Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 164 - Roller Coaster

Chapter 164 - Roller Coaster

Aliyah's Point of View

NANG gabing yon, sinundo ako ni Onemig sa bahay para sa pamamasyal namin sa plaza.Eksaktong naisuot ko pa lang ang Vans sneakers ko nung dumating sya.Pinapasok na sya ni lola Baby kaya paglabas ko mula sa room ko ay kausap na nya si lolo Franz at lola Paz sa living room.

" O heto na pala si Aliyah." anunsyo ni lola Paz.Napatingin si Onemig sa akin at hindi nakaligtas sa akin ang tingin nyang may halong paghanga.Hindi sa nag-aassume ako.Medyo may kinang kasi ang mga mata nya na nakatutok sa akin.

Simple lang naman ang suot ko,maong skirt na above the knee na tinernuhan ko lang ng red na v-neck shirt na kakulay ng Vans sneakers na suot ko.Ang buhok ko na lampas balikat ay naka pusod lang.

Ano ang espesyal dun?

"Mag-iingat kayo dun ha mga apo,huwag kayong papagabi masyado.Maliwanag ba?" turan ni lolo Franz na kay Onemig nakatingin.

" Y-yes po lolo Franz." sagot nya kay lolo na parang nagulat pa dahil nga sa akin sya nakatutok.

" Sige po lolo,lola aalis na po kami." paalam ko sa kanila habang humahalik sa kanilang pisngi.

Inalalayan ako ni Onemig nung pasakay na kami sa kotse nya na nakaparada sa labas ng bakuran namin.Dun nya ako sa passenger's seat iginiya.Nagulat pa ako ng pagkaupo ko ay may biglang tumili sa loob.

" Bessshhh! Ikaw na talaga ang espesyal! Para kang halo-halo na may ice cream at jalaya sa ibabaw!" si Richelle na kilig na kilig pa.

Naguguluhang napatingin ako sa mga nakaupo sa back seat.Puro mga nakangisi at makahulugan ang tingin ng mga pasaway sa akin.Si Gilbert at Jake na napapagitnaan ang dalawa kong kaibigan na si Anne at Richelle ay parang nang-aasar pa nga ang mga tingin.

" Hoy Rich! Tigilan mo nga ako sa mga patutsada mo. Walang espesyal!Para sinundo lang ako kung makatili ka naman dyan parang inalayan na ako ng langit at lupa .Behave ka nga!" kunway galit na singhal ko sa kanya.Natatawa naman ang mga katabi nya sa kanya. Paano naman kasi parang bulateng inasinan.Pasaway talaga!

Buti na lang nasa labas pa si Onemig,tinitignan ang mga gulong ng kotse nya kaya hindi kami naririnig.

" Anong nangyari?" tanong ni Onemig ng makaupo na sya sa driver's seat,bigla naman kasing natahimik ang babaeng parang may mega phone sa lalamunan.

" Wala naman,yang si Richie nangungulit lang." sagot ko,ngumiti lang sya at itinuon na ang sarili sa pagda-drive.Kabisado na kasi nya ang kakulitan ni Richelle.

Pagdating namin sa plaza ay agad na kaming pumunta dun sa isang maliit na kainan na puro spaghetti at pizza ang itinitinda.Kakain muna raw kami bago kami pumunta ng perya na nasa likod lang ng munisipyo nakapwesto.Ito ang unang gabi ng perya kaya paniguradong maraming tao.

May mga nakalagay na lamesa at upuan sa labas ng maliit na kainan kaya dun kami pumwesto.Umorder si Onemig ng dalawang malaking pizza at dalawang pitcher ng ice tea.

Habang kumakain ay pinag-uusapan na ng apat na kasama namin ang mga rides na sasakyan at mga arcades na paglalaruan nila.Nakakatuwang pakinggan ang pagtatalo-talo nila samantalang kami ni Onemig ay natutuwa lang na panoorin silang apat.

Matapos kumain ay agad ng nagyaya ang mga kasama namin na magpunta na ng perya.Sa may harap ng munisipyo na lang nag-park si Onemig para malapit lang daw sa perya.

