Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 214 - Mischievous

Chapter 214 - Mischievous

Aliyah Neslein Mercado's Point of View

" Oh hi Onemig it's good to see you here with your ex. Are you guys together again? "

NAPA-ANGAT ang tingin namin sa taong nagsalita. Nakaramdam ako kaagad ng iritasyon at kaunting pagkabahala ng makita sya. It's been years pero yung pakiramdam na ganito, akala ko naglaho na, may natira pa rin pala.

Pinakiramdaman ko ang reaksyon ng katabi ko, wala, deadma lang. Tiningnan lang nya kung sino yung nagsalita tapos nung makumpirma ay hindi na pinansin at itinuloy muli ang atensyon sa papatapos ng pagkain.

" Hey wala bang may gustong pumansin sa akin dito? Lumapit pa naman ako para kumustahin kayo tapos hindi ninyo ako papansinin? "

" After what you've done years ago, you expect us here to treat you the way you want to? You are so insensitive Greta, sarili mo lang ang iniisip mo. " si Gilbert ang hindi na nakatiis na sumagot.

" Bakit ako ba ang nag-cheat noon kaya naghiwalay sila? "

" Greta! " may diin na bigkas ni Onemig. Halatang nagtitimpi lang sa taong nagsisimulang manira ng gabi namin.

" Oh sorry my dear, nakalimutan ko na may mga press people nga pala dito. Nakakahiyang makaladkad ang pangalan ng mga highest paid models ng bansa kung malaman ng mga tao ang pinaggagawa ng anak nila. " nag-init bigla ang ulo ko sa narinig. Pati mga magulang ko gusto pa yatang idamay ng bratinellang ito. Hindi baleng ako na lang, wag lang sila.

Tumayo ako at pinantayan ko sya. Tiningnan ko sya ng tinging hindi magpapatalo. Malumanay lang ang salita ko kahit nanggigigil na ako upang hindi kami makatawag pansin sa ibang mga guests. Mabuti na lang abala ang karamihan sa pakikipag-usap.

" Alam mo Greta maayos na kami ngayon ni Onemig. May kanya-kanya na kaming buhay. Kung nandito ka para ungkatin na naman yung nakaraan, pwes sasabihin ko sayo na naka-move on na kami pareho, kaya sana mag-move on ka na rin. Huwag kang lingon ng lingon kung gusto mong makarating sa pupuntahan mo. Maging masaya ka na lang at tigilan mo na yang pag-aakusa na nag-cheat ako, alam mong walang katotohanan yon at nasira mo na kami. Hindi ka pa ba masaya sa kinahantungan ng relasyon namin? Please Greta, grow up! "

" Aba, aba anong karapatan mong pagsabihan ako ng ganyan? You're nothing but a great cheater. Kilala mo ako Aliyah, ginagawa ko ang maibigan ko. " taas noo pa nyang sambit.

The nerve of this woman!

" Me? A cheater? Look who's talking! Oo Greta, alam ko. Alam na alam ko ang lahat ng kaya mong gawin. Pero hindi kita hahayaang sirain mo akong muli at pati ang mga magulang ko'y gusto mo pang idamay. Spare them Greta, hindi sila kasali dito, wala silang kinalaman sa gulong ginawa mo, kundi baka sa pagkakataong ito lumabas na ang sungay ko para maprotektahan ko lang sila sayo. "

" Matapang ka na ngayon ha? Sinong ipinagmamalaki mo? Yung boyfriend mong Montreal? Nasaan na sya ngayon, iniwan ka kaya kay Onemig ka na naman sumisiksik? " hindi ko sya pinansin at tumalikod na ako para lumabas na muna. Pati kasi si Jam nasasali na.

" Excuse me guys, labas muna ako. " dire-diretso na ako sa entrance nang mamataan ko si Sav at Harry pati na rin si kuya Theo at ang buong barkada. Mukhang kanina pa sila nakatingin sa amin ni Greta. Sumenyas lang ako na lalabas muna. Nakakaunawang tumango sila Gen. Alam na nila kung ano ang nangyari dun sa table namin. Ganon nila kakilala rin si Greta.

Pumunta ako sa may garden sa labas. Naupo ako dun at huminga ng malalim.Pilit kinakalma ang sarili. Ayoko ng gulo. Kahit pa gusto ko ng patulan talaga si Greta at makipag-batuhan ng maaanghang na salita, pinili kong magtimpi pa rin. Totoong marami syang nagawang kasalanan sa akin, sa amin ni Onemig noon, pero hindi naman dapat na patulan pa. Tapos na yon.

