Chapter 212 - Date

Aliyah Neslein Mercado

NAGULAT talaga ako sa hindi inaasahang tao na nasa harapan ko.

Mukhang nasayang ang effort ko para maiwasan sya at yung swerte ko na hindi sya makita sa loob ng ilang buwan, naglaho na yata.

Nasa harapan ko lang naman ngayon ang taong nagpatibok ng puso ko. Ang taong naging dahilan ng mga masasakit na pinagdaanan ko. Ang bossing ng mga pasaway na butterflies sa tiyan ko. At ang dahilan ng panlalambot ng mga tuhod ko.

The Juan Miguel Arceo, ladies and gentlemen, in flesh.

Ang tadhana kung minsan playful din eh. Kung sino pa yung ayaw mong makita, siya pa yung inilalapit sayo.

" Mukhang nagulat ka ha? Imposible ba na ako ang makaharap mo ngayon? " tanong nya. May multo ng ngiti sa labi at amusement sa kanyang mga mata.

" Hindi ko naman inisip na imposible it's just that hindi ko lang inaasahan na ikaw ang ipapadala nila dito. " sagot ko. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nag-stutter sa pagsagot sa kanya.

" Hindi ko rin naman inaasahan na ako. Busy lang kasi si dad at tito Nhel ngayon, kasama sila ni lolo Franz at tito Frank sa Sydney. " paliwanag nya. Hindi ko alam yun ah, walang nabanggit si tito Frank kahapon na kasama rin nila sila dad.

" Uhm. Okay . Shall we start the meeting? Pwede bang dito na lang tayo tutal tayong dalawa lang naman? " tanong ko. Ayaw ko kasi sa conference room, kaming dalawa lang atleast dito nasa labas lang ng pinto si Daphne.

Really Aliyah? Bakit ano ba ang ikinatatakot mo?

" Sure. " sagot nya na todo pa ang ngiti. Lumabas na naman ang dimples nya. Dun pa lang muli na naman akong parang nanlambot. Ang lakas pa rin talaga ng epekto sa akin ng ngiti nya.

Hoy tumigil ka! Nasa relasyon ang isang yan.

Oo nga. Alam ko naman yon. Pumikit ako ng mariin at inisip ang itsura ni Jam na nagagalit sa akin. Inalala ko lahat ng bilin nya.

" What's wrong? " nagulat pa ako ng nasa harapan ko na sya. Hawak yung blue print sa isang kamay.

" Ah nothing. Medyo humapdi lang yung mata ko. " pagdadahilan ko, tumango lang sya at umupo na sa harap ko. Inilatag nya yung blue print sa harap ko. Aprubado na raw yun ni tito Frank nung ipakita ng architect nila na walang iba kundi ang kababata naming si Caloy.

According to him, sila daw ang kinuha ng FCG Home Builders bilang mga unang employee noong mag-start ito two years ago.Hindi pa man lumalabas ang resulta ng board exam nila ay nagtrabaho na agad sila sa itinayong kumpanya nila lolo Franz, Tito Migs at daddy.

He is now the head engineer of FCG Home Builders at under nya si Gilbert at Jake then si Caloy ang architect. Ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito, hindi rin naman kasi ako nagtatanong sa kanila.Hindi ko na inalam kasi busy rin ako sa sarili kong sentiments noon. Basta ayaw ko lang kasi na makabalita ng kahit ano tungkol sa kanya kaya pati mga kaibigan at kababata ko ay nadamay na. Anyway, tapos na yon at ngayon wala na akong magagawa kung mukhang makaka-trabaho ko pa sya.

Naisip ko, wala ng silbi pa para umiwas sa kanya. Mukhang iniaadya talaga ng tadhana na pagtagpuin kami. Siguro ang magagawa ko na lang ay bantayan ang pasaway kong puso baka mag-alala pa si Jam sa akin.

" So pwede na ba nating bisitahin ang site? " tanong nya matapos ipaliwanag ang mga detalye na nakaguhit sa blue print.

" Yeah. Just give me some minutes, tatapusin ko lang itong mga pinipirmahan ko. "

" Okay . Take your time, maaga pa naman. "

Habang pumipirma ako ng mga papers, medyo panakaw ko syang tinitingnan. Lalo kasing gumwapo ang loko. Hawak nya ang phone nya at abala sya sa pagtipa.

Baka tine-text ang girlfriend.

