Kumabog ang kanyang dibdib.
"Malayo ang Pagadian sa Ipil.
Ang sabi niya kailangan niya ako.
Kung sasama ako sa inyo tay mahihirapan akong magbyahe lagi kaya ayokong tumira sa inyo."
Napalunok siya ibig sabihin nito sa kanya ito titira.
Hindi naman siguro ito makikitira talaga sa kanya kung sakali, marami namang maupahang apartment doon ayos na lang siguro.
"Kung gano'n kay Gian ka sasama?"
Nag-abot ang kanilang tingin bago ito tumingin sa ama.
"Hindi."
Kumunot ang noo ng binata.
Naguguluhan siya sa takbo ng isipan ni Isabel.
"Anong plano mo?" tanong ni mang Isko.
"Magkanya-kanya na. Hindi natin siya kailangan tay. Ayoko na."
Natigilan si Gian. Akala niya nagkaayos na sila.
"Mag-uusap tayo mamaya Isabel," mariing wika ni mang Isko sa anak.
Hindi na siya muling tumingin sa rear view mirror at gano'n din ito.
Matalino talaga.
Alam nitong kailangan niya kaya siya ang pinahihirapan.
Hindi naman pwedeng kay mang Isko ipangalan dahil mas mahihirapan siya.
Napapailing si Gian.
Ito na nga ang magiging instant bilyonaryo ito pa ang mapili.
Pagdating sa Pagadian ay dumeretso sila sa pamimili ng sasakyan.
Lahat ng pinakamabilis na paraan ay ginawa nila upang may magamit agad.
Kaharap nila ang manager ng naturang car dealer sa loon ng opisina nito.
Simply lang ang gusto niya at pinakamadaling mabili ang kanyang napili.
Hiningian sila ng dokumento at ibinigay lahat ni Isabel na ikinapagtaka ng manager.
"Sino ho ba ang bibili?"
"Ako," sagot ni Gian.
"Pero bakit dokumento ni madam ang ipinapasa ninyo?"
Umayos ng upo si Isabel at hinintay ang paliwanag niya.
"Sir, sa kanya ko ho ipapangalan ang kotse."
"Magkaanu-ano ho ba kayo sir?" nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Isabel.
Natigilan ang binata.
Hindi niya napaghandaan ang tanong na 'yon.
Nagkatinginan sila ni Isabel.
Tumikhim siya at mabilis nag-isip. "Kapatid ko."
"Ha?"
"I mean step sister," paglilinaw niya.
Tahimik pa rin si Isabel.
Nagkatinginan sila ni mang Isko na tahimik lang din ngunit halatang nagulat ito.
"Magkapatid? Ah okay ho sir, sandali lang ho ito pag nai process na natin ang mga documents after that makukuha na ninyo."
"Thank you," sagot niya.
Tahimik ang mag-ama kaya hindi siya kumportable.
"Titingnan ko lang ho ang model," aniya at lumabas.
Doon pa lang siya nakahinga ng maluwag.
Gusto niyang hingin ang opinyon ni Isabel tungkol sa sinabi niya ngunit hindi naman ito tumutol o talaga kayang wala itong pakialam kaya hinayaan na siya sa lahat.
Pinagmasdan niya ang naturang sasakyan.
Isang tingin lang niya alam niya agad ang magandang kalidad sa dami ng nagamit niya noon na nasira lang.
Hindi mahalaga sa kanya ang sobrang mahal ang importante magagamit ng matagal.
Ilang sandali lang may kotse na siyang nakapangalan kay Isabel.
Salamat kay don Manolo na nagagawa niya ang mga bagay na ganito.
Parang kailan lang ay hanggang tingin lang siya ngunit ngayon ay makakabili na.
"Gian?"
Napalingon siya sa tumawag.
"Bakit ho?" aniya kay mang Isko.
"Ayos ka lang? Medyo nagulat ako sa sinabi mo hindi natin 'yon napag-usapan."
Napakamot siya ng batok.
"Pasensiya na ho hindi ko rin kasi naisip na itatanong pa 'yon."
"Sabagay, kahit nga ako hindi naisip 'yon."
Tipid siyang ngumiti.
"Maganda ho ba?" tukoy niya sa kotse sa loob ng tindahan.
"Oo naman, maganda ang mga taste mo. Nga pala pasensya ka na kanina kay Isabel minsan hindi maintindihan ang ugali no' n eh."
"Ayos lang ho, ako dapat humingi ng pasensiya-"
"Hindi talaga, mali ng anak ko 'yon."
"Tay."
Napalingon sila ni mang Isko kay Isabel na ni hindi sumulyap sa kanya.
Napailing ang binata.
Alam niyang hindi siya pangit ngayon.
Katunayan ay sinunod niya ang gusto nitong get-up niya na long sleeve at maong na pantalon dahil iyon daw ang bagay sa kanyang bagong anyo.