And as the scripture says, do not repay anyone evil for evil. Be careful to do what is right in the eyes of everyone. Kaya naman hanggat maari masunod ko ang nasa kasulatan na lagi ring sinasabi ng aking mga magulang.

" Can I join you here? " nalingunan ko si Onemig sa likuran ko. Umupo sya sa tabi ko matapos kong tumango.

" Bakit lumabas ka pa? Okay lang naman ako. " sabi ko.

" Yayayain na kitang pumasok ulit dun. Nag-umpisa na yung party. " sagot nya.

" Mamaya na lang. Dito muna ako. "

" Samahan na kita. " tumango ako.

" Si Greta? "

" Umalis na. Muntik ko na ngang patulan buti inuwi na ni Zach, medyo nakainom na kasi yon kaya ganon. "

" Kahit naman hindi eh. " natawa sya sa sinabi ko.

" Oo nga. Natural na nya yon. " kibit balikat nyang tugon. Tapos tumahimik na kami, pinagmamasdan lang yung magandang garden at mga ilaw na nagkikislapan.

" Liyah? "

" Hmm? "

" Gusto mo ba na maglakad-lakad muna tayo? " tanong nya.

" Sige. " tumayo ako at inalalayan naman nya ako.

Nilibot lang namin yung lugar na nasasakupan nung venue, medyo madalang ang tao sa labas tapos masarap yung simoy ng hangin kaya medyo nakaka-relax maglakad-lakad.

" Uno? "

" Hmm? "

" Paano mo natiis pakisamahan si Greta noon sa ugali nyang yon? I mean, no offense meant ha? Ikaw kasi yung tipo ng tao na madaling mairita sa ganong ugali eh. " tanong ko pagkaraan, hindi na ako nangiming magtanong tutal friends naman na kami ulit.

" Nahirapan din ako. Madalas kaming mag-away dahil sa ugali nya. Ayaw nya ng pinagsasabihan sya. Sanay sya na lagi sya ang nasusunod. Kaya ayaw ni mommy sa kanya. Sa loob ng isang taon na magkasama kami, ni minsan hindi ko sya dinala sa bahay. Hindi rin naman kasi sya yung tipo ng babae na pwedeng ipakilala sa nanay. "

" Grabe ka naman! " sambit ko at pinanlakihan ko sya ng mata kaya medyo napangiti naman sya. Lumabas na naman tuloy yung dimples nya.

" Bakit? Totoo naman. "

" Eh si Monique, nadala mo na sa inyo? "

Sige pa Liyah, saktan mo pa sarili mo sa katatanong mo.

" Si Monique? Sa totoo lang kilala naman sya nila mommy pero hindi ko pa sya nadadala sa bahay para ipakilala sa pamilya ko. Hindi ko kasi alam kung ano ba talaga kami. Gaya lang din sya nung ibang babae na nagdaan sa buhay ko, walang label, walang ligawan basta isang araw parang nagkaroon na lang ng something sa pagitan namin. Isa lang talaga yung naging official ko, yung niligawan at pinakilala ko sa bahay. " tapos tumingin sya sa akin, medyo nailang naman ako, yung puso ko ang bilis ng tibok. At kung maliwanag lang, tiyak na makikita nya yung pamumula ko.

Hayan kasi, sige magtanong ka pa!

" Uhm. Halika doon muna tayo sa bench para maupo. Nangangalay na ako, ang taas kasi ng stilletos ko. " pag-iiba ko ng usapan. Itinuro ko yung bench na ilang dipa lang ang layo. Sinunod naman nya ako at inalalayan na ako paupo dun sa bench nung makalapit kami.

Medyo kumalma naman yung puso ko nung nakaupo na kami. Kaya nga ba ayokong nababanggit yung nakaraan eh, kasi affected pa rin ako, nandito pa rin kasi yung pagmamahal, hindi naman nawala.

" Uhm, si Jam, kumusta naman kayo ni Jam? " tanong nya makalipas ang ilang sandali.

" Kami ni Jam? okay naman kami. Sa loob ng three years, wala yata akong matandaan na hindi ako naging masaya. He is so kind, sweet, funny and understanding. Kaya lang ngayon wala na ---" bigla akong natigilan. Muntik na akong maipagkanulo ng sarili kong bibig. Tiningnan ko sya, nangunot ang noo nya.