Bigla naman akong natauhan kaya binawi ko rin ang lihim na paninitig ko sa kanya. Baka mahuli pa nya akong nakatingin sa kanya, nakakahiya yon. Hinayaan ko na lang sya pero ang isip ko lumilipad dun sa bagay na ginagawa nya.

Baka nami-miss nya ang girlfriend nya kaya tine-text. Baka, pinaaalalahanan na kumain sa oras. Ganyan naman sya sa akin noong kami pa.

Medyo nakaramdam ako ng panghihinayang sa isiping yon. It's been three years pero parang kahapon lang nangyari. At sa kaalamang ganun din ang trato nya sa girlfriend nya ngayon, nakaramdam ako ng konting panibugho.

Pilit kong pinalis ang nararamdaman at nagpatuloy na lang sa aking ginagawa. Hindi makakatulong sa akin kung mag-iisip ako ng makakasakit sa damdamin ko. Wala si Jam para damayan ako.

Ilang minuto pa ang lumipas nang sa wakas ay matapos din ako sa mga papers na pinipirmahan ko. Tinawag ko na si Daphne para dalhin na sa secretary ni tito Frank ang mga ito.

Matapos pagbilinan ang sekretarya ko ay niyaya ko na si Onemig upang pumunta na kami sa site.

Inalalayan nya ako palabas ng pinto. Medyo napapiksi ako ng hindi sinasadyang napahawak sya sa braso ko nung palabas na kami. Nagulat sya sa biglaang reaksyon ko kaya mabilis nyang inalis yung kamay nya.

" Sorry. " hinging paumanhin nya. Tumango lang ako. Parang pakiramdam ko bigla akong nanlambot sa dampi ng palad nya sa balat ko. Hindi na ako sanay.

Hindi ko alam kung paano ako hahakbang ng kasabay siya. Tila may nagising kasi sa akin dahil sa mabilis na pagdampi ng palad nya sa balat ko. Yung pakiramdam na pamilyar na pamilyar sa akin. Medyo nanlalambot rin yung mga tuhod ko. Masama talaga ang epekto nya sa sistema ko.

Hindi ako kumikibo hanggang sa makarating kami sa harap ng elevator. Wala naman akong pwedeng sabihin sa kanya na hindi work related. Ang huling usap nga namin ay nung paalis na kami ni Jam sa Sto. Cristo, medyo nagkasagutan pa kami dahil nakainom pala sya nun. After that wala na, kanina na lang ulit, tungkol pa sa trabaho.

Narinig ko syang tumikhim kaya napatingin ako sa kanya.

Nagkatitigan kami.

Hinihintay ko syang magsalita pero nakatingin lang sya sa akin. Magsasalita na sana ako para magtanong sa kanya nang biglang bumukas ang elevator at iniluwa nun si Tin at Gilbert.

Pareho pa kaming nagulat ni Tin at sabay nagsabing---

" Bakit magkasama kayo? " narinig kong natawa yung katabi ko gayon din si Gilbert.

" Siya ang ka-meeting ko para sa itatayong showroom natin. At ikaw bakit magkasama kayo nyan? " tanong ko naman.

" Ewan ko dito. Nagulat na nga lang ako nanduon na sa warehouse natin sa Pasig. " sagot ni Tin.

" Di ba nga inutusan ako ni sir Frank na i-check yung warehouse? Malay ko bang nandun ka rin. Siguro nalaman mong nandun ako kaya pumunta ka rin ano? " pang -aasar ni Gilbert kay Tin. Sila nga rin pala ang gumawa ng bagong warehouse sa Pasig. Dati kasi nagre-rent lang ang FCG ng warehouse pero last year nakabili na ng lote at nagpatayo na ng sarili. Ito yata ang unang project nila Onemig sa amin, pangalawa itong ngayon.

" Neknek mo! Binilinan ako kahapon na pumunta sa warehouse ng maaga para dun sa deliveries. Sabay nga kami ni ma'am Liyah pumasok at dun nya ako pinadiretso kanina. "

" Tama na nga kayo dyan. Saan ang punta mo Gilbert? Bakit nandito ka rin? " tanong ko.

" Dadaanan ko sana yang si Onemig para sabay na kami umuwi. " sagot nya.

" Hindi pa tayo makakauwi dude, bibisitahin ko pa yung site. " turan ni Onemig.