Ganito rin ang pananamit ng babae. Mahilig ito sa mga long sleeve blouse at jeans katerno ang flat shoes.
Ibang-iba kay Ellah na madalas ay naka coat at mini skirt with high heels.
Huminga ng malalim ang binata.
"Bakit?" si mang Isko.
"Tapos na raw ho."
"Sige susunod kami," ani mang Isko.
Walang imik naman itong pumasok ulit sa loob.
"Isabel," lakas-loob niyang pigil dito.
Napilitan itong sulyapan siya gamit ang matalim nitong tingin.
"Mauuna na ako," ani mang Isko at pumasok sa loob.
Tumigil ang babae kaya lumapit siya.
"Sa susunod na araw palagi na tayong magkasama, hindi naman magandang palagi kang ganyan, I mean palaging cold treatment sa akin.
Huwag ganyan Isabel paano natin-"
"Putang ina Gian!"
Nabigla siya sa lutong ng pagmumura nito.
"Palagi na lang huwag ganyan Isabel! Noong lumalapit ako huwag ganyan Isabel ngayong lumalayo ako huwag ganyan Isabel eh ano bang gusto mo ha!"
Hindi makakibo ang binata parang bigla siyang nablangko.
"Alam mo Gian simply lang 'yan eh.
Ayoko na pero sinusunod lang kita dahil gusto ni tatay.
Ayaw kong palaging palpak sa paningin mo kaya ikaw ang masusunod sa lahat ngayon may problema ka pa rin! "
Napalunok siya at nakukuha na ang punto ng babae.
"Hindi ko sinabing gawin mong literal ang pag-intindi ng sinabi ko.
Alam kong matalino ka, pwede mo namang gawin at sabihin ang gusto mo ang ayaw ko lang ay ang lumagpas ka sa limitasyon at parang inaangkin mo na ako.
Iyon lang naman Isabel, iyon lang."
"Katrabaho gano'n ba? Sabagay magkasama lang naman tayo dahil sa trabaho-"
"Kaibigan Isabel, hindi ba magkaibigan naman tayo?" nalilito na siya sa estado nila.
"Hindi tayo magkaibigan, nagtutulungan lang tayo para sa isang hangarin iyon lang 'yon."
Nagsimula na siyang mairita.
"But I don' t deserve this cold treatment of yours!"
"But that's what I can give."
Umawang ang bibig ng binata at bago pa man makapag react ay wala na ang babae.
Napailing si Gian.
Kailangan niya si Isabel at lahat ng ari-ariang bibilhin niya ay ipapangalan niya rito bilang parte ng kanilang plano.
Subalit hindi niya lubos ipinagkakatiwala ang lahat dito.
Ang magtiwala ang bagay na pinakamahirap gawin para kay Gian.
Gano' n pa man alam niyang hindi siya lolokohin ni Isabel.
Sigurado siya pagdating sa bagay na 'yon.
Dahil sa oras na gagawin 'yon ni Isabel ay babaligtad ang kanilang sitwasyon.
Humugot ng malalim na paghinga ang binata.
Nang matapos ang transaksyon ay sinamahan siya ng manager patungo sa kotseng nabili.
Bumungad ang kulay gray na kotse sa kanyang paningin.
Makintab ito dahil brand new.
"Mr. Acuesta sir, your car is ready do you want some test drive?"
"No, I'll get it now," deretsong tugon niya at kinuha ang susi saka ibinigay ang envelop kay Isabel.
"Hold this, it's yours," malamig niyang tugon.
May isang staff doon na lalaki ang gumabay sa kanya.
"Here's your 2020 model Isuzu Mu-X sir."
Tumango siya. "Salamat."
Binuksan nito ang pinto at sinilip niya ang loob.
Panay ang paliwanag ng naturang lalaki habang nanatili siyang nakatingin.
" It's fine, can we go now?" tanong niya sa kausap.
"Ofcourse sir, thank you for dealing with us and have a bless trip."
"Thank you."
Nakipagkamay ang mga ito na tinanggap niya.
Pagkuwan ay binalingan niya ang ama ni Isabel.
"Tara na ho."
Pinauwi na niya ang driver ng van at binigyan ng sampung libo na siyang ikinatuwa nito ng husto.
Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at inilahad ang kamay sa mag-ama sa alin mang papasok doon.
Ngunit sa kanyang pagtataka ay wala isa man sa mga ito ang pumasok at sa halip ay nasa likod ang dalawa.
'Oh damn it? Gagawin ba akong driver ng mga ito?'
"Isabel sa harap ka na," ani mang Isko.
Umismid ang babae. "Kayo na lang doon tay okay na ako rito," humalukipkip si Isabel.
"Nahihilo ako sa harap eh," angal ni mang Isko.