" Anong wala na? " tanong nya. Tila naguguluhan.

" Ah, I mean wala na sya ngayon dito, nasa Italy nga siya kaya nami-miss ko yung mga moments na magkasama kami. Tumatawag naman sya pero hindi kasing dalas nung nandito pa sya. Busy rin kasi sya dun. " sabi ko na lang. Tumango-tango naman sya. Muntik na ako dun buti na lang nailusot ko pa. Ayoko rin kasing malaman niya na wala na kami ni Jam.

" Sa nakikita ko, mukhang masaya ka naman sa kanya. Atleast kahit paano nababawasan yung guilt ko sa nangyari sa relasyon natin."

" Uno, wala ka namang kasalanan sa nangyari sa relasyon natin, biktima ka rin. Ang mali mo lang hindi mo ipinaalam sa akin yung balak ni Greta. Pero tapos na yon, huwag na nating pag-usapan pa. Hindi na natin mababago ang sitwasyon ngayon kahit balikan man natin yung nakaraan. Maayos na tayong dalawa, magkaibigan na ulit. Sa tingin ko, mas mabuting ganito tayo kaysa lagi na lang tayong nangangamba para sa relasyon natin. Huwag ka ng mag-alala , napatawad na kita at talagang masaya na ako. " nakangiti kong turan sa kanya.

" Salamat Ali. Mabuti naman at masaya ka na. Kapag nakikita kasi kitang masaya, masaya na rin ako kahit pa masakit sa akin na may iba ng nagpapasaya sayo at iba na rin ang mahal mo, hindi na ako. " nanlalaki ang mata ko na napatingin bigla sa kanya. Kung ano-ano na naman kasi sinasabi.

" Juan Miguel nga! "

" Sorry! Sige hindi na mauulit. " nakangiti nyang sambit pero hindi nakatakas sa akin yung lungkot na nakikita ko sa mga mata nya.

" Tara na nga sa loob. Kung ano-ano na sinasabi mo hindi ka naman lasing. " natataranta kong hinigit ang braso nya at hinila papasok ng function hall. Tawa naman sya ng tawa kaya nahawa na rin ako. Ang siste, mukha kaming sira na pinagtitinginan ng mga kaibigan namin.

Ang babaw lang namin pero aminado ako na masaya talaga ako ngayong maayos na kaming dalawa.

Kahit bilang magkaibigan lang.

Malalim na ang gabi ay hindi pa rin tapos ang kasiyahan. Aminado ako na nakatulong yung pag-uwi ni Greta ng maaga upang ma-enjoy ko ng husto ang party nila Sav at Harry.

Naging parang reunion na naming magkakaibigan ito. Masaya ako sa itinatakbo ng buhay ngayon ng bawat isa. Bukod kina Harry at Sav, nakatakda na rin ang engagement ni Prince sa girlfriend nya nung college, yung taga Tourism department na hinahabol-habol nila ni Yuan noon. Nagta-trabaho sila pareho sa isang sikat na airline company dito sa bansa. Si Yuan at Derrick naman ay parehong may mga mataas na posisyon sa kumpanya ng kani-kanilang pamilya. Si Derrick ay may girlfriend na rin, isang magandang modelo na ipinakilala ni mommy noon sa kanya na taga Montreal din, si Blair. Pero sa ngayon nasa Paris ito para sa isang fashion show. Si Yuan at Gen na ngayon. Natuloy din yung asaran nila noon sa isang makulay na relasyon. Si Gen ang nagma-manage ng kanilang catering business at kasalukuyang may ipinapatayo sila ni Yuan na restaurant dito rin sa BGC at sya ang magma-manage. At si kuya Theo naman ay ikakasal na next year sa fiancee nya at siya na ngayon ang namamahala ng University dahil nagretiro na ang lolo nila.

Sa aming magkaka-ibigan, kami lang ni Tin ang walang lovelife. May magandang career nga kami, pero zero ang buhay pag-ibig namin.

Sa kaso ko, ayoko pa kasing sumubok muli. Malalim kasi yung iniwang sugat ni Onemig sa puso ko na kahit naghilom na at nagpatawad na ako, may takot pa rin. Natatakot rin akong ibukas muli sa iba.

O baka hindi na.

