Mayaman sila!" mahigpit na hinawakan ni Isabel ang kanyang damit.
Nagusot ito at muntik pang bumukas ang isang botones.
Kumalas siya at inayos ang suot.
"Hindi ka aalis!" sigaw nito.
Napatingin ang mga dumadaan.
Umigting ang kanyang panga at hinila sa braso ang babae papasok ng silid niya bago patulak na binitiwan.
"Huwag kang makasarili Isabel!" dinuro niya ito sa ngitngit niya.
"Nang dahil sa'yo hindi ko pa naipagtapat kay Ellah ang tunay na ako! Dahil 'yon sa 'yo!"
"Kung hindi dahil sa akin hindi matutupad ang plano mo!" dinuro siya nito sa dibdib.
"Sige nga kung bumalik ka roon sa palagay mo ba magagawa mo ang ganito ngayon?
Hindi! Sigurado ako pinapapatay ka na naman nila!"
"Wala ka ng pakialam doon! Nang dahil sa pagsunod ko sa'yo malayong-malayo sa akin ang mahal ko!
At kahit lapitan ko pa siya wala na akong karapatan! Malaya na siyang maghanap ng iba dahil hindi niya alam ang totoo!
Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon? Ha!
Masakit Isabel! Masakit na masakit!" sigaw na rin niya sabay turo sa kanyang dibdib.
Nagdidilim ang kanyang paningin at kapag hindi ito tumigil ay baka masaktan na niya.
Nagitla ang babae at hindi nakaimik.
Pinilit niyang kumalma.
"I need to go, hindi ako mapapahamak at babalik ako," pahayag ng binata.
"B-bumalik ka ha?" maluha-luhang wika ng babae.
Tumango siya.
Sa pagkakataong ito tuluyan ng tumalikod si Gian.
Naaalala niyang sinabi niya rin 'yon kay Ellah bago dinala sa presinto ngunit hindi na siya nakabalik nang araw na 'yon.
Pagkakataon na niya ngayon.
Kahit hindi nito alam na bumalik na siya.
Sakay ng kotse ay nakarating ang binata ng ligtas sa mansyon ng mga Lopez.
Tiningala niya ang matayog na tarangkahan.
Bumukas ito.
Sinalubong siya ng guwardiya.
Binuksan niya ang bintana.
"Anong kailangan mo?" tanong nito.
Hinarap niya ang kausap.
"Si don Jaime nandiyan?"
Sasagot sana ito ngunit naunahan.
"Sir Gian? Ikaw ba 'yan?"
Nanlaki ang mga mata ng binata.
"Bra-"
Muntik na niyang mabanggit ang pangalan nito.
"Sir Gian ikaw nga!"
Mabilis nitong binuksan ang gate.
Bumaba siya ng sasakyan.
Si Brian ang isa sa mga ito.
Saglit siyang hindi nakasagot.
Nasabik din naman siya sa lalaking ito ngunit sa oras na mahalata nito ang totoo ay tapos ang pagbabalat kayo niya.
"Pasok sir! Ang tagal mong hindi nagpakita! Kumusta ka na?" malawak ang ngiting wika ng lalaki.
Tumikhim siya.
Umpisa na naman ng pagsisinungaling.
"Brad, hindi ako si Gian."
"Ha?" napatanga ang lalaki.
"Ako ang pinsan niya."
Hindi ito umimik at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Sigurado naman siyang ibang-iba ang kanyang porma sa dating si Gian.
"Pinsan?" dismayado ang tono nito.
"Yes, step cousin."
Inayos niya ang suot na eyeglass.
"I am Rage Acuesta," inilahad niya ang kamay.
Atubiling tinanggap ito ng kausap bago nagdaop ang mga palad nila at sabay bumitaw.
"Pasok ho sir, akala ko kayo si sir Gian," anitong napapakamot ng ulo.
"Salamat."
Muli siyang pumasok ng kotse at nagmaneho papasok.
