Aliyah's Point of View
MADILIM ang tingin ni Onemig sa aming dalawa ni Jam at marahil ilang sandali na lang ay maglalabas na siya ng itim na aura.
Nanatili lang kaming nakatingin sa isa't isa samantalang si Jam ay si Guilly ang hinarap.
" Hello sweetie pie!" bati ni Jam kay Guilly na agad namang nagpakarga sa kanya.
" Where's my pasalubong papa Jam?" tanong ni Guilly kay Jam.
" Of course, I have lots for you. Go to your mama Tin, nasa kanya lahat ng pasalubong ko para sayo." mabilis namang bumaba si Guilly sa pagkakakarga niya at patakbong pumasok sa bahay.
" Onemig! Bro kumusta? " baling naman ni Jam kay Onemig nung makapasok na si Guilly sa bahay.
" Jam! What are you doing here? " seryosong tanong ni Onemig kay Jam. Hindi sinagot ang pangungumusta ni Jam.
" What I am doing here? Wala naman. Napauwi ako dahil tumawag sa akin itong si Liyah noong isang araw at iyak ng iyak. Nag-alala ako, that's why I'm here." tugon niya kay Onemig bagama't mahinahon ay mahihimigan ang disgusto sa tono niya.
" Really? Umiyak lang, nag-alala ka na? Gumastos ka pa ng malaki sa pamasahe para lang don? " puno ng sarkasmong tanong ni Onemig. Nasaktan naman ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko mayroong halong panghuhusga yung paraan niya ng pagtatanong. May malisya.
" What do you mean? Saan papunta yang salita mo? " tanong ni Jam sa kanya. Tila nahimigan din ang kakaiba sa salita ni Onemig.
" Wala naman. Gusto ko lang sabihin na huwag ka ng makialam sa gulo namin ni Aliyah. Please back off!" may diin ang pagsasabi niya ng huling kataga. Napangiti ng maliit si Jam tsaka umiling-iling.
Tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Onemig bago siya nagsalita.
" Anong gulo ninyo ang sinasabi mo? Paanong magkakaroon ng gulo sa pagitan ninyo eh ang tahimik nyo nga dahil hindi mo nga kinakausap? Hindi niya alam ang gagawin kundi ang umiyak na lang. And now, you are asking me to back off? Ano ang sabi ko sayo noong huli tayong nagkita? Nakalimutan mo na rin ba kung ano yung mga ipinangako mo sa akin, ha Onemig? Dahil kung nakalimutan mo, hindi na ako magtataka kung hindi ka nga tumupad sa pangako mo. Kaya anong karapatan mong sabihin sa akin ngayon na huwag akong makialam? " hindi nakakibo si Onemig sa sinabi ni Jam. Ako naman ay naguguluhan sa sinabi niya. Anong nangako si Onemig sa kanya? Anong sinabi niya nung huli daw silang nagkita? Kailan yun?
Naguguluhan akong nagpa baling - baling ng tingin sa kanilang dalawa.
" Jam, what do you mean? Anong sinabi mo? Anong nangako siya?" tanong ko.
Tumingin si Jam sa akin at huminga ng malalim.
" Noong bago kayo magsama ulit, pinuntahan niya ako sa Italy para magpaalam. Alam niyang ako ang tumulong sayo nung umalis ka sa inyo at nung manganak ka kay Guilly. Nagpasalamat siya sa lahat ng ginawa ko para sa inyong mag-ina.Sinabi ko sa kanya na kung babalikan ka niya huwag ka na niyang sasaktan o paiiyakin man lang dahil pag nangyari yon, hindi ako magdadalawang isip na damayan ka at ilayo kayo ni Guilly kanya. Nangako siya na hindi ka na masasaktang muli at iiyak sa piling niya kaya naman napanatag na ako. Pero ano ito? Tila wala nga siyang pakialam kahit lumuha ka pa ng bato. "
" Wala kang alam Jam kaya huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan? " turan muli ni Onemig.