Napailing si Gian.
"Isabel please?" siya na ang nagsalita habang iminuwestra ang upuan.
Inirapan siya nito bago lumabas at pumasok doon.
Isinara niya ang pinto bago umikot sa driver's seat.
Ilang sandali pa tahimik na nilang nilisan ang naturang lugar.
"Saan niyo gustong kumain?" tanong niya habang nasa daan na.
Walang sumagot.
"Mang Isko?" tanong niya sa matanda.
"Kahit saan lang Gian wala akong masyadong alam dito."
"Isabel?" tanong niya sa katabing palaging nakatingin sa labas.
"Ewan ko," pabalang nitong tugon.
Napailing si Gian at siya na ang naghanap ng makakainan dahil tinanghali na sila.
Ipinarada niya ang sasakyan sa isang restaurant at tahimik na nagsibabaan ang kanyang mga pasahero.
Umupo sila sa sulok base na rin sa pinili niya.
Nilapitan sila ng waitress at binigyan ng menu.
"Good afternon sir, ma'am here's our menu," nakangiting wika ng babae.
Kahit paano ay umaliwalas ang kanyang pakiramdam sa masayahing aura ng waitress.
"Anong sa inyo?" magaan niyang tanong sa mga kasama.
"Kahit ano lang Gian," tugon ni mang Isko.
"Sa'yo Isabel?"
"Ewan ko," anito sabay sarado sa menu.
Lahat sila ay natigilan sa inakto ng babae.
Nahagip ng kanyang tingin ang tingin ng waitress kay Isabel bago ito nagpapaalam na umalis.
Nagkatinginan sila ng ama nito.
Tumayo siya at nagpigil ng hininga.
"Excuse lang ho," dumeretso siya ng cr.
Pagdating doon ay marahan niyang itinukod ang kamay sa tiles na dingding bago bilang sinuntok.
Mariing naipikit ng binata ang mga mata.
Napupuno na siya sa kaartehan ng babae.
Hindi na niya masakyan ang mga trip nito.
Parang gusto na niya itong balian ng buto at ng magtino.
Humugot siya ng malalim na paghinga bago bumuga ng hangin.
Pagkuwa'y pumasok sa isa sa mga cubicle roon at umihi.
Nang maghugas siya ng kamay ay saka lang naramdaman ang hapdi na dulot ng sugat doon.
Hindi niya ininda at itinuloy ang paghugas.
Titiisin niya ang lahat ng ito para sa plano kasama ang mag-ama o hindi.
Ngunit kung hindi na niya makasama ang mag-ama ay mag-iiba ang takbo ng plano.
Palabas na siya nang makarinig nang sigaw ng isang babae.
"Ayoko nga tay!" si Isabel iyon.
"Humingi ka ng tawad! Napakabastos ng pinagagawa mo sa tao.
Dahil ba sa hindi ka niya magustuhan ay ganyan na ang iaasta mo? Mapipilit mo ba ang tao na mahalin ka gayong may iba na siya?
Mag-isip ka Isabel!
Nakakahiya ka!
Walang utang na loob!"
Akmang bubuksan niya ang pinto upang matigil ang mga ito subalit may kung ano sa kanya na nagtulak upang mas makinig pa sa hinaing ni Isabel.
"Kayo lang naman ang mapilit eh!"
"Kung ganyan ang pag-uugali mo ay wala ngang magkakagusto sa'yo kahit sino pa! Kahit maglalako sa kalye hindi ka pupulutin!"
"Ba't naman tayo nakarating diyan? Hindi lang sa inayawan ako ng taong 'yon kaya ako nagkakaganito!
Ipinamumukha niya kasi sa akin na wala akong kwenta kung wala siya!
Hindi niyo' yon maiintindihan tay dahil hindi kayo ang ginaganyan niya!"
"Ikaw nga itong nambabalewala ng husto sa tao! Ikaw pa ang may ganang magsalita ng ganyan?
Nasaan ba ang utak mo?"
Natigilan si Gian.
Gano'n ba ang pinaparamdam niya kay Isabel?
Parang bigla siyang nanghina sa narinig.
"Humingi ka ng tawad Isabel, narinig mo!" gigil na singhal ni mang Isko sa anak.
"Hindi na ho kailangan."
Lumipad ang tingin ng mag-ama sa kanya matapos niyang lumabas at magsalita.
Hinarap niya ang babae.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Wala tayong pag-uusapan," matigas nitong wika.
"Maiwan ko muna kayo, Isabel umayos ka," mariing banta ni mang Isko sa anak bago umalis.
"Sorry kung pakiramdam mo wala kang kwenta sa akin, nagkakamali ka Isabel-"
"So narinig mo ang usapan gano'n ba?"
