Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 180 - Bestfriends

Chapter 180 - Bestfriends

Aliyah's Point of View

HINDI ako makakibo sa sinabi ni Harry.Inaamin ko na may pagkakamali ako dun, hindi ako naging honest sa kanya. Sa buong panahon ng pagiging mag-best friends namin, hindi kami naglihim ng anuman sa isat-isa. We were best of friends since grade school, nagkita ang pamilya namin dito sa Manila nung umuwi sila galing ng US.Then nagkahiwalay kami nung high school na, nagpunta naman sila ng Canada.Palipat-lipat sila ng bansa dahil sa trabaho ng daddy nya.Pero kahit magkalayo kami hindi kami nawalan ng communication.And during those times, wala akong natatandaang naglihiman kami. Alam ko ang lahat ng secrets nya pagdating sa mga babae nya. Kaya yung sinasabi ni Onemig na may gusto sa akin si Harry, malabo yun. Malabo. Malabo pa sa tubig ng ilog Pasig.

Marahil mahal nya ako.Oo..Oo naman kasi best friend nya ako.He cares for me too.Because I am the sister he never had. Only child kasi sya.

And now what have I done? Hindi ako nagtiwala sa kanya sa pribadong buhay ko dahil lang sa simpleng dahilan--- pinagseselosan siya ni Onemig.Dapat ako ang gumawa ng paraan para ipaintindi kay Onemig na magkaibigan lang kami ni Harry, na wala siyang dapat ikagalit o ipagselos. Na yung inaakala nyang may gusto si Harry sa akin ay isang maling akala.Guilty ako, aminado ako, kasi simula nung magselos si Onemig, hindi na ako nagtangkang makipag-communicate kay Harry, which is not right.Dahil bago pa naging kami ni Onemig, best friend ko na si Harry.

At ngayong nakikita ko ang disappointment at sakit sa kanya dahil sa paglilihim ko, parang gusto kong batukan ang sarili ko. Nasaktan ko ang best friend ko na walang ginawa sa akin kundi ang mahalin ako at intindihin ang lahat ng flaws ko.

" Besty I'm sorry. Hindi ko nasabi agad sayo na kami na ni Onemig nung summer vacation pa, kasi naman---"

" Kasi naman ano?" biglang sambit nya. Medyo may pagkayamot sa kanyang tono.

" Uhm, ano kasi eh---nagseselos si Onemig sayo." there I said it.

" What?" gulat nyang saad.Punong-puno ng pagtataka ang itsura nya na nakatingin sa akin na para bang tinubuan ako ng isa pang ulo.

" Yeah, natatandaan pa nya yung sinabi mo noong mga bata pa tayo. Kaya lagi nya akong inaaway noon kahit wala na kayo at nagpunta na sa ibang bansa." yuko ang ulo na nagpapaliwanag ako.

" Anong sinabi ko raw?"

" Na gusto mo raw ako. Na liligawan mo raw ako pag malaki na tayo." nahihiya kong kwento.

" My God, ilang taon ba kami non, 6? 7?.Ni hindi ko na nga matandaan na may sinabi ba akong ganon.I can't believe na hanggang ngayon dinala pa nya yun.You know that there is nothing to be jealous of. We're just like brothers and sisters. Aaminin ko, crush kita noong bata tayo pero nung lumipas ang panahon, nawala iyon lalo na nung maging mag-bestfriend na tayo. Feeling ko incest kung magkakagusto ako sayo kasi kapatid ang turingan natin. Besides, wala talaga akong romantic feeling na nararamdaman towards you. Pardon my words, but that's the truth."

" Butchoy sorry na." sabi ko sabay yugyog sa braso nya.

" Haisst Liyah, wag mo nga ako tinatawag na ganyan, matanda na tayo, di bagay." nayayamot na turan nya.Ayaw nya talagang tinatawag sya sa pangalang yun. Mommy nya ang nagbansag sa kanya nun nung bata kami, chubby kasi sya.

" Arte naman neto. Naging macho ka lang at hot ayaw mo na sa pangalang yon!"

" Kaya nga, hindi na bagay eh."

" Hindi ka na galit sa akin? Sorry na kasi." pagsamo ko sa kanya.

" Halika nga dito." untag nya. Lumapit naman ako at nang nasa tabi na nya ako ay bigla nya akong niyakap at hinalikan sa sentido.

" You are the sister that I never had. We've been friends since we were kids and I learned to care for you that much. I shared all my deepest secrets with you.You knew everything about me. Kaya nakakatampo ngayon na hindi mo sinabi sa akin ang pinaka-importanteng pangyayari sa buhay mo. Pero naiintindihan ko na ngayon.Hindi ko rin naman gustong magalit sayo dahil lang dun. Mahal kita Liyah sa paraang tayo lang dalawa ang nakakaalam. Pagmamahal na hindi hihigit sa magkaibigan, ngunit hindi nalalayo sa pagiging magkapatid. Ipaunawa mo yun kay Onemig dahil kung hindi ay magkakaroon pa ng problema sa pagitan nyo pagdating ng araw. Hanggang ngayon pala dinala nya yung usapang bata namin. Silly guy." tumango ako habang nakasubsob sa dibdib nya.

Para akong nabunutan ng tinik ngayong nagkaliwanagan na kami. Siguro nga dapat ko ng sabihin at ipaintindi kay Onemig ang kung ano ang mayroon kami talaga ni Harry.Alam kong maiintindihan nya ako.Kung mahal nya ako maiintindihan nya ako. True love understands.

" Sige pag nagkita kami kakausapin ko sya para naman mawala na yung pagseselos nya." ani Harry.

" Okay pero mas maganda sigurong sabihin ko na agad sa kanya na nandito kana at nagkita tayo saka ko sasabihin sa kanyang gusto mo syang makausap.Agree ka ba dun?" suhestiyon ko.