" Wala nga siguro ako nung mga oras na yon Onemig pero alam na alam ko ang buong detalye ng pangyayari. Naroon ka di ba? Pero ano ang ikinagaganyan mo kay Liyah? Mas malamig ka pa sa yelo kung pakitunguhan siya and worst iniiwasan mo pa siya. Sa punto de vista ng mga taong nakasaksi, iisa lang ang sinasabi nila, walang kasalanan ang asawa mo pero parang sayo, siya ang may kasalanan ng lahat. "
" Wala akong sinabi na kasalanan niya? " biglang sigaw ni Onemig.
" So, why is there a sudden change of emotion? the indifference, huh? Bakit iba ang ipinararamdam at ipinapakita mo sa kanya? Nag-aalala rin siya, natatakot at nagagalit sa sarili niya, pero nasaan ka? Ikaw dapat yung umiintindi sa kanya, ikaw yung nagko-comfort sa tuwing umiiyak siya sa takot sa maaring mangyari kay lola Marta, pero anong ginagawa mo? Busy ka sa pagdamay kay Monique na siyang dahilan kung bakit ganito ang sitwasyon niyo ni Liyah. Onemig, huwag mong hintayin na mapagod to dahil pag nangyari yon, hinding-hindi mo na siya ulit mababalikan dahil ako mismo ang hahadlang. "
" Jam kaibigan ka lang niya kaya hindi ikaw ang magdedesisyon para sa kanya. " mariing wika ni Onemig.
" Oo, hindi ko nakakalimutan yon pero sa tuwing nasasaktan siya ng dahil sayo, nagiging kapatid ako sa kanya na handang damayan siya sa sakit na pinagdaraanan niya. Ako ang taga-buo ng dinurog mo at taga-ayos ng ginulo mo. Isa lang naman ang hiniling ko sayo na siya rin namang pinangako mo pero hindi mo tinupad. Simpleng pang-unawa hindi mo naibigay sa asawa mo, mas pinaboran mo pa yung hindi mo kaano-ano. " may diin ang mga salitang binigkas ni Jam. Alam ko nagpipigil lang siya ng galit niya.
Si Onemig naman ay tila napatda sa narinig, mukhang inaanalisa ang lahat ng narinig mula kay Jam.
Nagsukatan sila ng tingin ni Onemig. Unang nagbaba ng tingin si Jam saka marahang kumilos at tinalikuran na si Onemig. Sumunod ako sa kanya.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng tawagin ako ni Onemig.
" Liyah!"
Liyah?
" Im sorry." malungkot na turan niya.
Tumango lang ako saka tinalikuran na siya. Pero nagulat na lang ako ng hawakan nya ako sa braso kaya napalingon ako sa kanya.
" Let's talk please?" tanong niya.
Hindi ako kumibo sa halip tumingin ako kay Jam na nasa front door na at hinihintay ako. Tumango siya at isinenyas na mauuna na siya sa loob.
Hinarap ko si Onemig at walang kibong lumakad ako papunta sa swing para doon kami mag-usap.
Sumunod naman siya sa akin at umupo sa harap ko nung nasa swing na kami.
Ilang minuto kaming nagpapakiramdaman bago ko narinig ang pagtikhim niya.
" Baby, I'm sorry. I'm so sorry." malungkot nyang turan. Parang may garalgal pa nga ang tinig niya. Tumango lang ako at yumuko.
" Why don't you say something?" aniya pa.
Umiling lang ako ng umiling. Hindi ko kayang magsalita. Parang may malaking bikig sa lalamunan ko. At isa pa, parang ano mang oras maiiyak na ako.
" Please baby, talk to me. " pagsusumamo niya.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko bago ako nagsalita.
" Kaya ka ba nagso-sorry ngayon dahil binigwasan ka ni daddy at pinagsabihan o dahil sa mga sinabi ni Jam kanina?"
" What? No! " biglang tugon niya.
" Eh anong kinagaganyan mo?" tanong ko. Tumingin siya sa akin tapos yumuko. Matagal bago siya sumagot. Nakatingin lang siya sa mga sapatos niya kaya napatingin din ako. Baka kasi may interesanteng bagay siyang tinitingnan dun kaya matagal siyang nakatunghay.