"Listen, ikaw ang dahilan kaya ko ipinagpatuloy ang planong nasimulan natin. Kaya huwag mong isiping wala kang kwenta sa akin dahil hindi 'yon totoo.
Nagtulungan tayo dahil iisa lang naman ang hangarin natin.
Marami ka ng nagawa Isabel, malapit ng matapos ang lahat ng ito huwag mo naman akong iwan ng gano'n lang.
Kasama kita sa lahat ng ito kaya sana kasama pa rin kita hanggang sa matapos. "
" Saan ba 'to magtatapos ha Gian? "
" Kapag napabagsak na natin ang kalaban hindi ba
'yon naman ang misyon natin? "
" Pagkatapos ay ano? Maghiwalay na ng landas at wala na?
Gian alam mo, kung magkakaganoon man ay ngayon pa lang ayaw ko na hanggang kaya ko pang umayaw ay tigilan na natin 'to magkanya-kanya na tayo."
Humulagpos ang kanyang pagtitimpi.
" Ang hirap sa' yo makasarili ka!"
" Anong sinabi mo! "
" Wala ka ng ibang iniisip kundi ang sarili mong kapakanan!
Paano naman ang iba? Paano ang ama mo? Ang mga plano natin?
Handa kang itapon lahat dahil lang sa pansarili mong dahilan!
Anong klase ka?
Lahat ginagawa ko Isabel para matupad ang pinangarap natin pero mukhang hindi na kita naiintindihan.
Parang nakalimutan mo na ang layunin mo kung bakit mo ito ginagawa.
Kung tungkol pa rin 'to sa nararamdaman mo sa akin pasensiya na at hindi ko alam na magkakagusto ka sa tulad ko.
Wala rin akong magagawa para pigilan ka at nang hindi ka na masaktan.
Pero ang itapon ang lahat ng pinaghirapan natin dahil lang sa nararamdaman mo ay masyadong sakim na desisyon."
"Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko dahil hindi ikaw ang nasasaktan!"
"Masyado kang oa! Napakarami pang problema na mas higit pa diyan Isabel ni hindi mo nga alam na baka itong pinaplano natin ay alam na ng kalaban at baka isang araw ubusin na lang tayong lahat ay wala ka man lang kalaban-laban dahil inuuna mo pa ang nararamdaman mo! "
Natahimik ang babae at tumingin sa kawalan.
"Alam mo kung bakit ko nagustuhan si Ellah?
Dahil inuuna niya ang kapakanan ng iba bago ang sarili niya!
Handa niyang isakripisyo ang nararamdaman niya kahit masaktan siya alang-alang sa mga mas mahalagang bagay.
Napakaraming bagay na hadlang para sa nararamdaman niya sa akin at ni minsan ay hindi ako ang inuna niya Isabel!
Kailangan ko pang muntik mamatay para mapansin niya!
Pero ikaw kabaligtaran ka niya.
Mas inuuna mo pa ang sarili mo bago ang kapakanan ng iba.
Isabel napakaraming umaasa sa'yo, ang kasamahan mo ang ama mo lahat ng inapi ng kalaban ay matutulungan mo kapag nagtagumpay tayo."
Mas natahimik ang babae kaya huminahon siya.
" Mabibigyan natin ng hustisya ang mga nabiktima.
Kaya please bumalik na tayo gaya ng dati.
Marami ang umaasa sa atin, marami ang nangangailangan sa'yo. "
Narinig niya ang mahinang hikbi ng babae kaya bigla siyang nag-alala.
" Isabel? "
Hindi ito kumibo kaya alangining hawakan niya ang balikat nito.
"Mahal mo si Ellah ni hindi ka niya hinanap?
Kabaligtaran nga niya ako dahil kung ako siya hindi ako titigil hanggat hindi kita nakikita pero siya?
Nasaan siya?
Hinanap ka ba niya?
Ni wala siyang paramdam sa radyo man o sa telebisyon."
"Magkaiba nga kayo dahil sa oras na gagawin niya ang sinasabi mo babatikusin na naman sila ng ibang tao, dudumugin ng mamahayag at maeeskandalo na naman dahil sa akin.
Iniiwasan lang niya ang mga bagay na ayaw kong gawin niya.
At kung ano man ang mayroon sa amin ni Ellah ay labas ka na roon.
Ang pagtuunan mo ng pansin ay ang mga plano mo laban kay Delavega, iyon ang nagustuhan ko sa'yo Isabel, matapang ka at walang inaatrasan kahit pa kilala mo ang kalaban.
Nagawa mo ring pasunurin sa'yo ang kaibigan ko bagay na hindi niya nagagawa sa iba.
Kusang loob ang madalas ginagawa ni Vince na pagtulong pero pagdating sa'yo nagagawa mo siyang utusan.
Matindi ang convincing power mo Isabel iyon ang isa sa magandang bagay na taglay mo kaya huwag mo sanang sayangin. "
Mapait na umiling si Isabel.
