"Baby!" Roah quickly kiss my lips. "How's your night with your bestie?" he asked while he is in my back.
"Hmm, perfectly fine. And how about your bonding with your brother?" i asked him while hugging his two arms.
"Hmm, where is Cheska?" he whispered.
"Nasa room pa niya at tulog na tulog. Why?" tiningala ko siya at dali-dali naman tumabi sa akin sa upuan.
"Zack asked for my help about planning to make a wedding proposal. Kaya naubos ang gabi namin ng dahil lang doon."
"What?!!" `di makapaniwalang tanong ko kay Roah.
"Hey! Your mouth baby, baka magising si Cheska" pigil niya sa akin.
"Nagulat lang ako dahil `di ko akalain na gusto na pala ni Zack na lumagay sa tahimik." paliwanag ko kay Roah.
"And i suggest na kunin niya si Menalippe Sandoval para gumawa ng kanilang susuoting wedding gown and suits, maging ng buong entourage." kwento pa nito habang hinahalo ang kapeng aking tinimpla for him.
"Magandang idea iyan at tiyak na hahangaan siya ng mga bisita kapag nakitang suot ang creation ng napakagaling na fashion designer na si Menalippe Sandoval." pagsang-ayon ko.
"Yes, kagabi rin pinuntahan namin si Menalippe sa kanyang shop. Good thing, nandoon siya at nakasingit kami ng kanyang oras." aniya pa habang panaka-nakang humihigop ng kape.
"Good morning" bati ni Cheska sa amin. Bagong paligo na ito at fresh na fresh tingnan sa suot nito maxi dress.
"Good morning, too Cheska" bati naman ni Roah sa kanya.
"Halika na, mag-coffee ka na." yaya ko sa kanya na agad naman kumuha ng coffee mug.
"Si Zack nga pala? Hindi pa ba pupunta dito? Hindi ko kasi namalayan na lowbatt na pala cellphone ko." tanong ni Cheska kay Roah.
"Ahm si Zack? He is on his way na rito may pinadaanan kasi ako sa kanya. Atsaka pinakiusapan ko na bumili ng California Maki, request kasi ng baby ko eh since doon din ang way niya kaya nagpresinta na si Zack na siya na bibili." paliwanag ni Roah kay Cheska.
Nangingiti lamang ako sa baby ko dahil halatang defensive ito sa kapatid.
"Ahm, Roah please naman pakisabi sa kanya gusto kong kumain ng Shawarma bili siya kamo ng 10pieces atsaka gusto ko palagyan niya ng maraming cheese at chili sauce ha." pakiusap ni Cheska kay Roah.
Nagkatinginan kami ni Roah at agad naman umoo ito kay Bestie. Tinawagan kaagad ni Roah si Zack na kasalukuyang bumibili ng California Maki.
"Ang dami naman ng pinabili mo Bestie, ilan lang tayo oh." nangingiti kong sabi sa kanya.
"One each lang kayong tatlo noh, akin ang pito." sabay higop nito ng kape.
"Wow, bestie! Mula ng magkakilala tayo til now, ngayon ko palang kita makikitaan na kakain ng shawarma at 7 pieces pa talaga ha?" `di mapaniwalang sabi ko sa kanya.
20 minutes later...
"Hi guys, good morning!" bati ni Zack sa amin matapos niyang ibaba ang mga ipinabili namin sa kanya sa table.
Biglang sinalubong ni Cheska si Zack ng yakap at pinupog ito ng maliit na halik mula sa mukha hanggang leeg.
Hindi naman malaman ni Zack ang gagawin sa nobya kung papaano patitigilin ito. Kaya ng mapadako ang tingin niya kay Zack tinanguan lang niya ito na hayaan na lamang si Cheska sa ginagawa.
Kami naman ni Roah ay kinuha ang mga pinamili ni Zack at kami na ang naghanda sa dining table.
Nang maayos na namin ang lahat ng pagkain at fresh juices tinawag ko na ang dalawa sa sala.
Natatawa pa ako dahil nadatnan ko pa si Cheska na nakakandong kay Zack habang nakapulupot ang mga kamay nito sa batok ng lalaki at ikinikiskis ang ilong nito kay Zack.