Pagdating sa mansyon ay ipinarada niya ang sasakyan sa gilid.
Naglabasan ang mga katulong at lahat ng mga ito ay nanlaki ang mga mata pagkakakita sa kanya.
Bakas ang tuwa sa mukha ng mga ito.
"S-sir Gian?"
Ngunit may napansin siyang kakaiba sa sa isa mga ito.
Kakaiba ang kilos ni Julia na tila natakot pagkakakita sa kanya.
"Sir Gian!" Nilapitan siya ng mayordoma, ngiting-ngiti ang matanda ngunit wala siyang emosyong ipinakita.
Walang dapat makaalam kung sino siya.
"Hindi ho ako si Gian, ako ang pinsan niya."
"Ha?"
Napatanga ang lahat.
Sinulyapan niya si Julia sa sulok na tila nakahinga ng maluwag.
Naningkit ang mga mata niya rito na mabilis namang yumuko.
"Rage Acuesta," inilahad niya ang kamay sa matanda.
Ngunit sa halip na tanggapin nito ay yumuko sa kanyang harapan.
Sumunod ang iba.
"Hinihintay ka ni don Jaime. Sumunod ho kayo sa akin, " anang matanda at naunang humakbang.
Sumunod ang bulungan.
"Talaga bang hindi siya si sir Gian?"
"Hindi raw eh."
"Mukhang hindi nga, kasi si sir Gian nakangiti agad 'yon at binabati tayo."
"Oo nga, iba 'yan, mukhang suplado."
"Pero grabe parang kambal!"
Napailing ang binata.
Sa sobrang gusto niyang makita si Ellah ay nakalimutan niyang may mga nakakakilala pa sa kanya!
' Huh muntik na! '
Huminga ng malalim ang binata.
Dinala siya ng mayordoma sa terasa kung saan naroon ang don habang nakaupo at nagkakape.
"Don Jaime, may bisita po kayo," anang matandang babae.
Lumingon ang don at ngumiti.
"Mr. Acuesta! Sit down please," iminuwestra nito ang upuang nasa harap.
"Good evening don Jaime," tugon niya at umupo.
"Ah, Ising maari mo ba kaming ipagtimpla ng kape nitong espesyal kong bisita?"
Bumaling ang tingin sa kanya ng mayordoma bago sa don.
"Opo, don Jaime," anito at yumuko bago umalis.
Nagkatinginan sila ng matanda.
"Wrong timing ho yata ako?"
"Bakit?"
"Hindi ko ho napaghandaan ang mga kasambahay ninyo."
"Ah, wala 'yon, hindi problema 'yon."
"Si Brian pala nandito pa?"
"Oo head security na."
"Oo nga ho eh," napahimas sa batok ang binata.
Bahagyang lumapit ang don at bumulong.
"Huwag mong gawin ang mannerism ni Gian mahahalata ka nila."
"Ano ho 'yon?" kinakakabahang tanong niya.
"Iyang paghimas ng batok, kapag nakita ka ni Ellah niyan magdududa 'yon."
"Sorry ho," umayos siya ng upo.
"Huwag kang mag-alala hindi tayo mabubuking basta hindi lang kita matawag sa pangalan mo."
"Wala na tayong lusot doon."
Sabay na naghalakhakan ang dalawang lalake.
---
Papasok ng mansyon si Ellah nang may maulinigan siyang tawanan.
Nanigas ang dalaga.
Ang isa ay sigurado siyang sa abuelo at ang isang halakhak na lalaking-lalake ay sigurado siya kung kanino 'yon!
Kumalabog ng husto ang kanyang dibdib at tinakbo ang mansyon papasok.
Inabutan niya ang dalawang lalakeng naroon nakatalikod ang kasama ng abuelo habang nakayuko ito.
"Gian? Gian ikaw ba 'yan?" pigil ang hiningang tanong niya.
"Oh hija, nandiyan ka na pala? Join us, " aya ng abuelo.