" Convincing power na hindi tumalab sa'yo. "
Natahimik siya.
" Sorry kung pagdating sa nararamdaman mo ay hindi mo ako nakukuha pero bukod doon napapasunod mo ako Isabel.
Ang pangalan ko, ang anyo ko ngayon pati nga pananamit ko na gusto mo ay sinusunod ko.
Naging Rage Acuesta ako dahil sa'yo."
Umangat ang tingin ng babae.
" Susundin mo 'yon? Akala ko ba ayaw mo?"
" Hindi sa ayaw ko hindi ka lang nagpaalam kaya nagalit ako pero gusto ko ang pangalang 'yon bumagay sa bago kong pagkatao.
Lahat ng ideya mo sinusunod ko, dahil nakikita ko ang magandang layunin kaya huwag mo namang itapon na parang hindi mo pinaghirapan. "
Natahimik ito uli.
Tumahimik na rin siya.
Anuman ang desisyon nito ngayon ay tatanggapin niya.
Magkalinawan na at nang matanggap niya nang walang matinding hinanakit.
" Ikaw ang magaling kumumbinse, sige na nga mag focus na lang ako sa mga plano natin."
Namilog ang mga mata ni Gian sa narinig.
Kumabog ang dibdib niya sa tuwa.
"Tama ka naman eh, maraming umaasa sa akin, sa amin ni tatay na kagrupo namin.
Ayaw ko namang biguin sila dahil lang sa simpleng dahilan.
Bukod doon may mas higit pang dahilan kaya ko ginagawa ang ganito.
Isa pa dapat ngang mas magplano tayo ng matindi dahil baka pinagplanuhan na rin tayo ng kalaban."
Ngumiti ang binata.
" Sus ang ngiti mong 'yan ang mas lalong nagpapahulog sa akin eh. "
Tuluyan na siyang natawa.
" Isabel salamat, " kinabig niya ito at magaang niyakap.
" Huwag mangyakap baka masanay ako. "
Mabilis siyang kumalas.
" Nakahanap na nga pala ako ng abogado, " anitong mas nagbigay saya sa kanya.
"Talaga?"
"Oo, mamayang hapon free siya pwede tayong makipagkita."
"Oo ba! Unahin lang natin itong beach resort tapos maghahanap tayo ng bahay bago sa dinner natin kausapin ang abogado ano sa palagay mo?"
"Walang problema, mamaya ko na siya tawagan kapag natapos na tayo."
"Sige, uhm lunch muna tayo?"
"Sige," tipid na ngiting tugon nito bago naunang humakbang pabalik ng mesa.
"Isabel, sorry nga pala kung nasaktan kita.
Hiindi ko 'yon, sinasadya."
"Ayos lang, naiintindihan ko."
"Salamat."
Tumigil ito at hinarap siya.
"Ako ang dapat magpasalamat. Mula ngayon gagawin ko ang lahat para magtagumpay ang plano natin."
"Ako rin pangako."
"Pangako."
Ngumiti ng tapat si Isabel.
Nakahinga ng maluwag ang binata.
Ngayon parang nabunutan siya ng tinik.
Hindi na magiging hadlang ang damdamin nito sa kanya.
Hindi lang niya masabing marami pang mas nababagay na lalaki dito at tiyak na makakahanap ng iba dahil isang malaking insulto 'yon.
Isang malaking insulto sa babae na ipasa siya sa iba dahil lang sa hindi mo siya gusto.
Kung ayaw mo magalang mong tanggihan at huwag ipasa sa iba.
Sila na nga ang nasasaktan mas masasaktan mo pa.
Pagbalik nila inabutan nilang nakaupo si mang Isko roon kaharap ng tatlong basong tubig at pitsel.
"Tay," ani Isabel na tumabi sa ama.
Umupo siya kaharap sa mga ito.
Nag-abot ang tingin nila ni mang Isko.
Tumango lang siya.
"Mag-order na tayo? Gutom na ako," masiglang wika ni Isabel. "Waiter."
Nag-order sila ng mga pagkain na may ngiti sa mga labi.
Napangiti si mang Isko habang nakatingin kay Gian bago umiling-iling.
Nagpapasalamat siya ng husto dahil nagkasundo na sila ni Isabel.
Matalino ito, madaling makaintindi at makaunawa kaya alam niyang magtatagumpay sila.
Lahat ng plano nila ay isa-isa ng matutupad.
Matapos kumain ay tinungo nila ang beach resort.
Nasa parteng Tukuran daw ang resort ng mga ito.
Habang nasa biyahe ay magkatabi sila ni Isabel sa sasakyan habang si mang Isko sa likod ay natutulog.
Tahimik sila at ang tanging maririnig ay ang musika ng radyo.