"Uy enough of that baka naman mawalan ng ilong 'yan boyfriend mo bestie. Halika na kayo at naka-prepare na ang mga pagkain."
"Oh, my shawarma!" sabay baba nito sa kandungan ni Zack at dali-daling nagpunta sa dining area.
"I bet, you're going to be a father soon. So hurry up. Mag-propose ka na kung ayaw mo maglakad `yan sa isle ng lobo ang tiyan." bulong ko sa kanya.
Nangingiti naman akong nakasunod kay Cheska iniwang nakatulala na naman si Zack. Haynaku, nakakatawa lang talagang pagmasdan si Zack. Namumula ang mukha.
Pagdating namin sa table kinakain na ni Cheska ang shawarmang pinabili niya kay Zack.
"Oh, my God Cheska nakatatlo ka na agad niyan?" `di mapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Oh bestie, come here! Ang sarap ng shawarma promise! Here!" sabay abot nito ng isang piraso sa akin at inabutan din niya ng tig-isa ang dalawang lalaki.
"Masarap nga but mas gusto ko talaga itong maki. Later ko siyang uubusin bestie, eto munang maki ang gusto kong unahin..."
Sabay kuha ng platito at chopsticks. Nilagyan ko ng maraming maki ang platitong hawak ko at inumpisahang kainin. Hindi pa ako makuntento at kumuha pa ako ng soy sauce sa kitchen ni Cheska at nilagyan ito ng maraming wasabe.
Sarap na sarap ako habang kumakain ng mapansin kong tahimik lang ang dalawang lalaki at nakatunghay lang sa aming dalawa ni Cheska na walang humpay na kumakain ng dala ni Zack.
"Hey! Imbes na manahimik kayong dalawa diyan, here at maki-join din kayo!" sabay abot sa kanila ng tig-isang platito at chopsticks.
Inabot naman nila ang platitong binigay ko sa kanila at kumuha ng maki.
After ng delicious breakfast, nagpasya na akong umuwi with Roah upang makapagsolo naman sina Cheska at Zack.
"Bakit ang tahimik mo baby?" tanong ko kay Roah nang nasa loob na kami ng sasakyan.
"Wala lang baby, napapantastikuhan lang ako sa inyong dalawa ni Cheska. And obviously mukhang nakabuo na sila ni Zack. But----" napatigil na lamang si Zack sa kanyang pananalita at tumitig sa akin.
"But? Okay alam ko kung ano ang tumatakbo diyan sa isipan mo. Paandarin mo na ang kotse at may pupuntahan tayo okay?" utos ko sa kanya.
"Meycauayan Medical Centre?" tanong ni Roah sa akin.
Bumaba ako at diretso kong tinahak ang papunta sa entrance ng Hospital.
Pagdating sa Nurse Station...
"Hi, excuse me. I have an appointment to Dra. Castello." bati ko sa nurse na nasa front desk.
"Your name Ma'm?" tanong nito sa akin.
"Miss Dyanne Santiago." i answer
"Okay, wait for a minute Miss Santiago, i will call her in her office." and she dialled on the telephone.
"Hello, Dra. Castello. Miss Dyanne Santiago is here right now. Ah, okay Doctor. Thank you po." ibinaba na niya ang phone atsaka humarap sa akin.
"Okay na po Ma'm. She's waiting on you. Room 238" aniya sa akin.
"Let's go baby." yaya ko kay Roah.
Ilang minuto lang ay nasa harap na kami ng pinto ni Dra. Castello, ob-gynecologist na matagal ng family friend ng aking mga magulang.
Nag-doorbell ako at bumungad ang personal secretary ng doctor...
Pinapasok niya kami at naabutan ko si Dra. Castello na may kinakausap pang pasyente.
Pinaupo muna kami sa waiting area at ilang minuto lang pinatawag na kami.
"Oh hello Dyanne, good to see you again hija!" at bumeso ito sa akin.
"Me, too Doctora! Nice to see you. Parang `di po yata kayo nagkakaedad. Maganda at sexy pa rin po kayo. By the way, this is Roah Montes my fiancee." pakilala ko sa kanya.
"Oh, nice to meet you Roah." at nakipagkamay naman ang doctora sa aking fiancee.
"Nice to meet you too! Doctora!" bati naman ni Roah sa doctor.