Lumingon ang naturang lalake.
Nakangiti ito ngunit nang makita siya ay naglaho.
Napaatras siya sa nakita at agad nag-init ang dugo.
Naalala niya ang pagsunog nito sa bahay ni Gian.
Umayos ng upo ang lalaki at humarap sa kanya.
Bumaling ang tingin niya sa abuelo.
"Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito lolo?" dinuro niya ito.
"Hija huwag kang ganyan, magkakilala na kayo ni Rage Acuesta hindi ba?"
Tumalim ang tingin niya sa lalaki.
Tumayo ito.
"Tandang-tanda ko lolo pati na ang pagsunog niya sa bahay ni Gian!"
Nagkatinginan ang dalawa.
"Ah, maiwan ko muna kayo," anang don at tumayo.
"Pauwiin mo na 'yan lolo, wala akong planong makipag-usap sa walang delikadesang tao!"
"Ellah!" sita na ng don.
"Totoo naman hindi ba? Bastos siya at sinunog ang bahay ni Gian!
Ni hindi niya tayo tinanong at basta na lang nangialam! Paano kung babalik na si Gian? Paano na ang bahay niya?"
Nag-abot ang tingin ng mga ito.
Tuluyan nang umalis ang don at naiwan silang dalawa.
"I am here for business-"
"Wala akong pakialam!" sigaw niya.
"How about investment Ms. Lopez?"
Natigilan siya.
"I can help, I'll do anything to help you."
Ramdam niya ang senseridad sa anyo at tono ng kausap, ngunit hindi siya natutuwa.
"No! We don't need your help and I don't need you!" duro niya rito.
"You don't need me but I need you!" dinuro din siya nito na ikinagulat niya.
"Ano?"
"I... I need you," halos bulong na lang 'yon lalo pa at yumuko. "I miss you."
Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Pwes hindi kita na miss!" bulyaw niya at umalis.
Hinabol siya nito pababa.
"Ellah, Ellah saglit lang please!"
Napaigtad siya nang dumampi ang malamig nitong palad sa kanyang pulso.
Hayan na naman ang matinding kabog ng kanyang dibdib.
Subalit sa tuwing maiisip niyang hindi ito si Gian ay ang tindi ng kanyang hangarin upang mapaalis ito.
Iwinaksi niya ang kamay nito.
"Umuwi ka na Mr. Acuesta at pwede ba hindi tayo close so address me as Ms. Lopez!"
"Ms. Lopez, I won't go home unless you choose me as your investor I am in rank two compared to Tan in rank three."
"So what? Atleast siya tumulong sa amin hindi gaya mo paninira ang dala."
"I'm sorry kung hindi ko agad nasabi ang pangyayari noon.
Pero kapag hinayaan ko ang bahay ni Villareal ay siguradong makakuha ng ebidensiya laban kay Villareal ang kalaban."
"Dapat mo pa ring ipinaalam sa amin! Sa akin! Ang kapal ng mukha mong magpakita pagkatapos ng ginawa mo!"
"I'm sorry"
"Huli na! Ano pang magagawa ng sorry mo ha?"
Hindi ito kumibo at pinagmasdan lang siya.
Kamag-anak ito ngunit bakit parang walang pakialam at hindi man lang hinahanap ang pinsan?
Sinunog pa ang bahay ng kanyang kasintahan na puno ng kanilang ala-ala.
'Hayop walang kunsensiya!'
Hindi na niya napigilan ang sarili at pinaghahampas ito.
"Umalis ka! Alis!"
Ni hindi naman pumalag.
"Walang hiya! Walang hiya! Ang sama mo! Ang sama mo!"
Pinagsusuntok niya ito sa dibdib.
Ibinuhos niya ang lahat ng galit at hinanakit.
Hanggang sa mapagod siya at hindi napigilang umiyak.
Subalit napaigtad siya nang kabigin nito at yakapin.
Humagulgol na ang dalaga.
