Chapter 160 - Peace

Aliyah's Point of View

" Liyah may meeting ang youth club natin mamayang hapon dyan sa basketball court, sasama ka ba?" tanong ni Richelle sa akin. Nasa terrace ako at nagbabasa ng pocketbook nung dumating sya, katatapos ko lang mag-lunch.

" Bakit kasali pa ba ako sa youth club natin? " tanong ko rin. Hindi ako umuwi last summer kaya baka tinanggal na ako sa pagiging officer ng club.

" Oo naman! Hindi pa naman nag-election ulit kaya isa ka pa rin sa mga officers ng youth club." paliwanag nya.Ako ang treasurer ng youth club at ako rin ang naging muse ng basketball team ng Sto.Cristo.

" Sige sunduin nyo ako mamaya kung pupunta kayo."

" Ok. Sige uuwi na ako, kita na lang tayo mamaya."

" Sige ingat beshy."

Pagkaalis ni Richelle ay itinuloy ko na ang pagbabasa ko. Nasa kasarapan ako ng pagbabasa ng may maulinigan akong nagtatawanan sa kabilang bahay. Yung bakanteng lote kasi na katabi nung kila mommy ay may bahay na, hindi tulad noong bata sila na malalayo ang pagitan ng mga bahay. Ngayon marami ng bahay dito sa dulo, kung tawagin nila dati ang lugar na ito. At mga naging kalaro namin nila Richelle yung halos lahat ng mga batang bagong lipat lang noon dito sa dulo.

Ang ingay naman ng mga tao sa kabila. Ano bang meron?

Tumayo ako at pumunta sa may bakod sa gilid. Sinilip ko ang katabing bakuran, kila Gilbert yon, isa sa mga kababata at kalaro din namin noon.

Nakita ko na kumakain sila. Boodle fight, kasama ang barkada nya. Tatlo silang boys at may dalawang girls na kasama.Kilala ko rin ang mga boys, mga kababata ko rin sila maliban sa dalawang babae na ngayon ko lang nakita.

" Hi Liyah! Come join us here." tawag ni Gilbert ng mapansin nya ako.

" No, thanks. I had my lunch already." nakangiti kong turan. Medyo umasim ang mukha ko ng biglang sumulpot ang isang barkada nya galing sa loob ng bahay, may dalang softdrinks at pitcher na may yelo. Ngumisi sya ng makita nya ako.

Oh that famous grin! Nakakainis!

Inirapan ko sya at lumayo na sa bakod. Naalala ko yung pag wink nya sa akin nung nasa fast food kami nung isang araw. Ang kapal lang.

Sus kunwari ka pa Aliyah eh nagwapuhan ka naman sa kumag na yan.

Tse! Ito talagang isip ko kumokontra na naman sa akin.

" Sayang! Ang ganda na ng view kanina nawala pa nung dumating ka.Hanggang ngayon ba naman pareng Onemig magkaaway pa rin kayo ni Liyah?" dinig kong sabi ng isa sa mga kababata namin, si Bidong.

" Wala naman akong ginagawa ah. Hindi ko naman sya inaaway, sya lang naman yung mataray sa akin hanggang ngayon." dinig kong sagot nya.Umupo ako para hindi nila ako makita. Pakikinggan ko kung ano pa ang sasabihin nya.

" Eh kasi naman pare lagi mo syang inaasar noon kaya yun na ang tumatak kay Liyah hanggang ngayon kaya hayun tinatarayan ka pa rin nya." sagot naman ni Itoy.

" Gusto ko na ngang magkaayos kami,hindi na tayo mga bata kaya lang sinusungitan pa rin ako kahit nakangiti naman ako sa kanya." dinig kong sabi nya na medyo tinamaan ako ng konti. Konti lang naman.

"  Baka naman pare yung ngiti mo eh yung famous grin mo na parang may pagnanasa kaya naiinis pa rin sayo." turan ni Gilbert.

Tama ka dyan Gilbert,nakakairita nga!

