Chapter 190 - Drunk

Aliyah Neslein Mercado's

Simula nga nung birthday ni Onemig, pinilit ko ng iwasan si Greta. Kapag alam kong nandoon siya kila Savannah, hindi na lang ako sumasama sa mga kaibigan ko na mag-lunch kila Sav. Nung una nagtataka sila pero sinabihan ako ni Onemig na ipaliwanag ko sa mga kaibigan ko yung dahilan ko para naman hindi sila magtaka.

Then one day during our vacant period, kinausap ko yung lima. Sinabi ko yung naging kaugnayan ni Onemig noon kay Greta at yung mga ginawa ni Greta sa mga girls na napaugnay kay Onemig. Of course, hindi ko sinabi yung dirty secret nila, it's not my story to tell. Ayoko rin naman na baka mahusgahan si Onemig.

Kaya naman nung malaman na nila, kuntodo ang protekta nila sa akin. Baka daw kasi kung ano ang maisipang gawin ni Greta sa akin. Kaya habang umiiwas ako kay Greta, ganoon din sila. Iniiwasan nilang mag-krus ang landas nila. Kahit si Sav, kapag alam nyang nandoon sa bahay nila ang grupo ng ate Sabina nya, hindi muna sya umuuwi sa kanila.

" Anong balita sis? Bakit kayo pinatawag pareho ni Derrick ni dean Icasiano? " tanong kaagad ni Gen pagkaupo ko pa lang sa chair ko sa classroom. Lumapit pa sila ng husto ni Sav para makibalita. Wala pa naman yung prof sa next subject namin kaya libre pang chumika.

" Nothing serious mga sis. Pinili lang kami ni dean para maging representative ng department natin para sa Mr.Campus Hearthrob and Ms. Campus Sweetheart. " tugon ko. Nanlaki naman ang mata nila sa gulat at excitement at the same time. Mukhang titili pa nga si Gen kaya lang mabilis na naagapan ni Sav.

" Grabe ang saya naman! Kayong mga kaibigan namin ang napili. Yes! Excited na ako. " masayang saad ni Gen.

" Yeah, me too. I'm so excited. " pakikay na segunda ni Sav pero natigilan sya ng mapuna nya ang reaksyon ko. " Wait sis, anyare? Bakit mukhang tulaley ka dyan? "

" Huh! "

" Yeah right! Kanina ko pa nga napapansin na parang hindi ka masaya samantalang sobrang excited naman kami ni Sav. May problema ba Liyah? "

Malalim akong napabuntung-hininga bago ako nagsalita.

" Pagkatapos kasi namin ni Derrick kay dean, pinapunta kami sa office ng Chairman para ma-meet yung lahat ng representative ng bawat department. And there I saw Greta. She's the representative of the Engineering dept. "

" What? " halos sabay pa sila.

" And then right after that short meeting, she approached me. "

" What? " sabay na naman sila kaya natawa na ako.

" Ano ba! Para kayong timang na dalawa. "

" Jusmio naman kasi, ilang linggo na tayong tagumpay na maiwasan yang si Greta tapos ngayon bigla kayong nagkita and worst, nilapitan ka pa. Eh hindi ba pinapaiwas sya ni Onemig sayo? " nayayamot na turan ni Gen.

" Wala naman syang ginawang masama sa akin, nagulat pa nga ako kasi nag-sorry sya. "

" What? " mas lalo silang nagulat sa sinabi ko pero mas natawa ako sa reaksyon nila.

" Huwag ka ngang tumawa dyan Aliyah, mamaya nyan pinapasakay ka lang nyan para pumasok ka sa bitag nya tapos dun na nya gawin yung balak nya kapag nakapasok ka na. At pagkatapos hindi mo namamalayan nasa kanya na ulit si Onemig. " turan ni Gen. Natigilan ako at napaisip. Maaaring tama sya, kasi nagawa na ni Greta dati yun kay Alexa at Kristine, kaya hindi malayong magawa rin nya sa akin. Pero sincere naman sya kanina sa pagso-sorry nya.

" Hindi naman siguro. Mukha namang sincere sya kanina sis. I don't know. Ayoko namang husgahan sya kaagad. "

" Hay nako hayan ka na naman sa pagiging Mother Teresa peg mo Liyah. Payo lang sis, hindi lahat ng nakangiti sayo, mabait. Minsan sa likod ng mga ngiting yon may hindi magandang binabalak. Mag-ingat ka gaya ng sinasabi ni Onemig sayo. Sige sakyan mo yung paghingi nya ng sorry at magpaka- Ms. Friendship ka but please always be on guard. Alerto bente kuwatro dapat. " payo pa ni Gen.