Halo na ang kanyang nararamdaman.
Gustong-gusto niyang makita si Gian ngunit kapag nakikita niya ang lalaking ito ay nakakalimutan niya ang kasintahan.
Mas lalo siyang naiyak sa napagtanto.
Naramdaman niya ang marahan nitong paghaplos sa kanyang likuran.
Hindi talaga ito si Gian dahil si Gian ay hahaplusin nito ang kanyang pisngi at pupunasan ng kamay ang mga luha niya at hahalikan ang kanyang noo.
Nag-ipon siya ng lakas ng loob at itinulak ito.
"Umalis ka na," tinapangan niya ang anyo baka sakaling tablan.
"Hindi ikaw ang ipinunta ko rito."
Umawang ang kanyang bibig sa narinig.
"I am here for business don Jaime offered me as your investor."
"We don't need you!"
"You need me more than what you think Ms. Lopez," mariin nitong tugon.
"Huh! Ang kapal ng mukha mo!"
"Sa palagay mo ba kayo talaga ang magiging rank one noon?"
Kumunot ang kanyang noo sa naiisip.
"Natural! Kami lagi mula noon hanggang ngayon!"
Sa kanyang pagtataka ay humagalpak ito ng tawa.
"You don't know anything Ms. Lopez."
Nagtagis ang kanyang mga ngipin at nagsimula na namang umahon ang kanyang dugo sa galit.
Napakayabang ng walang hiya!
"Anong ibig mong sabihin?"
Huwag itong magkakamali dahil hindi siya mangingiming tadyakan ang hinayupak na ito!
"Why don't you ask your lolo? Akala ko alam mo pero mukhang hindi pala."
"Ikaw ang nag-umpisa ikaw ang tumapos!" singhal na niya.
Wala siyang alam sa pinagsasabi ng gagong ito!
Nawala ang ngisi sa labi nito.
"Ako ang nagpanalo sa inyo."
Napakurap siya.
'Hindi!'
Mariin siyang umiling.
"Hindi totoo 'yan!"
"Tanungin mo ang lolo mo, tingnan natin kung magsisinungaling siya."
Tumalim ang tingin niya rito bago tumakbo palabas.
"Lolo! Lolo!" tawag niya habang tumatakbo sa hallway ng bahay.
Nahagip ng kanyang tingin ang isang katulong
sa hindi kalayuan.
"Julia nakita mo si lolo!"
"Opo nasa library niya Ms."
Tumakbo siya patungo roon.
Nakabukas ang pinto at inabutan niyang nakaupo ang abuelo sa harap ng isang mesa.
"Lolo anong pinagsasabi ng lalaking 'yon? Siya raw ang nagpanalo sa atin kaya nanguna tayo! Ano 'yon lolo!"
"Hija, pumasok ka muna at umupo."
"Sagutin niyo ako! Totoo ba?"
Huminga ng malalim ang don bago nagsalita.
"Noong magipit tayo dahil hindi aabot ang isang bilyon sa oras totoong hindi umabot 'yon.
Napansin 'yon ni Acuesta at tinulungan tayo. Isang bilyon ang pinahiram niya."
"A-ano?" tila nanghina ang dalaga sa nalaman.
"Kaya noong sinabi mong kailangan ng investor ng kumpanya ay humingi ako ng tulong sa kanya. Ayaw ko lang magkaroon ng utang na loob sa iba."
"Lolo naman! Ibang tao pa rin siya!"
"Kamag-anak siya ni Gian."
"Malayong kamag-anak! Isa pa hindi na kayo nahiya? I can't believe you!" dismayado talaga siya sa ginawa ng abuelo.
Ni hindi niya maisip na hihingi ito ng tulong sa iba.
"Kapag hindi ako ang nanalo si Delavega ang mananalo mas gusto mo ba 'yon ha?"
"Kapag hindi ikaw ang nanalo ang Acuesta na 'yon ang mananalo!"