Narinig ko na nagtawanan sila.Tapos bigla na ulit tumahimik, siguro kumakain na ulit sila.

" Pero alam mo pare bagay kayo ni Aliyah. Isang gwapo at isang maganda. Match made in heaven." pang-aasar ni Bidong.

" Hoy Bidong parang wala ako sa harap nyo ah!" sita nung isang babae na hindi ko kilala.

" Sorry Kristel nang-aasar lang ako."

So iyon pala yung Kristel.

" Tigilan nyo na nga yan nagseselos na si Kristel. Kain na lang tayo." dinig kong sabi ni Onemig. So sila na nga siguro. Biglang parang may dumaang konting kirot sa puso ko sa nalaman.

Hala bakit?

Hoy heart wag kang pasaway kaaway ko yun,wag dun!

****

Hapon na at nasa basketball court na kaming lahat na kabataan ng Sto.Cristo.Pumwesto kaming tatlo sa bleacher sa gawing kanan. Namataan ko sila Gilbert na nasa kaliwang bleacher naman. Hindi ko nakitang kasama nila ang herodes,siguro kasama yung Kristel na yun. Pero ano nga bang paki ko sa kanilang dalawa?

Nagsalita na ang pangulo ng youth club na si Coco, Nicholas Bermudez ang real name nya. Gwapo at matangkad din sya pero may pagka-suplado ang datingan.

" Nagpatawag ako ng meeting dahil marami tayong activities na gagawin ngayong summer. Tuwing summer lang naman tayo kumpleto kaya naisip ko na mas magandang ngayon na natin umpisahan ang mga naudlot na proyektong pangkabataan dito sa baranggay natin. Una yung paglalagay ng mga cctv sa bawat sulok at pagdagdag ng mga ilaw sa poste."

" Wait lang pres. Di ba dapat ang baranggay officials na ang gumagawa nyan? Mga kabataan pa tayo, saan natin kukunin ang budget nyan?" tanong ng vice president na si Lea Valdez.

" Buti natanong mo yan. Alam naman natin na marami ng inaasikaso ang baranggay kaya yung request ng mga tao ay hindi pa napagbibigyan. Sinangguni ko yan sa kanila dahil tayong mga kabataan ang higit na nangangailangan ng cctv at dagdag na ilaw sa poste para sa kaligtasan natin kung ginagabi tayo sa daan. Hanggang ngayon ay wala pang aksyon, mabuti na lang may nagmagandang loob na tumulong sa atin kaya matutuloy na ang project na yan."

" Wow sino naman yun pres at ng mapasalamatan." singit ng secretary na si Sarah San Bueneventura.

" Pasalamatan nyo na lang si Aliyah, daddy nya ang nagbigay ng tulong. But I personally thanked him the other day bago sila lumuwas ni tita Laine." wika ni pres Coco.

Si daddy? Hindi ko alam yun ah!

Natuon sa akin ang atensyon ng lahat dahil sa sinabi ni Coco. Namataan ko sa sulok si Onemig kasama yung si espasol. Nakatingin sya sa akin at ng magtama ang tingin namin ay ngumiti na naman sya. Nag-aalangan ako kung ngingitian ko ba sya pabalik. Naalala ko kasi yung sinabi nya kanina kila Gilbert na gusto na nya kaming magkaayos. Pero nahihiya naman ako kung ngingitian ko sya.Konting pakipot muna.

Pinanatili kong blangko lang ang expression ko para wala na lang syang masabing kung ano.

Nagpatuloy ang meeting. Mayroon daw idadaos na pa-bingo para makalikom ng pera para sa ibang proyekto. Magkakaroon din ng sayawan at magbebenta ng ticket sa ibat-ibang baranggay para sa gustong dumalo, ang mapagbebentahan ng ticket ay mapupunta sa pambili ng school supplies para sa mga mahihirap na kabataan.

