Aliyah's Point of View
" I love you Aliyah Neslein Mercado. And I will do everything to make you fall in love with me again. "
DAMA ko yung intensidad sa mga binitawang salita ni Onemig. Ngunit ganunpaman, kahit na kinilig ako, hindi ako sumagot. Hindi ko pa ulit kayang bitawan ang tatlong salita na alam kong hinihintay nya mula sa akin. Hindi pa ngayon. Hindi pa muna.
It's so complicated.
Sa halip, ngumiti na lang ako sa kanya. Yung ngiti ko na alam kong dadalhin nya sa pagtulog at magpapagulo ng husto sa sistema nya. Char!
" Wait lang. Can I borrow your guitar? " bigla nyang turan kaya nagtataka ko syang tiningnan.
As usual, ngumiti na naman siya at pinakitaan nya ako ng mga dimples nya at ako namang isat-kalahating marupok, natulala na naman.
" Ha? Sige kukunin ko, wait lang. " tumalikod na ako para pumasok saglit sa loob ng bahay.
Naratnan ko pa na seryosong naglalaro ng tong-its yung apat. Nagulat na lang ako nung may money sa gitna ng center table kung saan sila naglalaro.
" Hoy! Sugal na yan. Bakit may pera dyan ha? " nagulat pa sila nung magsalita ako.
" Naku boss madam, pambili lang naman ng pandesal yang pusta namin. " si Caloy ang sumagot.
" Kahit na! Sugal pa rin yun. "
" Besh naman, katuwaan lang naman. Pambili lang talaga namin ng pandesal bukas ng umaga sa office. " angal ni Tin.
" Balakaujan! Paabot naman nyang guitar Jake Lucas. " untag ko kay Jake dahil nasa tabi nya yung hinihingi ko.
" Galit ka boss madam? Binuo mo pangalan ko eh. " tanong nya habang inaabot sa akin ang gitara.
Umiling lang ako at bahagyang ngumiti.
" Bakit ba kanina pa kayo boss madam ng boss madam dyan? Ano ko si Raiza Mae? "
" Ikaw naman talaga ang boss naming apat dito tapos si Onemig naman na boss namin ay boss naman yang puso mo. " pang-aasar ni Gilbert sa akin, awtomatikong namula ako sa panunukso nya.
" Ayieee, nag-blushed sya! " sabay-sabay nilang tukso.
" Tse! Dyan na nga kayo. Bukas wala kayong breaktime pare-pareho. " pananakot ko kahit na sa totoo lang eh nangingiti na ako.
" Boss madam biro lang! "
Hindi ko na sila pinansin. Nagmamadali akong lumabas baka kasi naiinip na si Onemig.
" Ano ba kasi gagawin mo dito sa guitar? " tanong ko habang inaabot ko ito sa kanya.
" I will serenade you. Uumpisahan na kitang ligawan ngayong gabi. " wika nya na parang nagbabalita lang ng lagay ng panahon.
" Hala sya! May girlfriend ka kaya. Bakit mo ako liligawan? "
" Hindi ba sabi ko sayo kanina maghihintay ako sa tamang panahon natin pero hayaan mo akong mahalin kita? That I will do everything to make you fall in love with me again? So, this is my first step. "
" That's cheating Juan Miguel! "
" No, it's not. Monique and I, we are not official at alam nya yon. "
I sigh. Alam ko na hindi ako mananalo sa isang ito sa anumang argumento. Bukod sa numero, magaling din kasi ito sa words. Daming alam.
Hindi na ako nakasagot nung simulan na nyang tumipa sa gitara at nag-umpisang kumanta.
I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my lead
Well I found a girl beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me
'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine
Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect tonight.
Namamangha akong nakatingin at nakikinig lang sa kanya habang buong husay syang tumitipa ng gitara. Ang ganda din ng boses nya talaga, para ngang si Ed Sheeran ang naririnig ko. Isa rin ito sa mga nagustuhan ko sa kanya noon, pareho kasi kaming mahilig sa music at marunong sa mga musical instruments. Kaya nga ba inalagaan ko ng husto ito noon, nung kami pa, yun nga lang naagaw sa akin ng iba.