"Gian kung sakaling mababago na ang pangalan mo at maging Rage Acuesta ano ang pwedeng itawag sa'yo?"
"Rage, dapat masanay tayong Rage ang itawag niyo sa akin para hindi tayo magkakalituhan."
"Parang hindi ako sanay. Teka nga ano bang palayaw mo?"
"Wala naman, basta ang tawag sa akin ni lola noon ay 'Ga' shorcut ng palangga.
Lahing Cebu kasi si lola kaya bisaya."
"Ga? Hmm nice. Sige mula ngayon 'Ga' na ang itatawag ko sa'yo kapag may ibang tao ay Rage para klaro?"
"Sige."
Napangiti si Isabel kaya napangiti na rin siya.
Ni minsan ay hindi pa siya tinawag ni Ellah ng gano'n.
"Ga?"
"Hm?" tugon niya sa tawag ni Isabel.
"Nice siya, ako, kasi Isay eh. Panget nga eh."
"Maganda naman, bagay sa'yo."
Muling ngumiti si Isabel bago tumingin sa labas ng bintana.
"Uh ano, iyong tungkol sa tirahan saan ka sasama sa Pagadian pa rin ba?"
"Hmm, hindi na sa Ipil na lang para malapit tayo at hindi ka na mapagod."
Ngumiti siya.
"Tama 'yon para mabilis ang trabaho. Hahanap tayo ng apartment mo roon."
"Oo, sige."
Huminga ng malalim ang binata.
Ilang sandali pa tanaw na nila ang pangalan ng beach resort ng mga Delos Santos.
"Damian' s Resort," basa ni Isabel sa karatulang naroon.
"Unang pagtupad sa plano natin Isabel."
"Sana makuha mo."
"Natin, makuha natin at ipapangalan ko na naman sa'yo."
"Grabe ka Gian huwag pa fall please?"
"Huh?" kumunot ang kanyang noo sa pagtataka.
"Wala. "
Nagkibit balikat ang binata bago huminto sa isang gate.
Ginising ni Isabel ang ama habang tinatawagan niya ang may-ari at ipinaalam na dumating na sila.
Mabilis naman silang sinalubong ng isang may edad ng lalaki.
"Mr. Rage Acuesta?" tanong nito.
"Yes sir," sagot niya.
"Damian Delos Santos sir," inilahad nito ang kamay na tinanggap niya.
Pagkuwan ay pinapasok sila nito at tumambad sa kanila ang magara nitong hotel maging ang malapad at malinis na tubig-dagat.
Habang naglalakad ay ikinukuwento ng lalaki ang estado ng resort.
" Kulang sa tauhan kaya medyo napabayaan noon hindi kasi interesado ang anak ko kaya nagpasya kaming ibenta na lang."
"Sa tingin ko ay maayos naman ho siya."
"Oo, maayos talaga 'yan malakas kami noong hindi pa nag Canada ang anak ko. Pero ngayon wala ng mamamahala kaya binibenta na namin.
Kukunin kasi ako ng anak ko dahil wala naman na silang ina.
Ang isang anak ko naman ay nasa Hongkong pero medyo magulo roon kaya sa Canada na lang ako. "
Tumango-tango siya habang naglilibot sila sa kabuuan ng hotel.
Malinis ang bawat silid at mukhang bago pa gano'n din sa iba pang parte ng hotel.
Maaliwalas at magaan sa pakiramdam.
" Doon tayo sa beach? "
" Sige ho sir. "
Sunod-sunuran silang tatlo sa may-ari.
Payapa ang tubig at amoy tubig- dagat.
Naisip na niyang pwedeng gawing rest house.
Naglalakad sila sa beach habang tuloy ang usapan sa may-ari.
Ipinagmamalaki nito ang malinis at mapayapang tubig maging ang mga nipa hut sa gilid ay nagustuhan niya.
"Ilang taon na ho ang operation nito sir?" si Isabel ang nagtanong.
"Well medyo matagal na almost thirty years na."
"Kailan lang nag stop ng operation?"
"Hindi naman totally stop, humina lang. Last year lang. Pumanaw kasi ang asawa ko noong nakaraang taon kaya plano na akong kukunin ng anak kong nasa Canada para doon na manirahan."
Nagkatinginan sila ni Isabel.
"Maganda ho siya at malinis."
"Ay oo madam, sinisigurado naming malinis ito lagi."
"Wala ba itong conflict sir? Alam niyo na mga gulo?"
"Wala naman ho madam, maayos ho ito at walang kalaban, wala ring reklamo."
"Magkano ho ba ang halaga nito?" derektang tanong niya.
Bago ito sumagot ay tumingin muna sa kanya at pinag-aralan siya.
Tinatantiya nito kung kaya niya ang halaga.
"I'll pay it in cold cash don't worry."