" Tama Liyah. Don't trust her too much. Anyway, nandito lang kaming mga kaibigan mo, hindi ka namin iiwan. We got your back sis. " wika naman ni Sav sabay tapik sa balikat ko.

I heaved a sigh of relief. I'm so lucky indeed that I have Gen and Sav as my real friends. Parang si Richie at Anne lang. Kahit sobrang luka-luka ni Gen at pakikay si Sav, lahat naman ng sinasabi nila sa akin ay totoo. Hindi kasi ako namulat sa magulong mundo, yung may nag-aaway sa paligid ko. Payapa ang buhay ko kaya naman ngayong may Greta na pumapasok sa payapang mundo ko, hindi ko maiwasang hindi kabahan kahit paano. Mabuti na lang nga at may mga kaibigan akong katulad nila, lumalakas ang loob ko na harapin ang kung ano man ang hindi magandang mangyayari.

After ng class namin ay sinundo ako ni daddy kasama si Neiel para umuwi na ng Sto. Cristo. Ilang weeks na rin na ganito ang sitwasyon namin. Every Friday ay half day lang si daddy sa work nya, then susunduin nya muna si Neiel tapos ako and then didiretso na kami pauwi ng Sto. Cristo. Nung una mahirap, lalo na wala si mommy sa bahay at weekends lang namin sya nakakasama pero unti-unti na kami ngayong nasasanay. Sabi ni daddy ganon talaga ang pamilya, kailangan nagtutulungan. Para sa amin din naman ni Neiel yung pagsasakripisyo nila, kami rin naman ang magmamana ng kumpanyang tinataguyod ngayon ni mommy at lolo Franz sa Sto. Cristo.

" Mommy we're here! " sigaw ni Neiel pagkababa pa lang nya ng sasakyan namin. Medyo nag-aagaw na ang liwanag at dilim nung makarating kami sa bahay. Nakita kong lumabas si mommy kasama si lola Baby para buksan ang gate nang makapasok ang kotse namin. Nagmano muna kami kay lola Baby nang masalubong namin sya.

" Kumusta ang byahe nyo mga anak? " tanong ni mommy. Nakaakbay sya sa amin ni Neiel habang salitan nya kaming hinahalikan sa ulo. Yumakap din kami pareho sa kanya at hinalikan namin sya sa magkabilang pisngi.

" Okay lang po mommy. Yang si Neiel mom ang dami na namang pagkaing baon. Ewan ko kung makakakain pa yan sa dinner. " sumbong ko kay mommy. Napanguso naman si Neiel at inirapan ako.

" Bunso di ba sabi ko sayo mag-diet ka na? Paano ka magiging model nyan katulad namin ni daddy? " turan ni mommy sa kanya.

" Eh kasi po mommy nakakainip sa byahe kaya kumakain na lang po ako para hindi ako mainip. "

" Sus kunyari ka pa! Ang sabihin mo wala ka talagang ibang hobby kundi ang kumain. " asar ko sa kapatid ko.

" Mommy oh si ate! " aasarin ko sana sya ulit ng lumapit na si daddy sa amin nakasunod si lola Baby sa kanya dala ang mga pasalubong namin sa kanila. Automatic na kumalas kami ni Neiel kay mommy para bigyang daan ang asawa nyang gwapo.

" Hi babe! How's your day? " he hugged mom and kissed her gently on the lips. Na tinugunan naman din ni mommy.

" Eiww mom, dad. . We're still here, nakakahiya po sa amin. " biro ko sa mga magulang ko na naglalambingan sa harap naming magkapatid.

" Oops kids, sorry. I got carried away. Sobrang missed ko na kasi si mommy nyo eh. " ngising-ngisi pa si daddy.

" Naku beh ikaw naman kasi eh. Tara na nga kayo sa loob kanina pa kayo hinihintay nila dad. " untag ni mommy sa amin.

" Mommy si Onemig po? Bakit wala pa po yata sya? " tanong ko kay mommy ng maalala ko ang boyfriend ko. Usually kasi nandito na sya naghihintay sa amin tapos kasama na namin syang mag-dinner.