Marami ng tao ng makarating kami. May mga kakilala at kaeskwela pa silang nakakasalubong kaya medyo napapahinto pa muna kami bago tuluyang makapasok sa loob.

Napapitlag ako ng bahagya ng hawakan ni Onemig ang kamay ko.Napatingin ako sa kanya at ngising-ngisi naman syang tumingin sa akin.

" Baka kasi mawala ka." bulok nyang katwiran.

" Talaga ba?" tinaasan ko sya ng kilay. Napangiti lang sya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Hinayaan ko na lang tutal masarap naman sa pakiramdam yung ganitong magkahawak kami ng kamay.

Sus Aliyah humaharot kana naman!

Nag-ikot kami sa mga booth.Pumunta yung apat sa bingo booth at naglaro. Dahil hindi naman ako marunong mag-bingo,niyaya na lang ako ni Onemig mag target shooting.

Magaling syang umasinta kaya isang subok lang ay napatumba na nya ang target.Naka premyo kami ng isang medium size na teddy bear at ibinigay naman nya yon sa akin.

Nag-ikot pa kami pagkatapos at nang akmang babalikan na namin ang mga kaibigan namin sa bingo booth ay eksaktong nasalubong na namin sila.

"Wow! Ang cute naman ng teddy bear Liyah, na premyo nyo sa target shooting?" tanong ni Anne.

" Oo,ang galing kasi umasinta ni Onemig."

" Tara doon naman tayo sa mga rides." untag naman ni Richelle.

Sumunod naman kami sa kanya at una naming sinakyan ang caterpillar.Magkapareha si Jake at Anne,si Gilbert at Richelle then kaming dalawa naman ni Onemig.Nung bumaba kami ay panay ang reklamo ni Jake dahil wala daw thrill,masyadong pambata.

Napagkasunduan nilang sa ferris wheel naman sumakay. Medyo ayos na kay Jake dahil hindi na gaanong pambata.Kami naman ni Onemig ay sumusunod lang sa kanila,kung saan nila maibigan ay dun din kami.

Nung makasakay na kami sa ferris wheel ay hindi ko maiwasang hindi maalala yung kwento nila mommy sa akin. Nagkaayos daw sila ni dad dahil sa ferris wheel.Doon nagsimula ang friendship nila na nauwi sa magandang love story.Hindi ko namalayang napangiti na pala ako ng maalala ko ang kabuuan ng love story ng mga magulang ko.

" Ang ganda naman ng ngiti mo Ali." narinig kong saad ni Onemig sa tabi ko.

" Ah ano kasi, naalala ko yung kwento nila daddy sa akin tungkol dito sa ferris wheel."

"Anong tungkol dito?" interesadong tanong nya na nakangiti pa.Kumalampag ang puso ko ng makita ko ang ngiti nya.Shocks! Bakit ba sa tuwing makikita ko syang nakangiti ay parang napapawi lahat ng pagod ko.He has a set of pearly white teeth na pwedeng maging model ng toothpaste commercial.

" Dito nag-umpisa ang love story nila." kaswal kong sagot.

" Ah,parang gusto ko rin yatang umpisahan dito ang love story ko." biglang sambit nya.

" Huh!" nakakunot ang noo kong tumingin sa kanya.Hindi pa rin nagbabago ang ngiti nya.Mas dumoble yata ang tibok ng puso ko.

" Uhm, what I mean is,unique yung nag-uumpisa ang love story nila sa ganito,bihira yon." napatango na lang ako habang sya naman ay napapakamot pa sa ulo.Parang hindi naman kasi yon yung sinabi nya.Hindi na ako kumibo,tinuon ko na lang ang pansin ko sa nag-uumpisang pag-ikot ng ferris wheel.

Nang matapos kami sa ferris wheel ay nagyaya naman sila sa roller coaster.Medyo mahaba ang pila kasi ngayon lang nagkaroon ng roller coaster sa perya dito. Naka-pwesto ito sa bakanteng lote sa dulong likuran ng munisipyo.