" Kung ganon, sasama na lang ako sa site. Celestine sumama ka na rin, mami-miss kita pag naiwan ka dito. " biro na naman ni Gilbert kay Tin.

" Sira ka talaga Gilbert, kung ano-ano sinasabi mo. Hindi ako pwede, hayan ang boss ko oh! " sambit nya sabay turo sa akin.

" Sige na sumama ka na. Wala ka namang gagawin na dyan. Pinapauwi ko na rin si Daphne dahil hindi na tayo babalik ulit, uuwi na tayo after natin sa site. " wika ko na nagpagulat sa kanya. Sumakay na kami sa elevator sa kabila ng pagtataka nya.

" Bakit ang aga naman nating uuwi? Kung kailan wala si sir Frank saka tayo uuwi ng maaga. " hindi na nakatiis na tanong ni Tin.

" Nagpaalam tayo kahapon sa kanya di ba? " paalala ko.

" Aysus! Oo nga pala besh, mamayang gabi na yung kay Harry. " napatapik pa sa sariling noo nung maalala nya.

" Harry? Yung kababata ba nating si Harry yan Liyah? " tanong ni Gilbert.

" Mismo. Engagement party nila nung kaibigan namin na si Sav. " tipid kong sagot.

" Yan yung sinasabi kong pupuntahan natin Gilbert. " singit ni Tin.

" What? Wow, iba ka rin besh. Kunwari ka pang pino-problema ang date mo eh mayroon naman pala. " sabi ko kay Tin.

" Eh besh ayoko naman kasing sabihin sayo kasi wala ka pang date para mamaya, baka isipin mo iniiwan kita sa ere. " tugon naman niya.

" Okay lang naman ako. Lokang to. Gusto mo lang maka-partner si Gilbert kung ano-ano pa sinasabi mo. " asar ko kay Tin.

" Besh, grabe ka sa akin. Naririnig nyang kumag na yan, isipin pa nya patay na patay ako sa kanya. " nakasimangot na si Tin.

" Umamin ka na kasi Tin. Alam mo namang patay na patay din ako sayo. Para quits na tayo. " panggagatong pa ni Gilbert.

" Tse! Magtigil ka nga dyan. Hindi pa ako ready sa ganyan. " singhal nya kay Gilbert sabay irap.

" Di ba sabi ko naman sayo, hihintayin kita, kung kelan ka ready? " natatawa na kami sa reaksyon ni Tin. Naloko na. Pulang-pula na sya dahil sa mga sinasabi ni Gilbert. Nagpatiuna na sa paglakad papunta sa parking lot pero hinabol naman sya ni Gilbert.

" Waaahhh. Tigilan mo ko! " sumisigaw na sya na halos patakbo na papunta sa parking lot habang habol-habol naman ni Gilbert. Mabuti na lang kami lang ang tao sa basement kung nasaan ang parking.

Tawa naman ako ng tawa. Parang ngayon lang ulit ako tumawa ng ganito. Nitong mga nakakaraang mga buwan kasi, iyak lang ako ng iyak.

Biglang nabitin sa ere ang tawa ko ng mapatingin ako kay Onemig. Kasama ko nga pala sya. Nakatingin lang sya sa akin na may amusement sa mga mata. Tinaasan ko sya ng kilay.

" What? "

" Wala lang. Ngayon lang kasi kita ulit nakita na tumatawa ng ganyan. " sagot niya na hindi nawawala ang ngiti sa labi.

" Mukha ba kong baliw? Eh di sige, hindi na ulit ako tatawa. " wika ko na kunwari naiinis ako.

" Uy wala akong sinabing ganon. Natutuwa nga ako kasi narinig ko na naman yang tawa mo. Music to my ears. " napatingin ako sa kanya pero hindi na ako nagkomento. Pero nungka, kinilig ako ng very, very light lang naman.

" Uhm. Totoo bang wala si Jam? " biglang tanong nya.

" Oo nasa Italy sya ngayon, doon sya naka-assign. " sabi ko na lang. Totoo naman pero hahayaan ko na lang na isipin nya na nagta-trabaho si Jam doon at dun naka-assign.

Marahan syang tumango. Katahimikan ulit. Hanggang sa makarating kami ng parking lot. Inabutan pa naming nagtatalo yung dalawa.

" Besh halika na dito, ako magmamaneho. Diyan na kay Onemig tong kumag na to, ang kulit eh. "

" Kung kayo ang magkasama ni Liyah dyan, sino magtuturo sa amin kung saan yung site? " hirit ni Gilbert.