" Yeah, that's better. Walang problema sa akin yun.That's settled then?"

" Yup.I'll text you after naming mag-usap ni Onemig." tumango lang sya sa akin.

" Besty?"

" Hmm?"

M-may number ka ba ni S--Sav?" gulat akong napatingin sa kanya. Medyo tipid akong napangiti ng mapagmasdan kong namumula sya. Nag-stutter pa eh.

" Sabi ko na eh.Crush mo noh?" kantyaw ko.

" H--hindi ah!" tanggi nya.

" Hindi raw, eh bakit namumula ka dyan tapos nag-stutter ka pa? Oy Buthchoy kilala kita, wala kang matatago sa akin. Kala neto!"

" Haissst Liyah, wag na nga lang!" asar nyang turan.Ganyan yan pag nabubuking ko.

" O sige pero ngayon pa lang winawarningan na kita Villegas! Huwag si Sav, hindi pang fling yon.Kilala kita, madali kang magsawa."

" Seryoso ako besty. Nagbago na ko noh!"

" Siguraduhin mo lang ha? Kung hindi sa akin ka mananagot,forever kitang hindi kakausapin.Mark my word!"

" Oo nga.Promise!" nagtaas pa ng kanang kamay ang damuho bilang panunumpa.

MAGAAN na ang loob ko hanggang sa magpaalam na si Harry na uuwi na. Parang nabunutan ako ng tinik ngayong hindi na sikreto sa kanya ang tungkol sa amin ni Onemig. Akala ko talaga pag-aawayan namin kanina ang paglilihim kong yun sa kanya.

Kinabukasan medyo tanghali na akong gumising, Sabado kasi at wala akong pasok sa school. Kumpleto din kami dito sa bahay ngayon. Naligo muna ako at nagbihis ng simpleng cotton shorts at t-shirt bago bumaba. Naulinigan kong nagkakasiyahan sa may bandang dining room ang pamilya ko. Ganon naman talaga kapag kumpleto kami sa bahay pero tila mas maingay sila ngayon. Mukhang may bisita yata.

Natutop ko ang bibig ko ng dahil sa gulat nang makarating ako sa dining area. Hindi ko inaasahan ang daratnan ko.

" Good morning sweetie!" bati nya at tumayo sa kinauupuan nya upang salubungin ako sa entrada ng dining room.

" Oh my gosh! Y-you're h-here!" sambit ko na nauutal pa dahil sa sobrang excitement. Niyakap ko sya ng mahigpit ng makalapit na sya sa akin. Hindi ko na inintindi kung nasa harapan namin ang kapamilya ko. Nami-miss ko talaga sya kahit pa everyday ko syang kausap sa phone.Iba pa rin yung nandirito sya in flesh.

" T-teka s-sweetie h-hindi akoh m-maka-h-hinga." bigla akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya hindi ko namalayan na napahigpit pala talaga yung pagyakap ko. Hiyang-hiya pa akong napatingin sa pamilya ko na tila naa-amuse naman na nakamasid sa amin.

" Sorry! Na-miss kasi kita beb, more than a month din tayong hindi nagkikita eh. Kanina ka pa ba? Anong oras ka umalis dun sa Sto.Cristo? Nag-commute ka lang ba?" sunod-sunod kong tanong.

" Whoa! Sweetie isa-isa lang mahina ang kalaban." natawa na lang ako at muling yumakap sa kanya na ginantihan din nya ng kaparehong yakap at hinalikan ako sa ulo.

" Ehem! Nandito kami oh! Kumain muna tayo mamaya na yang lambingan at naiinggit na ang mommy nyo dito, kanina pa kinikilig sa inyo." asar ni daddy.

" Naku beh ako na naman ang nakita mo. Kayong dalawa dito na muna kayo at mamaya na kayo mag -catch up." untag ni mommy. Sumunod naman kami ni Onemig at nakisalo na sa kanila sa hapag.Magkatabi kami ng upuan. Si daddy sa kabisera at sa kanan nya si mommy katabi si Neiel at nasa harap nila kami ni Onemig.

" Kumusta ang mga oldies namin dun Onemig? Si Bless kumusta na?" tanong ni mommy habang kumakain kami.

" Mabuti naman po sila lolo Franz, everyday po akong nasa kanila kaya nakikita ko ang sitwasyon nila doon.Pati po sila lolo Phil eh ayos naman din po. Si mommy po eh ayos lang din." nakangiti nyang sagot.

" Ang pag-aaral mo hijo, kumusta naman? Makaka-uwi na ba si pareng Migs?" tanong naman ni daddy sa kanya. Nahihimigan ko na kaya yun ang itinanong nya dahil para kumpirmahin kung makakalipat na si Onemig dito sa Manila next semester.

Biglang parang naumid si Onemig sa tanong ni daddy. Tingin ko may problemang nakalatag ngayon sa pagitan naming dalawa. Kung ano man yon hindi ko alam kung handa na ba akong marinig gayong sa loob ng mahigit isang buwan, ngayon lang kami ulit nagkita tapos heto parang may problema pa.

" Ayos naman po tito yung pag-aaral ko kaya lang po si dad---" he pause then intently gaze at me.

" Ano nangyari kay tito Migs?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

" Dad is fine. Tapos na rin yung project nila sa Bangkok but---" napahinto sya ng pagsasalita, tinitigan muna nya ako na tila tinatantya ang magiging reaksyon ko.

" Anong but beb?" tanong ko. Kabang-kaba na ako. Parang hindi maganda ang sasabihin niya.

" I--I'm sorry sweetie I can't make it on next semester, nagkaroon ng malaking project ang Global Land sa Italy at si daddy ang isa sa mga Engineer na ipinadala dun."