Medyo takot akong sumakay sa roller coaster,nung nasa US kasi kami niyaya ako ng mga pinsan ko sa carnival at sumakay kami nito pero sobrang nahilo ako at halos masuka pa ako nung bumaba kami. From then on, natakot na ako at hindi na ako muling sumakay pa ng roller coaster.

Ngayon hindi ko alam kung sasakay ba ako. Nahihiya naman ako sa kanila kung magba-back out ako. Siguro kailangan ko na ring harapin ang takot ko.

Bahala na.

Natapos na yung unang batch ng mga sumakay kaya kami na ang susunod.Kinakabahan talaga ako nung makasakay na kami pero nung hawakan ni Onemig ang kamay ko ay medyo kumalma na ako.

" Are you nervous?" may pag-aalalang tanong nya.

" A bit." I answered .Mas hinigpitan na lang nya ang hawak sa kamay ko na parang gusto nyang sabihin na wag akong mag-alala dahil kasama ko sya.

Pumikit na lang ako ng magsimula ng gumalaw ang roller coaster hanggang sa pabilis na ng pabilis.Bigla akong sinalakay ng kaba,buti na lang hawak nya ang kamay ko pero yung pamilyar na pakiramdam ng pagkahilo na parang nasusuka ay naramdaman ko na naman.Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Onemig ng bumaba na kami.

" Ali are you alright?" nag-aalalang tanong nya.Dinama nya ang noo ko at gayun na lamang ang pagka-mangha nya ng masalat nya ang malamig na pawis mula roon.

" Oh my God! Aliyah!" halos buhatin na nya ako ng manlupaypay ako.

" Na-hi-hi-lo a-ko Uno!" yun lang ang tanging nasabi ko at naramdaman ko na lang na binuhat na nya ako.

" Besh!"

" Besh ano nangyari sayo? Besh!"

" Dalhin na natin sya sa kotse Onemig!"

" May white flower ako dun sa bag ko,ipaamoy natin sa kanya."

" Bumili ka ng tubig Jake dalian mo!"

Naririnig ko ang pagkataranta nila.Nararamdaman kong lumalakad kami patungo sa pinagparadahan namin ng sasakyan.Hindi ko maidilat ang mata ko,parang any moment ay magsusuka na ako.

Maingat akong iniupo ni Onemig sa back seat.Pinaamoy sa akin ni Richelle yung white flower at ng mahimasmasan ako ay pinainom naman ako ni Anne ng tubig na binili ni Jake. Punong-puno ng pag-aalala ang mga mukha nila.

" Guys,I'm okay now.There's nothing to worry about.Thank you."

" Besh pinag-alala mo kami ng husto.Gusto mo bang umuwi na tayo?" tanong ni Richelle.

" No! Nakakahiya sa inyo.I'm okay , magpapahinga lang muna ako dito.Bumalik na kayo dun. Sayang ang mga binili ninyong tickets para sa mga rides. Susunod na lang ako sa inyo mamaya." pagtataboy ko sa kanila.Ayoko namang masira ang gabi nila ng dahil sa akin.

" Sige pero sasamahan ka daw ni Onemig dito." tugon ni Richelle. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Hindi sila mapapahinuhod kung magmamatigas pa ako.

Nang makaalis na ang apat ay pumasok na si Onemig sa kotse at tinabihan ako.Kinuha nya ang kamay ko at kinulong sa kanyang palad.

" God I'm so worried about you.Are you sure you're fine now?" puno ng pag-aalala ang boses nya. Para pa ngang may takot akong nababasa sa mga mata nya.

" I'm fine now Uno,really. Sorry hindi ko nasabi na may phobia ako sa roller coaster. Akala ko ready na akong harapin ang fears ko.Sorry kung pinag-alala ko kayo." napayuko ako sa huling tinuran ko. Inangat nya ang baba ko at tinignan ako sa mga mata.Naghinang ang mga paningin namin at napakarami kong emosyon na nabasa sa mga mata nya.Pinagdikit nya ang mga noo namin na hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Halos maduling na nga ako sa sobrang lapit ng mukha namin.

" Je deviens fou si quelque chose de mal t'arrive mon amour."

Oh no! Not again.