"Hindi sampung bilyon ang ipinasok niya."
"Kahit na! Nakasampung bilyon ang kalaban pero huli na!"
"Tapos na 'yon!"
"Tapos na nga at may utang na tayo!" sigaw na niya.
Natahimik ang abuelo.
"Hindi ako maniningil."
Humagkis ang tingin niya sa likuran naroon ang walang hiya.
"Magbabayad kami!" singhal niya.
"Hindi ko tatanggapin," tugon nito na mas lalong ikinainis niya.
"Ang kapal ng mukha mo!"
"Whoa ako pa ang makapal ngayon?"
"Hindi kami nangutang ikaw ang tumulong!"
"Kaya nga hindi ako naniningil."
"Kahit na! Magbabayad pa rin kami hindi ba lolo!"
"Ewan ko sumasakit ang tainga ko sa inyo."
Nilingon nila ang matanda na ngayon ay tumatayo na.
"Lolo babayaran natin siya!" duro niya sa kausap.
"Gawin mo na lang investor hija wala na tayong babayaran pa."
"Ayoko!"
"Dahil may Raven Tan ka na gano'n ba?"
Hindi ang abuelo ang nagsalita noon na ngayon ay palabas na.
"Pakialam mo!"
Hindi ito kumibo at inalalayan pa ang lolo niya palabas ng silid.
"Lumayas ka na rin," mariin niyang wika.
"Mag-uusap pa tayo," mariin din nitong tugon.
"Wala tayong pag-uusapan!"
"Marami! Isa na ang Tan na 'yon! Ano nakuha mo ba siya kaya ang yabang mong tanggihan ang tulong ko?"
"Ayokong magkaroon ng utang na loob sa' yo!"
"At sa lalaking 'yon ayos lang gano' n ba?"
"Ano ngayon? Wala ka ng pakialam!" binirahan niya ito ng talikod ngunit hinablot nito ang pulso niya.
Humagkis ang matalim niyang tingin dito.
"May pakialam ako dahil may utang kayong isang bilyon sa akin!"
"Hindi kami nangutang! Ikaw ang mismong nagbigay!"
"Tinanggap niyo pa rin. Hindi ako maniningil kung ako ang ipapalit mo sa lalaking 'yon."
Nabaghan ang dalaga sa narinig.
"Hindi ikaw si Gian anong karapatan mong sabihin sa akin ang ganyang mga bagay? "
"Pinsan niya ako-"
"Pinsan ka lang!"
Natahimik ang kausap.
"Wala kang karapatang mangialam lalo na sa mga desisyon ko."
Nabigla siya ng hawakan nito ng mahigpit ang kanyang braso at gigil na pinisil.
"Subukan mo lang na palitan si Gian. Subukan mo lang Ellah!"
Nakaramdam ng takot ang dalaga sa nakikitang pagdilim ng anyo ng lalaki.
Ganitong-ganito kung magseselos si Gian.
Argh shit!
Nakikita na naman niya ang kasintahan sa lalaking ito.
"Gaya ng sabi mo pinsan ka lang. Wala kang karapatang makialam kung papalitan ko siya o hindi."
Napaigtad siya nang tanggalin nito ang suot na eyeglass at ibalibag.
Wasak ang salamin.
"Makakapatay ako Ellah! Makakapatay ako nang hindi oras!" niyugyog nito ang balikat niya.
"Narinig mo!"
Natahimik siya.
Binitiwan siya nito.
Hinihingal ito sa galit.
Bagay na ikinapagtaka niya.
Tumalim ang tingin niya sa lalaking kaharap.
"Bakit ganyan ka magsalita? Huwag mong sabihing may gusto ka rin sa akin ha Acuesta?"
Natigilan ang lalaki.
"Hindi ka maaapektuhan ng ganyan kung wala kang nararamdaman.
Maliban na lang kung ikaw si Gian."
Napalunok ito at mas hindi kumibo.
"Ikaw nga ba si Gian?"