Kaya kahit gusto ko syang tanggapin muli, hindi ko magawa. Hindi ko kasi gawain yung basta na lang kunin yung hindi na sa akin.
Sayo pa rin naman ang puso nya.
Kahit na. Gusto ko kasi yung maayos ang lahat bago kami mag-umpisa ulit.
Well I found a woman, stronger than anyone I know
She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home
I found a love, to carry more than just my secrets
To carry love, to carry children of our own
We are still kids, but we're so in love
Fighting against all odds
I know we'll be alright this time
Darling, just hold my hand
Be my girl, I'll be your man
I see my future in your eyes
Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
When I saw you in that dress, looking so beautiful
I don't deserve this, darling, you look perfect tonight
Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
I have faith in what I see
Now I know I have met an angel in person
And she looks perfect
I don't deserve this
You look perfect tonight
" Bakit hindi ka sumali sa Tawag ng Tanghalan? ang galing mo eh. " sabi ko nang matapos syang kumanta.
" Really? Pero hindi ako para doon. " sagot niya.
" Para saan ka naman? "
" Para sayo. " pigil ang ngiting sambit nya. Jusme tong lalaking ito, hindi ba nya alam na kanina pa nya ako pinakikilig sa mga sinasabi nya?
" Hehe. Sige bola pa. "
" Totoo naman. Ikaw lang ang kinakantahan ko ng ganito kahit noon pa man nung tayo pa. " turan nyang muli.
" Kikiligin na ba ako? " asar ko.
" Bakit hindi pa ba? " balik tanong nya.
" Ang yabang mo po kuya. " umirap ako sa kanya.
" Haha. Kumanta na nga lang tayo, napipikon ka na eh. " natatawang wika nya saka sinimulan na uling tumugtog ng gitara.
Hayun nga, kumanta lang kaming dalawa habang yung apat naglalaro ng tong-its sa loob.
Malalim na ang gabi ng magkayayaan sila na umuwi na. Si Jake ang nanalo sa tong-its kaya sya ang bibili ng pandesal bukas.
Naghahanda na akong matulog ng makatanggap ako ng text mula kay Onemig.
Onemig Arceo : just got home safe.
Thanks for the night. It's really fun singing with you again. Goodnight baby. I love you. ❤
Nag-init ang mukha ko sa nabasa. Sinusupil ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko. Ano ba kasi! Bakit binanggit nya yung endearment nya sa akin noon? May pa i love you pa si engineer na may heart sa dulo.
Gusto kong kiligin kaya lang ayokong mamihasa sa mga bagay na wala pang kasiguruhan.
To Onemig :
Goodnight. Thanks for the night too.
Walang i love you. Saka na yon, pag maayos na ang lahat.
" Good morning! " awtomatikong napatingin ako sa may pinto ng marinig ko ang pamilyar na tinig. Ang masayang mukha ni Onemig ang nakita ko sa likod ng sekretarya kong si Daphne. May bitbit itong paper bag na may tatak ng paborito kong coffee shop.
Tinanguan ko si Daphne. Yumukod naman sya sa akin at saka lumabas na.
" Good morning! Ano yan part pa rin ng courtship mo? " nakangiti kong tanong ng sumara na ang pinto.
" Pwede rin. Wala kasing breakfast sa unit namin, dinala nila dito lahat. Sabi ko wag na tayo isali tutal sila lang naman yung naglaro. Kaya heto bumili ako ng para sa atin. " tugon nya habang isa-isang nilalabas yung laman ng paper bag.
Napapangiti ako habang natatakam na nakatingin sa mga pagkain na nasa harap ko. Alam na alam pa rin pala nya ang mga favorites ko. Croissant Baguettes, Bacon and egg on croissant buns plus a slice of blueberry cheesecake. Cappucino yung coffee ko then Cafe Americano naman yung sa kanya.
" Alam mo pa rin pala ha? "
" Oo naman. Alam na alam. Everything about you baby. Everything about you. " napatingin ako sa kanya. Enebenemen. Ang aga-aga akong pinakikilig ng damuhong to.
" Thank you. " yun lang ang nasabi ko.Ayoko muna kasi mag -comment baka gawing dahilan sa akin yon ng gwapong to at pilitin akong mapasagot.