Aminado naman ako sa sarili ko na si Onemig pa rin talaga ang nakatatak na pangalan sa heart ko, hindi yun nabura ni Jam o kahit pa nung masasakit na pinagdaanan namin. Ngunit hanggang dun na lang yon, hindi na dapat malaman pa ni Onemig dahil sa sitwasyon nya ngayon. Kahit pa hindi sila official o walang label ni Monique, mayroon pa rin na kahit maliit na hibla ng katotohanan na may namamagitan na sa kanila.

HALOS alas dose na ng hatinggabi ng matapos ang party. Antok na antok na kami ni Tin nung hinatid kami nila Onemig sa bahay.

Pagkababa namin ng kotse nya ay mabilis lang kaming nagpasalamat tapos pumasok na sa loob ng bahay. Ni hindi na nga yata namin nakuhang anyayahan man lang silang magkape sa sobrang pagod at antok.

SIMULA nung araw ng engagement party nila Sav at Harry, yun din ang simula ng magandang friendship namin ni Onemig. Bumalik kami sa dati tulad nung mga bata pa kami.

Siya si Uno na mapang-asar at ako naman si Ali na pikon.

Sa loob ng two weeks na nagdaan, araw-araw nya akong tine-text at tinatawagan. Pinapaalalahanan nya ako palagi na kumain sa oras, ayos na sana sa umpisa eh, medyo kinikilig na ako ng lihim pero sa huli bibirahan na nya ng pang-aasar na nagpapausok sa bumbunan ko.

Tulad nung nakaraang linggo, tumawag sya dahil nasa Sto. Cristo daw sya, luluwas daw sya kinabukasan at tinanong kung ano daw ba ang gusto kong pasalubong. Syempre, pasalubong daw kaya ang dami kong pinabili. As in, sandamakmak talaga dahil paborito ko ang mga delicacies ng Sto. Cristo.

Kaya nung dumating sya tuwang-tuwa ako dahil ang dami nyang dala pero nabuwisit ako nung singilin nya ako bigla. Syempre maiinis ako, akala ko pasalubong nya yon. Tawa lang sya ng tawa nung makita nya yung mukha ko na simangot na simangot.

But being a mapang-asar he is, natutuwa lang sya na naasar nya ako. Hindi naman nya kinuha yung binabayad ko sa kanya at pasalubong lang daw talaga nya yon.

Kaya sa araw-araw na ganon sya, nasasanay na rin ako. Buti na lang nasa Sto. Cristo sya kaya medyo asar-free ako ngayon.

" Ma'am Liyah, may nagpapabigay po sa inyo nito. " narinig ko si Daphne na nagsalita at nakaamoy din ako ng mabango. Nang mag-angat ako ng tingin mula sa mga papeles na pinipirmahan ko, laking gulat ko ng makita ko ang hawak nya. Kaya pala mabango kasi napakarami nung sampaguita garland na hawak nya tapos may ilang-ilang pa na palawit.

" Kanino galing yan? " namamangha kong tanong.

" Eh ma'am kay sir----" hindi pa nya natatapos ang sinasabi nya ng biglang bumukas ang pinto.

" Surprise! " ngising-ngisi pa ang kumag.

" Uno! "

" Why? Hindi mo ba nagustuhan ang pa-flowers ko? Di ba favorite mo ang sampaguita? " a ghost smile etched on his face and my laughter is starting to burst. Pinipigilan ko lang. Puro kalokohan naman kasi.

Sinenyasan ko si Daphne na lumabas na muna at iwanan na ang mga bulalak sa ibabaw ng mesa ko.

" Oo favorite ko nga ang sampaguita pero hudyo ka, ginawa mo akong poon! " medyo naiinis pero natatawa kong sambit. Pwede pala yon, naiinis na natatawa.

" Hahaha. Seryoso na. Naawa kasi ako dun sa bata sa daan kaya pinakyaw ko na yung tinda nya eh kaso nakita nung ibang bata na nagtitinda rin kaya hayun binili ko na lahat ng tinda nila. " paliwanag nya. Na touch naman ako sa ginawa nya. May mabuting puso din talaga ang isang to.

" Eh bakit sa akin nga? Hindi naman ako poon. "

" Wala lang. Para sa akin isa kang poon na gusto kong alayan ng hindi lang bulaklak kundi lahat ng meron ako. Kung hindi lang kasalanan sa Diyos, baka sinamba na rin kita Ali. "

Natigagal ako sa sinabi nya.

Ang aga-aga, lasing yata to eh.