Ang huling activity ng youth club ay ang pagsaling muli ng baranggay namin sa paliga ng basketball ng bayan. Nagulat ako ng mag-announce si pres Coco tungkol sa parada ng mga team.

" Si Aliyah pa rin ang muse ng Sto.Cristo team pero iba na ang escort nya ngayon, nagbunutan kanina kung sinong player ng team ang magiging escort  at ang nabunot namin ay si Onemig Arceo."

Nagulat ako ng husto. Naman. Bakit sya? Hindi pa kami bati. I mean hindi pa kami ayos.

Pasimple akong tumingin sa pwesto nya. Nakita kong nakangiti sya ng malapad at nakasimangot naman si espasol.

Hala bakit kaya parang ang saya nya? Hindi kaya may maitim na binabalak ang herodes na to laban sa akin?

Ang sama mo Aliyah! Hindi ba pwedeng masaya lang sya dahil escort sya? Ang paranoid mo!

Tila napahiya naman ako sa sarili ko. Tama nagiging paranoid na yata ako,so far, wala pa namang ginawang masama sa akin ang herodes na yun bukod sa pang-aasar.

Sorry naman!

Nang matapos ang meeting ay nagkaroon ng konting salo-salo. May nagpadala ng ilang bilaong pansit palabok at mga kakanin.

Habang kumakain ay panay ang tukso sa akin ng dalawang kaibigan ko.

" Naku besh siguradong bagay na bagay kayo ni Onemig sa parade. Excited na ako! Sana liga na." kinikilig pang wika ni Richelle.

" Heh! Baka kamo parang aso't pusa na naman kami dun.Siguradong aasarin lang ako nung herodes na yun!"

" Mukha namang hindi besh. Tingin ko parang gusto na nga ni Onemig ng kapayapaan sa pagitan nyong dalawa." saad muli ni Richelle.

" Oo nga. Parang yun ang dinig ko sa usapan nila ni kuya Gilbert." turan naman ni Anne. Napaisip ako.Pinsan nga pala nila ni Richelle si Gilbert malamang nasabi na rin ni Gilbert sa kanya.Si Gilbert ay anak ni tita Annie ang ate nila tito Pete at tito Wil, mga bestfriend ni daddy at mga tatay naman nitong sila Richelle at Anne.Ang mommy ni Richelle ay si tita Rina at si tita Candy naman na pinsan ni mommy ang mama ni Anne. So basically, magpinsan si Anne at Richelle sa father side at kami naman ni Anne ay magpinsan sa mother side. Kaya kaming tatlo ay super close dahil na rin sa ang mga magulang namin ay matalik na magkakaibigan simula pagkabata hanggang sa ngayon.

Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko si Anne.I heaved a sigh. Siguro nga panahon na para magkasundo na kami. Kung hindi naman nya ako aasarin hindi ko rin naman sya tatarayan. Tama sya hindi na kami mga bata para mag-asaran.

" Alright! Tama kayo. Maybe it's about time na magkasundo na kami. Hindi na tayo bata para sa mga ganung immature na gawi. Basta hindi na nya ako aasarin ok na ako dun." pinal kong sambit.

" Yes! Yes!" tuwang sigaw ni Richelle.

" O bakit naman sobrang ligaya mo yata besh?" puna ko.

" Syempre naman shipper ako ng AliOne eh."

" Hehe.para kang sira besh. Seryoso? " natatawa kong sabi.

" Bagay naman ah.AliOne. Parang aliw na aliw lang."

" Ewan sayo! Bilisan na nga natin magdidilig pa ako ng halaman."

" Ayiee! Nangangamoy love team!" tuloy pa rin sila sa panunukso at hindi inintindi ang sinabi ko.

" Tse! Tigilan nyo na nga ako!" kunwari ay galit kong bulyaw pero nginitian lang nila ako ng may halong pang-aasar. Hinayaan ko na lang sila at magsasawa rin sila.

Pero bakit parang medyo kinikilig din yata ako?

Anong medyo lang! Kinikilig ka talaga noh!

Oo na! Kinikilig na.