" Pupunta ba kayo ng site mamaya? " tanong ko habang kumakain kami.
" Sila Gilbert pupunta yata after nila mag-breakfast. After lunch na lang ako para sabay tayo mag-lunch. "
" Ayos ah, para-paraan lang. " tudyo ko.
" Syempre kasama yun sa courtship ko. Babalik pa nga ako bago ka umuwi para maihatid naman kita sa bahay nyo. " determinado nyang turan.
Napapailing na lang ako sa kanya. He's so determined to win me back. Nangangamba naman ako na baka hindi ako makatiis na hindi sya tanggapin ulit sa buhay ko sa sobrang pursigido nya.
Sabay nga kaming kumain nung lunch break na kasama si Tin. Kung mayroon man na nakakaalam sa sitwasyon namin ni Onemig ngayon, si Tin iyon. Mahirap maglihim kay Tin, she's family, lalo na't balak ko rin naman na sabihin sa pamilya ko ito. Never akong naglihim sa kanila, because when things go wrong, sila yung talagang nandyan para damayan ako.
Nung bago mag-uwian ay nakabalik na nga si Onemig mula sa site. Tinupad nya yung sinabi nya na ihahatid nya ako sa bahay kaya si Tin na ang nag-uwi nung kotse namin.
Sa loob ng halos isang buwan ay naging ganun na nga ang routine namin ni Onemig. Sinasabayan nya kami ni Celestine sa lunch, kung minsan kapag hindi pa nakakapunta yung tatlo sa site, kasama rin namin sila. Then pagdating ng uwian hinahatid nya ako sa bahay.
Hindi ko alam kung ano ang alam nila Gilbert sa amin ni Onemig pero wala naman akong napapansin na kakaiba sa trato nila sa akin. Marahil iniisip nila na magkaibigan lang kami ni Onemig dahil mayroon akong Jam sa buhay ko.
Parang nasasanay na nga ako sa mga pagsisilbi ni Onemig bilang bahagi ng panliligaw nya pero sinusupil ko pa rin ang sarili ko na mamihasa ng husto dahil ako rin naman ang mahihirapan. Hindi pa kasi nakakakuha ng magandang tiyempo si Onemig para kausapin si Monique at tapusin na kung ano man ang meron sa kanila. Sa ngayon kasi hindi maganda ang lagay ng kalusugan ng lola ni Monique, at ayaw ni Onemig na bigyan ito ng sama ng loob. Naiintindihan ko naman. Hindi naman ako nagmamadali. At walang dapat ipagmadali. Because anything worth having is definitely worth waiting.
Umuwi kami ng Sto. Cristo nung magkaroon ng long weekend. Friday kasi tumapat yung holiday kaya Thursday ng hapon after office hours ay tumulak na kami pauwi ng Sto. Cristo.
Usapan na namin ni Onemig na kapag nasa Sto. Cristo kami, distancia amigo muna kami. Doon muna daw sya kila Monique tatambay dahil gusto nyang bantayan ang kalagayan ng kalusugan ng lola nito.
Pumayag naman ako dahil alam ko naman na bahagi ito ng pagtanaw nya ng utang na loob sa kaibigan nyang namayapa ngunit parang may kumurot sa puso ko nung nagpaalam sya. Marahil ay nagseselos si heart at yung mga butterflies sa tiyan ko ay biglang nawalan ng gana.
Habang nagdi-dinner kami ay kinausap ko ang pamilya ko at sinabi ko ang tungkol sa panliligaw sa akin ni Onemig.
" I thought girlfriend nya yung executive assistant ko na si Monique? " si lola Paz na may pagtataka ang tinig.
" Eh lola they are not official naman daw po. Inaalagaan lang nya si Monique at ang lola nito dahil sa bilin nung kaibigan nya, because of utang na loob. Dahil po doon nahulog ang loob ni Monique sa kanya at ito ang gumawa ng paraan para magkaroon sila ng ugnayan ni Onemig. " sagot ko.
" Sabagay noon pa man na nagkaroon kayo ng problema ni Onemig, kinausap nya kami para aminin ang lahat ng totoong nangyari at nangako sya na gagawin nya ang lahat para mabawi ka nya. " nagulat ako sa sinabi ni lola Paz.