" Hindi ba tumawag sayo? Nandito sya kanina bago sya pumasok sa school. Nagpaalam na baka hindi sya makasama sa dinner dahil na-invite daw sila nila Jake at Gilbert sa birthday ng classmate nila. "

" May dalawang missed calls sya kanina. Nasa dean's office naman po ako kaya hindi ko nasagot. Hindi ko naman sya matawagan dahil straight po ang schedule ng class nya pag ganitong Friday. " sagot ko.

" Siguradong mamaya nandito na yon. O kaya puntahan mo sa kanila after nating mag dinner. " suhestiyon ni mom. Tumango na lang ako. Pupuntahan ko na nga lang siguro mamaya sa kanila.

Sa kalagitnaan ng dinner namin, nabanggit ko sa kanila yung tungkol sa pagpili sa akin bilang representative ng department namin for Ms. Campus Sweetheart. And as expected, tuwang-tuwa sila at excited na si mommy na magpagawa ng gown na isusuot ko. Naka-plano na rin yung pagluwas nila para panoorin ako sa pageant. Nakakataba lang ng puso ang pinapakitang suporta ng pamilya ko. Kahit minsan hindi sila pumalya sa pagsuporta sa akin, sa amin ni Neiel kahit na dun sa pinaka simpleng bagay lang. Hindi sila nawala sa mga PTA meetings o sa Family day ng school. Hindi sila nawalan ng oras kahit may mga kompanya silang pinapatakbo.

After nung dinner namin ay naghanda na ako para maligo. Bago pumasok ng bathroom ay tinawagan ko muna si Onemig pero panay lang ang ring nito. After three attempts ay sumuko na rin ako. Baka wala sa tabi nya ang phone nya kaya hindi nya sinasagot.

Nang matapos akong maligo at makapagbihis ay nagpaalam na ako kila daddy na pupunta na kila Onemig.

Maliwanag naman sa daan dahil lahat ng poste ay may ilaw at may CCTV na rin kaya hindi naman nakakatakot maglakad mag-isa. Tatlong bahay lang din ang pagitan ng bahay namin sa kanila.

Si Chuchay ang nagbukas ng gate sa akin nung mag doorbell ako. Isa sa mga kasambahay nila na mas bata ng konti kay Mumay.

" Good evening Chay. Nandyan ba ang sir Onemig mo? "

" Ay opo ma'am Liyah, kanina pa po. Nasa taas na po pero si Ma'am Bless nandyan pa sa sala nanonood ng tv. Pasok ka na po. " tumango lang ako at nagpasalamat.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad kong namataan si tita Bless sa sala. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Medyo nagulat pa nga sya dahil nakatutok sya sa pinapanood nya sa tv.

" Oh ikaw pala yan anak. Pasensya na hindi ko namalayan ang pagpasok mo, ito kasing pinapanood ko masyadong nakakadala. Kumain ka na ba? "

" Ah opo tita tapos na po. Si Onemig po? Hindi po kasi nya sinasagot yung mga tawag ko eh. "

" Hay nako paano nyang sasagutin yang tawag mo eh hayun at tulog na sa room nya kanina pa. " tila nakukunsuming sagot ni tita sa akin.

" Po? " gulat kong tanong. Paano naman 8pm pa lang tulog na?

" Nagagalit nga ako kanina. Hinatid sya ni Jake dito, lasing na lasing. Si Jake ang nagmaneho ng kotse nya, nakainom din. Paano kung nadisgrasya sila sa daan? Talaga naman yang mga iyan. Ang mabuti pa puntahan mo na dun sa kwarto nya at baka nahimasmasan na. At ikaw na lang muna ang kumastigo. Bukas lagot sa akin yang batang yan. Akala nya ba komo malaki na sya eh hindi na sya mapipingot sa akin? Ninerbiyos ako sa kanila kanina akala ba nila. Nagmaneho ng nakainom. Hala! akyatin mo na dun at halibasin mo. Ako'y nakukunsumi kamo sa kanila. " natatawa na lang ako habang nakikinig kay tita. Kahit naman siguro ako ang nasa katayuan nya, maiinis din ako. Ano kaya nangyari sa mga yun at nalasing ng ganun?

" Aliyah? " napahinto ako sa pag-akyat sa hagdan ng marinig ko ang pagtawag ni tita Bless.

" Yes po tita? "

" May babae silang kasama kanina ng ihatid nila si Onemig. Hindi ko sya kilala pero kilala mo raw sya. "

" Sino daw po sya tita? "

" Si Greta. "

Related Books

Popular novel hashtag