Lumiwanag ang mukha ng matanda.
"Mura lang naman kasi madalian ito at nagmamadali rin kami.
Sa opisina tayo."
"Wala pa ho kaming abogado sa ngayon kaya hindi muna tayo magbabayaran, kakausapin pa ho namin ang abogado mamaya tungkol dito."
"Ah okay ikaw ang bahala sir. Tawagan mo lang ako kapag okay na."
"Sige ho, pero gusto ko ang lugar.
Bukas babalik kami ulit para magbayaran na ho tayo."
"Walang problema, nagpahanda ako ng snacks kain muna kayo?"
Alanganin siyang tumango.
"Sige na sir, bilang pasasalamat sa inyong pagdating."
"Sige ho sir, salamat."
"Tara sa hotel."
Sumunod sila at dinala sila nito sa likuran kung saan naroon ang kainan kaharap ng dagat.
Mabait ang matanda at inasikaso sila nito ng mabuti.
May mangilan-ngilang kustomer doon na kumakain at nagkukuwentuhan.
Kumain sila ng meryenda habang panay ang kwento nito sa history ng naturang beach.
"Dahil dito, nakilala ko ang asawa ko," sabay tingin nito kay Isabel na sumisipsip ng buko juice sa buko shell.
"Gano'n ho ba?"
"Oo kaya malaki ang memories niyan eh."
Muli itong sumulyap kay Isabel na katabi niya.
"Kayo ba ng asawa mo saan kayo nagkakilala?"
Nasamid si Gian at tumikhim si mang Isko.
Si Isabel ay hindi makatingin.
"Wala pa ho akong asawa sir Damian," aniyang uminom ng tubig.
"Gano'n ba?"
Tumayo siya. Sumunod ang mag-ama.
"Paano ho sir Damian, bukas na lang ulit? Salamat sa oras at meryenda."
Nakipagkamay siya rito.
"Sige salamat din."
"Bukas ho ay magbabayaran na tayo."
"Sige ihahanda ko ang mga dokumento."
"Sige ho salamat."
Nagpaalam sila at umalis dala ang pangako ng may-ari at pangarap ni Gian para sa naturang resort.
"Ang ganda Gian, gustong-gusto ko siya. Ang galing mo!" hiyaw ni Isabel habang nagbabyahe na sila.
"Ipapangalan natin ulit sa'yo, lahat naman sa'yo."
"Wow naman! Instant billionaire ang step sister mo?"
Nagkatawanan sila.
Habang nagbabyahe para sa pakikipagkita sa abogadong kilala ni Isabel ay masiglang nagsasalita ang babae.
"Tay, may bago na tayong itatawag kay Gian."
"Ano naman 'yon?"
"Ga, iyon ang nickname niya."
"Ayos, malilito kasi ako kapag Gian ako ng Gian gayong ibang pangalan ang pinakikilala niyo sa tao."
"Pansamantala lang ho ito mang Isko babalik din ang tunay na ako, maghintay lang tayo."
"Babalik ka sa tunay na ikaw at mawawala ka na sa akin," bulong ni Isabel.
Napalunok ang binata.
"Tay, napag-usapan nga pala namin ni Gian na sa Ipil lang din ako kayo na lang ho ng kasama natin ang maiiwan dito.
Isa pa kapag dito ho ako makikita na ng mga kasama natin si Gian, hindi nga pala pwede 'yon."
"O sige ikaw ng bahala mas mabuti 'yon para hindi nakakapagod sa inyong dalawa."
"Oo nga, maghahanap ako ng apartment doon."
"Sige lang huwag lang sa iisang tirahan."
Pagkuwan ay sumeryoso siya.
"Sino ba itong abogado na kilala mo Isabel?"
"Ah, si Attorney Carpio, expert siya sa mga ganitong bagay. Magaling 'yon, kaklase ko noon na nakapasa na ng bar."
"Ah, mabuti, ikaw rin sa susunod aasahan kong magiging abogada ka rin."
"Salamat, pangako tutuparin ko 'yon. "
Ilang sandali pa ay tumahimik na ang mag-ama.
Sinulyapan niya si mang Isko na natutulog sa likod.
Si Isabel naman nakapikit.
Nag concentrate na lang siya sa pagmamaneho.
Habang nasa byahe ay hindi mapigilan ng binata ang maging masaya.
Kahit pala malayo sila ni Ellah sa isat-isa ay nakukuha niya pa ring maging masaya.
Ang lahat ng ito ay para naman sa kanyang kasintahan.
Malapit na sila sa siyudad nang mapansin niyang nahuhulog na ang ulo ni Isabel sa kanyang gawi at halos mabali na ang katawan nito kakayuko.
Itinabi niya ang kotse at inayos ang pagkakaupo nito.
Nalanghap niya ang pabango ng babae na halatang hindi mamahalin.