" Oo apo, determinado talaga sya na kayo pa rin hanggang huli. Kaya hindi na kami nagulat sa sinasabi mo ngayon. Nagpaalam na sya sa amin noon pa. Well of course hindi namin sinabi yung tungkol kay Jam para naman magpursige sya na gumawa ng paraan. " si lolo Franz naman ang nagpaliwanag na ikinagulat ko pa rin. Wala kasing sinasabi si Onemig sa akin tungkol dito.
" Alam mo anak kung may gusto man kami na makatuluyan mo, si Onemig na yon. Mahal ka nya talaga pero sana kung tatanggapin mo sya ulit, siguraduhin mo na wala na kayong magiging problema. Ayaw na naming makita yung hirap na pinagdaanan nyo pareho nung magkahiwalay kayo. Siguro mas magandang nasa ganitong ligawan stage lang muna kayo or magkaibigan muna hanggat may taong nasa pagitan nyo. Mahirap anak. We've been there. Mukhang yung problema ko noon sa daddy mo ay ganyan din ang nangyayari kay Onemig ngayon. " mahabang paliwanag ni mommy. Napangiti akong sumulyap kay daddy.
" Naku anak ganyan talaga ang mga gwapo, kaya yang si Neiel ngayon pa lang pinagsasabihan ko na huwag masyadong gentleman at mapagbigay sa mga babae. Mahirap maging gwapo talaga, di ba Neiel?
" Si daddy talaga. Wala pa po sa isip ko yan. Mas exciting pong maglaro ng Mobile Legends kaysa manligaw. " sagot naman ng kapatid ko.
" Hayan tama yan apo. Huwag kang sumunod sa yapak nyang mga magulang mo, ang babatang humarot. " singit ni lolo Franz.
" Dad! " sabay pang protesta nina daddy at mommy kay lolo.
" Hahaha. Joke! " sabay nag peace sign pa si lolo. Natawa na rin kami nila lola Paz kay lolo. Ang saya lang ng ganito na magkakasama kami. Ito ang na-missed ko noong lumayas ako.
Yung buong weekend ay ginugol namin ni Tin sa pamamasyal sa mall kasama sina Richelle at Anne. Hindi talaga kami nagkaroon ng time ni Onemig na magkasama. Naging busy sya sa pag-aalaga dun sa lola ni Monique. Gusto ko man magselos pero wala naman akong karapatan, mas may karapatan si Monique sa akin dahil kahit paano ay may ugnayan sila, hindi man tuwiran.
Lunes ng madaling araw ang usapan namin na babalik ng Manila. Dahil hindi kami nagkikita ni Onemig, naisipan kong mag bake ng lasagna nung kinagabihan para dalhin sa kanila. Kukumustahin ko na rin sya dahil halos 3 days na kaming hindi nagkikita.
Nagpaalam ako kay daddy na sasaglit lang kila Onemig para ibigay yung lasagna kay tita Bless. Pinayagan naman ako.
Si Chuchay ang nagbukas ng gate. Natanaw ko ang kotse ni Onemig sa garahe kaya malamang nasa loob na sya. Sinabi ni Chuchay na nasa room na raw sina tito Migs at tita Bless nagpapahinga na. Binigay ko na lang yung lasagna at nagpaalam na uuwi na. Baka nagpapahinga na rin si Onemig, ayoko ng istorbohin pa.
Nung akmang lalabas na kami ni Chuchay, nakarinig kami ng yabag mula sa itaas. Pareho kaming tumingala sa pinagmulan ng yabag at sabay din kaming nagulat.
Si Onemig kasama si Monique na lumabas sa room nya. Bago bumaba ng hagdan ay nakita ko na hinila ni Monique si Onemig at mariing hinalikan ito sa labi. Tila nagulat naman ito sa ginawa ni Monique.
Napayuko ako at parang may pumupukpok na matigas na bagay sa puso ko. Mabilis na naglandas ang luha sa pisngi ko. Kahit wala pa kaming relasyon ulit, masakit pa rin yung ganitong eksena. Mahal ko pa eh.
Mukhang mauulit na naman ba yung nangyari noon?