" To tell you honestly, sumama ang loob ko sayo lalo na nung ma-comatose si lola Marta. Feeling ko kung hindi ka na nagsalita pa nun hindi na sana siya inatake. Sorry. Nawala ako sa katuwiran. Hindi ko na naisip na kaya mo lang nagawa yun dahil walang gustong magsalita sa aming dalawa ni Monique nung mga oras na yun. Kahit naman hindi ikaw ang gumawa non, ganun pa din naman ang mangyayari sa kanya. Nung bigwasan ako ng daddy mo, doon ko na-realized na naging unfair ako sayo. Tama sila, tama si Jam. Dapat inalam ko rin kung ano yung nararamdaman mo. Dapat ako yung nandyan sa tabi mo habang nag-aalala ka, natatakot at nasasaktan. Mas inuna ko pang damayan si Monique dahil nakikita ko na siya yung higit na naapektuhan. Mali ako. Maling-mali. Dahil higit kanino man, ikaw yung mas higit na apektado sa ating lahat dahil iniisip mo na ikaw ang may kasalanan. Ngunit kabaligtaran ang ginawa ko, imbes na damayan kita at sabihing huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari, mas ipinaramdam ko pa sayo na ikaw ang may kasalanan. Alam ko na nasasaktan kita at nagagalit ako sa sarili ko dahil dun. I'm sorry baby, kaya sana patawarin mo ako. " malungkot nyang turan. Panay naman ang mabilis na tibok ng puso ko sa naghalo-halong emosyon.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang puso ko. No words comes close enough to describe the turbulence in my chest. I don't have to wallow in my pain nor cry in front of him.
Here we go again
Hurting each other for no reason
Wondering why we keep repeating
The same mistakes
Seems the more we give
The more we're disillusioned
Baby, what is it we're doing?
Are we so scared of give and take?
Napatingin ako sa tapat ng silid ni Neiel dahil sa biglaang tugtog na nagmumula sa silid niya.
Ano ba naman itong kapatid ko, sakto pa sa amin yung pinatutugtog niya!
" Do you really love me, Onemig?" tanong ko. Gulat siyang napatingin sa akin.
" Of course. Simula pagkabata, alam mo yan. Bakit mo naitanong?"
" Kasi kung mahal mo ako, bakit palagi mo na lang akong sinasaktan para sa ibang tao?"
" Aliyah?!" nabibiglang sambit niya.
Why do we always hurt the ones we love?
(Why?)
Just when it seems we've finally made a breakthrough
Why can't we fly between the eagle and the dove?
Why do we always hurt the ones we love?
" Kasi Onemig hindi lang isang beses kundi maraming ulit na. Parang mas naging lamang yung sakit na pinagdaanan ko sa relasyong ito kaysa dun sa masaya. Palagi na lang akong nagsasakripisyo. Ako yung legal pero ako yung tinatago. Nagtitiis ako. Alam ko na kaya nagagawa ko yun dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo. Pero natatakot din ako na baka isang araw maging tama si Jam. Baka mapagod na nga ako ng tuluyan. " turan ko saka biglang namalisbis ang luha ko. Hindi ko na kinaya dahil masakit na. Sobrang sakit na.
" Baby don't say that. I'm sorry. Ayusin natin to. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. " nagmamakaawang turan niya. Hindi malaman kung paanong kilos ang gagawin niya para punasan ang mga luha ko.
" Oo, aayusin natin pero huwag muna ngayon." gulat syang muli na napatingin sa akin.
" What do you mean?"
" Dahil kapag naayos tayo at may mangyari na naman na hindi inaasahan, magiging ganito rin ang eksena natin at masasaktan lang ulit ako, panigurado. " Napamaang siya sa sinabi ko. Tila nahulog sa malalim na pag-iisip.
Ganyan nga Onemig. Minsan mag-isip ka rin kung tama pa ba ang mga nangyayari sa relasyon natin. Huwag kang pakampante na may babalikan ka sa tuwina dahil napapagod din ang puso kahit na nag-uumapaw pa ang pagmamahal.
Why do we always hurt the ones we love?
(Why?)
Just when it seems we've finally made a breakthrough
Why can't we fly between the eagle and the dove?
Why do we always hurt the ones we love?