" Oo nga naman besh. Sige dyan na sya sayo, dito na lang ako kay Onemig. " sabi ko naman. Napakamot na lang si Tin sa ulo niya.

" O di ba baby? Sabi sayo eh, meant to be talaga tayo. " asar pa muli ni Gilbert habang pasakay na sa passenger seat.

" Huh! Baby-hin mo mukha mo! Nakakainis kang talaga Gilberto! " dinig ko pa ang nabu-bwisit na boses ni Tin kahit umandar na ang sasakyan nila.

Naiiling na lang ako. Nang balingan ko si Onemig, nandun na sya sa may passenger side ng kotse nya, pinagbuksan na ako ng pinto.

Gentleman pa rin talaga ang mokong.

Hindi na naman kami nagkikibuan habang bumibyahe papunta sa site. Mabuti na lang malapit lang yung site na pagtatayuan namin ng building kundi pareho kaming mapapanisan ng laway.

Nung nasa site na kami, inumpisahan na ni Onemig at Gilbert ang pag-inspection sa lugar. Nag-uusap sila habang nakatingin dun sa blue print na hawak nila. May mga binabanggit silang mga sukat at kung ano-anong mga guhit at numero pero ang nakikita ko lang ay yung ganda ng design nung building na iginuhit ni Caloy.

Umupo na lang ako sa tabi ni Tin na abala sa paglalaro sa kanyang cellphone. Pinanuod ko na lang yung dalawa na nag-iikot at nagsusukat ng kung ano-ano sa lugar.

" Hindi mo naiintindihan pinag-uusapan nila noh besh? " saglit lang nya akong nilingon tapos balik na naman sya sa paglalaro sa cellphone nya.

" Oo eh. Hindi naman kasi engineering ang tinapos natin. " tinatamad kong tugon.

" Paano ka nga pala mamaya, wala kang date? Masyado pa namang formal ang party na yon. Invitation pa nga lang kinabog na ang engagement party ng prinsipe ng England. Mga alta talaga. Mabuti na lang si tita Laine ang bumili ng gown natin, nagmukha akong tao talaga. Aba eh, kung ako bumili non kahit mamahalin mukhang galing Divisoria pa rin siguro. Iba ang taste ng mudra mo eh, sosyalin. " natawa na lang ako sa parang armalite na bibig ni Tin. Ang daming alam.

" Besh kung hindi ako papapasukin ni Harry at Sav mamaya dahil wala akong date eh di uuwi ako, tutal may kasama ka naman pauwi kaya hindi ako mag-aalala sayo. " turan ko sa kanya.

" Naku besh, hindi yun mangyayari. Ikaw ang bestfriend tapos pauuwiin ka lang? Dalawa na nga lang tayong dyosa na aattend sa party nila tapos uuwi ka pa. Eh di malaking kawalan na yun sa kanila. " walang pakundangang turan ni Tin. Dami talagang alam.

" Hahaha. Sira ka talaga besh kung ano-ano sinasabi mo. "

" Eh talaga naman. Sino mag-aakala na sa ganda mong yan wala kang partner? Wala yatang maniniwala besh. " hirit pa niya.

" Eh sa wala talaga akong date, ano magagawa ko? Alangan namang pauwiin ko pa si Jam para lang dun. Mahigpit pa namang nakalagay sa invitation nila na kailangan may kasamang date. Sarap pukpukin ni Harry at Sav sa pakulo nilang yon. Respeto naman sana sa mga single. " himutok ko.

" Mabuti na lang napapayag ko ang ugok na Gilbert na yan kundi dalawa tayong nga-nga. " sabi niya sabay turo kay Gilbert.

" Eh type ka nyan kaya mabilis pa sa alas-kwatro na papayag yan. "

" Date ba? I can be your date yun eh kung papayag ka. " sabay pa kaming nagulat ni Tin ng marinig namin yung nagsalita. Nasa harapan na pala namin si Onemig na todo pa ang ngiti.

Naumid ang dila ko. Hindi ako makapagsalita. Nakapako lang ang tingin ko sa kanya.

Jusme, willing syang maging date ko yun eh kung papayag lang ako.

OMG! Ang hirap mag-decide. Pag pumayag ako baka manganib na naman ang puso ko.

Hoy Aliyah, date lang sa party. Ang advance mo mag-isip. Assuming ka!