Tulog pa rin ito.
Hindi niya maiwasang pagmasdan ang natutulog na babae.
Maganda naman talaga ito at maamo ang mukha.
Mabait pa at matalino.
"Huwag ganyan Gian."
Napaigtad siya nang magsalita si mang Isko mula sa likuran.
Nag-abot ang kanilang tingin.
"Ho?"
"Wala kang gusto sa anak ko hindi ba? Kaya hayaaan mo siya."
"Pero ano kasi nababali na leeg niya?"
"Hayaan mo siya."
"S-sige ho," tugon niyang napapakamot ng batok bago pinaandar ang sasakyan at tahimik na nagmamaneho.
"Sa sobrang kabaitan mo nabibigyan ng kahulugan ng iba. Minsan bawasan mo 'yon baka magdulot pa ng ikakapahamak mo."
"Oho," tugon niya.
Muling natahimik ang matanda.
Napaisip ang binata at tinandaang mabuti ang sinabi ng matanda.
Madilim na pagdating nila.
Tulog pa rin ang mag-ama.
Ginising niya ang mga ito at mabilis na nag-ayos si Isabel.
Tinawagan din nito ang abogado at napag-alaman nilang nasa loob na.
Sabay silang bumaba ng sasakyan at inalalayan niya si mang Isko sa pagpasok.
Nauna si Isabel.
"Migs kumusta?"
Nagyakapan ang mga ito.
Isang halos kaedaran niyang lalaki na may suot na eyeglass ang abogado.
Naka long sleeve ito at pantalong itim.
"I'm good ikaw ba?"
"Well heto maganda pa rin."
"As always," sabay ng abogado.
Napatingin ito sa kanila.
"Oh Migs, this is Rage Acuesta , ang sinasabi kong kaibigan ko. Ga, this is Attorney Miguel Carpio classmate ko before."
"Hi!" anang abogado.
Nagkamay silang dalawa ng lalaki.
"Tatay ko naman," ani Isabel.
Nakipagkamay ang abogado rito. "Kumusta ho?"
"Ayos lang."
Nagsiupo sila at nag order ng pagkain habang nagkukuwentuhan ang dalawa.
Mataman lang naman siyang nakikinig.
"So heto na nga, balak bumili ni G-Rage ng properties pero ipapangalan niya sa akin kaya naisip ko na magaling ka pagdating dito eh."
"Hindi naman, teka lang bakit naman ipapangalan sa'yo? Bakit sa'yo?"
Tumikhim siya. "Medyo may conflict pa kasi sa pangalan ko kaya hindi muna pwede."
"Pero bakit sa'yo Isay? Paano kayo nagkakakilala ng kaibigan mo? Tsaka bakit mabilisan?"
"Uh ganito kasi 'yon, kailangan niyang makapasok sa ZBC kaya lang may conflict pa nga sa name niya kaya sa akin muna lahat."
"Okay ganito ' yon eh, granted na ipangalan sa' yo lahat ng ari-arian nitong si Mr. Rage Acuesta take note bilyon ang pinag-uusapan dito tapos kaibigan ka lang?
Anong meron sa isang kaibigan?"
Nagkatinginan sila ni Isabel.
Nakukuha na niya ang punto ng abogado.
Nag-abot ang kanilang tingin ng lalaki.
"Okay kung kasaling makapasok ka na doon sa ZBC Mr. Rage anong sasabihin ng mga miyembro doon? Ikaw ang miyembro pero nakapangalan sa kaibigan mo ang properties mo? Think about it?"
Natahimik sila.
"Kahit ano pang klase ng sitwasyon walang magbibigay ng ari-arian sa isang kaibigan ng bilyon."
"Hindi naman ibibigay Migs."
"Okay hindi pero dahil sa'yo ipinangalan ang first assumption ng tao ay iyo ito at ikaw ang may-ari nakapangalan sa'yo eh."
Napag-isip-isip niyang tama ito ngunit alam niya ring may solusyon dito at iyon ang aalamin niya.
"Isa pa baka ma kwestyon ang membership mo Mr. Acuesta kapag nalaman nilang hindi nakapangalan sa'yo ang mga properties mo.
Alam mo na bigatin ang naroon magtataka sila at aalamin 'yon ng club conflict' 'yan tagilid tayo niyan."
"Ano bang pinakamagandang gawin atty. Carpio?" tanong na niya.
Sigurado siyang may ideya ito.
"Well, we have two options here.
One, hindi natin dapat sa kanya ipangalan ang properties mo para walang sabit.
And two ay hindi dapat magkaibigan kayo ni Isabel para kahit paano ay hindi tatagilid."
Kumunot ang kanyang noo sa narinig.
"What do you mean?"
Tumingin ito sa babae bago nagsalita.
"Isabel must be your fiancée."